webnovel

Chapter 1: Nakaraang Bumabalik

----------------------------------------------------------------

DISCLAIMER

All names borrowed doesn't reflect the real person's personality. This is a mixed of real and fiction story. Please enjoy!

---------------------------------------------------------------

August 10, 2018 3:00 AM

Hindi ako makatulog sa ingay ng mga pusang nagkakant*tan. Nakatulala na lamang ko sa sirang kisame na konti nalang ay guguho na sa mukha ko. Ilang taon na rin akong nagtitiiis sa ganitong sitwasyon dito sa Manila pero kailangan eh para sa pamilya ko sa Cebu.

Inaalala ko na lamang ang sandaling akala ko ay nahanap ko na yung magpapakompleto sa akin at 'yon ay walang iba kundi si EJ Barcelo - ang dating kong best friend.

Fifteen years ago

"Okay class, your assignment sa Araling Panlipunan is to prepare for the reporting. Dapat mag pair up kayo para madali tayung matapos sa klase bukas, may date ako." Sabi ni Mrs. Enriquez

Naghiyawan ang buong klase sa sinabi ni mam. S'ya talaga yung pinakapaborito kong guro dahil lamang sa seating arrangement n'ya na kung saan magkatabi kami ni EJ. Kami ang pinakauna sa listahan kasi puro 'B' yung last names namin.

"Uy, gala tayu ngayon pagkatapos ng klase." Sabi ko.

"Ayoko, mapapagalitan na naman ako ni inay pag hindi ako umattend sa Archery practice" Tugon ni EJ.

Guro ang nanay ni EJ sa school na sya ring humahawak sa Archery club. Pangarap ni EJ na makapasok sa ASEAN Games kaya bata palang alam na n'ya yung basics ng larong ito.

Ito rin ang dahilan kung bakit tanned yung skin nya, semi-athletic build yung katawan nya, yung mga mata nya sakto lang pero mapangakit. Haaaays, inlove na ako sa kanya since 1st year pa lamang kami. Third year na kami ngayon pero mas lalo syang gumwapo. Mapapasana all ka nalang talaga.

"Oh ano? So tulala tayo ngayon? Hoy!" Sabi niya habang inaalog niya ako.

Bigla akong nagising sa aking daydreaming. Namumula yung mukha ko na parang cherry dahil sa hiya.

"ahhhhhhm. Sorry may naremember lang" Tugon ko.

"Magdiet ka na kasi, jusko yung katawan mo lalong lumulubo. Maging pihikan ka naman sa pagkain, Chan." Sabi niya.

Ang sarap sa tenga ng marinig kong concern siya sa akin. Yeah, Isa ako sa mga taong sumalo nang nagbigay Ang Dios ng katabaan sa mundo. Ako Lang yata ang napasobra sa pagsalo kasi timbang ko ngayon ay 120kgs pero at least may skin care. Ganern!

"Ikaw, paki explain nga kung bakit connected yung daydreaming sa katabaan. Haaays" Sabi ko.

"Aba syempre, kaibigan kita. Concerned lang. Pala angas ka ngayon? May regla ka?" Patawang sinabi niya.

"Wala. Tumahimik kana, nandito na yung susunod na guro natin." Sabi ko habang naglilipat ng upuan.

---

Krrrrrrrrrinnnnggggg.

Bigla akong napatalon dahil sa alarm clock. Nag-uumaga na pala at di ko namalayan na nakatulog pala ako.

Agad akoy naligo't naghanda para sa trabaho. Isa akong Software Engineer sa isang kompanya sa Makati na may branch sa Cebu. Pinadala lang ako dito dahil kulang sila sa tao. Mahirap kapag nalalayo ka sa mga mahal mo sa buhay dahil sanay akong umuuwi sa bahay habang si Papa yung nagluluto ng ulam. Si Mama naman ay sa opisina nagtatrabaho kaya naging baliktad ang pamamahay namin. Masaya naman kami ng tatlo ko pang kapatid.

Apat kaming puro lalaki at ako yung panganay na binabae pero tanggap naman nila. Hindi ko naranasan na lunurin sa tubig o ilagay sa sako at papausukan (ganyan magparusa ang mga tao noon sa mga bakla sabi ni Papa) kaya swerte ako sa pamilya ko.

Beeeeeeeep beeep.

"Ay tangina, nandito na yung company van. " Sabi ko habang nagmamadaling kumain ng pandesal.

Four AM palang dapat nasa baba na ako kasi matrapik papunta sa office. Ayoko maulit yung ako lang nagcommute magisa at nalate. Duty hours namin starts at 7 am, dumating ako mga 8:30 am. Oh diba? Bonggang late. Nayamot yung Hapon na amo namin kaya pinag avail ako ng company van.

"Sorry po manong." Sabi ko.

"Malapit ka nang malate." Sabi ni Leo.

"Wow, Ang aga ha?" Tugon ko

Si Leo ay ang company nurse namin. Typical appearance Ng isang nurse, neat, maputi, gwapo, at katamtaman ang taas.

"Magdiet ka na nga para maaga kang gumising." Pabirong Sabi ni Leo.

"Ay baka mas kailangan mong maaga gumising doc, diba nagtago ka nung nagbigay ang Diyos ng libreng taba? Wag ako. I love my curves and fats" Tugon ko.

"Araaaay, ayoko na nga. Talagang talo ako sa baklaan." Sabi nya

Habang bumabyahe ay meron akong nakitang bahaghari. Nagmamadali akong humiling habang si Leo tumatawa sa akin.

"Beh, wag mo gawing Diyos ang bahaghari. Pagano ka ba?" Sabi niya.

"Gagi, Pake mo ba? Syempre Katoliko ako no, may sentimental value lang talaga yung bahaghari sa buhay ko" Sabi ko.

Tama, nagsimula akong maniwala nung 10 years old ako. Humihiling ako parati sa bahaghari kapag gusto ko ng laruan o ibang bagay na sya ring binibigay pero nagalit yung Lola ko dahil dapat sa Diyos ako sumasamba at hindi sa ibang bagay.

Binalik ko lang ito nung first year high school noon. Pinagenroll kasi ako sa isang bagong paaralan na malapit sa pinag tatrabahuan ni Mama sa Cebu. Akoy natetense noon kasi wala akong ni isang kakilala timing may nakitang bahaghari. Tinry kong humiling.

"Alam kong di na ako masyadong humihiling sayo pero sana kahit ngayon man lang meron akong makilala ditong maging kaibigan ko." Sabi ko habang nakapikit.

Di nagtagal may kumalabit sa akin.

"Bago ka lang din ba?" Sabi ng lalaki.

Lumingon ako at nakita ko si EJ for the first time. Nakakahumaling yung ngiti n'ya parang anghel.

"Ahhh ehhhh opo bago pa lang. Ikaw?" Sabi ko sa kanya.

"Ako rin. Emanuel John Barcelo pala, you can call me EJ" pagpakilala habang inaabot ang kanang kamay nya.

"Christian Barreda po. Nice to meet you" Sabi ko habang kinuha ko yung kamay nya.

"Sheeeeeeet ang lambot ng kamay. Sarap kagatin." Sabi ko sa sarili.

"Nice to meet you too. Tara pasok na tayu" Sabi niya.

"Hoy! Tulala ka na naman." Sigaw ni Leo.

"Huh? Ay sorry. Nandito na ba tayo? " Sabi ko.

"Gaga opo kanina pa. Papasok ka ba o hindi?" Tanong ni Leo.

"Opo papasok na." Sagot ko.

Kahit ganyan magsalita si Leo ay isa yan sa mga tinuturing kong malapit na kaibigan dito sa Manila.

"Ano naman ba kasi iniisip mo, ha?" Tanong ni Leo.

"Alam mo na yun. Di maalis eh" Sagot ko habang papasok kami ng elevator.

Sasagot sana si Leo pero dumating yung amo naming Hapon.

"Ohayou Gozaimasu, Takayuki san" sabi namin.

"Christian san, you almost late. Wake up earlier this" Sabi ng Hapon.

"Sana naintindihan ka namin." Pabulong na sinabi ko.

Tinadyakan ni Leo yung paa ko. Ang sakit.

"Did you say something?" Pagalit na sagot ni Takayuki.

"I didn't hear anything, Takayuki-san. Maybe the wind of the elevator?" Depensa ni Leo.

Huminahon na ang bruho kong amo at saka umalis.

"Nababaliw ka na ba? Muntikan tayong mawalan ng trabaho Christian!" Sabi ni Leo.

"Wow, totoo naman eh di ko naman talaga sya naiintindihan at isa pa mag aalas syete pa, bakit late? Baldug ko yan sa pader eh, nanggigigil ako." Galit sa sagot ko.

"O sya kalma. Pasok na tayu sa trabaho. Kain tayu mamaya with Algean sa canteen. G?" Aya n'ya

"Cge cge G ako!" Sagot ko.

August 10, 2018 12:15 PM

"May pafeeding ba kaya mataas ang linya ngayon?" Tanong ni Algean.

Si Algean ay nurse din galing Davao at assistant ni Leo sa clinic. Kung si Leo ay pinagkaitan ng muscles, si Algean ang syang bukod tanging biniyayaan. Tanned yung skin at napagkakamalang Tom Cruise dahil sa mga mata at labi nya.

Pinagkakaguluhan talaga yung clinic dahil puro gwapo daw ang mga nurse kaya nagkakaubusan ng kama dahil sa fake illness ng mga utog na babae sa company namin.

Well di nila alam ang mga totoong budhi ng dalawang "gwapong" nurse. Paano kaya pag nalaman nila kumekembot din itong mga to? For sure, lalangawin ang clinic.

"Isang chopsuey ate at dalawang rice" Sabi ko kay ate ghorl.

Habang pumipili ng pagkain sina Leo at Algean may narinig ako sa likod.

"Tingnan mo tong mataba na to, laging pinagsiksikan sarili nya sa mga anghel natin. Tingnan mo, pawisin ugh yuck." Sabi ni Bruha no. 1

"Oo nga. Jusko baka mahawa pa sa katabaan at kabaklaan mga anghel natin" Sabi ni Bruha no. 2

Nanggagalaiti na ako sa galit kayat lumingon na ako sa kanila.

"Hooooy! Mga taong mukhang pepe, ang babantot nyo, Sana sinali nyo yang mga mukha nyo sa feminine wash na ginamit nyo jusko. Ikaw, gusto mo burahin ko yang kilay mong angry bird? At ikaw Naman oo pawisin ako at least may skin care, ikaw apakadry ng balat pati budhi mo. Tabi dadaan ang Reyna Ng Encantadia" Sabi ko.

Pumalakpak sina Leo at Algean, pati narin si Ate Ghorl kong taga luto ng chopseuy. Nagmamadaling umalis naman ang mga bruha.

"Yung bunganga mo talaga kaya ka pabalik balik ng HR." Sabi ni Algean.

"Di nyo ako maiintindihan kasi di kayo salat sa kaanyuan. Kaya mararapat lang na ipagtanggol ko sarili ko no." Sagot ko.

"Matuto kang magmahal sa sarili mo Christian. Wag kang magpapadala sa mga sinasabi ng ibang Tao." Sabi ni Leo.

"Oo nga naman. Mahal ko naman sarili ko -" Sagot ko pero pinutol ni Leo

"pero mas mahal mo sya diba? Kaya ka nagkakanganyan." Pagputol na Sabi ni Leo.

"Ano ba kasing nangyari sa inyu?" Tanong ni Algean.

Ano nga ba nangyari sa amin?

Fifteen years ago

Nasa study hall naghihintay kay EJ ako ng makita ko si Anne. Ang pinakamagandang babae na nakilala ko. Maputi, makinis, malaki ang dibdib, matalino at top student pa. Kahit sinung lalaki sa campus ay mahuhulog sa kanya.

Nagkakilala kami nung sumali ako sa campus ministry. Siya yung ginawang Mary ng play namin. Ako naman ay ginawang kabayo na sinasakyan nya patungong Bethlehem. Saklap diba? Pero dahil dun nagkaclose kami.

"Christian, ghorl!! Kumusta naaaa." Sabi ni Anne.

Si Anne lamang ang nakakaalam ng sekreto ko maliban sa pamilya ko. Tinatago ko pa kasi sabi ni Papa noon para di daw ako kukutyain.

"GHORL! miss you po. Napadaan ka?" Tanong ko.

"Nag text si EJ sa akin. Pasyal daw tayu sa mall." Sabi ni Anne

"Oo nga eh, kala ko di matutuloy." Sabi ko.

Saktong pagdating ni EJ.

"Tara na guys! Hmmmm amoy pawis ka Chan, eto may spray ako" Biro niya sa akin habang naka akbay

"Gagu to. Kakaligo ko lang tanga. Kala ko ba di tayu matutuloy, sarap na ng tulog ko sana ngayon" Sabi ko.

"Wow tulog ka na Naman? Alas kwatro pa ah? Kaya ka tumataba ng ganyan" Biro niya.

Ganyan kami nagbabangayan pero isa to sa mga gusto ko sa pagkakaibigan namin.

"Ang close niyo talaga. Nakakainggit." Sabi ni Anne.

"Ganito kami ng best friend ko. Siya lang nakakaintindi sa akin. Siya lang din sandigan ko pag may problema ako" Sabi ni EJ.

"OMG, I'm so flattered Mr. Barcelo" binabae kong sagot kay EJ.

"Hoy! Ninang ko si Mrs. Cruz, isusumbong kita" Sabi ni EJ.

"Tara na nga baka magpatayan kayo dyan" Sabi ni Anne.

At nagdesisyon na kaming umalis na patungong mall.

---

Naputol yung pagrereminisce ko ng sumali sa amin si Dara. Siya yung payroll officer namin at natatanging babae sa grupo. Chubby si Dara pero maganda parang thai actress na si Melanie Coates ba yun.

At crush nya si Algean kahit alam nya sekreto nito.

"Algean, ahmmm, gushto mo nang tahong?" Nang aakit na sabi ni Dara

"Jusko! Dara mas gusto ko pa ang red horse kesa sa tahong mo. Lumayo ka nga" Sabi ni Algean.

"Eto naman di mabiro, oh mamshie pinapatawag ka ng HR" Sabi ni Dara

"Ni Ms. Mataro? Diba on leave sya?" Tanong ko.

"Hindi, si Mr. O" sabi ni Dara.

At biglang tumigil ang lahat. Alam na kasi nila kung anong susunod na mangyayari. Kaya nagmamadali akong pumunta sa opisina nya.

"Babye." Pahabol na sabi ni Dara.

Narating ko rin ang opisina ni Mr. O. Sinadyang malayo sa tao yung opisina nya kasi ayaw nya ng maiingay.

"Napakalamig naman dito." Sabay bukas sa pinto.

Nakita ko lahat ng artworks ni Mr. O. Ang ganda ng mga gawa nya gusto ko kasi yung dark themed na arts kaya swak sa panglasa ko. Pero bigla tumaas balahibo ko ng may kumalabit sa akin. Lumingon ako.

"Ay tangina! Mr. Aguilar Naman eh." Gulat na sinabi ko.

Si Mr. Aguilar ang secretary ni Mr. O. Napakamisteryoso kasi ni Mr. Aguilar dahil di ito masyadong nagsasalita kaya binansagan syang Taong Walang Emosyon.

"Maupo ka muna Mr. Barreda" Pabulong nyang sinabi.

"Ay tangina, totooo nga wala kang emosyon" Sabi ko sa sarili.

"Okay po, salamat." Sagot ko sa kanya.

Ilang minuto ay lumabas si Mr. O. Kung hindi ko lang narinig mga chismis tungkol sa kanya ay baka naging crush ko pa sya. Si Mr. O ay katamtaman ang tangkad, maputi, at matipuno. Well modulated ang voice at napakapropesyonal ang dating kaya sa tingin ko sakto lang sa kanya na maging VP for HR.

Opo, sya yung kumikitil ng buhay o nagbibigay ng biyaya sa mga empleyado dito. Alam kong di ako mabibiyayaan ngayon kaya tumutulo na naman pawis ko.

Pinapasok ako sa cubicle nya. Maraming artworks din pero mas magaganda kesa sa labas.

"Good afternoon Mr. O, bat ninyo po ako pinatawag?" Tanong ko.

"Maupo ka muna, Mr. Barreda." Sabi nya sa akin.

Nang maupo ako, nakita ko yung artwork ng isang munting bahaghari sa may pen holder nya. Ito lang ang nakita kong masyadong makulay kesa sa iba.

"Anong tinitingin mo dyan?" Tanong niya.

"Ay! wala po." Pagulat kong sagot.

"Pinapatawag kita dito kasi ipinababalik ka na namin sa Cebu." Sabi nya sa akin.

Nagulat ako. Akala ko next month pa kasi kakatapos lang namin sa isang project. Pero wala akong choice kahit ayokong bumalik sa Cebu.

"Kailan po Yan?" Tanong ko.

"Next week. Monday. Pinoprocess na namin ticket mo. You will be handling a new project sa Cebu kaya gusto ka namin bumalik don." Sabi nya.

May inabot siya sa akin na mga papeles at clearances. May isang card din nakaipit pero baka cheque lang to.

"Dapat by Sunday wala na mga gamit mo dun kasi Monday early morning yung flight mo. Do you understand, Mr. Barreda? You can go. " Sabi ni Mr. O.

I just nodded at umalis sa opisina ni Mr. O.

Pagdaan ko sa hallway ay sinalubong ako nina Algean, Dara, at Leo.

"So ano terminated ka na mamsh?" Tanong ni Dara.

"Gaga, Hindi! Pinapabalik na ako sa Cebu eh" Sabi ko.

"Ay Hala Ang sad Naman?" Sabi ni Algean.

"Pero at least makikita mo na pamilya mo diba?" Sabi ni Leo

"O sya cge Friday today so inuman naaaaa" Sigaw ni Dara.

Sabay nito ay nahulog ang card na binigay ni Mr. O.

"Anong card ang binigay mo, Mr. O?" Tanong ni Mr. Aguilar

"Ito mismo ang may hawak ng sagot sa mga tanong niya. " sagot ni Mr. O.

"Ano kaya to? Mirror?" Tanong ko.

"Hoy! Tulala ka nanaman, halika na" sigaw ni Algean.

At sumunod ako sa kanila habang pinoprocess ko pa ang mga nangyayari. Uuwi na ba talaga ako ng Cebu? Makikita ko ba ulit sya?

-End of Chapter 1-

---------------------

Special thanks to my friends, my Pamilyang UGH-TOG fam, for lending their names for my story. Sila din nagturo sa akin kung paano magtagalog. Kaya't pasensya na if medyo awkward mga Tagalog phrases ko. Enjoy reading!

Próximo capítulo