webnovel

Chapter 27

CHAPTER TWENTY SEVEN

His Ability is nothing, but a Curse

NAPAPIKIT si Raiko dahil sa lakas ng pagtama ng kanyang likod sa pader, ngunit agad din syang nagdilat ng mata at tinignan ang lalaking kilala nya na syang dahilan ng paghampas ng likod nya sa pader.

"Raiko!" Halos sabay sabay naman na napasigaw sina Xiyue at Aron noong makita ang reaksyon ni Raiko.

Akma pa sanang tatakbo si Xiyue palapit kay Raiko dahil hindi na ito nakatayo pa ay hindi na nya nagawa dahil agad syang hinawakan ni Aron sa braso upang pigilan. Magkasalubong ang mga kilay na tumingin si Xiyue kay Aron.

"Let me go."

"No. It's dangerous," sagot ni Aron at hindi man lang binigyan ng tingin si Xiyue kaya sinundan na lamang ng dalaga ang mga mata ni Aron kung saan iyon nakatingin at napaawang ang kanyang labi dahil sa kanyang nakita.

Papalapit kay Raiko ang isang lalaki na kamukha nito, kaya naman naguluhan si Xiyue. Naningkit naman ang mga mata ni Aron habang nakatingin sa kamukha ni Raiko at sa bawat paggalaw nito palapit kay Raiko ay mahinang napamura si Aron dahil sa isang reyalesasyon.

"It's Raixon, how come na nandito sya?" Mahinang usal ni Aron na nagpaangat ng mga mata ni Xiyue para mas makita pa lalo ang mukha ng tinawag ni Aron na Raixon.

"Damn it, Aikoze. Pinaglalaruan mo ba ako?" Halata ang galit sa boses nito habang nakatingin kay Raiko na mabagal na tumatayo dahil ramdam na ramdam parin nya ang sakit ng kanyang likod dahil sa pagtama nito sa pader.

Hindi sumagot si Raiko at nang makatayo na ay sinalubong nya ang madilim na mga mata ni Raixon. Kitang kita rin mula sa malayuan ang itim na usok na nanggagaling sa likuran nito, bumuntong hininga si Raiko dahil dito.

"Tell me, ikaw ba ang may kagagawan ng pagsabog ng Neamora Academy? Ang pagkamatay ng mga estudyante?" May diin ang bawat pagbigkas ni Raixon sa mga salitang kanyang binitawan.

Sandaling natigilan si Raiko dahil sa sinabi nito sa kanya, agad na nawala ang emosyon sa mga mata ni Raiko at nagtiim ang bagang na halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi sankanya ni Raixon.

"How can you be so sure that I'm the one who did that, Aixoneze?" Tanong ni Raiko kay Raixon na lalong ikinadilim ng aura nito.

Sa isang iglap ay nasa harapan na agad ni Raiko ang kanyang kambal at sinakal sya nito, hindi umimik si Raiko at pinabayaan lamang si Raixon sa ginagawa nitong pagsakal sa kanya.

"Ikaw lang ang may kakayanang gawin ang bagay na 'yon. You can burn this whole place if you want to, and you can do that in just one snap of your finger. And you're asking me, how can i be so sure?" Lalong dumiin ang pagkakahawak ni Raixon sa leeg ng kanyang kambal na lalong hindi makahinga.

"Aron, tulungan mo si Raiko, please..." Lumunok muna si Aron bago binalingan si Xiyue na naiiyak na sa nakikita nyang kalagayan ni Raiko.

Ngunit kahit gustuhin man ni Aron na tulungan ang kaibigan ay hindi nya magawa dahil delikado ito, lalo pa't may lumalabas na itim na aura kay Raixon na alam nyang kahit atakihin nya ito sa likod ay mabilis ang reflexes nito at agad na babalik sa kanya ang ginawa nyang pag-atake.

"I can't, Xiyue. Nakita mo 'yung itim na usok na lumalabas sa katawan ni Raiko kapag galit sya? Ganyan ngayon ang lumalabas kay Raixon, kaya delikado." Pagpapaliwanag ni Aron na kahit gusto nyang tulungan si Raiko ay hindi nya magagawa.

"You can do that too, right?" Muling napatingin ang dalawa sa direksyon ni Raixon at ni Raiko. Nahihirapan ng magsalita pa si Raiko at mabuti na lamang ay bahagyang pinakawalan ni Raixon ang pagkakahawak nya sa leeg ni Raiko.

Napa-ubo ito at dahan dahang napaupo sa sahig, habang si Raixon naman madilim parin ang mga matang nakatingin kay Raiko na tila kahit na anong oras ay kayang kaya nyang patayin ang kanyang kaharap.

Akala ni Raiko ay hahayaan na sya ni Raixon ng tuluyan at hindi na aatake pa ngunit nagkamali sya, dahil ibinaba ni Raixon ang kanyang palad at itinapat sa sahig. Maya-maya lamang ay umangat ang mga bato na nasa kanilang paligid sa ere at hindi tanga si Raiko para hindi malaman na sa kanya ibabato iyon ni Raixon.

"You're a curse. Your ability is cursed. Kailangan mong mamatay para sa libo libong taong napatay mo nang araw na 'yon." At sa isang iglap ay ang lahat ng bato ay tumama kay Raiko.

May mga malalaking bato ang tumama kay Raiko, pero hindi iyon gaanong masakit para sa kanya kundi ang patusok na bato na bumaon sa kanyang tagiliran. Naiyak na lamang si Xiyue dahil sa kanyang nakikitang kalagayan ni Raiko, ngunit pareho lamang silang dalawa ni Aron na walang magawa at pinapanood lamang si Raiko na masaktan ni Raixon.

"Go on, kill me. Kill your twin. Kung 'yan ang makakapagpasaya sayo at magiging kabayaran ko sa nagawa ko, go. Kill me, Aixoneze" Nahihirapang sagot ni Raiko at himawak sa kanyang tagiliran at nakatusok pa doon ang patalis na bato.

Dahan dahan nya iyon hinugot at mahina syang napapamura dahil sa hapdi at sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang pagkatanggal sa bato. Itinapon nya ang bato sa kung saan lamang bago muling tinignan ang nag-aalab na mga mata ni Raixon na kakambal nya.

Alam ni Raiko na hindi ito ang pinag-usapan nilang dalawa ni Maestra, wala sa usapan na mamamatay sya sa kamay mismo ng kambal nya. Pero anong magagawa ni Raiko? Scalar Manipulator ang kalaban nya at galit na galit ang kambal nya ngayon sa kanya, imposibleng kayanin nya ang mga atake ni Raixon ngayong wala na syang kapangyarihan na kayang tapatan ang kapangyarihan ni Raixon.

"Inaamin mong ikaw nga ang pumatay sa mga estudyante." Hindi iyon tanong. Bumuntong hininga si Raiko at nagtaas ng dalawang kamay na tila suko na.

"I lose my control that time." Mahinang sagot ni Raiko at dahan dahang umupo sa sahig at napapikit dahil sa kirot ng mga sugat na kanyang natamo.

"I know I deserve to die, dahil maraming nawala ang buhay dahil sa nangyaring 'yon. Pinagsisisihan ko na, at alam kong dapat akong mamatay kapalit ng maraming buhay." Natahimik si Raixon at pinakinggan lamang ang sinasabi ng kanyang kambal.

"People are talking behind my back, they're saying that I'm a cursed. That day, naipasok ka sa portal at sa loob lamang ng isang oras, mamatay ka kapag hindi ka namin nailabas sa portal na 'yon. Our Parents blamed me. Sinisisi nila ako kung bakit ka napasok doon, sinasabi nila na dapat ako nalang ang napasok sa loon ng cursed portal at hindi ikaw dahil sa mata nila, wala akong mabuting maidudulot sa Neamora." Unti unti ng nawawala ang itim na aura ni Raixon habang pinapakinggan nya ang sinasabi ni Raiko na nangyari nang araw na 'yon.

"I don't want you to die. Kaya noong araw na 'yon, trenta minutos bago ka tuluyang mabawian ng buhay ay may sumalakay sa Neamora na galing sa Lost City. Nawalan ako ng kontrol aa kapangyarihan ko habag nakikipaglaban ako, and guess what? Hindi ako nagsisi na nakapatay ako ng libo-libong tao dahil nailabas naman kita sa Cursed Portal." Tumayo si Raiko at sya na ang mismong lumapit kay Raixon.

"Come on, kill me." Nagtiim ang bagang ni Raixon dahil hinawakan ni Raiko ang kanyang kamay at sya na mismo ang naglagay noon sa kanyang leeg.

"Gawin mo ang blood circulating, ng sa ganoon ay mabilis mo lang akong mapapatay." Dagdag pa nito kaya naman itinulak sya ng bahagya ni Raixon palayo at binawi ang kanyang kamay.

"How I wish I can really kill you, Aikoze." Saad ni Raixon bago binalingan sina Aron na nakatingin lamang sa kanilang dalawa ni Raiko.

Bahagyang napaatras si Xiyue dahil masama parin ang tingin nito, agad naman syang itinago ni Aron sa kanyang likod para protektahan kung sakali mang gumawa ng pag-atake si Raixon.

"H'wag mo sila idamay, Aixoneze." Banta ni Raiko na agad namang ikinalingon ni Raixon sa kanyang kambal na masama ang mga matang nakatingin sa kanyang direksyon.

Ngumisi naman si Raixon at nagtaas ng dalawang kamay na tila sumusuko na, nangunot naman ang noo ni Aron at ni Xiyue dahil sa kanyang ginawa.

"I'm not, Aikoze." Saad ni Raixon at nilapitan si Raiko at hinila papalayo kila Aron at Xiyue.

-

Próximo capítulo