XEÑA
"Shet! Ano ba, bitawan mo 'ko," sigaw ko sa lalaking wala man lang pakundangang binuhat ako. In a bridal way pa yan, ha. Great, nakakaagaw na kami ng atensyon.
"It's my fault, right? Then, I owe you," what the --!
"Heck! You're catching up their attention," Aisshhh. Pinagtitinginan na kami ngayon lalo na at nasa labas na kami ng cafè.
"Then you must be used on it. Now that you are already attached on me."
Damn, this guy. What is he talking about? Seriously, huh!
"Teka nga saan mo ba ako dadalhin, huh?"
"Honeymoon."
Great! Nakasunod pala ang apat na mokong na ito. Tiningnan ko ng masama yung may pulang buhok. Honeymoon, your ass!
Waahh! I can't take it anymore! Sa tuwing dadaan kami, bigla na lamang nagsisitabi ang mga estudyante at napapayuko pero kapag nakalampas na kami at nakalayu-layo sa kanila, bigla namang mapupukol yung mga mata nila sa amin tapos they will do gossiping then.
"Aissh, ibaba mo na ako. Kaya ko na ang sarili ko. At isa pa, I need to go to the CR, nalalagkitan na ako oh," reklamo ko.
"Stop doing tantrums or else we're going to make it true what Kaizzer had said."
Napa-ow naman ang apat. What the fudge! He's kidding right? Wah! Curse this guy!
"Kayong apat mauna na kayo sa HQ," napatango naman sila at umakyat na sa hagdan. At etong lalaki naman ay diretso lang ang lakad.
We're here in the girl's comfort room at hindi niya pa rin ako binababa. Uh-oh don't tell me...
Yeah. Pumasok nga siya na wala man lang pag-aalinlangan. At ang mga babae naman na naroroon ay dali-daling umalis.
Binaba na niya ako sa may lababo.
"Wash your face, then." Tss, alam ko, wag mo na akong pag-utusan.
Naghilamos nga ako ng mukha ko. Aissh, ang lagkit talaga. Mabuti na lamang at may sabon dito, kaya sinabunan ko ang mukha ko.
By the way, nasa tabi ko lang ang lalaking ito at nakasandal lang sa lababo habang pinapanood akong maghilamos.
Pinatay ko ang gripo at humarap sa salamin. Aisshh, napahilamos na lang ako ulit. Hindi ba marunong makiramdam ang lalaking ito? Nakakailang na yung paninitig niya sa akin.
Napatingin ako sa uniform ko. Nabasa nga pala ito at nahulugan rin ng spaghetti. Hindi ko naman basta-basta na lamang tanggalin ang coat at baka madamay pa ang long sleeve ko. Damn, walang tissue?
Babasain ko na sana ito ng tubig pero nagulat na lamang ako nang pinaharap niya ako sa kanya.
May kinuha siya sa loob ng coat at yun panyo pala. Tumayo siya ng maayos at walang sabing pinahiran ang nakakalat na spaghetti sa akin. Hindi ko nagawang gumalaw sa ikinilos niyang yun.
Napatingin ako sa pintuan at may papasok sanang babae pero tumalikod din ng makita ang ayos namin. Doon na 'ko natauhan.
"Ako na," kinuha ko sa kanya ang panyo at ipinagpatuloy ito nang nakatalikod sa kanya. Shet naman oh!
Pagkatapos nun, hinubad ko na ang coat ko.
Nang humarap ako sa kanya, nakaharap na siya sa pintuan. Infairness talaga sa lalaking ito, hindi talaga siya lumabas ha.
"Finished?" Humarap siya sa akin at tumango naman ako. Pero napansin ko naman yung coat niya.
"Yung coat mo," tiningnan niya ito at hinubad din. Ako naman ang tumalikod.
Eh? Ba't nga ba kailangan kong tumalikod? Di naman siya maghuhubad sa harapan ko. Yung coat lang naman niya ah. Tss. What am I thinking!
"You cannot walk properly so I must carry you then so that we can reach the HQ immediately," nabalik naman sa katinuan ang utak ko nang magsalita siya. Wait? HQ?
"Huh? HQ? I thought I must be in the clinic."
"I can cure you there and have some rest. It's just that I need to be there together with you because we have some things to be settled," saad niya at binuhat na niya ako ulit. Napahawak naman ako sa leeg niya. Well, ang bag ko nga pala ay nandun kay Koreano. Kinuha kasi ng lalaking ito at binigay sa kanila bago ako buhatin.
What's with that HQ then? At ano namang pag-uusapan nila na pati ako ay kasama?
Naka-akyat na kami sa hagdan. I'm wondering, hindi ba ako mabigat para buhatin lang man niya ng walang kahirap-hirap?
Habang paakyat kami ng hagdanan, hindi ko maiwasang tingnan ang mukha niya.
Well, just like those four boys, this guy is really one of those boys dreamed by those girls. He has that fair complexion, a black hair being cut in a nice way, his eyebrows being perfectly shaped, curly eyelashes with brown eyes that really makes you uneasy as it met with yours, a pointed nose, natural red lips, perfect line jaw-- damn, why so perfect? No wonder I am attacked here by other girls because of being attached with him at first meet already. Are they envious of me because I already caught the attention of their man of dreams?
"You're dreaming awake."
"Huh, yabang. I'm not." Inirapan ko na lamang ito. Grrr! This guy!
Nasa apat na palapag na pala kami at dito na kami huminto. Sa palapag na ito, makikita ang function hall at may Chairman's room pa na nadaanan na namin. Biglang napatigil ang kasama ko. Lumingon ako sa kinahaharapan nito at tumambad sa amin ang pintuang may pagka-elevator style. At ang Faulker may itinitipa naman sa isang gadget na nasa gilid nito. Hi-Tech lock system.
"1397, that's the password and you need to remember that."
Wait. Why on earth that he gave the password to me?
At bumukas na nga ang pintuan.
Sa pagbukas pa lamang, bumungad na sa amin ang apat na lalaking nakaupo sa sofa at pachill-chill lang.
Nilapag niya ako sa isang mahabang sofa sa bandang kaliwa at siya naman ay umupo sa pang-isahan na nasa gilid ko rin naman.
"Hey Vendrick, get a cold compress and cure her," utos niya sa lalaking nag-abot ng bag sa akin kanina. Tumayo naman ito sa kanyang kinauupuan.
Iginala ko ang aking mata sa kwartong ito. Well, parang hindi nga kwarto kase parang lahat ng parte ng pamamahay ay nandito na. Parang penthouse ba? May pa-sala, tapos may kusina sa bandang dulo then sa gilid nito ay parang counter tulad ng nasa bar and yeah may mga bottled drinks at different kinds of glasses na naka-display! What the hell! Tapos may pa-hagdan pa na mga ilang steps lang din naman na naka-locate dito sa gilid ng sala kung saan may tatlong pintuan akong natatanaw. Tapos dun naman sa gilid ng counter ay may another door ulit na pareho sa main door ng kwartong ito. Damn! Sumasakit ang ulo ko sa HQ na tinatawag nilang ito!
"Ar-ray!"
"Oh, sorry," sabay tingin sa akin at ngumiti.
Sa kakalibot ng mata ko sa HQ na ito, di ko na napansin na nakaluhod na pala ang Vendrick na ito na tinanggal ang sapatos ko at nag-uumpisa ng gamutin ang paa kong namaga yata.
"So what are we going to talk about, then?" Tanong ng lalaking maarte.
"Oo nga at ba't pa ako kasama sa pag-uusap niyo?" Naiirita kong tanong sa Faulker na ito.
"Well, it's all about you, Miss Fuentella," diretsong sagot niya.
"AKO?" Gulat ko namang tanong sabay turo ko pa sa sarili ko.
"Uhuh. You're already curious so I'll start then," sagot niya.
"Teka nga, bago mo ako ihain sa usapang ito, pwede bang ipakilala mo muna tong apat na to, aber?" Singit ko muna na kinasang-ayunan naman niya.
"Ian Vendrick Yñasco, on duty Ma'am," sabi nitong lalaking on duty sa panggagamot sa akin.
"Well, I'm Fredrich Von De Guzman at your service," pakilala sa akin ng lalaking nasa tabi ko pala sabay lahad ng kanyang kamay na tinanggap ko naman. Siya yung lalaking tumulong sa aking tumayo kanina. Hmm, what's with that 'at your service'? Tss.
"Darryl Jaz Buencamino here," sagot naman ng lalaking nasa harapan ko, nakangisi at nakadekwatro pa. Aba, napaghihinalaan ko na talagang hindi straight to ah. Tsk!
"And I, Ren Kaizzer Veneracion, deadly but sweet," saad naman ng lalaking katabi ni Darryl na presenteng nakaupo sa armrest ng sofa at nag-wink pa. Grr! Hindi pa ako nakaget-over sa pinagsasabi niya kanina.
Sa ngayon tumingin naman ako sa lalaking Faulker. Aba't nag-smirk, problema neto?
"Do I need to state my full name?" Saad niya na ikinataas naman ng kilay ko.
"Oh well, just your first name obviously," sagot ko. Loko loko talaga to. Alam ko naman yung apelyido niya 'no!
"Ok. Ace Xanderzild. Even though you're not interested," sambit niya na may halong pang-aasar sa akin. Balatan ko kaya to? Anyways, that explains that he is the Alas that had been called a while ago by that girl.
Hmm, infairness huh, lahat sila may three-letter word na name. What a surprise!
"And for the knowledge of the four of you, I'm--"
"We already know," putol sa akin ni Fredrich at ngumiti pa na kinasang-ayunan naman ng apat.
"Oh, well."
"Here, ok na," binaba na ni Vendrick ang paa ko. Tumayo na rin siya at umupo sa tabi ni Fredrich.
"Ready ng makinig?" Tanong nitong Alas.
"Yeah, salang mo na," tamad kong sabi at sumandal na sa sofa.
"You have three consequences to accept," mariin niyang sabi. Agad namang lumaki ang mata ko at napabaling sa kanya. Nakatitig siya sa akin at naka-crossed arms pa.
"What? Con--se--quen--ces?" Takang tanong ko sa kanya. Tumango naman ito bilang pag-sang-ayon.
"At ano namang rason at napunta ako dyan? Wait--" napaisip ako. Fudge! Isa lang ang kasalanan ko sa kanya ah at kung yun nga, ang babaw naman neto! Tss. "Wag mong sabihing dahil sa natapakan kita nung isang araw, yun na yun? Ganun kababaw?" Pang-aasar ko at siya naman ang nagtaas ng kilay. Ano bang kasalanan ko sa lalaking ito para bigyan ako ng consequences? Psh.
"Well, that's also part of it. And the other then is yung pagtulong ko, namin sayo simula nang pumasok ka sa paaralang ito," sagot nito. Luh! Ano daw? Tinulungan nila ako? Eh sino bang nagsabing tulungan nila ako? Tss, nagkaroon pa ako ng utang na loob.
"And lastly--," lumapit siya ng bahagya at tiningnan akong mabuti sa aking mga mata. Hindi ako nagpatinag kaya sinalubong ko ang mga mata niya kahit na nakakailang. "You made me as your boyfriend last Sunday," I was stunned after hearing those words while grinning at me.
Holy shit! The fudgee barr!
HE IS AX?!
"WHAAATTT?!" Napasigaw na ako at napatayo. At ang loko napangisi.
"Why? Did my babe already forget me, huh?" Pang-aasar niya at nasapo ko na lang ang aking noo.
"Argh! Enough Faulker," naiinis kong sabi.
"Ouch! Such a pain, dude. Pfftt," sabat ni Vendrick tapos may pahawak-hawak pa sa dibdib. At hindi na nila napigilan ang pagtawa. Samantalang ang Alas na ito ay mariin lang na nakatitig sa akin.
"I only state the reason. And I don't accept no here," napa-irap na lang ako sa sinabi niya.
"Ok, fine. Then what are those three consequences?" Pagpayag ko at umupo na ulit.
Samantalang si Darryl ay tumayo at tumungo sa kusina.
"First, be obedient," napataas ako ng kilay sa unang consequence.
"For what?" Tanong ko.
"You must follow all the things that I am going to say, whether you like it or not, I only accept a 'Yes' answer." Damn it! He's acting like a commander!
"Ok, next," tamad kong sagot.
" Second, be a member of the Scarlet Primos," sagot nito na ipinagtaka ko.
"What's that?"
"That's us..." napalingon ako kay Darryl na may bitbit ng pitsel na may lamang tubig at baso. Nang makarating ito sa kanyang upuan ay inilapag niya ang mga ito sa mesa. "It's the name of our group," dagdag nito.
"And we are not just an ordinary group of students nor friends," sabat naman ni Kaizzer.
"Then what are you?" Curious kong tanong kahit na may idea na ako.
"We're gangsters, Xeña," mahinahong sagot nitong si Fredrich. As what I expected.
"Not surprised huh. Amazing," pailing-iling na sabat ni Vendrick.
"Why would I? Based on the superiority that you are showing in this school, I am already expecting that answer," sagot ko habang nakatingin kay Vendrick at nagkibit-balikat na lamang ito.
"So based on the second consequence that this Faulker has given to me..." Napatingin na ako kay Alas sa pagkakataong ito. "Being part of your group is also turning me into a gangster, right?" Pagkonpirma ko kay Alas na tinitigan lamang ako at dahil sa wala siyang balak sagutin ako ay bumaling na lang ako sa apat at dun sabay sabay silang tumango na ikinaningning ng mga mata ko. Well, di niyo ko masisisi, I'm interested eh.
"Don't be excited much because making you as part of us doesn't mean you're fully a member already," sabi ni Alas na ikinadismaya ko naman.
"So you're saying that I must do some 'initiation' like those from fraternities?" Tanong ko sa kanya.
"Parang ganun na nga," sabat nitong Darryl at binigyan ako ng ngising nakakasama sa pakiramdam.
Uh! I think being part of their group is really a bad thing. They are planning something! This Faulker will make me suffer. Argghh! Binabawi ko na ang pagka-interesado ko. This Scarlet Primos gives me undesirable feeling.
At dahil diyan, inabot ko na ang baso at sinalinan ito ng tubig.
"What's next?" Tanong ko na lang habang sumasalin. Well, even though I don't like their idea or let's say his idea, I still don't have choice but to accept it helplessly.
"And the last is..." Utas niya at sa pagkakataong iyon ay kinuha ko na ang baso at uminom ng tubig dito.
Napatingin ako kay Alas ng ipinagsalikop niya ang mga daliri ng kanyang dalawang kamay at ipinuwesto sa kanyang baba habang inilalapit ng bahagya ang kanyang mukha sa akin. Mas lalo akong napainom dahil sinalubong nito ang mga mata ko.
"Be my girlfriend."
PHWAAA!
At dahil sa gulat ko ay nabuga ko na sa kanyang mukha ang iniinom kong tubig, what the hell!
Natigilan ako sa aking kinauupuan habang tutok na nakatingin sa kanya na mariing nakapikit ang mga mata at bakas pa rin sa aking mukha ang pagkagulat sa di inaasahang pangyayari. Maging ang apat ay gulat na gulat at hindi rin makagalaw.
Nahimasmasan ako nang mapamura si Kaizzer kaya napatingin ako sa mesa at buti na lamang at may tissue na nakapatong dun. Mabilis ko itong hinablot tsaka tumayo at lumapit kay Ace.
"Oh Shet! Sorry, I'm sorry," nasambit ko habang minamadaling punasan ang kanyang mukha. Shet! Tumatambol na ang puso ko ngayon sa sobrang kaba.
At mas lalo pa itong lumakas nang hawakan niya ang palapulsuhan ko na sinundan ko naman ng tingin. Dahan-dahan kong ibinalik ang aking tingin sa kanyang mukha at hindi ko na talaga magawang gumalaw nang dahan-dahan niyang iminuklat ang kanyang mga mata na walang kaemo-emosyong tinitigan ako ng diretso.
"You're tensed."
Parang nanuyo ang lalamunan ko nang sambitin niya ang mga salitang yun gamit ang mahinahon niyang boses. Huli na nang marealize kong pinakiramdaman niya pala ang pagpitik sa may palapulsuhan ko.
Nakarinig ako ng pag-ubo mula sa apat kaya binawi ko na ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya at napaiwas ng tingin.
"Ikaw kasi, nanggugulat ka," pagdadahilan ko at bumalik na sa aking puwesto. Kumuha ito ng tissue sa may mesa at siya na mismo ang nagpatuloy sa pagpunas sa kanyang sarili.
"Did I?" Bumalik na naman ito sa pang-aasar na sinuklian ko naman ng pag-irap.
"Whoah! I thought you were going to turn into beast," pang-aasar ni Darryl at tiningnan ito ng masama ni Ace na napataas ng kamay bilang pagsuko.
"What's with that girlfriend consequence dude?" Singit ni Fredrich at lahat kami ay napabaling kay Ace.
"She started that kind of idea then I am fully giving it to her." Napatingin siya sa akin at iniwasan ko naman. Argh! Such an asshole for tricking me because of what I have done last Sunday.
"Besides, I'm doing this for the sake of our race on Saturday. I can't let her ruin my throne. I can't let her run this time," napatingin na ako sa kanya and he gave me his famous smirk of all time.
Arghh! What did I do? Sabi kong kakalimutan ko na lang yun. Oh well, kinalimutan ko nga because I did not recognize him as Ax even on his voice. Pero heto at sinisingil na ako.
Why did the destiny let our paths cross again? Why did the destiny let me converge with this guy and made me prison to the dimension that he built? Damn it!