webnovel

Chapter 3

Yesha's P.O.V.

Maaga ako nagising dahil first day ko sa boutique ni DJ. Naligo na ako at nagsuot ng pambansang damit ko. Pagkababa ko nakasalubong ko si mommy sa may hagdanan.

"Yesha ang aga mo yata?" tanong nito. Hinalikan ko muna ito bago sumagot.

"Mom may trabaho na po ako. Matutulongan na rin kita sa mga gastosin dito sa bahay." masaya kong balita rito.

"Wow ang galing naman ng anak ko. Siya sige umalis kana para hindi ka mahuli at matutulog na ako dahil antok na ako. Mag-ingat ka anak," sabi nito. Naawa na rin ako kay mommy. Isa rin ito sa dahilan kung bakit ko tinanggap ang work na iyon. Sa panahon kasi ngayon mahirap na maghanap ng trabaho lalo na kung malaki ang sweldo.

Isang sakay lang papunta sa boutique kaya after fifteen minutes, nakarating na ako. Binuksan ko na ang boutique gamit ang susi na ibinigay sa akin kahapon ni ate Lauren. Naglinis muna ako bago ko iyon binuksan para sa mga customer.

Tamang-tama lang na katatapos ko lang maglinis nang may dumating na isang lalaki. Hula ko ay na sa late 20's na ang edad nito. Nakasuot ito ng itim na damit na sinapawan ng itim din na leader jacket. Pati ang pantalon at sapatos nito ay itim din. Gwapo ito pero napakaseryoso ng mukha na akala mo'y pasan nito ang buong mundo.

"Hello sir... Ano po bang hinahanap niyo?" naiilang kong tanong.

"Sino ka?" walang kangiti-ngiting tanong nito.

"Po?" nagtaka ako dahil bakit naman ako tatanungin nito kung sino ako?

"Where's Lauren?"

Kaya naman pala ako tinanong dahil kakilala ito ni Ate.

"Ako na po ang bagong magbabantay rito. Kinuha po kasi ako ni---"

"Alright."

Hindi ko natapos ang sasabihin dahil pinutol nito at tuloy-tuloy na naglakad papasok.

"Sir wait lang po. Bawal po kayo riyan." pigil ko rito dahil papunta ito sa may likuran ng counter.

Napakalamig ng tingin nito. Parang sa tingin pa lang nito matatakot kana. Unti-unti itong lumapit sa akin kaya napaatras ako hanggang sa mapasandal ako sa gilid ng counter. Na-corner ako nito.

"Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinapakialaman ako." malamig din pati boses nito. Si Grim reaper yata ito e.

Pagkasabi niyon ay agad na itong umalis sa harap ko kaya nakahinga ako ng maluwang. Humarap ito sa may pader at parang magic na biglang bumukas iyon.

Wow ang galing naman. Secret door pala iyon at may sensor pa.

Nawala na ito sa paningin ko nang makapasok ito sa loob at kusang nagsara ulit ang pinto.

Napalundag ako sa pagkagulat nang marinig ang sigaw na iyon. Si DJ iyon na sumisigaw habang nakaturo sa gawi ko. Bigla akong natakot dahil baka may multo sa likod ko kaya agad akong tumakbo at nagtago sa likod nito. Mas lalo pa itong sumigaw at pinagpapalo ako na parang ipis.

"Lumayo ka sa akin... Ahh." ako ba tinutokoy nito? Lumayo nga ako rito, mga isang dipa.

"Sino ka bakit nandito ka sa boutique ko?" magkasalubong ang kilay na tanong nito.

"Kasi po si Ate Lau---."

Nagtaas ito ng kamay na parang sumusuko at may tinawagan kaya naputol ang sasabihin ko. Pangalawa na ito ah.

"Hello? Kakalbuhin talaga kita kapag hindi mo ito maipaliwanag sa akin mamaya." pinatay nito ang cp at tiningnan ako na parang nandidiri.

"'Wag na 'wag kang lalapit sa akin." banta nito. Tumakbo pa ito sa may secret door. Tulad ng nangyari kanina ay kusang bumukas iyon nang tumapat ito.

Pagkaalis ni DJ naisip ko na naka-set talaga ang pinto para sa mga piling tao lang dahil hindi ito bumukas ng tumayo ako roon kanina. Napaisip tuloy ako kung anong na sa loob.

Nag-ring ang cellphone ko. Si ate Lauren ang tumawag.

"Yesha nakaligtaan kong sabihin sa iyo na may limang lalaking pumupunta r'yan. Ang gagawin mo lang ay hayaan sila, 'wag mo na pansinin. Ituring mo na lang na parang hangin na dumadaan sa harapan mo." paliwanag nito.

"May dumating na po ritong dalawa. Ang isa po seryoso ang mukha at ang isa naman po biglang sumigaw nang makita ako." kwento ko. Hindi ko sinabing kilala ko si DJ baka mamasamain nito.

"Ahhh. 'Yong seryoso si Dwight 'yon at ang sumigaw kapatid ko 'yon si DJ. May tatlong dadating pa r'yan si Clark kapag hinugotan ka sa buhay, si Zyrus naman 'yong nakasalamin na genius ang look at ang pinakamalala si Liam ang badboy. Basta 'wag mo na lang pansinin kapag hindi ka rin nila pinansin." bilin nito.

"Sige po ate. Salamat." ibinaba ko na ang phone pagkatapos makausap ito. Kapatid pala ito ni DJ pero bakit parang hindi magkahawig ang mga ito? Ito siguro ang tinawagan ni DJ kanina na kakalbohin kapag nakita nito. Bakit kaya? Siguro ako ang dahilan dahil nagpapasok ito ng outsider doon. Bahala na nga basta sabi ni ate Lauren 'wag na lang daw pansinin. Gagawin ko na lang ang mga gawain ko rito at bahala na rin ang mga ito sa mga gawain nila.

Author: may nagbabasa ba talaga dito?

Próximo capítulo