webnovel

Kabanata 1: Hiraya

Maririnig mula sa labas ng silid-aralan ang mga huni at kanta ng mga ibon.

Paroon at parito ang ilan, naghahanap ng maipapakain sa kanilang mga inakay.

Ang ilan naman ay humahagilap ng mga maliliit na sangang kahoy o mga tuyong damo upang makabuo ng pugad.

Karamihan ay nakadapo lamang at humuhuni.

Kung sana lamang ay kayang tumbasan ng mga ibon ang ingay na nagmumula sa loob ng silid-aralan ay hindi sana malulukot ang noo ni Hiraya. Pero isa lang iyon sa sandamakmak na rason kung bakit hindi napigilan ni Hiraya na bumuntong hininga.

-

Si Hiraya ay mayroong mapusyaw na kayumangging buhok, magulo ito at may mahabang bangs na abot hanggang ilong, buo iyon at hindi pakanan o pakaliwa, natatakpan nito ang mga manipis niyang kilay na nakataas ang dulo at ang mga mata niyang lubog, maitim ang paligid dahil laging puyat.

Matangos ang ilong niya na may katamtamang laki ang mag butas.

Maputla ang kulay ng kanyang labi, kasing putla ng kulay ng kanyang balat.

Bilugan ang kanyang mukha, medyo lubog ang pisnge at mayroong makorteng panga.

-

Asar si Hiraya dahil hindi niya magawang kumbinsihin ang sarili na huwag nalang pansinin ang kaguluhan sa loob ng silid-aralan.

Gusto ni Hiraya na pakinggan na lamang ang mga huni ng ibon dahil nakakakalma ang mga huni ng ibon kaysa sa walang pakundangang ingay na nagmumula sa mga bunganga ng mga taong nakapaligid sakanya.

Hindi niya rin sila pwedeng sisihin dahil walang guro sa loob ng silid.

Normal lang din na maingay sila dahil ang oras na natitira para sa klaseng ito ay ang mga huling oras para sa pasukan ngayong taon.

Dagdag pa roon ang pananabik at sayang dulot nang paparating na bakasyon para sa mga high schooler.

Isa pa, kasalanan na rin niya siguro dahil naiwan niya ang kanyang pananggalang; ang kanyang headphones.

Sa pang-araw-araw niyang buhay, sa mga oras na ganito, nakaupo siya doon sa pwesto niya sa likuran sa tabi ng bintana, habang inaantay ang oras nang uwian.

Nakaupo lamang siya roon, mag-isa, walang kausap, walang pinapansin, walang istorbo.

Ganoon din naman ang mga kaklase niya, wala rin namang may gustong kumausap sakanya. Hindi dahil galit sila kay Hiraya o may cold war silang lahat sakanya.

Ganoon lang talaga ang takbo ng buhay nila. Tsaka pabor din naman si Hiraya sa ganitong set-up. Si Hiraya kasi ang tipo na hindi namamansin kung hindi siya papansinin. Yung tipo na kahit maghapon nila siyang kasama ay walang kakausap sakanya, maliban kung importanteng bagay lamang.

Ayos lamang ang ganoon kay Hiraya at mas mabuti pa iyon sa kanyang paningin.

Kung sana lang ay dala niya ang kanyang pananggalang, pero sa pagkakataong ito ay hindi, kaya naman minabuti na lamang ni Hiraya na ilibot ang tingin niya.

Sa pagkakataong ito ay hindi napigilang asarin ni Hiraya ang sarili, na kung may mga kaibigan lamang siyang makakausap, makakalaro, makakabiruan, hindi sana niya gugugulin ang natitirang oras niya sa skwelahang ito na mag-isa.

'Mas ayos na mag-isa nalang. Ilang minuto nalang naman, bakit ngayon pa ako magrereklamo?'

'Ah... Gusto ko sanang matulog, kung hindi ko lang sana naririnig ang bawat ingay na lumalabas sa mga bunganga at ilong nila.'

Mas sensitibo ang pandama ni Hiraya kaysa sa isang normal na tao.

Rinig niya ang pagkaluskos ng pudpod na upuang bakal sa semento at pati na rin ang patagong pag-utot ng babaeng nakasandal sa pader dalawang hilera mula sa upuan niya.

Kita niya mula sa upuan niya ang mauupuang kulangot na nilagay ng kaklase niya sa mesa at ang bakat na utong ng kaklase niyang may manipis na bra.

Amoy niya ang mabahong medyas ng kaklase niyang tatlong araw ginagamit bago palitan.

Ang hyper na pandama ni Hiraya ay ang isa sa mga dahilan kung bakit mas pinipili niya na mag-isa na lamang at malayo sa karamihan.

-

Hindi na rin maitanggi ni Hiraya na gaya ng karamihan ay gusto niya rin ang sayang dulot ng bakasyon. Habang nauubos ang oras ng pasukan ay tumitindi rin ang pananabik ni Hiraya.

Walang maingay na mga kaklase.

Walang mabahong amoy ng paa.

Walang temtasyong titigan ang mga utong ng kaklase niya.

At lalong-lalo na, magdamag na siyang makapaglalaro ng online games.

-

Dahil hindi dala ni Hiraya ang kanyang headphones ay hindi niya napigilang pansinin kung ano ang nangyayari sa banda kung saan nagmumula ang pinakamaingay na kaguluhan.

'Sila nanaman.'

Ang grupong iyon ay ang laging sentro ng atensyon at sila din ang grupo na pinaka-naguguluhan si Hiraya.

Nasa gitna ng grupong iyon ay si Borhe.

Si Borhe ay isang pangkaraniwang tao.

Hindi siya gwapo pero hindi rin siya panget, pangkaraniwan.

Hindi siya payat at hindi rin siya mataba, pangkaraniwan.

Hindi matataas ang grado niya at hindi rin mababa, pangkaraniwan.

Halos lahat ng bagay patungkol kay Borhe ay pangkaraniwan, maliban sa mga taong nakapaligid sakanya.

Ang tanging espesyal kay Borhe ay ang mga taong lagi niyang kasama... babae... mga babae.. tatlong mga babae. Magkakabigan sila kung titingnan ng karamihan pero sa paningin ni Hiraya ay sa mga mata lang iyon ng karamihan at ni Borhe. Ang tatlong babaeng tingin niya ay mga kaibigan niya ay hindi lang kaibigan ang tingin sakanya.

Naguguluhan si Hiraya kung bakit hindi iyon alam ni Borhe.

Kung bakit hindi mapagtanto o mapansin man lamang ni Borhe na gusto siya ng tatlong babae, iyon ang nakapagtataka kay Hiraya.

'Syempre dahil iyon ang role na nilikha ng Sumulat para sakanya!'

[Ehem]

-

Nakapalibot kay Borhe ang tatlong babae.

Sa harapan ni Borhe ay ang babaeng may mahabang itim na buhok na abot hanggang sa kanyang baywang.

Maganda siya.

Maganda ang mukha; yung akala mo kumikinang ang mga mata kapag magkakatitigan kayo, yung akala mo kapag nginitian ka niya mahuhulog yung puso mo, yung akala mo siya yung representasyon ng isang diyosa.

Maganda ang pigura; may saktong pangangatawan, malaking-malaking hinaharap, malaki nililikod, manipis na baywang, pang diyosang katawan.

'Na, kilala ko siya, katabi ng bahay ko ang bahay niya. Naririnig ko tuwing gabi kung papaano niya planuhing idispatsa ang mga kakompitensya niya at tuwing hindi ko mapigilan ang kuryusidad ko na alamin ang mga binabalak niya ay pinapakinggan ko siya.. minsan ay gusto ko siyang tulungan pero nakakatamad.'

Syempre ay hindi iyon alam ng karamihan. Isang sikretong malupit na si Hiraya lang ang nakakaalam. Isa siyang Doble-kara.

Sa kanan ni Borhe ay ang babaeng may kayumangging buhok na nakatali ang dalawang gilid.

Siya naman yung tipo na cute. Pero kung cute lang siya ay hindi sapat iyon para maging espesyal.

Maliit siya pero matapang.

Apat na pulgadang taas, kasing patag ng tadtarad ang hinaharap at may hindi siya pangkaraniwang taglay na lakas.

'Ah, naalala ko nung minsang napadaan ako sa isang bakanteng silid. May narinig akong umiiyak at nakita ko siya doon, aalis na sana ako at hindi na papansinin pero nung nakita kong pinulot niya yung mop sa lapag, inangat niya tapos tinuhod. Natupi yung aluminum mop sa korte ng tuhod niya. Pinigilan ko ang sarili kong hamunin siya sa isang labanan.'

Kapag inaasar siya ng mga bully sa school ay hindi maintindihan ni Hiraya kung bakit hindi pinapatulan ng cute na babae ang mga bully, iiyak lamang ito at tatakbo. Nang mapagtanto ni Hiraya ang dahilan ay iyon ang dahilan kung bakit tinatawag niya ang babae na matapang.

'It takes a lot of courage not to smash those bully' s faces'

At ang panghuling babae naman ay ang nasa kaliwa ni Borhe.

Siya naman yung tipo na Bb. Perpekto.

Maganda, matalino, maganda hubog ng katawan, palakaibigan, walang kaaway, ini-idolo ng lahat, matulungin, magalang... yung tipo na A+ sa lahat ng larangan.

'Mmmm... Ano bang pwedeng panlarawan. Malibog, she's overly sensual. Well, atleast hindi sa lahat.'

-

Habang iniisip ni Hiraya kung ano pang pwedeng panlarawan sa tatlong babae ay narinig niyang nagsalita yung matapang.

"Borhe. Borhe. Anong plano mo ngayong bakasyon?" Tanong ni matapang habang inihahanda ang sarili sa mga susunod niya pang mga tanong.

Ngumiti si Borhe at sinabi, "Ganit, ano... balak ko sanang.." Naputol ang sasabihin ni Borhe nang maramdaman niyang may humatak sa kamay niya. Niyakap iyon at napakislot ang katawan ni Borhe nang maramdaman ang malambot na bola.

"Syempre Borhe is going with me, sa mga plano ko ngayong summer. Right Borhe, you're coming with me?" Ang inosente ng mukha ni Bb. Perpekto pero umuungol na ang utak niya sa mga naisip niyang gagawin.

"Yung.. yung... dib.. mo, Mi.. Mina" Utal-utal na bulong ni Borhe. Napatingin siya kay Mina at sa malambot nitong dibdib, namula ang pisnge niya at tila hindi na niya alam ang susunod na gagawin habang patuloy naman ang pagtama ng siko niya sa dibdib ni Mina dahil pinipilit niyang bawiin ang kamay niya at hinahatak ito pabalik ni Mina.

"Mmm, anong sinabi mo Borhe?" Palambing na bulong Mina sa tenga ni Borhe na siyang nagpatayo sa mga balahibo ng binata.

Nang makita iyon ni Ganit ay walang habas din niyang hinatak ang kamay ni Borhe at niyakap iyon, bagamat talo sa kompetisyon sa palakihan ng hinaharap ay hindi siya nagpatalo at pinunas pakanan at pakaliwa ang kamay ni Borhe sa dibdib niya.

'That guy's character is really annoying. I mean..'

Nagpakawala nang mabining hagikgik si Mina habang tinitingnan ang ginagawa ni Ganit at paiyak na ang mukha ni Ganit dahil hindi niya matanggap ang kanyang kapalaran.

Samantalang si Borhe, nakatayo lang habang tumitigas na ang kanyang katawan dahil sa nerbyos.

Bago pa man pasabugin ni Ganit ang mukha ni Mina ay pinigilan ni Doble-kara ang dalawa sa kanilang pag-aagawan. Niyakap niya ang ulo ni Borhe at dinala iyon sa dambuhala niyang hinaharap.

Napasinghot si Borhe.

Rumagasa ang luha ni Ganit.

Kumislot ang gilid ng mata ni Mina.

"Taympers muna..." Hinagod ni Doble-kara ang buhok ni Borhe, kumikinang ang mga mata niya at nakangiti niyang tiningnan ang kanyang kaliwa at kanan. "Wag na kayong mag-away. Pwede namang magkakasama tayong lahat sa bakasyon."

'Na, mukhang may natimpla na siyang magandang plano para idispatsa ang dalawa. Maybe I should ask...' Tumaas ang isang kilay ni Hiraya habang iniisip niya kung anong plano ni Doble-kara.

"Iiii Pam. Ayaw.. Sa akin sasama si Borhe ngayong bakasyon."

"No way. Borhe is coming with me."

Habang patuloy na nauubos ang oras ay patuloy din ang pagbabangayan ng tatlo habang pinapanood sila ni Hiraya. Habang si Borhe naman ay naging statwa na.

Próximo capítulo