webnovel

09: Freaked Out

LONNDIN

When Mr. Mounzeur leave our room, I heard a huge sighs made by my classmates. I can say that Mr. Mounzeur is one of the terror teachers here inside the academy but the most terrific person is the principal. I didn't met him yet but according to those who met him, he's a dangerous person. Maybe because he came from the family of slayers. I am more aware on what I am. I am born with a name of being a slayer. Both of my parents are phantom slayers. Being the only child, I am obligue to follow their footsteps.

"Hoy Lonndin!" Inis naman akong napatingin kay Thorald na prenteng nakaupo habang nakapatong ang kanyang mga paa sa desk niya. Such a jerk. Porket anak siya ng isa sa mga maiimpluwensyang tao dito sa Qweintche.

"What?! Ano na naman ba ang kailangan mo?" Inis kong tanong sa kanya.

"Sa tingin mo, bakit parang halos lahat ng teacher dito ay kilala yung kawayan na iyon?" Tanong niya pabalik habang nakaturo sa lalaking katabi ni Inari. He's pointing at Vion na parang may malalim na iniisip habang si Inari naman ay panay ang kausap niya rito.

"Why don't you ask him? Mukha bang may pake ako sa kanya para alamin ko ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya?" Napahalakhak naman siya dahil sa mga sinabi ko kaya halos lahat ng kaklase namin ay nagtinginan sa gawi namin. Halos, dahil si Vion ay hindi nakatingin. Kahit napapahiya, I still remain my serious face in front of them. This jerk!

Napatingin ako kay Vion. Nakayuko ito na parang may isinusulat. Pinagmasdan ko lang ang bawat galaw niya hanggang sa napansin kong parang pinipilit siyang kulitin ni Inari habang inilalayo niya naman yung papel na hawak niya. What is he hiding on that paper?

VION

Abala ako sa pagsusulat ng mga nalaman ko kanina kay Sir Mounzeur dahil itatanong ko iyon kay Hiruu pagkatapos ng klase. Habang abala ay biglang may humalakhak ng pagkalakas-lakas. Pansin kong napatingin ang mga kaklase ko sa gawi nina Thorald. I think he's the one laughing. Hindi ko na lang ito pinansin at saka nagpatuloy sa pagsusulat.

"Loko talagang Thorald yun." Rinig kong sabi ni Inari.

"Hey, Vion. Ano yang sinusulat mo? Patingin!" Aniya saka pilit na kinukuha yung papel na sinusulatan ko. Itinaas ko naman ito at dahil mas matangkad ako sa kanya ay pilit niya itong inaabot.

"Cut it!" Sigaw ko rito. Ang kulit niya. Talo niya pa yung tatlong taong gulang na bata dahil sa inaasta niya. Tiningnan ko naman siya at tila ba nasaktan siya sa ginawa ko.

"Mind your own, okay? Wag mo akong pakealaman." Dagdag ko pa. Magsasalita pa sana siya ng may biglang sumigaw. More like tili katulad kay Areti.

"HELLO MY DEAR STUDENTS!" Napatakip naman ako sa tenga ko ng marinig iyon. Babae ito. Nakasuot ng puting blouse na pinatungan ng maroon blazer at naka-pencil cut skirt. Nakalugay naman ang kanyang wavy brown hair. Wait? Why am I describing her?

"SORRY I'M LATE! PESTENG PRINCIPAL KASING IYON GINIGIGIL AKO! SARAP NIYANG PUTULAN NG.....ANO! CENSORED YUN!" Sigaw niya ulit. Bakit ba lagi siyang nakasigaw? Hindi ba sumasakit lalamunan niya?

"Uhm…Ms. can you please lower down your voice?" Tanong naman ng kaklase ko.

"Oh! Sorry bout that. By the way, I'm Safarah Ferrer. Your summoner slash slayer teacher and your adviser." Pagpapakilala niya habang inilalagay ang gamit sa mesang nasa harap.

"What do mean by summoner, Miss?" Tanong naman ni Lonndin.

"Oohh! Great question you got there young man! By the way, I love your look! Aside that, a summoner is called to someone who can summon a phantom. Yep! Tama kayo ng narinig. I can summon a shanki. But not all the times of course. Summoning a phantom is a great loss of energy to the one who's summoning it. I'm also a slayer. The most beautiful one!" Aniya na malapag na nakangiti samin.

"She's so gorgeous." Rinig kong bulong ng katabi ko.

"Dahil hindi ko pa kayo kilala, I want all of you to introduce yourselves to me with your talent or what're you good at. Hihi! I'm excited!"

Nagsipag-angal naman kami dahil doon. Kalauna'y pumayag na rin kami.

"Let's start with you! The one with the beautiful blue eyes! You're so handsome!" Turo niya sakin. Walang choice na tumayo ako upang magpakilala.

"I'm Vion Gael Buencamino, Miss." Pagpapakilala ko saka umupo. Hindi na ako nag-aksaya ng oras para sa talent na sinasabi niya

"What's your talent, dear Vion?" Tanong niya.

"I don't have a talent, Miss." Sagot ko. Tumango-tango naman siya I seriously don't have a talent. I'm not good at anything. Is sleeping all day a talent? If yes, then maybe that's my talent.

"How about you young lady? Pareho kayo ni Vion na may kakaibang mata! So lovely!" Tila kinikilig na wika ni Miss habang nakatingin samin ni Inari.

"I'm Yara Inari Delejas, Miss. My talent is cooking!" Masiglang pagpapakilala ni Inari. Matapos nun ay may ilan pang nagpakilala. Yung iba ay hindi na nag-aksaya dahil kilala na ito ng teacher namin katulad nina Thorald.

"A'right! Kilala ko na kayo! Huhuhu ang gaganda ng mga names niyo! So unique! Dahil dyan, hindi muna ako magkaklase sa inyo pero may kakaunti akong ididiscuss about summoning a phantom." Sabi niya.

"Oh! Kailangan nga pala natin ng malaking space for summoning my phanton! So move your tables to the side!" Utos niya. Sinunod naman namin ito at kalauna'y natapos na rin.

"Let's form a circle! Hihihi!" Tila bata niyang sabi. Matapos nun ay may kung anong sinabi siya at napansin kong may kakaibang nangyayari sa paliid. Nagkaroon ng parang usok na berde sa gitna na pinapalibutan namin. Lahat kami ay napaatras dahil doon.

"Kalma niyo lang mga sarili niyo, okay? Fios can feel your fears. Oohh! Someone's trembling!" Aniya sabay halakhak.

"GRRRRRR!!"

"AAHHHH!" Lahat kami ay napasigaw dahil sa alulong na iyon. Ang iba ay napatumba pa dahil sa takot.

I saw with my own two eyes a huge t-rex with only one eye. Wait, what? One eye?

"Meet Fios. My only phantom. He's a good phantom. But, he can be bad if someone hurt me. Joke!" Aniya. Lumapit naman ito sakin. The t-rex was covered with green smokes all over its body. Bigla ako nitong binugahan ng usok. Napaubo naman ako dahil dito.

"You see, summoning a phantom is not that hard and at the same time not that easy. Phantom summoners are also slayers but more gifted than slayers. Pero ang pagiging summoner ay isang kasalanan sa batas ng mga slayers. We all know that phantoms are the one's responsible for the sins we commit. That's why hindi ko gaanong ginagamit si Fios. But its for the better na rin. Hindi naman siya nagtatampo eh. I just don't want Fios to get killed by the higher ups." Malungkot nitong sabi.

Matapos nun ay may sinabi siya ulit at biglang nawala yung phantom. Nakarinig naman kami ng alarm hudyat na tapos na ang klase namin. Nagpaalam naman samin si Ms. Safarah at saka ito umalis. Nagsipag-alisan naman yung mga kaklase namin at lima na lang kaming natitira. Ako, si Inari, si Thorald, si Areti at si Lonndin. Nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Nagpapakiramdaman. Walang nagtatangkang magsalita. Isang salita lang ang pumasok sa isip ko sa sitwasyon namin. Awkward.

"Mauuna na ako sa inyo, may pupuntahan pa ako." Lahat kami ay napatingin kay Thorald ng magsalita siya.

"Yeah. Me too. Can I sama with you, Thor?" Ani Areti with her conyo language again.

Lumabas na silang dalawa at kaming tatlo na lang nina Inari at Lonndin ang natira. Napatingin naman ako sa cellphone ko. 10 o'clock pa lang. May 2 hours free time kami. Siguro pupunta muna ako sa dorm upang magpahinga. Napagpasyahan ko namang tumayo.

"Mauuna na ako, Inari." Paalam ko rito at saka nagsimulang maglakad papaalis, leaving the two.

Habang naglalakad papunta sa dorm ay may naramdaman akong parang may nakasunod sakin. Sa una, hindi ko muna ito pinansin dahil sa pag-aakalang estudyante lang ito. Nang nasa loob na ako ng dorm ay kinuha ko muna yung susi kay Mary. Taka niya pa akong tiningnan na animo'y nag-cutting classes ako. Do I look like someone who ditch classes?

Pagkaakyat ko ay naradaman ko ulit yung sumusunod. Tumingin ako sa likuran ko ngunit walang tao. Binuksan ko naman yung pinto ng kwarto namin at agad na pumasok rito. Nang makapasok ako ay tinanggal ko na yung sapatos na suot ko't kinuha ang tsinelas. Sinara ko naman yung pinto ng kwarto saka umupo sa kama ko. Napabuntong hininga naman ako habang nakayuko. Pipikit na sana ako ng bigla akong may napansin na mga paa sa harap ko.

"Grrrr!"

"AAHHH!!!" Napasigaw naman ako dahil sa nakita ko. Isa itong malaking tigreng nababalutan ng itim na usok. Meron itong mask.

Dahil sa sigaw ko ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto't naroon si Hiruu. Napatingin ako sa harap ko at wala na yung tigre. Nanginginig ang buong katawan ko. Is that a phantom?

Próximo capítulo