Hindi mapakali sina Kalo at Makoy habang ang totoong prinsipe naman pinaglilipat-lipat lamang ang tingin kina Aya at sa nagpapanggap na prinsipe. Mula kasi ng bumalik ang dalawa galing sa labasan ng Paldreko ay parihong walang imik at tanging kalungkutan lamang sa mukha ng mga ito. Pariho ding hindi kumain, kaya naman ay nag-aalala sila.
"Pinuno, magsalita naman kayo oh." Magmamakaawa dito ng tigasing si Makoy.
Ngunit parang hindi siya narinig nito at nanatiling nakatalikod lamang sa kanila.
"Ano bang gagawin natin?" Si Makoy naman.
Ang isip ni Aya ay nananatili parin sa dalawang paris ng mata na pagmamay-ari ng ginoong nabangga niya kanina. Malinaw ang kanyang paningin at alam niya sa sarili na hindi lamang siya nililinlang ng kanyang paningin.
Ang dalawang paris ng mga matang iyon na saglit nagbago, dalawang paris ng matang naging katulad kay Aso.
"Nasaan ang? Nasaan ang tagapagsilbe ng prinsipe?" Biglang tanong niya sa dalawang kawal na nasa likuran niya.
"Ayun nakaupo sa sanga." Agad namang itinuro nina Makoy at Kalo ang kinaruroonan ng hinahanap ni Aya.
Mataas na sanga ang kinauupo nito at kaagad namang pinalutang ni Aya ang sarili papunta sa totoong prinsipe na nagulat sa biglang paglapit niya at ng ginoo.
"Anong alam sa gintong ibon?" Magkasabay pang parihong tanong ng dalawa.
"Gintong ibon....yong nasa taas ng tarangkahan ng Paldreko?" Balik tanong naman niya sa dalawa na labas niyang ipinagtataka kung anong kinalamang ng batong iyon sa nangyayari sa dalawa.
"Buhay ito?" Tanong ni Aya ulit na sinabayan naman ng ginoo ng: "Sino si Aluna?"
"Tika lang." Awat niya sa dalawa. "Pwedi isa-isa lang ang tanong? Una sa lahat ang gintong ibong yun ay ginto-isang uri ng matigas na bato kaya wala itong buhay." Sa Tanong naman ng ginoo, naalala ng totoong prinsipe na minsan ng nabanggit ni Aya ang pangalang Aluna. "Kahit sinong magulang naman ay pweding magpangalan ng Aluna ngunit kung may kinalaman sa gintong ibon, ayun sa kasaysayan ay ginawa ang gintong ibon na iyon alay sa babaeng nagngangalang Aluna."
"Nasaan ang Aluna na iyon?" Muling tanong ng ginoo habang si Aya naman ay nais ding marinig ang sagot sa tanong na iyon.
Natawa ang totoong prinsipe. "Hahaha ngayon lang ulit ako napatawa ng ganito hahaha."
"Sino si Aluna at nasaan ito?" Muling tanong ng ginoo na nagpapahiwatig na hindi ito nagpapatawa kaya tumigil na sa pagtawa ang totoong prinsipe at umayos ng upo sa sanga.
"Paumanhin ngunit hindi ko lamang maintindihan kung bakit niyo naman hinahanap ang daang taon ng namayapa? Animoy isa na lamang itong alamat ng tarangkahan ng Paldreko."
"Nakita ko ang paggalaw ng gintong ibon." Wika naman ni Aya.
"Wala ng higit pang naisulat tungkol sa Aluna na iyon liban sa ito ang pinag-alayan ng gintong ibon. Ngunit ayun sa pasalingbibig, ang Alunang iyon ay kambitan na may nakakapang-akit na kagandahan at nagawa nitong linlangin ang tagapagmana ng Hari. Mabuti na laman at nalaman din agad ng tagapagmana ng Hari ang ginagawa nitong panglilinlang sa kanya at pinatay ito kasama ang iba pang mga kimbitan. Ngunit bago daw mamatay ang Aluna na iyon ay nagbigay ito ng sumpa na muling mabubuhay at tataapusin ang naudlot na pagkakalat ng lasamaan."
"Kayat mula sa araw na iyon ay pinapatay ng mga salamangkero ang sino mang mapag-aalamang isang kambitan." Dugtong ni Aya sa kwento ng totoong prinsipe. Ang kwentong iyon ay ang laging ipinapaalala sa kanya ng heneral upang itago niya ang totoong pagkatao niya sa lahat.
Ngunit kung ikukumpara sa kwento ayun sa mga magulang niya tungkol sa prinsisang nag-alay ng buhay upang mailigtas ang iba pang kalahi nila ay malaki ang pagkakaiba samantalang iisang babae lang naman ang tinutukoy.
"Alam mo naman pala ang tungkol doon." Sabi naman sa kanya ng totoong prinsipe.
"kinikwento iyon sa akin noon ng heneral ngunit hindi naman niya nabanggit na Aluna pala ang pangalan ng kambitang umibig sa isang Salamangkero."
"Umibig? Ang tanging narinig ko lamang ay nanlinlang." Ang prinsipe ulit.
"Maiwan ko na kayo, may pupuntahan lamang ako." Paalam ni Aya at lumayo na sa dalawa.
Pabalik siya ngayon sa tarangkahan ng Paldreko. Hindi siya nagkakamali, nakita niya ang paggalaw ng gintong ibon at nais niyang makasiguro sa kanyang hakahaka.
Tahimik na ang lugar di gaya kaninang may araw pa.
Habang naglalakad ay iniisip ni Aya ang naging pag-uusap nilang tatlo. Iniisip niya kung ano nga ba ang kinalaman ng ginoo sa madugong kasaysayan na iyon, daang taon na ang nakakalipas ng mangyari iyon at daang taon naring namamalagi sa kagubatan ang ginoo ayun sa kwento nito.
Bakit nga ba inilayo ng isang salamangkero ang sarili sa karamihan? Nakamtan ng ginoo ang mabuhay ng matagal at manatiling bata, nakamtan din nito pagkakaroon ng Kambit, ang dalawang iyon ay parihong sukdulan na kakayahan ng isang salamangkero. Ngunit bakit nito kinalimutan ang sariling pagkatao?
Narinig ni Aya ang ilang papalapit na mga hakbang at usapan kaya naman ay kaagad siyang nagtago sa isang sulok. Nakita niyang mga kawal pala ito na naglilibot.
"Narinig kong ang prinsipe daw ang laman ng kabaong kanina." Wika ng isang salamangkerong kawal.
"Yun nga ang usap-usapan." Sabi naman ng isa.
"Kung gayon ay wala na ngang tagapagmana ang ating mahal na Hari, ano ng mangyayari?" Tanong naman ng isa.
Hindi na narinig pa ni Aya ang usapan ng mga kawal na naglilibot at malayo na ang mga ito. Nang wala na siyang makita sa daan ay lumabas na siya mula sa pinagtataguan at pinagmasdan ang gintong ibon sa taas ng tarangkahan.
"Kung ikaw ay iniukit lamang papaanong kamukha mo ang aking kimbit? Kung ikaw at talagang iniukit lamang, sana ay sumaiyo ang kimbit na ginayahan at hayaan akong makapasok sa Paldreko. Hindi ko alam kung paano ngunit naniniwala akong nasa loob ng Paldreko ang aking kapatid kaya nakikiusap ako na papasukin niyo ako." Pakiusap niya dito at lumuhod pa siya.
Iniangat ni Aya ang kanang kamay upang abutin ang lagusan ng Paldreko. Gaya kaninang hapon ay muli lamang siyang tumilapon.
Ngunit hindi gaya kanina na kunting paggalaw lamang ang nakita niya sa gintong ibon dahil sa pagkakataong ito ay lumipad na ito papunta sa kanya.
Kaagad naman siyang tumayo at tumakbo palayo ngunit sadyang may galit yata sa kanya ang gintong ibon at hinabol pa siya. Bumuga ito ng ibon kaya napadapa siya sa daan. Tumusok sa kanyang balikat ang mga kuku nito at siya ay dinagit. Wala siya magawa. Itinapon siya ibon papunta sa pintuan ng isang tindahan na nasira pa.
"Masakit iyon kaya nasisiguro kong hindi ako nananaginip sa gabing ito at talagang buhay ka nga." Sabi naman ni Aya.
Nakita niyang mapapit sa kanya ang gintong ibon at ayaw talaga siyang tigilan nito. Pilit siyang bumangon at tumakbo hanggang sa makalayo na siya sa labasan ng Paldreko at nawala na ito.