Tunay na katalinuhan,isang bagay na maraming nakakaalam ngunit kaunit lang ang nagagawa itong makamtam.Anu nga ba ang tunay na katalinuhan.Nakukuha ba ito?Namamana?O ito ba ay mahalaga? Ang totoo,lahat tayo ay mayroon nito pero minsan hindi natin ito ginagamit.Isa itong kaalaman na nagagamit mo lang sa oras na nagumpisa kanang gumawa ng sa tingin mong tama sapagkat minsan,hindi lahat ng mabuti ay tama at ang masama ay hindi laging mali.Kapag natutunan mo nang malaman ito,saka mo makakamtan ang tunay na katalinuhan. Ito ay kwento tungkol sa grupo ng mga studyanteng planong baguhin ang mundo nila gamit ang kanilang kakayahan at ang isang gurong susubukang magsimula ng pagbabago. Ito ay isang kwento na hindi maiintindihan ng simpleng kaisipan at ng mga taong walang planong baguhin ang kanilang nakasanayan.
Sa loob ng isang limosine nakasakay ang isang binata na naka uniform pang highschool.Napakaseryoso ng kaniyang mukha at mapapansin na napakagwapo niya.May katangkaran siya,magandang katawan at siya yung tipo ng lalakeng hindi mo gustong banggain sapagkat mararamdaman mo sa angas ng kaniyang seryosong mukha ang presensya ng isang delikadong tao.Nasa kanan niya ay ang kaniyang bag at sa kabila naman ay isang asul na payong.
Ilang saglit pa ay hihinto na ang limosine sa harap ng skwelahan.
"Narito na tayo"sabi ng driver.
Lalabas na siya mula sa kotse na seryoso paden.Magbubukas ang bintana ng limosine at magpapaalala ang driver sa kaniya.
"Ang kabiguan ay hindi katanggap-tangap.Siguraduhin mong maging pinakamagaling sa lahat...beep"sabi sa tawag ng cellphone na inilabas ng driver na natapos na.
"Napaka oa talaga ni daddy mo.Kailangan top ka?Di ba pwedeng aral lang?"sabi ng driver na nakangiti lamang ng mapakakinggan ang sabi sa tawag.
"Hay...unkel ayos lang.Hindi naman mahirap ang gusto niya e."kampanteng sagot niya sa driver.
Napatahimik nalang ang driver na naniniwala sa kaniyang sinabi sapagkat kilala niya na ito sa nga kaya niyang gawin.
"Sabi mo yan.(Mapapahinga ng malalim)Sabagay,anak ka nga naman niya.Hindi maitatangging sobrang talino mo ("at ubod ng kahambugan"sabi niya sa kaniyang isip) din kagaya niya.
Aalis na ko.Babalik nalang ako sa uwian mo Cyrus"sabi ng driver na isinasara ang bintana.
"Unkel,eksaktong alas sinko ng hapon"sabi niya sa driver.
"Oo na"sabi ng driver saka ito aalis.
Sa kaniyang pagalis ay makikita ang pagkainis sa mukha ng binata na para bang naisip niyang walang tiwala ang ama niya sa kaniyang kakayahan.
"Tsk.Kailan pa ko nabigo"kampante niyang sinabi sa kaniyang sarili at saka siya naglakad papasok sa skwelahan.
Sa kaniyang unang hakbang sa gate ay napatingin siya sa kaniyang orasan at tinignan ang itsura ng lugar na kaniyang lalakaran.Nagtagal siya roon ng ilang minuto na napansin ng guard sa gate.
Sa nga oras na iyon ay kinocompute niya na pala sa kaniyang isip kung ilang hakbang ang papunta sa kaniyang room.Lumabas ang nga hindi maintindihang sukat ng paa at layo pati abg direksyon ng lugar na kwinenta niya sa kaniyabg isip hanggang sa nalaman niya ang sagot.
"546 steps bago ko makapunta sa room"sabi niya sa kaniyang sarili na narinig ng guard na naroroon.
Kalmadong magsasalita ang guard.
"Wow...First day.First baliw."sabi ng guard na siya lamang ang nakarinig.
Sa mga oras na iyon ay wala masyadong tao sapagkat 6:00 palang iyon ng umaga.Napaka aga na pumasok ng binatang iyon na para bang nakikipagunahan sa klase na maguumpisa pa lamang sa 8:00 ng umaga.
Sa paglipas ng oras ay dumating na din ang mga magaaral at paunti-unting dumami ang mga tao sa skwelahan.
Ilang oras pa ay darating ang isang limosine ulit subalit pinapasok ito aa loob ng skwelahan.Sa pagdating nito ay nakabang ang mga guro at yumuyuko ang mga opisyal na makakakita rito.Sa loob pala nito ay isang pulitiko na mayor sa lugar na iyon.Titigil ito sa isang tabi at lalabas ang mayor rito.Sa kaniyang paglabas ay babatiin siya agad ng mga guro at mga opisyal na nakaabang sa kaniyang pagdating.
"Goodmorning mayor"sabi ng marami.
"Goodmorning"sagot niya sa kanila.
"Nagabala pa po kayong pumunta rito mayor"sabi ng isa sa mga opisyal.
"Naku ayos lang.Ito nga pala ang aking anak...Si Pauline"sabi ni mayor at saka makikita ang isang napakagandang dalaga.Maputi ang kaniyang kutis.May katangkaran din siya.Mapupulang labi at isang kabigha-bighaning katawan na mapapatingin ang lahat.
Sa kaniyang paglabas ay napatingin ang mga nakapaligid na studyante sa kaniyang ganda.Napatigil ang lahat sa nakaaakit niyang itsura at sa pagtigil na iyon ay magagandahan sila sa kaniya.
Subalit,sa paningin ni Pauline ay walang silbi ang lahat sapagkat isa siyang babae na matalino sa pagbabasa ng mga taong nakapaligid sa kaniya.Ugali niyang iklase ang tao base sa kung paano niya sila ito makita.
"Hasyt,mukhang mga timang,ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda"sabi niya sa kaniyang isip na napatingin sa mga nagtigilang taong nakatingin sa kaniya.
Sa nga oras na iyon ay bumagal ang mundo habang binabasa niya ang mga taong nakikita niya.
"Mga inggitera"sabi niya sa kaniyang isip ng mapatingin sa mga babaeng naguusap tungkol sa kaniya na may mukha ng pagkainggit.
"Mga manyakol"sabi niya sa kaniyang isip ng mapatingin sa mga lalakeng nasa gilid na may malanding tingin sa kaniya.
"Mga gwapong manyakol"sabi niya sa kaniyang sarili ng mapatingin sa mga gwapong lalake na nakatingin din sa kaniya na napapangiti lang sila sa kaniyang ganda.
"Mga sipsip sa tatay ko"sabi niya sa kaniyang sarili habang napatingin sa mga gurong nakikipagngitian sa kaniyang ama.
Sa kaniyang pagmamasid ay napatigil ang kaniyang mata sa isang lalakeng nakasuot din ng uniform at may dalang gitara sa kaniyang likuran ngunit naglalakad lang ito sa isnag gilid na walang pakeelam sa kaniya o sa ama niya na dumating at napaisip siya ng makita ito.
"Isang ...lalake"sabi niya sa kaniyang isip at saka babalik ang takbo ng oras sa kaniya.
"Goodmorning po sa inyo"sabi ni Pauline na babati sa mga guro.
Babalik siya ng tingin kung saan niya nakita ang lalake ngunit wala na ito roon.
Ihahatid siya ng mga guro sa kaniyang klase habang ang kaniyang ama ay sasakay na ulit sa kotse at aalis.
7:59 ng umaga at ilang saglit pa ay obligadong isara na ng guard ang gate.Sa oras ng kaniyabg pagsara ay dadating ang isang babaeng sisipain ang gate oara mapatigil ito.
"Teka langgg!"sabi niya habang ang guard ay nagulat at napatigil aa pagsara ng gate.
"Sinongg.."sabi ng guard subalit napatigil siya ng makita ang babaeng nagpatigil ng gate.Mapapangiti siya sapagkat kilala niya ang batang ito.
Siya ay isa ring magandang babae na may kaakit akit na itsura subalit mapapansin na palaban siya at may dalang mga drumstick sa kaniyang bag.nakasuot din siya ng pantalon at hindi mga palda na dapat suotin ng babae.
"Ahyy.ikaw pala yan Allysa.Sige pasok na."sabi ng guard na nakangit pang tumingin sa babae.
Humugot pa ng hininga ang babae sapagkat mukhang pagod siya na tumakbo papunta sa skwelahan.
"Hayy salamat kuya...lilibre kita goto mamaya".nakangiti ang babae na naglalakad patalikod na para bang masaya na siya subalit mapapatigil siya ng makita niya ang naghihintay sa kaniya sa dulo ng daan.Ito ay ang principal.
Magkakatitigan sila na parang magkakilala sila subalit hindi sila maguusap.Sa tabi ng principal ay may opisyal na kaniyang bubulungan ng utos.
"Hindi niya na kailangang mag exam.Ilagay siya sa klaseng nararapat para sa kaniya."sabi ng principal na dismayadong nakatingin kay Allysa.
"Pero sir"sabi ng opisyal.
Aalis ang principal sa opisyal at hindi na sasagot.Malulungkot na titingin ang opisyal kay Allysa at mapapansing kilala niya rin ito.
Pagkatapos noon,sa isang room magsasalita ang titser tungkol sa Section Exam.
"Magandang umaga.Ngayon magkakaroon kayo ng exam na sasagutan niyo para malaman kung saang section kayo nababagay.Sasagutin niyo ito sa loob ng kalahating oras."sabi ng titser.
At nagumpisa na ngang sumagot ang lahat subalit sa loob ng room na iyon ay walang tao sa apat na upuan na ipagtataka ng guro na nagbabantay.Sa oras ng pagsusulit ay sinasadyang isara ang pintuan ng bawat room upang hindi makapasok ang sinuman na late sa klase o mga aabala sa exam.
"Hoy!"tinig ni Pauline na nagpagising kay Cyrus na napaidlip sa isang bangkong katapat lamang ng room.
Mapapadilat ang kaniyang mata,mapapatingin sa babaeng gumising sa kaniya at magagandahan ngunit mapapatingin sa sinag ng araw at maalala niyang may klase pala.Mapapaupo siya agad at maiisip na nakatulog siya sa aga niyang pumasok at mabwibwisit sa sarili niyang katangahan kaya naman mapapapalo siya sa kaniyang ulo.
"Napakabobo ko.Di na ko nakaexam"sabi niya sa kaniyang isip at malulungkot na madidismaya nalang sa kaniyang sarili.
Mapagtatanto niya na antanga niya ngunit sa oras ding iyon ay mapapnsin niyang hindi siya nagiisang nakaupo sa bangkong nasa harap ng room.
Sa totoo lang ay apat sila.
"Anyare kaya sa mga mokong na to"sabi niya sa kaniyang isipan.
Sa isa pang bangko nakaupo sina Allysa at isa pang lalake na mayroong gitara sa kaniyang likod.
"Haha kala ko ako lang tanga na hindi naka exam"sabi ni Cyrus na mahina ngunit narinig parin nila.
Madidismaya sila na marinig ito at maalala kung bakit sila hindi nakaabot sa exam.
Si pauline ay hindi nakaabot sa exam sapagkat siya ay nahirapan sa kaniyang paglalakad sapagkat siya ay naka hills tapos naglakad pa siya ng mabagal habang bumabati sa bawat opisyal at gurong makita niya kahit ayaw niya naman subalit ginawa niya ito dahil para sa kaniyang ama na pulitiko.
"Wag mong kalimutang bumati sa kanila anak.Para sa eleksyon"Nakangiting wika sa kaniya ng kaniyang ama noong nasa loob pa sila ng kanilang limosine.
Maasar siya ng bahagya ng maalala niya ito.Mapapatingin si Cyrus sa kaniyang paa at marerealize kung bakit nga ba siya na late. Iniwasan nalang ni Cyrus na mapansin siya ni Pauline.
Si Allysa naman ay hindi pinapasok sa room sapagkat sinabi sa kaniya na..
" Utos ng principal na hindi ka papasukin.Ang late ay late at dapat sundin ang school rules.At dahil huli ka,sa huling section ka rin mapupunta".sabib ng titser kay Allysa na ikakadismaya niya.
Ang lalake naman na may gitara ay nakipaglaro sa mga ousang nakita niya sa isang gilid ng skwelahan at nakalimutan niyang may exam pala na madidismaya din siya sa sarili niya.
Nang maalala nila ang mga kamalian nila ay mapapahinga nalang sila ng sabay sabay sa pagkadismaya sa kanilang sarili.
"Anu nang mangyayari sa atin ngayon?"sabi ni Pauline.
"Simple lang"sabi ni Cyrus.
"Mapupunta tayo sa Class D."sabi ni Allysa.
"Anung Class D.?"tanong ni Pauline.
"Makikita mo din"sabi ni Allysa na nadisdismaya paden sa sarili niya.
Sa isang tabi,malayo sa kanilang apat ngunit tanaw parin sila ay nakatambay rin aa isang bangko ang isang guro na may kakaibang presensya.Siya ay may napakaangas na itsura at nakabukas ang butones ng kaniyang polo na uniform sa skwelahan ng mga guro.Mayroon din siyang isang tungkod na mahaba na parang kaniyang pamalo at siya ay may napakatikas na katawan.Nakakatakot mang tignan ngunit isa siyang lalake na masasabing matalino sa itsura palang.
Pinagmamasdan niya ang apat na iyon na para bang kinakalkula ang nga ito.
"Anak ng mayor"sabi niya ng makita si Pauline.
"Anak ni boss"sabi niya ng makita si Allysa.
"Anak ng isang desenteng pamilya"sabi niya ng makita ang lalakeng may gitara sa likod.
" Anak ng taga ibang planeta"sabi niya ng makita ang nababaliw na itsura ni Cyrus.
"Mukhang mageenjoy ako sa klase ko ngaung year.Puro first class sila,maliban dun sa baliw"sabi niya na naglakad na papunta sa kaniyang klase.