°||° Zein's POV °||°
____________
// mall //
Nandito na ko ngayon sa mall at hinihintay nalang sila. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung sino yung lalaki na napanaginipan ko. Kakaloka magkakatotoo ka ya yun!?
Bumuli muna ko ng Milktea at tinext ko sila Riana kung nasaan na sila...
Maya-maya ay nag reply sila sakin na hindi daw makakasama sila fabelle at riana kaya si lara nalang daw ang makakasama ko
_________________
°||° Lara's POV °||°
Nandito na ko sa mall at nakita ko si Zein na nag mimilk tea at nag cecellphone
Tumakbo ako papalapit sa kanya ng may naka-bunggo sa akin.
Tinignan ko na man kung sino ang naka-bunggo sakin at laking gulat ko ng makita sya
"Ikaw!?!?!?" sabay naming sinabi sa isa't isa
Napaka-malas naman ng day ko oh, yung lalaking na sa arcade pa yung naka-bunggo ko!! Hayysss
"oo ako bakit!?!? May reklamo ka hah! Sayo ba tong mall hah!?MR. SUPOT!! " sigaw ko sa kanya
"Hoy babae, hindi ako supot, gustl mo i-try ko pa sayo!!" sabat naman ng lalaki sakin
"Ewwwwwsss wag na mala-kikiam lang naman yan eh" Banat ko naman sa kanya, akmang sasagot pa sya ng bigla akong tumakbo papunta kay Zein
________________
°||° Zein's POV °||°
Nandito na si Lara sa harapan ko at hingal na hingal
"Lara bat ka ba hinihingal!?Tumakbo ka ba!? " pag tatanong ko sa kanya
"Malamang tumakbo, May hinihingal bang nag lalakad" banat naman nya sakin..
"Pilosopo ka talaga! Bakit ka ba tumakbo!?"
"Sana gugulatin kita ng mabunggo ko yung MR. SUPOT"
sagot nya sa akin
"umorder ka muna ng milktea, libre kita" sabi ko sa kanya dahil hingal na hingal parin sya at umorder na
Ng maka-order na sya ay bigla ko ulit syang tinanong
"pag katapos nyong mag ka banggaan ano nang yari!?" tanong ko sa kanya
"wala, nag sagutan lang kami tapos bigla akong tumakbo para di na ulit sya maka-pag salita"
"Alam mo Lara bagay kayo!" pag sabi ko sa kanya habang kinikilig
"Anong bagay kami!? Supot kaya yun!" pag depensa naman nya sakin
"Bakit nakita mo na ba yung sa kanya " pag banat ko sa kanya at tumatawa
Wala masagot si lara kaya iniba ko nalang ang usapan
"Owwss tara na nga lang at bumili ng mga gamit" pag aya ko sa kanya
___________________
Nandito na kami ngayon sa isang botique para bumili ng kakailanganin ko sa bakasyon namin
Bumuli ako ng mga sunglasses at mga damit na pang beach bumuli na rin ako ng bag dahil malapit mg masira ang isang bag ko
Habang si lara naman ay bumuli ng mga pang tiktok na gamit
Nasa counter na kami ngayon at binabayaran ang mga binili namin, ng may narinig akong matandang babae na nakikipag sagutan sa mamang guard
Nang matapos ko ng bayaran ang pinamili ko, lumapit kami ni lara sa matanda at sa guard para tanunging kung anong problema
"oum guard ano po ba ang problema!?" pag tatanong ko sa mamang guard
"bigla nalang po kasing hindi nag bayad yung matanda sa mga pinamili nya" sagot sa akin ng guard
"oum how much po ba!?" tanong namin ni lara sa guard
"10,000 pesos po ma'am"
Nang marinig namin yun ni lara ay nag bigay kami ng tig 5000 sa mamang guard para mabayaran ang pinamili ng matanda
"oh ayon po 10k na po yan, pakawalan nyo na po yung matanda" sabi ni lara sa guard at pinakawalan naman Ito
"oum lola, ihatid na po namin kayo sa bahay nyo" suhestiyon ko kay lola
"maraming salamat mga anak pero wag na malapit naman ang bahay ko dito"
"ah ganon po ba sige, eto po yung contact number namin incase of emergency po, tawag lang po kayo" at binigay namin ang contact number namin kay lola
Papaalis na sana kami ni lara sa matanda ng tawagin kami
Agad naman kaming pumunta ulit sa matanda at tinanong kung bakit
"bakit po lola" tanong namin ni lara sa matanda at may inabot samin na wooden earing
"pasensya na mga anak, at yan lang ang kayo kong isukli sa inyo" sabi ni lola
"ahh ok lang po yun, ang ganda nga po eh" pag papa-salamat namin ni lara
"lagi nyo yang susuutin para maprotektahan kayo sa masasama"
Tumango nalang kami at umalis na ang matanda
_________________
Nandito kami ngayon ni lara sa Mr. Softie para bumuli ng ice cream at inorder anv oreo ice cream
Ng matapos namin kainin yun ay nag paalam ako kay lara na mag kita na lang kami sa Salon dahil kanina pa ako na pee-pee.
Nag elavator na lang ako papunta sa 2nd floor dahil hindi ko alam kung nasaan ang cr sa 1st floor, nang makarating ako sa 2nd floor agad kong hinanap ang cr at nag pee
Pagka-tapos kong mag pee naalala ko na naiwan ko ang mga pinamili ko sa 1st floor at pumunta agad ako sa elavator
Pipindutin ko na sana ang close ng may kamay na humarang sa elavator at pumasok
Agad ko naman tinignan kung sino yun at tila nag slow-mo ang lahat ng nasa paligid ko ng makita yung mukha nya
Biglang tumibok ng malakas ang puso ko, napaka ayan na naman yung puso ko
Shit! Kamukha nya yung nasa panaginip ko, yung lalaki!!!
Self, kalma ka lang ok.. Inhale!! Exhale! Gosh ewan ko kung anong gagawin ko!!
He's wearing Black Hoodie and jogging pants while his hair is brushed up
Tinignan ko sya sa mata nya and shet! Our eyes met, for the second time but this time real world na!
Papalapit sya na papalapit sakin habang ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa wala ng maatrasan at pumikit nalang
"excuse me miss, yung buttons na haharangan mo na" sabi nya sakin at pinindot ang isang button
Wewwws kala ko kung ano na natatakpan ko lang pala ang buttons
Bigla ko nalang naalala na naiwan ko pala ang mga gamit ko sa 1st floor at tinext ko nalang si lara kung nakuha nya ang mga gamit ko, laking pasalamat ko nalang ng sinabi nyang nakuha nya.
Bigla namang namatay ang ilaw sa elavator at umiyak na lang ako dahil takot ako sa dilim
Nagulat na lang ako ng binigyan ako ng lalaki ng tubig
Tinanggap ko naman yun, magiging choosy pa ba ako eh nauuhaw na ko sa kakaiyak
Wala paring ilaw hanggang ngayon ang elavotor at di gumagalaw.
Itetext ko sana si lara ng tignan ko ang phone ko at walang signal
"Don't worry miss, may cctv naman makikita nila na na-stuck tayo dito" sabi sakin ng lalaki
Di nalang ako nag salita dahil di ko alam kung ano isasagot ko
Ilang minuto ang nakalipas bumukas na rin ang elavator at nakita ko naman si Lara na nag aalala at may isa ring lalaki na nag aalala, familiar yung mukha nya
"Zein ayos ka lang ba!?" tanong sakin ni lara
"oo ok lang ako" sabay yakap kay lara
"Zaeinder ok ka lang ba!?" tanong ng lalaki sa kasama ko sa elavator
1gig
Bigla naman akong napatingin sa dalawang lalaki ng marinig ko ang pangalan
Wait. Ano yung narinig ko!? Za-Zaeinder!? Ang pangalan nya ay zaender!? So sya nga talaga yung lalaki na napanaginipan ko!?!?
___________________
A/N:love you guys yan na muna
Love you
Dont forget to vote and follow me.!!