webnovel

CHAPTER SIXTEEN

Napabuntong hininga si Airen nang muling tumunog ang cellphone niya. She almost rolled her eyes when she saw Luigi's name on her cellphone screen. Pang limang tawag na nito iyon para sa araw na iyon. Since the day they had a date at the movie house, bigla na lang itong nag-iba. Noong una, hindi niya pinapansin iyon. Hanggang nitong umaga, he called her more than three times! Kung anu-ano ang itinatanong nito sa kanya. What she was doing, where she was, who she was with, mga bagay na nakakapagparindi sa kanya. Mabigat ang buntong hiningang pinakawalan niya bago sinagot ang tawag nito.

"Hello?" pinilit niyang pasiglahin ang tinig.

"Bakit ang tagal mong sumagot?"

Napangiwi siya. She could almost see the knot in his forehead. "I was busy. Alam mo namang nandito ako sa coffee shop ngayon. Eh ikaw, hindi ba't nasa office ka rin ngayon?"

"Yeah. Medyo busy rin ako."

"Bakit ka nga pala napatawag?"

"I just wanted to check on you. Sa susunod, sagutin mo agad tawag ko ha?"

May paglalambing naman sa boses nito, pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi siya kinilig ng mga oras na iyon. "S-sure. I'm sorry."

"Susunduin kita mamaya ha?"

Napangiti siya. "Lagi mo naman akong sinusundo diba?"

"Antayin mo ako. Huwag ka ng lumabas ng office, baka may makakita pa sa'yong costumer." bilin nito.

Natigilan siya. Isa rin iyon sa napansin niya rito, he had become so possessive. Madali na rin itong magselos. "L-luigi oppa, ano ka ba? Kahit makita nila ako, sa'yo pa rin ako."

Hindi ito sumagot agad. "I'll pick you up later. I love you."

"I love you too." tila wala sa sariling tugon niya.

Nanghihinang napasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Ibinaba niya ang hawak na cellphone at hinilot ang kanyang sentido. Noon may kumatok sa pinto niya. Kumunot ang noo niya. Si Luigi na kaya? "Come in!"

Nabigla siyang makita si Jae. Laglag ang balikat na pumasok ito sa opisina niya. "Airen, have you seen Mabelle?" nag-aalalang tanong nito. He was almost hysterical.

Napataas ang kilay niya. "Bakit mo hinahanap ang kaibigan ko?"

"I have to talk to her."

"Bakit nga?"

"It's..." he trailed off. "It's something that has happened between us." he looked away.

Napangisi siya. "So, this is the reason why I haven't seen Mabelle these past few days. Hindi rin siya tumatawag. May LQ kayong dalawa?" nakakalokong tanong niya.

"She's been avoiding me."

Tumayo siya at nilapitan ito. Tinapik niya ito sa balikat. "Lagot ka. Kakaiba magtampo iyon. Hindi iyon namamansin. I remember, nung nagalit sa akin iyon noon. Hindi niya ako kinausap for six months. Bestfriends kami ha?" umiling iling siya.

Nanlaki ang mga mata nito. "What?"

"Lagot ka—" Hindi natuloy ang pang-aasar niya kay Jae nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa niyon si Luigi na galit na galit na nakitingin sa kanila. Walang salitang naglakad ito palapit sa kanila at mabilis siyang hinila sa kamay palayo kay Jae. Napasinghap siya nang maramdaman ang mahigpit na hawak nito. "L-luigi?"

"Ano'ng ginawa mo rito?" baling nito kay Jae.

"Hinahanap ko lang si—"

"Umalis ka na." hindi man lang nito pinatapos si Jae sa pagsasalita. Nagmamakaawang tinanguan niya ang gulat na gulat na si Jae. Atubiling lumabas si Jae at iniwan sila.

Marahas niyang binawi ang kamay mula rito. "Why did you do that?"

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Makipag-fist shake sa lalaking iyon?"

"What you did was rude."

"Bakit siya nandito, ha?" nag-aakusang tanong nito.

Napailing siya. Mukhang hindi niya magugustuhan ang patutunguhan ng usapan nila. "I don't like the kind of tone you are using, Luigi oppa." she warned.

"I don't like seeing you with that jerk."

"I don't understand! Bakit ka ba nagkakaganyan?" naiinis na siya.

"I don't want to see you with another man."

"He is not another man. Kapitbahay natin siya at kaibigan. What's wrong with you?"

"He likes you."

"No he doesn't."

"Basta, ayokong may kasama kang iba bukod sa akin."

That pushed the button. She disgustingly looked at him. "Why are you being like this?" she frantically shook her head. "Wala ka ba talagang tiwala sa akin?" nasasaktang aniya.

"Get your things. Aalis na tayo."

Pinamulahan siya ng mukha, dangan lamang ay hindi iyon dahil sa kilig kundi dahil sa pagkapahiya at sobrang galit. "Bakit Luigi, wala ka pa ring tiwala sa akin? Ano, feeling mo, kapag hindi mo ako kasama, sasama ako sa ibang lalaki at iiwan kita? Kaya ba tawag ka ng tawag? Kaya ba gusto mo laging malaman ang ginagawa ko pati mga kasama ko?"

"You are unfair!" nagsimula ng bumalong ang luha niya. "Ginagawa ko naman ang lahat para mapatunayang nagsisisi na ako ah? It's not even my fault! I did that because I loved you! Pero ano ito, Luigi? You don't trust me? You still don't trust me?"

"Airen..."

"Lahat ng oras ko, nasa iyo na. Lahat ng gusto mo, ginagawa ko. Kulang na nga lang maging slave ako para sa'yo eh. Pero hindi pa ba sapat? Napapagod din ako, Luigi."

"So, napapagod ka na? Ano, susuko ka na naman ba?" he said in gritted teeth.

"Ayun! Lumabas din! Dahil lang sa isang pagkakamali ko, naging ganito ka? You always bring up the issue of trust. Bakit ikaw, bumitiw ka rin naman noon ah? Umalis ka agad nang hindi man lang pinapakinggan ang paliwanag ko."

"I was hurt. Sinaktan mo ako noon. Galit na galit ako."

"I was hurt too, dammit! Doble ang sakit na naramdaman ko noon dahil nagawa kitang saktan. Galit na galit din ako sa sarili ko. Hindi lang ikaw ang naging miserable." napasigok siya. "Sabihin mo nga sa akin, will you ever trust me again?"

"H-hindi ganon kadali." he looked away.

Nagpatango-tango siya. "Right. Hindi ganon kadali. Kahit pa siguro gumapang ako sa lupa habang humihingi ng tawad sa'yo ay hindi mo ako mapapatawad. Hindi kasi madali."

"You know how hard it has been with me!"

"At sa akin, madali? Alam mo ba kung paano ako natutulog tuwing gabi? I always regret what I have done. I always feel guilty about it. Akala mo ba ikaw lang ang nahirapan noon? Ako din naman ah! Pero Luigi naman, tao lang ako. Napapagod din."

"So, are you saying that you are giving up again?"

"Walang patutunguhan ang usapang ito. Tama nga sigurong itigil na lang natin. You can never love me again. Hanggat hindi mo ako nagagawang patawarin at pagkatiwalaan ulit ay hindi mo ako magagawang mahalin ulit...ng buong buo, Luigi. Buong buo."

"A-are you breaking up with me?"

"No. I am letting you go. Ayokong mas lalong lumala ang sitwasyon natin. This is for the better. You are not the old Luigi I have loved before. I want my old Luigi oppa back."

Natigilan si Luigi nang makitang umilaw ang screen ng cellphone niya. He was in his office. Busy siya sa trabaho dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado niyang inabala ang sarili sa pagta-trabaho. They broke up, that's why. Hindi niya pinigilan si Airen nang makipaghiwalay ito sa kanya. His wounded pride and jealous heart stopped him from doing so. Ni hindi niya rin ito sinuyo o binalak na balikan pa. He thought it was the right decision. It's been two weeks since it happened. Hindi na rin sila naka-attend sa homecoming party.

Marahas siyang napasubsob sa kanyang mesa. It wasn't in his plans. Binalak niyang maghiganti kay Airen. Umuwi siya sa Pilipinas upang isagawa ang plano niya. Pero hindi nangyari iyon. He became happy again. And worse, he fell in love with her again. He was happy whenever he was with her. He knew that he loved her. Hindi niya maipagkakaila iyon.

But something bothered him. He couldn't trust her. He was afraid that if he ever did, baka iwan na naman siya nito. Pinalibutan niya ang kanyang puso ng isang matayog at matigas na pader. He wanted to protect himself. Halos ikamatay niya noon ang ginawa nito sa kanya. His life without her was like living in hell. Para siyang buhay na patay noon. Natatakot na siyang maulit pa iyon. Natatakot siyang iwan siya ulit nito.

Ilang beses na niyang kinastigo ang sarili kung bakit niya hinayaan ang sariling muling makipaglapit kay Airen. Hindi iyon kasali sa mga plano niya. He was as hard as a stone. Matapang na siya, hindi ba? Inakala niyang siya ang mananalo sa pagbabalik niya. Pero nagkamali siya. His heart belonged to her, it has always stayed like that. He groaned.

Napaangat siya ng tingin at binistahan kung sino ang tumatawag. Nanlumo siya nang makitang isa sa mga kliyente niya iyon. Kinastigo niya ang sarili. Was he waiting for her call? Napailing siya. Kinuha niya ang cellphone at inilagay iyon sa loob ng drawer. Nakasilent mode iyon. Napamura siya at napasuntok sa mesa. He couldn't fight the urge to call her. Ilang beses na ba niyang pinigilan ang sariling tawagan ito? Countless times.

Dammit. Nami-miss na niya ang boses nito. Dalawang linggo na rin siyang hindi umuuwi sa bahay niya. Ayaw niyang makita si Airen dahil natatakot siya. Hindi niya alam kung ano ang maaari niyang gawin sa oras na makita niya ulit ito. He might beg her to come back to him. He couldn't trust her. But he couldn't trust himself too.

Marahas siyang tumayo at lumabas ng kanyang opisina. He needed to think. He needed to get hold of himself. Kung hindi ay mababaliw siya. Hindi niya pinansin ang nagtatakang tingin ng kanyang secretary. Nagtuloy tuloy siya sa paglalakad patungo sa elevator.

"S-sir Lee? M-may meeting po kayo in about fifteen minutes."

"Cancel it. Cancel everything. Tell them I'm busy." aniya kay Camille na humabol pa sa kanya. Pumasok na siya sa elevator at iniwan ang sekretarya niyang gulat na gulat.

Hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng building ng kumpanya nila o kung paano siya nakarating sa bar na iyon. Basta na lamang niyang natagpuan ang sariling nakaupo sa sulok ng bar at umiinom mag-isa. He came there to unwind. He came there to breathe and forget about her. Pero sa bawat paglingon niya ay puro mukha ni Airen ang nakikita niya.

"Oppa, promise ko sa'yo, hinding-hindi na ako iinom ng alak ulit." nakangiting ani Airen. "Mag-aaral na ako ng mabuti para sa'yo. I will stop smoking too. Tapos, magiging mabait na ako kina Lolo at Lola. Hindi na rin ako sasama sa mga gimik nina Sanji."

"Ang dami mong promise ah? Matupad mo naman kaya iyan." biro niya.

"Alam mo ba'ng hindi ako naniniwala sa mga promises? Lumaki akong iniisip na promises are made to be broken. My parents promised me that they'll never leave me. Pero naaksidente sila at iniwan ako agad. My first love promised me that he'll never cheat on me. Pero nahuli ko siyang nakikipaghalikan sa c.r. kasama ang kaklase ko. But then you came."

He adjusted himself and hugged her tighter. Naroon sila sa ilalim ng puno ng mangga at nag-aantay ng susunod nilang subject. "So what if I came?"

"You promised me one thing. Isang bagay lang ang ipinangko mo sa akin. Pero dahil sa isang pangako na iyon, napatunayan kong hindi lahat ng pangako ay hindi natutupad. Kasi tinupad mo iyon eh. You never left me. Kahit na sinasaktan ka nila, hindi mo pa rin ako iniwan. Do I deserve that kind of love from you, Luigi oppa?"

"Noong minahal kita, wala akong hininging kapalit."

"Paano 'pag nakagawa ako ng malaking pagkakamali sa'yo? Would you forgive me?"

"Hindi mo naman gagawin iyon diba?"

"Paano kung napilitan akong gawin?"

"I d-don't know what to say."

"You trust me. You believe in me. Alam mo ba'ng ang dalawang bagay na iyan ang dahilan kung bakit mahal na mahal kita? As long as you trust me, I'll always love you. Kahit pa mambabae ka na. Kahit pa magsawa ka na sa mga cookies ko."

"I'll never do that!" agap niya.

"I love you so much, Luigi."

Hindi niya namalayang napaluha na pala siya. It happened ten years ago. He tried very hard to forget everything that has happened between them. Bakit ba ngayon lang niya naalala ang pag-uusap nilang iyon? Kung kelan sumuko na siya sa akin. Tinungga niya ang alak sa harap niya. Sunud-sunod niyang tinungga ang mga alak na nasa mesa niya.

Simula ng magkabalikan sila, lagi na ulit siya may cookies. She always prepared everything for him. Kasabay niya itong nagdi-dinner. Lagi siya nitong ipinagluluto. Kahit na pareho silang pagod, they would still go out on a date. She literally never left his side. Unconciously, she's become his slave. Isang aliping hindi nagrereklamo, isang aliping laging handang sundin ang lahat ng utos niya. Isang aliping laging minamahal siya. Isang aliping mahal din niya. How can he be so stupid not to notice that? Kung kelan sumuko na ito!

"Luigi?"

Napaangat siya ng tingin sa lalaking tumawag sa kanya. Kumunot ang noo, nagtagis ang mga bagang at kumuyom ang mga palad niya. "Jae." he muttered as he gritted teeth.

Walang pakialam na naupo ito sa katapat niyang upuan. May tangan rin itong isang bote ng beer. Panaka-nakang iniinom nito iyon. "I'm sorry about last time."

"W-what do you mean?"

"I heard, nag-away daw kayo ni Airen ng dahil sa akin."

"Wala ka ng pakialam doon." pigil ang inis na asik niya.

"Bakit ganon ang mga babae?" Jae ignored him. "Kapag galit sila, bigla na lang sila hindi namamansin. And worse, pagtataguan ka pa. Alam ba nilang nakamamatay ang hindi sila makita?" tila nasasaktang anito. "That girl is so unfair."

"S-si Airen ba ang tinutukoy mo?"

"Of course not. She is your girl." mabilis nitong sagot. "I'm talking about Mabelle."

"Airen's bestfriend?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"So, totoo pala'ng pinagselosan mo ako?" tumawa ito. "You're a crazy bastard. Bulag ka ba o talagang tanga ka lang? Have you ever looked at Airen's eyes? Ikaw lang ang nakikita nun. She's so in love with you. Kahit pa siguro nasa North Pole ka at napapalibutan siya ng mga kasing gwapo kong hunks sa mundo, hindi iyon magtataksil sa'yo. She's loved you for more than ten years. You're not just crazy, you're even lucky." pumalatak ito.

"H-how did..."

"How did I know? Mabelle told me about it."

Nanghihinang napasandal siya sa kinauupuan. "C-can you, hit me for once?" tila nababaliw na bulong niya. "I'm so stupid. I'm really really stupid!"

"Talk to her. Bago pa siya umalis."

"U-umalis?"

"Hindi mo ba alam? Nagdecide na siyang umalis ng Soul Village. Lilipat na yata sa Bohol, kasama ng grandparents niya." napatingin ito sa relo nito. "She'll leave at 8 pm."

Napatingin rin siya sa kanyang relo. It's already six o'clock in the evening. He'll be needing to drive at least 2 hours patungo sa village. Marahas siyang napatayo. "Thanks bro. I owe you this one." paalis na siya nang matigilan siya. "And bro, I'm sorry." 

Próximo capítulo