HUMINGA muna ng malalim si Archer bago siya bumaba sa kanyang sasakyan. Medyo kinakabahan siya pero kailangan niya itong gawin. It's now or never.
Nakangiting pinagmamasdan ni Archer ang box ng necklace nang makababa siya sa sasakyan. "Magugustuhan niya kaya ito?" Tanong pa niya sa sarili.
Huminga muna uli siya nang malalim bago niya sinimulang maglakad.
Pero nakatatlong hakbang pa lamang siya, hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan, he witnessed Yana offered a hug to James. They hug tightly. Nakuha pang tapik-tapikin ni Yana ang likod ni James while they are hugging each other. "Yana is smiling," Archer in his thought.
Biglang bumigat ang nararamdaman ni Archer at medyo namumuo na ang luha sa kanyang mga mata. Napahigpit na rin ang kanyang hawak sa necklace box na nasa kamay niya.
Mabilis na lang din bumalik si Archer sa kanyang sasakyan and he started the engine. Baka kasi makita pa siya ng dalawa. He can't face them right now.
Madami ang tumatakbo sa isip ni Archer sa kanyang nasaksihan. Masyado kasi siyang nag-expect sa magiging level up ng relationship nila ni Yana lalo na't they already have an intimate night together.
"Kaya pala hindi niya magawang sagutin ang cellphone niya. She's busy… busy kay James," saad pa ni Archer sa sarili habang nagmamaneho.
"I already canceled my flight to Paris. Akala ko naman kaya niya ako pinigilan is for us to start over."
"Or she mean as a friend just like before," medyo mahinang saad ni Archer sa sarili.
Dumaan muna si Archer sa kanyang restaurant to check kung nakaayos ba ang lahat bago umalis ang kanyang mga staff.
After he checked that everything is fine, uuwi na sana siya nang maalala niya na may natira pang canned beer sa kanyang ref sa office niya. He's craving a drink right now. To ease 'yung pain na nararamdaman niya. Kaya minabuti niya na lang muna na mag stay sa office niya. Nilabas niya ang three canned beers sa ref niya.
While drinking, napatingin siya sa couch kung saan nahiga si Yana. Naalala niya ang moment that they have a deep conversation of what really happened in the past. The moment na solo niya si Yana.
"I know I am already one step late," Archer said with his teary eyes.
In the middle of drinking, nag vibrate ang cellphone ni Archer. He checked who was calling him this late.
"Oh, it's Yana," saad pa ni Archer and he ignored the call. "I know na ikukwento mo lang na may relationship na kayo ni James and you will brag about it," dugtong pa ni Archer.
Tumawag ulit si Yana for the second time. Archer ignored the call for the second time.
"Yana, please. Magkaroon ka naman ng consideration sa nararamdaman ko!" Archer said in his drunk voice.
PAGKALABAS nila James at Yana sa Vet cinic, napansin ni James si Archer hindi kalayuan sa kinatatayuan nila.
James also saw na may hawak na jewelry box si Archer at naisip niyang baka magko-confess na ito kay Yana.
After being dumped, James cannot afford to see Yana with Archer.
"Can I have a request?" James asked.
"Oo naman, ano 'yun?" Yana responded.
"Can I hug you?" nilakasan na ni James ang loob niya na sabihin ito kay Yana. It's his only way to chase Archer away.
Nag smile lang si Yana na tumatango-tango. She opened her arms for a hug.
James hugs him tightly. Nag respond naman si Yana sa hug ni James while she's smiling. Tinatapik-tapik pa niya ang likod nito na para bang ibig niyang sabihin na , "Okay lang 'yan."
While hugging each other, nakita ni James na sumakay uli sa sasakyan niya si Archer and drove away. Medyo nakahinga ng maluwag si James at tuluyan na nga siyang nagpaalam kay Yana.
James is the type of guy na who cannot accept a defeat right away. He needs time and good reason. Kaya niya iyon nagawa kay Archer. They need to suffer both.
HINDI mapakali si Yana dahil hindi siya nito pinapansin ni Archer sa mga chat at tawag nito kahit online naman siya. Napapaisip tuloy siya na baka natuloy na ang pagpunta ni Archer sa Paris and she was left alone for the second time. Na wala manlang pasabi.
Napahinto si Yana at bigla niyang naalala ang sinabi ni Archer noong ando'n siya sa office ni Archer. "I won't leave you again."
Mabilis na nagbihis si Yana at nagpunta siya sa bahay ni Archer. Hindi na siya makapaghintay ng kinabukasan kaya gusto na niyang puntahan ito.
"Tita, may pupuntahan lang ako," nagmamadaling paalam ni Yana nang madaanan niya ang kanyang tita na nanonood sa sala.
Hindi na nakapagsalita ang kanyang tita at nagtaka kung saan naman siya pupunta sa ganitong oras.
"Matanda na siya," saad na lang ng kanyang tita sa sarili at muling binaling ang atensyon sa pinapanood niyang drama.
SARADO ang bahay ni Archer nang madatnan ni Yana. Ilang beses man niyang pindutin ang door bell, walang sumasagot.
Halatang wala ring tao sa loob dahil nakapatay ang ilaw nito.
Naalala ni Yana na sa plan ng dream house niya, may secret na daanan para makapasok para in case of emergency.
Hinanap ni Yana sa bandang garage ang secret entrance papunta sa secret room. Para lang itong sink hole pero may hagdanan papasok kapag binuksan mo ito.
Nang makapa ito ni Yana gamit ang kayang pagpadyak-padyak, agad niya itong binuksan at pumasok siya rito. Sinindi niya ang flash light sa cellphone niya dahil madilim ang daanan.
"Archer?" Tawag pa ni Yana nang makapasok siya.
Hinanap niya ang switch ng ilaw at sinindi ito.
Bumungad kay Yana ang empty room. As in empty talaga. Walang laman ang secret room ni Acrher.
Naalala ni Yana na wala rin siyang naiisip na plano pa noon sa secret room. Ang purpose niya lang kasi rito ay daanan para in case of emergency, may iba pa silang way without using the door.
"Archer achieved my dream on his own," bulalas pa ni Yana sa sarili habang pinagmamasdan ang empty room.
Sa empty room na iyon, walang usual na door papasok sa loob ng bahay. Kaya Yana knocked the wall para malaman ang daanan.
Nang mahanap ito ni Yana, tinulak niya ito at bumungad na sakanya ang salas.
Sinindi ni Yana ang ilaw sa salas. "Archer?" sabay tawag niya kay Archer.
Habang nililibot ni Yana ang bahay, tumutulo ang luha nito. Ang nakatanim na kasi sa isip niya ay muling umalis na si Archer at iniwan siya nito.
"Archer!" nagpunta na rin si Yana sa lahat ng rooms ng bahay.
"Archer!" Hanggang sa balcony at gym area, napuntahan na rin niya pero hindi niya makita si Archer.
Matapos ma-confirm ni Yana na wala sa second floor si Archer, bumaba na siya at nakuha pang umupo sa couch sa salas.
Hindi na niya alam ang gagawin niya. Nanlalabo na rin ang paningin ni Yana dahil sa kanyang luha. She regretted not checking her cellphone. Naisip niya kasi na baka kung nasagot niya ang mga tawag at chat ni Archer, mapipigilan pa niya ang pag-alis nito.
HABANG naglalakad-lakad si James at naghahanap ng pwede niyang pag-inuman—he's also craving for a drink, nadaanan niya ang restaurant ni Archer.
He checked the time and it's already late. Kaya nagtataka siya kung bakit nakasindi pa ang ilaw ng kanyang restaurant. Unti 5 pm lang kasi open ang restaurant ni Archer.
Minabuti ni James na i-check ang restaurant ni Archer kung may tao pa ba.
"Is anyone here?" James said nang makapasok siya sa loob.
Masyadong tahimik. Naglibot pa sa loob si James pero wala siyang makitang tao. He also went sa kitchen pero malinis na ito. Wala pa rin siyang mahagilap na tao.
Akto na sanang aalis si James nang may marinig siyang ingay sa office ni Archer. Kinuha muna ni James ang isa sa malaking sandok sa kitchen bago siya pumasok sa office. Hinala kasi niya, nilooban ang restaurant.
Nakaamba ang sandok na hawak ni James habang papalapit siya sa office. Pagbukas niya ng pintuan ng office, tumambad sakanya si Acrher na nagpapakalasing.
"Oh, James," Archer said nang makita niya si James.
"Tatlong can lang 'yang ininom mo and you're already drunk?" James said at pumasok siya sa office.
"I'm not drunk. Alam ko pa ang ginagawa ko," saad lang ni Archer. "You wanna join me for a drink?" Alok pa nito. "Ay oo nga pala, inubos ko na lahat," bawi pa niya.
"Ako dapat ang naglalasing at hindi ikaw," malaman na saad ni James.
"What do you mean?"
"Yana dumped me."
Napahinto si Archer sa sinabi ni James. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na I lose to a slow like you," natatawang saad pa ni James.
Hindi pa rin makapagsalita si Archer sa sinabi ni James. Para siyang nabuhusan ng malamig natubig sa katawan at bigla siyang nausawan. Misunderstanding ang unang pumasok sa isip ni Archer.
"Then, 'yung kanina," medyo hindi makapaniwalang saad ni Archer.
"The hug? That's my last request to her after being dumped," James explained. By this time, tanggap na ni James ang defeat and he wants to straight the facts.
Nanlaki ang mata ni Archer sa nalaman niya. Mabilis niyang dinampot ang susi ng kanyang sasakyan.
"W-Wait! You can't drive like that!" Habol pa ni James.
"I told you, I'm not drunk," Archer said and he went to his car and started the engine.
"It's the least thing I can do for you, Yana," James said nang maiwan mag-isa.
NASA harap na ngayon si Archer sa bahay ni Yana. No one's answering her cellphone. Natatanaw niya rin na nakapatay na ang ilaw sa room ni Yana. Kaya ang naisip niya, baka tulog na ito. Hindi niya rin magawang pang ringin ang bell dahil baka tulog na ang tita nito. It's already late na rin kasi.
Hindi pa naman kayang ipagpabukas ni Archer ang misunderstanding ng dalawa pero he don't have a choice. Malungkot na lang siyang umuwi sa bahay niya. He didn't bother na bumalik sa restaurant. Nag message na kasi si James sa kanya and he's the one na nagsarado sa restaurant.
Nagtataka si Archer nang pagdating niya sa kanyang bahay, nakasindi na ang mga ilaw nito. Inaalala niya kung umuwi rin ba siya kanina.
"I don't think I came home," saad pa ni Archer sa sarili. "Or maybe I'm drunk," natatawang dugtong pa niya sa sarili at bumaba na siya sa sasakyan.
Dumiretso agad sa kitchen si Archer at uminom ng malamig na tubig galing sa ref. Sa pagtungga niya ng tubig, napansin niya na pati mga ilaw sa kwarto sa itaas ay nakasindi rin. Naiwan pang open ang pintuan.
Napailing-iling habang nakakunot noo si Archer sa napansin niya. Inaalala niya kung siya ba ang may gawa. Pero ang last na naalala niya, hindi na niya nagawang umuwi kanina dahil dumeretso siya sa office niya.
After niyang uminom ng malamig na tubig, pinatay na rin niya ang ilaw sa may kitchen. Papatayin na rin sana niya ang ilaw sa may salas nang may biglang gumalaw sa couch. Dahan-dahan siyang pumunta rito. Medyo kinakabahan pa siya habang palapit. Pakiramdam niya may intruder.
Napaatras uli siya nang biglang gumalaw ulit ito pero by this time, natanggal ang kumot sa mukha. Si Yana.
Medyo sinampal pa ni Acrher ang sarili. Baka kasi dahil sa kalasingan kaya niya nakikita ngayo si Yana.
"Aw!" Mahinang saad ni Archer sa sarili nang ma-confirm na totoo nga. Totoo ang nakikita niya.
Nilapitan niya si Yana. Umupo siya sa sahig para mapantay ang mukha niya kay Yana at matitigan ito ng maayos.
"Ginamit mo siguro ang secret door," saad pa ni Archer sa mahinang boses habang tinititigan si Yana.
Dahan-dahang binuhat ni Acrher si Yana pa-bridal at pinunta niya ito sa kwarto sa taas.
Habang inaayos ni Archer ang pagtulog ni Yana, napansin niyang nagising niya ata ito. "Nagising ba kita?" tanong pa ni Archer.
"Nananaginip ba ako?" tanging nasabi ni Yana. Her eyes are half open.
Natawa lang si Acrher sa sinabi ni Yana.
Medyo nag shook pa ng head si Yana. Nakuha pa niyang kagatin ang kamay niya. "Aw!" tanging nasabi ni Yana and she confirmed na hindi siya nananaginip.
Mabilis na napaupo si Yana at mahigpit na niyakap si Archer. Nagising na siguro siya. "Akala ko pumunta ka na sa Paris. Na iniwan mo ulit ako," Yana said habang magkayakap sila.
Kumalas sa pagkayakap si Archer and he deeply kissed Yana. "I won't leave you. I never left you," Archer said after they kissed.
Napasmile lang si Yana sa sinabi ni Acrher and she kissed Archer. A deep one.
Archer started moving his hand inside Yana's blouse while in the middle of their kissing.
-----End of Chapter 10-----