webnovel

Chapter 10

Please VOTE!

"Seniorito, nakiki usap po ako umuwi na kayo." Narinig niyang paki usap ng matanda kaya't minabuti niyang magtago sa gilid upang makinig ng usapan ng mga ito baka kasi may mapala siya sa huli.

"Donato, hindi ka ba nagsa- sawa sa ka pupunta dito?" Narinig niyang sabi ni Woodman.

Ang matanda ay marahil nasa mid forties na nito pero mababakas pa din ang magandang tindig dito.

(Whew! Kaya pala mahangin may kaya pala.) Isip isip niya.

Bigla din siya napa isip kung saan ba niya narinig ang pangalan na Woodman? Pamilyar kasi iyon.

"Seniorito naman, malilintikan ako niyan sa Kuya niyo. Nag aalala siya sa inyo dahil isang buwan na kayong hindi umuuwi." Pangungulit pa nito.

"Well, tell him I'm fine." Pagmamatigas nito.

"Ang laki na ng pinag bago niyo, pumayat at tumanda ang itsura niyo buhat ng kayo ay umalis baka magka sakit pa kayo sa ginagawa niyo."

"Hangga't hindi ni Kuya sinasabi ang totoo ay hindi ako uuwi. Kapag siya na ang sumundo sa akin baka pag isipan ko pa." Pagmamatigas ulit nito.

"Ano ba talaga ang sabi ni Kuya ng umalis ako?" Tanong naman nito at nang hindi sumagot ang matanda ay nag salita ulit ito.

"See? Hindi nga ako niya hinahanap kaya't bakit ako uuwi." Narinig niyang sabi nito may bakas na galit ang tono nito.

"Matagal ko ng kilala si Seniorito kaya't talagang ganun lamang iyon pero nag aalala din iyon sa inyo." Pangungumbinsi nito.

"Umuwi ka na Donato at mukhang matatagalan ako ng pag uwi." Iyon lang at pumasok ulit ito sa Campus. At hindi nag tagal ay umalis na din ang sasakyan.

"Hindi ko akalain na bukod sa hilig mo na mag taray ay tsismosa ka din." Bungad sa kanya ni Woodman ng akmang aalis siya.

Nakita pala siya nito. Siya naman ay tumayo ng matuwid na parang walang narinig.

"May na iwan ako at kukunin ko lang." Pagpa palusot niya at umalis na. Pero hinablot siya nito sa kolar at binalik sa kinatatayuan niya kanina.

"We're not done talking. Kaya't huwag ka ng mag palusot." Sabi nito.

"Masakit yon' ha! Papatulan na kita." Inis niyang reklamo dito at tumawa lang ito.

Naka tingin pa din ito sa kanya at hinihintay ang paliwanag niya.

"May na iwan talaga ako at saka bakit naman ako makikinig sa usapan niyo? Ano naman ang mapapala ko? You're a smart person kaya't dapat alam mo yan'." Depensa niya sa sarili.

Mababakas naman sa mukha nito ang hindi paniniwala sa mga sinasabi niya pero wala na siyang paki elam dahil nakakhiya talaga ang nangyari kung bakit ba naman kasi nakinig pa siya ng usapan ng iba.

At para maibangon ang sarili sa pagka pahiya ay sunod sunod ang ginawa niyang pagdadahilan.

"At isa pa, wala akong paki elam sa ibang tao dahil para sa akin ang sarili ko lang ang mahalaga kaya't huwag kang assuming. Excuse me." Iyon lang ang sinabi niya at tumalikod na dito.

Hindi niya na inintay ang reaksyon nito dahil sa kahihiyan. Paano ba kasi siya nito napansin.

Hindi naman niya alam kung ano ang gagawin. Naka sunod pa din ang tingin nito sa kanya kaya't para maniwala ito sa allibi niya ay pupunta talaga siya sa kanilang room.

Mag 6pm na kaya't wala ng masyadong estudyante sa campus nila. At madilim na din ng bahagya sa paligid.

Nakaka isang floor na siya at sinilip niya si Woodman pero naka tingin pa din ito sa kanya.

Nasa ika apat na palapag ang kanilang room kaya't may natitira pa siyang tatlong palapag na dapat akyatin.

(Damn it! Why the hell is he still eyeing on me. Just go home Woodman!) pag ngingitngit niya sa sarili.

Nasa ika apat na floor siya at ng tumingin siya sa baba ay wala na si Woodman at naka hinga siya ng maluwag dahil maari na din siyang bumaba ulit dahil wala na ito.

Humihingal pa siya ng bahagya at akmang bababa na ng makarinig ng yabag ng mga paa sa mismong classroom nila.

Doon na nan lambot ang tuhod niya, madilim na kaya't hindi niya maaninag kung tao nga ba talaga ang may ari ng yabag.

Wala pang ilaw marahil ay hindi pa nagsi- sindi ng ilaw ang mga maintenance ng campus. At wala naman siyang lakas ng loob na sindihan ang ilaw dahil ayaw niyang makita ang bubulaga sa kanya.

Hindi naman siya matatakutin na tao pero hindi din siya mahilig manuod ng horror.

Nakarinig ulit siya ng mga yabag at tila palapit na sa kanya. Ayaw gumalaw ng kanyang mga paa sa pagkakatayo kahit gusto na niyang umalis.

"Ahhhhhhhhhnhhhhhhh!" Malakas niyang sigaw.

~~~~~

Próximo capítulo