webnovel

Chapter 20

Chapter 20 - Is this the End?

SANDRO

"MAMATAY KANA!!" Buwelo ako paitaas at iniwasiwas ang aking espada upang hiwain ang ulo niya. Parang namutla ako ng napigilan niya iyon gamit ang daliri niya. Hindi maaari, pano niya nagawa yon?!

"hindi nyo ako matatalo kung ganiyan lang ang ipapakita nyo. Tingin nyo ba na mahina ako para lang mapatay gamit ang bulok nyong istratehiya? nakakadismaya" Hinawakan niya ng mahigpit ang espada ko at nasira iyon gamit lang ang isa niyang kamay. 

"Bwiset!" sinuntok ko siya ng paulit-ulit gamit ang aking kamao ngunit nakakaiwas ito. "BAKIT BA KASI HINDI KA NALANG MAMATAY!!" 

"Bakit hindi mo alalahanin si Ziro? nauubusan na siya ng dugo pero eto ka, nakikipaglaban sa tulad ko" Nakangisi siyang tumingin sa anak niyang malapit ng mamatay. Tama nga si Ziro, Wala siyang kwentang Ama.

napatigil ako saglit at muling sinuntok ang Demon lord kahit alam kong naiilagan niya lang ako. Kilala ko si Ziro, hindi siya mamamatay. Siya si Ziro kaya alam kong hindi siya susuko, kung susuko man siya alam niyang kaaawaan ko siya. 

Tumayo ka Ziro! tumayo ka sa kinaluluhudan mo! kumpara sa mga nangyayari sayo wala lang yang sugat na natamo mo!

Muli sana akong susuntok ng bigla nalamang akong tumilapon at tumama sa pader. Parang may malakas na enerhiya na nagtulak saakin, galing ba iyon aa demon lord?—hindi maging siya ay tumilapon din, H-hindi kaya!

napalingon ako kay Ziro na binabalutan ng itim na Aura at ng itim na apoy. Nakakapanindig ang lumalabas na enerhiya sa kaniya, parang hindi na ito si Ziro. Tama, hindi ito si Ziro dahil ito ang demonyo na nasa loob niya.

"Dumating nadin ang pinakahihintay ko" rinig kong sabi ng Demon lord. Ginawa ba niya iyon para lumabas ang demonyo? Sinaksak ba niya si Ziro para magalit ito? hindi naman magagalitin si Ziro kaya panong nangyari to?!

Kailangan kong pigilan si Ziro kung ano man ang nangyayari sa kaniya! 

Pilit akong lumalapit sa kaniya kaso pilit akong tinutulak ng kapangyarihang bumabalot sa kaniya. Malapit na ako, konti nalang at mahahawakan kona sya! ngunit bigla nalang ako tumalsik ng magwala na ang kapangyarihan niya. Tumilapon ako palabas at siguradong masakit ang pagbagsak ko dahil puro kabahayan na ang nasa ibaba ko.

Pahamak talaga ang Ziro'ng yon!

Lumikha ng napakalakas na tunog ang pagbagsak ko at halos masira ang bahay na pinagbagsakan ko. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa butas ng bahay na ako ang may gawa. "Akala ko panaman malakas na ako, hindi ko maitatanggi na malakas si Ziro. Siguro nagseselos lang talaga ako kaya hinamon ko siya" bumangon ako kahit masakit ang katawan ko. Wala na akong pake basta babalik ako doon.

Napatigil ako ng mapagtantong wala na akong sandata. Parang gumuho ata ang mundo ko dahil hindi ako makakalaban kung wala iyon. "Haysss, malas!"

"Alam kong mangyayari ang sitwasyong ito" napatingin ako sa harap ko at isang Demi-monster ang may dalang napakalaking bag na mas malaki pa saakin.

"Sino ka naman?"

"Ako si Lilith Grandir! Ang pinaka mahusay at pinaka magandang magnanak—" bago paman niya ituloy ang sasabihin niya ay naglakad na ako paalis at nilampasan siya. "Hoyyy!" Hinabol pa ako nito at pilit na pinapatigil.

"Bakit ba?!" Sinimangutan ako nito at ibinaba ang magit niyang dala. "Ano bang kailangan mo?!" Tanong ko muli sa kanya.

"Ikaw ang may kailangan saakin, Sandro Valdemori" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Pano niya nalaman ang pangalan ko? Dahil sa inis ay hinila ko siya sa damit at tiningnan ng masama. "Kung tinatanong mo kung saan ko iyon nalaman, wag mona alamin dahil hindi ko pwedeng sabihin" kinalma ko muna ang sarili ko at binitawan siya.

"Anong kailangan mo?" Mahinahon kong tanong. Napangiti naman ito at binuksan ang bag niya. Laking gulat ko kung ano ang nasa loob non, mga Rare Weapon iyon katulad saamin nila Riku.

"Kailangan mo diba ng Armas?" Nakangisi niyang sabi. Kakaiba talaga ang batang to, pano niya nalaman na kailangan ko ng armas lalo na't wala naman akong sinabi. "Nakita kona kung ano ang mangyayari, bawat mangyayari sinolo ko at pinaghandaan" kinalikot na niya ang mga armas na nakahelera sa kalsada.

"Ibig sabihin alam mo kung anong magiging katapusan nito?" Napatigil ito saglit ngunit itinuloy muli ang ginagawa.

"Ang kapalaran ng tao ay hindi nakadepende sa kung ano ang sinasabi ng tadhana, dumedepende iyon sa kung paano babaguhin ng isang tao ang kapalaran niya" tumayo ito at ibinato saakin ang isang Giant sword na kulay ginto ang handle at ang pinaka blade ay gawa sa dragon scale. "Hindi nayan masisira dahil sa tibay niyan, kaya ngayon tulungan mona si Ziro. Hindi natin alam kung kailan siya mamamatay" Napadako ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. Si Ziro? Mamamatay?

"A-anon—"

"Sige, paalam na" binuhat niya muli ang Bag niya at naglakad paalis. Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako sa mga nangyayari, kakaiba talaga. "Ikamusta mo nalang ako kay Ziro" tuluyan na siyang nawala sa paningin ko nang makalayo na ito.

Inilagay kona sa likod ko ang bago kong espada at nagtungo na sa palasyo. Sana hindi pa huli ang lahat para iligtas si Ziro sa kamatayan na sinasabi nung babae. Liko dito at liko doon, maraming pasikot-sikot makarating lang sa kwarto kung nasaan ang trono ng hari. Habang papalapit ako ay ramdam ang yanig ng sahig na tinatapakan ko, pakiramdam ko ay guguho na ang palasyong ito.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang gintong pinto na malapit ng masira. Ang tahimik, parang walang labanang nangyayari. Huli naba ako?

Sinipa ko ang pinto na naging dahilan ng pagkasira non. Nanlaki ang mata ko dahil sa aking nakita, hindi ko gustong maniwala pero nakita ko mismo iyon gamit ang sarili kkng mga mata. S-si Ziro— Hindi, hindi ito maaari. Eto naba talaga ang katapusan? Dito naba magwawakas ang lahat?

Napaka brutal ng nakikita ko, puno ng dugo. Katulad noon at katulad noon wala akong nagawa kundi manood. "Tch! KAINIS!!" Kinuha ko ang espada ko at buong lakas iyong itinusok sa sahig. Lumikha iyon ng malalaking biyak kung saan ay nakaambang gumuho. "Nahuli na ako."

RIKU

Bigla nalamang bumuhos ang ulan na siyang naglilinis sa mga dugo na nasa katawan namin. Bakit tumigil ang nangyayari sa palasiyo? Nagtagumpay ba sila?

Napatingin ako kay Sora na pinapagaling ang mga sundalong sugatan. Hindi siya nagsasalita at parang may kung ano din siyang nararamdaman.

"Sora!" Tumakbo ako papalapit sa kaniya na nakatungo lang. Tinatawag ko ito ngunit hindi niya ako sinasagot "Sora, may proble— S-sora?" Humarap ito saakin habang  umiiyak. Hindi matigil ang luha niya sa pag-agos, kahit umuulan alam kong umiiyak siya.

Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam, parang may nangyari ng masama "R-rik—" hindi kona ito pinatapos at tumakbo na papunta sa palasyo. Malayo pa iyon saamin dahil napalayo kami habang lumalaban. Hindi ko talaga gusto ang nangyayari ngayon, masama ang kutob ko.

Ligtas ka diba? Ligtas ka diba Ziro?!

Dahil sa pagmamadali ay hindi kona napansin ang malaking bato na nakaharang sa kalsada. Ramdam ko ang sakit sa tuhod at siko ko dahil sa pagbagsak. Sumabay ang luha ko sa ulan, hindi ko alam kung bakit ba ako umiiyak. Hindi ganito si Riku, si Riku na hindi magpapakita ng kahit anong emosyon upang hindi maipakita ang kahinaan.

Pilit akong tumayo at nagsimula muling tumakbo hanggat kaya ko. Ayokong maulit ang nangyari noon, ayokong manood nalang at walang ginagawa. Sapat na ang mga nakita ko upang hindi ulitin ang nangyari noon, hindi kona hahayaang maulit pa iyon. Napatingala ako sa palasyo, tahimik na kanina lang ay may mga pagsabog na nangyayari. Sana umabot ako, sana maabutan ko siya na nakatayo at may ngiti sa labi niya.

Namalayan ko nalamang ang sarili ko sa loob ng palasyo at tumatakbo. Ang ibang sundalo ay nagkukumpulan sa kwarto kung nasaan kanina sila Ziro. Nakipagsiksikan ako sa kanila para makita kung ano ang nasa loob at nakita ko si Sandro na nakatayo lang at parang natulala. Lumapit ako sa kaniya habang dala-dala ang kaba sa puso ko. Habang papalapit ako ay kumakabog ang dibdib ko, natatakot ako na baka may nangyari na.

Kusa nalamang akong napaluhod at napatakip sa bibig ko. Ang kaninang luha ay mas dumami pa at hindi maawat. Parang gusto kong magsisigaw, gusto kong ilabas ang nararamdaman ko ngayon. "Pasensya na Riku... nahuli ako" nakatulala parin si Sandro sa wala ng buhay na si Ziro.

"Z-ziro wag ka namang magbiro" ginigising ko ito ngunit ayaw, natutulog na siya ng mahimbing at panghabang buhay. "Kainis ka naman eh!!" Hindi ko na napigilan pa at hinampas siya sa dibdib niya, nagbabakasakaling masaktan siya o kaya ay magreklamo na nasasakatan. Hindi siya nagreklamo, hindi siya lumayo dahil sa takot o kaya naman ay humingi ng tawad saakin. Lahat ng iyon ay hindi nangyari.

Inulit ko ang ginagawa ko hanggang sa humagulgol na ako sa dibdib niya. Galit ako sa sarili ko, galit ako sa sarili ko dahil iniwan ko siya sa mga oras na yon. Galit ako dahil sinunod ko siya na dapat ay kasama niya ako sa pakikipaglaban. "Nasan na si Ziro na hindi susuko? Nasan na si Ziro na pinagkatiwalaan ang tulad namin? Nasan na si Ziro na gustong patayin ko para lang maging masaya ako, para lang mapawi ang galit sa puso ko?" Wala akong nakuhang sagot...

Wala na..

Wala na kahit kailan.

Wala na akong makukuha pang sagot mula sa kaniya.

Próximo capítulo