webnovel

kabanata 5

Accusation

Kinabukasan ay hindi na ako pumunta ng paaralan. Sabado ngayon kaya kailangan kong pumunta ng mansion nang mga Toñacao para magtrabaho.

Kanina sa trycicle. Maraming mga sermon na sinabi si Mama. Ngayon hindi pa tapos. Tumango ako sa huli niyang sinabi.

"Opo Ma."

Nagsimula na akong maglinis pagkaalis ni Mama. Nasa may kusina ako ulit pumunta para linisan ang mga platong ginamit at mga kagamitang pangluto. Hindi naman ako nahirapan dahil sanay na sa trabaho. Nang matapos ay kumuha ako ng mop at sinimulang linisin ang sahig.

"Hello..."  Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Humarap ako.

"Uhm. Hi..." nahihiya kong bati. Ngumiti siya.

Lumapit pa siya sa akin habang hawak niya ang balahibo na panglinis.

"Bago kalang dito noh? Ngayon lang kasi kita nakita." ani ng babae. Parang kaedaran ko lang din siya. Nakasuot siya ng kulay light blue na maid uniform.

"Oo. Noong isang linggo pa ako pumasok. Sa weekend lang."

Lumawak ang ngiti niya.

"Ayos. May kasama na akong bata rito. Hindi na ako mababagot." naglahad siya ng kamay.

"Mika nga pala. ikaw?" ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya.

"Johnn Recce... Recce nalang." pakilala ko rin.

"No offense ha? Are you.... gay?" she seem nervous.

Imbis na ma-offense ay nginitian ko siya. Tanggap ko naman ang sarili ko. Hindi ko ikinakahiya kung ano ang kasarian o pagkatao ko. Basta malaya ako sa sarili ko. At wala akong inaapakan o inaagrabyadong tao. Tumango ako.

"Oh my! Para kang babae. Ang kinis pa ng mukha mo saken at ang ganda mo." OA niyang sinabi.

Natawa ako sa mga papuri niya. Aware din naman ako na maganda ako.

"Maganda ka rin naman ah?" balik kong puri. Totoo maganda din siya.

Hinampas niya ako sa braso. Mahina lang naman yung tipong pang friendly lang.

"Oo naman noh. Parehas tayo." nagtawan kami sa tinuran niya.

Nagkuwentuhan kami habang naglilinis. Ang friendly niya sa akin. Hindi siya boring kasama. Marami siyang naiisip na mga topic. Marami siyang na kuwento sa akin. Pati yung naging boyfriend at ex niya na ngayon. At ngayon naman binibigyan ako ng advice.

"Hay nako. Yang mga lalaki? Pare-parehas lang 'yan. Mga manloloko. Sa una lang sweet at maalaga, pero pag nagtagal na? Hindi kana papahalagahan. Malamig na ang trato sa'yo at malalaman mo nalang pala may babae nang iba!"

"Kaya kung ako sa'yo Recce? Huwag kang papadala sa mga matatamis nilang salita. Lason 'yun! Nilalason nila ang isip mo para mapapayag ka." dagdag niya.

Natatawa nalang ako sa mga pangaral niya. Wala naman akong manliligaw kaya hindi ko nararanasan ang malason 'kuno' na sinasabi niya. Oo nga't may gusto ako pero impossible naman yung liligawan ako noon. Tsaka hindi niya na kailangang manligaw pa. The woman approached him spontaneously. Like a magnet if it sticks. Who will not approach him? e, he already has it all. He is handsome. Tall. Athletic and most of all everyone knows they are rich. Their surname is popular here in the province. Sinong aarte pa? Ako? Kung tatanungin ako? Syempre sugod agad. Susunggaban ko agad at lulunurin ng halik. Kaso hindi ako babae. Magandang bakla lang ako na malapit ng magkasuso. Baka nga pag-ayain ko 'yun sa CR suntok lang ang ibigay nun.

Bumalik ako sa ulirat ng marinig ang nagmamakaawang boses ni Mika.

"Ikaw bata ka, kaya pala nawala ka roon dahil nandito kalang pala naghahanap ng kausap." piningot ng matandang babae ang tenga ni Mika. Natawa pa ako sa reaction ng mukha niya. Mukhang natatae kasi.

"Nay. Masakit na po, sakabila naman."

Nang bitawan ng matanda ang tenga niya ay daling lumayo siya nito at nakangusong hinimas ang piningot.

"Pasaway ka talagang bata ka. Hala, bumalik kana roon. At itapon ang basura sa labas." ani ng matanda. Parang hindi naman siya totoong galit.

Sumenyas pa si Mika sa akin bago siya tuluyang lumabas ng kusina. Humarap sa akin ang matanda at ngumiti.

"Pasensya kana sa anak kong iyun. Madaldal talaga iyun kaya naghanap ng kausap." Mama niya pala to kaya ganoon nalang  kung magbiruan.

"Ayos lang po."

"Ikaw ba ang bagong pumasok rito? Iyung anak ni Liza?" tanong niya.

"Ah, Opo. Ako po si Recce..." magalang kong pakilala.

"Tawagin mo nalang akong Nay Roma."

"Sige po."

Nang sumapit ang hapon ay naging abala ang kapwa ko katrabaho. Si Nay Roma naman ay nasa kusina may nilulutong mga pagkain. Ang sabi ay may maliit na party raw na magaganap at maya maya lang ay nandito na ang mga  magpaparty. Ang anunsyo ay si Kerwan at ang mga kaibigan niya ang magsi-celebrate sa mansion ngayon. Hindi ko na alam ang nangyari sa laro nila, siguro'y panalo sila dahil may selebrasyong magaganap.

Nang sinabi ng isang kasambahay na sa labas na raw si sir Kerwan at ang mga kaibigan ay nilabas na namin ang mga nilutong pagkain.

Bitbit ang isang topper wear. Pumunta kami sa side pool ng mansion. Nakasunod ako sa kasamahan kong mga kasambahay. Nilapag namin ang mga dala sa hinandang lamesa. May mga inumin na doon. Hindi pamilyar sa akin pero alam ko'y mahal iyun.

I looked inside as Kerwan's friends entered. They walked loudly inside the mansion and into the pool. Nawala ang tingin ko sa grupo ng may kumalabit sa akin.

"Tara na. Bawal tayo rito pag may bisita si sir Kerwan." si Mika. Tumango ako at pumasok na ng kusina.

"Grabe ang ga-guwapo nila noh?" kinikilig na sambit ni Mika.  "Lalo na sir Kerwan. ang laki ng braso."

Ngumiti lang ako at sumang-ayon sa isip. Sinabi mo pa, siguro nga maraming abs 'yun. Shit. Napakagat labi ako.

"Uy? Namumula. Crush si sir." napaigik ako ng sundutin niya ang tagiliran ko.

"Huh. Sinasabi mo?" maang-maangan ko. Madaldal pa naman 'to.

"Sus. Kahit i-deny mo, halata pa rin noh?" Inakbayan niya ako at nilapit ang bibig sa tenga ko.

"Natulala ka ng binanggit ko ang pangalan niya at isa pa namumula ang mukha mo-." bulong niya. Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at lumayo dahil nakikiliti ako sa hininga niya.

"Ano ka ba! Nakatingin ako sa Mama mo dahil dinadaldal mo na naman ako. At isa pa mainit dito." umayos siya ng tayo kaya napatawa ako.

"Wala naman si Nanay ah? Sus. Kahit hindi mo sabihin, halata pa rin." ang daldal talaga ng isang 'to.

It was dark outside. The light of the whole mansion came from the expensive light especially in the large chandelier hanging on the surface. I was in the kitchen just waiting for Nay Roma to order. Ang ibang kasambahay ay nasa pool area.  Nag-aabang ng mga request. Si Mika naman ay hindi ko alam kung saang lupalop. Kanina lang kasama ko siya rito.

Tumango ako ng magpaalam si Nay Roma. May gagawin lang daw siya sa labas.

"Sige Nay."

Hinugasan ko nalang ang mga platong ginamit. Ang mga sobrang pagkain ay nilagay ko nalang sa plastik. Nang matapos maghugas ay nagtrapo na ng basang kamay.

"Uhm...excuse me?" lumingon ako ng may magsalita sa likuran ko.

He was standing in the doorway. That was Kerwan's friend. Anton.

"Bakit po sir?" tanong ko.

He even walked near at my place with a smirk on his face.

"Itatanong ko lang sana kung saang banda ba ang banyo?" nakangisi niyang tanong.

"Ah. Banda po sa gilid sir, tapos kumanan ka." ginamit ko pang sign language ang kamay para mas lalo niyang matunton ang banyo.

He seem amused to me. Nakatitig lang siya sa akin habang tinuturo ko 'yun. Kinunotan ko siya ng noo dahil parang pinagkakatuwaan pa niya ako.

"Bakit po sir..." tanong ko.

Ngumisi siya kaya kinilabutan ako. Babaero nga pala ito! Sabi sa isip ko. Pero... Bakla ako kaya, baklaero siya ngayon.

"Sir ka nang sir. Ilang taon lang naman ang tanda ko sayo. Tawagin mo nalang akong Anton." kumindat pa siya sa akin.

Ngumiwi ako. "Okay."

"Anong pangalan mo?" I thought mag-babanyo 'to?

"Recce."

"Cute name. Parang... nakita na kita somewhere? Nagkita na ba tayo?"

kung hindi ko lang talaga 'to kilala ay iisipin kong hindi 'to babaero. Malamang hindi ako nito matandaan noong pumunta ako sa classroom nila dahil hindi alam ang pangalan ko. Sabagay hindi naman ako katanda-tanda.  Pero alam ko namang ganyan-ganyang lines ang mga babaero.

"Hindi-." napabaling kami sa tumawag sa kanya.

Shit. Si Kerwan. Tumalikod ako at nagpanggap na naglilinis.

"Dude. Ang tagal mong bumalik." ang lalim ng boses niya. Nakakalunod.

"Nag tanong lang. Naligaw kasi." sagot ni Anton. May bahid na tuwa ang boses.

"Huh? Tinuro ko na ah."

"I forgot. Sige dude." rinig ko ang yapak na paalis na siya.

Tiningnan ko sa peripheral vision si Kerwan. Nasa may ref na siya umiinom ng malamig na tubig. Lumingon siya banda sa banda ko kaya tinago ko ang mukha ko. Baka isipin pa niya pati dito sa mansion nila iniistalk ko siya. Nagkataon lang 'to no? Lumapas naman agad siya pagkatapos uminom.

Nang tumuntong ang alas-syete ay umuwi na ako. Pag katapos linisan lahat ng kalat nila at ang mga platong ginamit sa party. Kanina pa naka uwi si Mama. Actually six pm ang uwi ko. Natagalan lang kanina dahil may party.

Kinabukasan ay ganoon pa rin. Naglinis lang ako kasama si Mika. Nagtataka ako dahil kahapon ay naglinis naman kami tapos ngayon linis na naman. Ganoon siguro ang mayayaman. Kailangan malinis talaga ang paligid. Yung tipong, walang makikita na kahit kaunting alikabok. Marami na kaming kasambahay rito. Yung iba nga may panahon pa para maki-chismisan. Hindi ko sinasabi na si Mika 'yun ah? Ang punto ko lang. Halos wala na kaming trabaho rito. Sa dami ng kasambahay. Hindi ba sila nasasayangan sa pera? Sabagay, kilala nga pala silang mayaman sa lalawigan na ito. At siguro masyado lang talaga silang mabait. Binibigyan nila ng tulong ang tao kahit sa pagtanggap lang bilang katulong.

Pumasok ako ng library pagkatapos naming kumain ni Ma'am Aurora. Tapos na ang kasiyahan sa school kaya balik normal na ang klase. Sa makalawa na ang midterm exam kaya puspusan ang review namin. Ganoon talaga. Dapat talaga tayong masanay na pagkatapos ng kasiyahan ay kasunod naman ang pagdurusa. Problema

I closed my eyes and rubbed my forehead as my eyes hurt a little from reading. Grabe. Kailangan ko talagang mag-sunog kilay ngayon. Wala pa naman ang plus points dahil sa walang laro na sinalihan. Iyung iba ay may plus points at exempted pa ang ilan sa exam yung ibang nanalo sa laro.

When the day of the exam came, everyone was nervous. While we were taking, I felt pressured by my classmates. The surroundings are tensed. So am I. Though, I know I really reviewed it thoroughly and was still nervous about the outcome. When I saw the result the next day I calmed down. I know I answered the question well. so, I am comfortable that my score will be big. There is only a little nervous because it is different when you really see the result first.

"Grabe noh? Buti nalang talaga hiniwalayan ko na iyun. Manloloko talaga!" si Mika. Kwenekwento niya iyung ex niyang manloloko. Nakita niya kasi na may kasama namang ibang babae. Hindi na iyung babaeng kasama niya noong isang buwan. Nasa may garden kami ngayon. Dinidiligan ang mga halaman.

"Akala mo naman, sobrang guwapo!"

Nakikinig lang ako sa mga kuwento niya. Tawawa ako sa isip ko dahil kanina pa siya hindi nauubusan ng topic. Napasok niya pa si Kerwan. Iginigiit niya na may gusto raw talaga ako kay sir. Ako? Aamin? Huwag nalang subok ko na ang kadaldalan niya. Nang makaramdam ng uhaw ay nagpaalam muna ako kay Mika. Nagtungo ako sa kusina.

I was stunned when I entered. Kerwan was there. He turned around to feel that he was with someone inside. I kept wondering if I would come in or not. when I arrived he was inside.

Nanliit ang mga mata niya. Waring kinikilala ako.

"G-Good morning sir." bati ko.

Kumuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator at uminom.

Pagsira ko sa pinto ng ref ay nagulat pa ako.

"S-Sir naman. Nakakagulat ka naman!" hingal kong wika.

Paano ba naman kasi nasa may likod siya ng pinto. Nakatayo.

"You again? Whay are here?" tanong niya. Ang bilis niya magsalita hindi ko masundan.

"H-Huh...?"

"Bakit ka nandito? Are you stalking me?" akusa niya. Nagsalubong ang makapal niyang kilay kaya medyo na-distract ako.

"S-Sir nagtatrabah-." o po ako rito. He immediately cut me off.

"Exactly. You planned to work here to just follow me." matigas niyang sinabi.

H-Huh? Ano daw? plano?

"Hindi naman sa-." Hindi na tuloy ang sasabihin ko dahil tumalikod na siya.

"Tss...Desperate gay." he whisper. And then he walked out the room.

Próximo capítulo