webnovel

6

CHAPTER SIX

Labyrinth And The Lion

YOU WILL never know what will happen to you later or tomorrow. Walang kasiguraduhan ang buhay, lalo na't hindi mo alam kung anong mangyayari maya-maya o kaya'y kinabukasan.

I'm a thief, a deceiver, a bad person and I'm trapped now.

"I found the thief!" Mayabang na wika ng guwardiyang humihila sa akin sa gitna ng magulong paligid.

Blankong napatingin sa amin ang iba pang bantay, nagtatanong ang kanilang mga mata kung ako ba talaga ang magnanakaw o nahuli lamang akong basta-basta.

Pinipigilan kong umiyak, pinipigilan kong matakot. It's not the right time to show my weakness now.

"Liar. She's just a random girl of District 2!" saad ng isang guwardiyang lumapit sa amin. Wala itong emosyon at bigla na lamang ako nitong hinila sa buhok.

"AARGGHH!" sigaw ko sa sakit ng hilahin ako nito bigla papasok sa isang truck at itinulak ako sa loob. Nasubsob ako sa sahig nito at tuluyang napahiga dahil sa sakit.

"She's just a random girl, but she's my type." saad ng guwardiyang tumulak sa akin at malakas na isinara ang pinto ng truck.

I'm stuck inside.

Napakadilim sa loob ng truck, kahit nakabukas ang mga mata ko habang nakatingin sa taas ay wala akong maaniag.

I closed my eyes and took a deep breath. Pagkatapos ay dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata atsaka inilibot ang paligid.

I can now see everything, pakiramdam ko ay nag-iba na naman ang kulay ng mata ko. Nangyayari ito tuwing pinipilit kong makakita sa isang napakadilim na lugar na kahit sino ay hindi makakakita. My eyes changed it's color, and I can now see everything clearly like it's presumably bright.

Mabilis ang aking paghinga habang pinagmamasdan ang paligid.

May malalaking kahon sa pinakadulo kasalungat ng pintuan, pwede akong magtago roon dahil alam kong kasya ako doon. But how, I can't even bend my knees right now!

"Oh shit!" napabangon ako ng may biglang kumatok sa gilid ng sasakyan, pagkatapos ay naramdaman kong umandar ito papaalis. I panicked, shit! Where are they taking me? I'm trapped inside and I don't know how to escape.

Masyadong masakit ang aking ulo, katawan at tuhod upang tumakas. But it didn't stopped me para tumayo at subukang sipain ang pintuan. Lumikha ito ng malakas na ingay, alam kong mabubulabog ang sinumang makarinig niyon, ngunit hindi huminto ang truck at patuloy lamang itong umandar.

I kicked the door again, kahit na masakit ang aking mga paa ay ginawa ko iyon. I knocked hard, hanggang sa napaupo na ako dahil walang nagbukas. Hindi huminto ang sasakyan, mukhang madadala nila ako kung saan man sila paroroon.

Can I just die now?

Mula sa aking kinauupuan ay nakakita ako ng isang basag na bote. Maaaring alak ang laman ng mga kahon! Iika-ika ko itong pinuntahan atsaka marahas na binuksan.

I can freely move because I can see everything.

Hindi mga alak kundi mga salamin! Why are there big mirrors here? Mula sa kadiliman ay nakita ko ang aking sarili. You may think I'm crazy because I guess I am, but I'm really seeing myself inside this dark damn truck.

Madungis ako, punit punit din ang pantalon ko dahil sa ilang beses na paghila sa akin at pagkadapa ko kanina. Dumudugo din ang aking mga tuhod, ang aking kamay ay may mga pasa, magulo ang aking maalon at mahabang buhok, at marumi ang aking mukha.

"What happened to you.." bulong ko sa aking sarili sa harapan ng salamin.

Naalala ko ang nangyari kanina.

"MAY PATAY! MAY PATAY!"

We are not murderers, we don't kill. Sa kasamaang aming ginagawa ni hindi pa namin naisip ang pumatay para lamang mabuhay. Kung may namatay nga sa lugar na iyon, sigurado akong wala sa amin ang may gawa noon.

Nakauwi kaya ng maayos si Laura at Marcus? How about my Lola? Maayos kaya siya ngayon? How about the people in the streets? Paano ko sila ngayon maiaahon, kung maging ako'y nasa matinding panganib.

"We have arrived!"

Dinig kong sigaw ng driver, dahil nasa harapan akong parte sa loob ng truck. Where are we now? Where the hell am I now?

"Open the gates! The officials has arrived!"

"Open the gates!"

Dinig na dinig mula sa labas ang sigaw ng tila mga bantay sa gate. Narinig ko ang pagbukas ng malaking gate dahil masyado itong malakas, at kung hindi ako nagkakamali tanging ang palasyo lamang ang mayroong ganito.

Are we entering the palace now?

Ngayon, mas nasiguro kong nasa panganib nga ako. Hindi nga ako pwedeng maka-apak sa ikalawang distrito, paano pa kaya sa Palasyo? I would die before I get a step even at the pathway of the Palace.

It's too precious, and I don't belong to any place like this.

"On the way!"

"On the way to the Palace!"

Lumakas ang pagkabog ng aking dibdib, hindi nga ako nagkamali. Patungo kami sa Palasyo! I need to escape, hindi ako pwedeng mahuli ng mga guwardiya dahil siguradong papatayin nila ako!

Beggars are not allowed in the Palace, and I'm a beggar. I'm one of the poorest people in the Kingdom of Eufrata, I'm just a dust in this firmament.

"Open the trucks! Get the packages! Bakit hindi natuloy ang balak ninyo sa District 2?"

"Nagkagulo eh. Naging magulo ang mga tao, may mga salot na nakapasok. Nagkaroon daw ng nakawan at patayan, kinakailangan umalis ng mga opisyal bago pa may mangyari."

"Ganoon ba? Nahuli ba ang mga salot?"

Salot.

"Hindi eh. Mukhang galing na naman sa unang distrito."

"Ang mga hampaslupa talagang iyon!"

Hampaslupa.

Napa-hawak ako ng mahigpit sa salaming nasa aking harapan. Maaaring kami nga ang pinakamahirap na tao sa Eufrata, ngunit wala silang karapatang maliitin kami ng ganoon-ganoon na lamang. We are also humans, not just any salot, and hampaslupa. We are also people of Eufrata!

"Ilabas na ang mga package! Nasaan ang mga salamin?"

"Nasa truck na ito!"

Bigla akong kinabahan. Shit. shit. shit. What the hell should I do? Anong gagawin ko, nasa truck na kinaroroonan ko ang mga salamin.

Bago pa nagbukas ang malaking pintuan ng truck ay nakatago na ako sa isa mga malalaking kahon. Isang napakalaking liwanag ang tumama sa loob ng truck, nasa loob na ako ng kahon ngunit sumakit pa rin ang aking mga mata dahil sa liwanag. I am somehow shocked dahil nakapagtago ako sa loob ng kahon ngunit dahil sa inaasam na kaligtasan ay hindi ko na iyon prinoblema.

I closed my eyes, at nang buksan ko iyong muli ay bumalik na sa dati ang aking paningin. Sigurado akong bumalik na rin sa dating kulay ang mata ko.

"Hakutin na ang mga kahon at ipasok sa palasyo!"

Napapikit ako at tahimik na nanalangin na sana ay huwag akong mahuli nang magsimulang hakutin ng mga trabahador ang kahon.

"Ang bigat ng isang to!" reklamo ng taong may hawak ng kahon ko. Sana naman ay huwag na nilang buksan, siniguro kong maisara ng mabuti ang kahon pagkatapos kong pumasok. Mula rin sa loob ay doon ko tinali ang lubid.

"Puro ka reklamo! Kung hindi mo kaya magsabi ka lang at nang matanggal ka na sa trabaho!"

"Pasensya na po."

I suddenly felt sad. Maging sa palasyo ay hindi din pantay ang turing ng ibang tao, people with high positions treat lower people like shits. Hindi nila maalalang ang mga ito ang bumubuhay sa kanila habang sila ay prenteng nakaupo lamang sa kanilang kinalulugaran.

Alam kong nagtataka ang may dala ng kahon na kinalalagyan ko dahil mabigat ito kumpara sa ibang kahon kaya naman naramdaman kong bahagya itong huminto at ibinababa ang kahong kinalalagyan ko.

Muling kumalabog ang puso ko.

"Nasaan ang babae dito?"

Kung kanina ay kumalabog lamang ngayon ay nagkarera na. Tinig iyon ng guwardiyang nagtulak sa akin sa loob ng truck!

"Anong babae? Walang babae diyan! May sekreto ka bang ipinapasok sa palasyo?" tinig ito ng babaeng kanina pa nag-uutos sa mga trabahador.

"Wala madam. Pasensya na."

"Balik na sa trabaho!"

Muling binuhat ang kahong kinalalagyan ko, saka ako napahawak sa aking tainga at ulo.

Bakit ko naririnig ang mga bagay na ito? Sagrado ang loob ng truck kanina, at imposibleng makarinig ako sa loob. Ngunit bakit malinaw ko silang naririnig?

"Ay put-" dinig kong mura ng may hawak sa kahon ko ng bahagya akong nagpanic, kaya naman sigurado akong nagalaw ang kahon. Napapikit ako at pinilit na ikalma ang sarili.

Mas marami pang problema ang dapat kong solusyonan kaysa sa panibagong abilidad na natuklasan ko.

Is this another gift of mine?

Tahimik akong nagdasal na sana ay magamit ko ng maayos ang mga abilidad ko at huwag akong ma tanga, dahil nakaka praning ang mga nangyayari sa akin ngayon.

Noon, nakakakita ako ng mga bagay na hindi basta bastang nakikita. Ngayon naman, nakakarinig ako ng mga bagay na hindi dapat naririnig. Now, I'm really crazy.

"Saan po ang kahong ito?" tanong ng may buhat sa aking kahon.

Muli na naman akong kinabahan, saang lugar na kaya ako sa palasyo napadpad? I've never been to the palace before, maswerte na ang ibang taga lansangan dahil nakapagtrabaho sila sa palasyo bago mapalayas ngunit ako ni minsa'y hindi pa nakakaapak sa palasyo magmula ng mapalayas kami. Dahil tila nagbago ang lahat, hindi na ito tulad noon. Hindi na kami maaaring pumunta sa palasyo, at walang sinuman sa aming mahihirap ang nakakaalam kung bakit.

"Sandali, mukhang iyan ang salamin na inaantay ni Prinsipe Zavan! Ihatid mo na lamang sa baba, huwag kang aakyat at baka mapalayas ka roon ng mali sa oras." tinig ito ng isang matanda.

Prinsipe Zavan?

"Opo."

"Ako na lamang ang magbabantay." muling saad ng matanda.

Bakit kailangan niya pang bantayan? Hindi tuloy ako makakatakas!

Nagpatuloy sa paglalakad ang may buhat sa akin sa hindi ko alam na parte ng palasyo hanggang sa maramdaman kong ibinaba ako nito.

"Sige na, ako na muna ang magbabantay bago dumating si Zavan sa pag-eensayo." tinig itong muli ng matandang babae.

"Mauna na po ako."

Paalam ng lalaki.

Nakahinga ako ng maluwag, hindi ko alam kung saang parte na ako ng palasyo pero kailangan kong makatakas. Ngunit paano ko iyon magagawa kung nakabantay ang matandang ito sa akin?

Ilang minuto pa akong naghintay na mawala ang presensya ng matanda ngunit hindi talaga ito umalis.

"Lumabas ka na riyan."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat, ako ba ang tinutukoy ng matanda? Kung ako nga ay paano niya nalaman na naroon ako't nagtatago?

"Lumabas ka na bago ka pa mabuksan ni Zavan." pag-uulit nito. Mukhang ako nga ang kausap.

WHAT? WHAT THE HELL?

Próximo capítulo