webnovel

Kabanata 6 - Why Bother?

"Hayop talaga ang lalaking 'yun. Hindi na nagbago. Kung bakit pa kasi hindi pa rin naililipat 'yun sa ibang department? Iyan tuloy, tayo ang pinagtritripan. Ano bang meron sa atin at bakit ayaw tayong tantanan ng Georgico na 'yun?" Iritableng anas ni Aleman sabay sipa sa front seat ng kotse. "Ang sarap lang ipalapa sa aso,"

Si TJ ang nagsalita. "Kung hindi ka titigil sa kakasipa ng inuupuan ko, ikaw ang ipapalapa ko sa aso," anito sabay baling kay Aleman. "Saka pwede bang tumigil ka na? Sa ilang taon na nagtatrabaho kayo sa kumpanyang 'yun, hindi ka pa ba nasanay?" Dagdag pa nito at pagkuwan ay mabilis na ibinato kay Aleman ang bottle water na walang laman.

Sa inastang iyon ng dalawa ay natawa nalang si Marco sa kanyang loob-loob. Tama naman kasi si TJ. Hindi niya alam kung bakit sa ilang taon na nagtatrabaho sila sa kumpanyang iyon, hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang masanay ni Aleman. Kung tutuusin ay sinabi niya na noon pa sa binata na huwag na itong umasa pa na itatrato sila ng maayos ng kanilang mga katrabaho. They were not the most important people in the room and there's no way that those people would treat them like they exists.

Pero kahit na sino naman ay talagang maiinis dahil sa ginawang katarantaduhan ngayon ni Mr. Georgico. Oo at natapos niya ang pinapagawa nito sa kanya ngunit ang problema ay wala palang silbi ang lahat ng iyon.

Sinabi kasi sa kanya sa kanilang editor na tapos na noong nakaraang buwan ang report presentation na pinapagawa sa kanya ng kanilang manager kabilang na roon ang project na hindi niya natapos kahapon. Nangangati ang kanyang mga kamao at halos gusto niyang manuntok dahil sa nalaman niyang iyon. He wanted to lay Mr. Georgico's face down on the mud for him to feel his anger and hatred towards him. But because he loved his job so much, he has no other choice but to stay calm and quiet for most of the time.

At sana ay ganon din si Aleman.

Napatikhim siya. "Gusto mo, wag muna tayong pumasok bukas?" Maya-maya'y sabat niya na agad na ikinalingon sa kanya ni Aleman. "Tutal naman at ginawa na naman tayong katawa-tawa. Bakit kaya hindi muna tayo um-absent ng isang linggo at para makita niya ang hinahanap niya?"

Napailing si Aleman. "Naku, Marco. Wag kang magbabalak ng ganyan dahil baka sa kangkungan tayo pulutin," anito. "Parang hindi mo kilala ang lalaking 'yun? Alam mo naman na kahit anong gawin natin sa kahit na anong anggulo ay tayo pa rin ang mali. Baka mamaya niyan ay makulong pa tayo dahil hindi tayo nagpaalam sa kanya,"

"Hindi ba, ikaw na rin ang nagsabi? Wala ni sino man sa opisina ang may pakialam kung lilitaw tayo o hindi. So, why don't we just take that chance? At least kahit papano ay mapapahinga tayo at makakalimutan ko ang pagmumukha ng lalaking 'yun sa sandaling oras," Mahaba niyang paliwanag na bahagyang ikinatitig sa kanya ni Aleman.

Matapos niyang sabihin iyon ay tila ba agad na napaisip ang binata. Ngunit di kalaunan ay muli itong napabaling sa kanya at kasabay niyon ay ang ngiting sumilay sa mga labi nito.

"Kung sa akin, walang problema. Pero ikaw? Makatagal ka kaya?" Maya-maya'y anas ni Aleman na ikinakibit-balikat lang niya.

"Bakit naman hindi?" tanong din niya rito.

Pagak itong natawa. "Kilala kita mula ulo hanggang paa. At nasisigurado ko na hindi pa man umaabot ang dalawang araw ay tiyak na mangangati na 'yang mga paa mo na pumasok sa trabaho," anas nito na agad niyang ikinatitig dito. "Kaya bago ka magdesisyon, tanungin mo muna nang ilang ulit 'yang sarili mo kung sigurado ka ba talaga,"

Sa sinabing iyon ni Aleman ay hindi na siya umimik pa. Gustuhin man niya pero baka sa kung saan lang humantong ang usapang iyon. Kaya naman napailing nalang siya at agad na nag-iwas ng tingin. Kung para sa kanya ay sigurado siya, alam niyang hindi maniniwala ang kahit na sino sa desisyon niyang iyon.

No one believes in him. So, why bother?

Próximo capítulo