webnovel

CHAPTER 3 [The Past] GENEVERE : Attention and Change

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

CHAPTER 3

ATTENTION AND CHANGE

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

*The Past-current storyline*

-*-

*GENEVERE'S POV*

"Gev naayos ko na ang pagtransfer mo" masaya pang biglang sabi ni kuya, abot tenga pa ang ngiti

" huh?" nagtatakang sagot ko, pero alam ko naman na kasing magtatransfer na ako—kung bakit hindi ko din maintindihan, ayos naman na ako sa school ko ah? Okay din naman ang standing ko, isa ako sa top students, madami na akong kaibigan, well alam ko namang ginagamit lang nila ako, but then I already made quite a name tapos all of a sudden biglang itatransfer ako for some reasons? I just don't get it at all

"nasabi ko na sayo 'to before Gev, are you not listening back then?" sabi ulit ni kuya, busy na ito sa kung ano, nandito kami ngayon sa study niya

kami lang ang magkasama dito sa bahay, basta na lang umalis sina mama at papa one day saying they're working somewhere far at kailangan naming maging independent on our own nang wala sila, kaya heto kami ngayon dadalawa lang kami sa pagkalaki laking bahay, rustic style na 5-bedroom house itong tinitirhan namin, may mga helpers naman but still...

"I still don't get the logic kuya" pagmamaktol ko, I mean who in their right mind would transfer a few months into the school year

" no buts Genevere, bukas na tayo pupunta dun" matigas na sabi ni kuya, hayyy di ko siya maintindihan eh, maluwag naman siya sakin, well wala namang pakialam si mama at papa, more like si kuya na ang nagsisilbing guardian ko, ang nakakapagtaka sa kanya eh yung biglaang ginagawa niya ngayon, yun ang nakakapagtaka, I mean he's normally weird anyways pero ibang level ang weirdness niya as of late that its now scaring me for some reason...

"welcome to Siena Ms. Lecris" bati sakin nung lalaking may edad na, I didn't miss to see those green eyes, maputi siya—caucasian, at pinagsisigawan na ng buhok niya ang edad niya, katamtaman lang ang pangangatawan nito, at tama lang ang tangkad—pero mas matangkad pa din si kuya dito, but he's taller than me, he was wearing a more casual formal attire, navy blue long sleeved polo na tinupi hanggang siko nito, maong pants at leather shoes

"Thank you, Principal Suschter" nahihiya ko pang bati, bumaling naman ang atensyon nito sa katabi ko—sa asungot kong kapatid na abnormal, at nagkwentuhan sila saglit

" everything has been taken care of, here's your schedule, room numbers for each class are also listed there, a map of the whole campus is also provided" sabi nito sabay abot sa akin ng isang piraso ng papel at isang parang mini booklet na sa tingin ko ay ang campus map, isang student's handbook at isang tablet na sa tingin ko is for school use

"here's your dorm pass and key" pahabol na dagdag pa nito, sabay abot ng parang credit card looking na jet black card na may gold linings na may nakaukit na FEMALE PASS in gold caligraphy plus my name tapos isang parang maliit na USB looking thing in the form of the school emblem siguro yun yung key, malalaman ko mamaya pano to gamitin

"curfew is 10 pm during the weekdays and 11 pm during holidays and weekends, pwede namang lumabas ng school premises after school hours, may curfew din sa pagpasok sa dorm ng opposite sex

may parking space din for students

yung library pass kunin mo na lang sa library bukas

may tatlong cafeteria tayo, isang malapit sa main hall—sa may common area malapit sa lounge which is mostly used for extra curricular activities south ng dormitories...isa sa center ng dormitories—connecting the female and male dormitories, one of the biggest since accessible siya to all, meron din mga food stalls at mga convininece stores malapit sa mga dormitories, tapos yung main cafeteria makikita sa gitnang part ng school, feel free to ask kung sakaling may problems ka" mahabang paliwanag nito sa akin

" how about a tour Principal Suschter?" biglang tanong ko "and how will I use this key? What's the purpose of this pass?" pahabol na tanong ko

biglang nagahem yung kasama kong kanina pa nananahimik "well that's where I come in, ako ang bahala sa tour mo" biglang sabat ni kuya, na for some reason may pagkaformal ang attire, shinny jet black polo ang suot with matching white pants and white sneakers, may suot pang relo ang loko

"Yung pass is to distinguish anong dorm ang sa iyo, may iba ibang dormitories kase dito—there are five represented by colors, Black, Gold, Red, Purple and Gray you'll know sa dorm card provided as well as the key—of course magkakahiwalay ang babae sa lalaki ng building, yung key naman is itatapat mo sa sensor sa pinto ng rooms para mabukas, you can also use a code lock to ehter your rooms, as you can see we have a state of the art facilities here, at kasama dun ang security system para maiwasan ang trespassers, in the case of system failures, open it at makikita mo ang isang typical key" mahabang paliwanag nito, napatitig naman ako dun sa key, it may look like a USB device, the size of my thumb, its black na may pink at gold markings, and its in the shape of the school emblem at sa near end nito parang pabilog siya, nung binuksan ko naman, mula sa gitnang part it revealed the end part of a key

"some use the key like a key chain, pero madalang nila gamitin kase some use the system generated code personalized ng tenants" singit pa nito and true to his words may ilan akong nakitang ganun nga ang ginagawa

"cafeteria ba muna tayo?" biglang tanong ni kuya, tumango naman ako kaso mas maganda yung general tour madadaanan naman yun lahat

"tour muna kuya, maligaw pa ko mahirap na, and why the hell do you know this school?" biglang tanong ko sa kanya, I mean I never heard him ever going here though he did for the most part stayed sa isang dorm based school back then, pero ito ang unang beses na madidinig ko if ever man na almnus nga siya dito

"well its for you to know and for me to find out Genevere" sagot ni kuya with a smirk

Like what he said, siya nga ang kasama ko sa tour, galing sa office ng principal connecting sa faculty room well more like an office kase per department may kanya kanyang parang office yung mga teachers, which is three storeys high

per department isang building tapos per floor isang subjects/expertise halimbawa science tapos may kanya kanyang office/cubicle yung mga teachers

at sa paligid was what looked like housing for teachers who choose to stay for convinience, pero may iba daw na hindi dito nagstay, choice naman nila..

paglabas namin dun natanaw ko yung parang activity area ng students for physical education class, merong for swimming, well Olympic pool size, then may basketball court, volleyball, tennis, badminton at marami pang iba

napansin ko din napapalibutan ito ng nature—trees, scenery parang eco park pa nga—which is I love, mukhang may isang reason ako not to complain at least, may matataas na puno na nakapalibot

Galing dun pinuntahan namin yung main hall na sabi ni kuya dun daw yung lecture sa lahat ng levels—general education department, sa di kalayuan is locker area, na di ko magets anong purpose since may dormitories naman?

nakita ko din yung magarbong library and shit the building is in the shape of a globe na 4 floors na punong puno ng iba't ibang klase ng mga libro, sa di kalayuang part nakita ko yung laboratory classrooms na three storeys high

galing dun sinabi ni kuya na mga dormitories naman daw yung nilalagpasan namin and mind you ang lawak, well bukod sa parking space, at dalawang building na magkahiwalay para sa male and female dormitories

nadaanan na din namin yung dalawang cafeteria na sinasabi kanina ni principal Suschter

yung cafetria is 2-storey high, roof deck yung 2nd floor, and the building is surrounded by grass, maraming food choices, may buffet bar sa gitna, at napapalibutan ng tables

if you want pwede din magpicnic sa may labas, at madami din tables sa labas as well, the building is of clear glass kaya kahit nasa labas ka kitang kita mo ang loob..

ang pinagkaiba lang ng cafetrias dito is yung size ng area, mostly sa lahat ng buildings may mabibilhan naman ng pagkain for snacks kaya hindi din hastle if ever magutom ka man

"kuya di ka pa ba gutom? 'coz if you're not ako isang buffet na ang kaya kong ubusin sa sobrang gutom ko, kaya parang awa mo na pakainin mo na ako" reklamo ko, eh pano ba naman kanina pang dada ng dada si kuya, kala mo kung sinong professional kung magtour ang lawak lawak kaya nitong Siena na to

malay ko bang seseryosohin niya yung sinabi ko kanina sa tour, pde naming magbreak muna diba? uso naman yun, tapos libre nya pa kaya mas maganda (⁎⁍̴̛ᴗ⁍̴̛⁎)

"hahahaha, kala ko di ka na magrereklamo eh, that's what I've been waiting for this whole time to be honest, sige na una ka na dun sa cafeteria, may gagawin lang ako real quick" sabi ni kuya sabay abot ng isang card sakin, its black and gold looking neat (⁎⁍̴̛ᴗ⁍̴̛⁎) tsk nakuha pa talagang mang-asar nito eh, di ata kumpleto araw niya na hindi nakikipag asaran sakin

Nauna na ako sa main cafeteria, yung hindi pa namin napuntahan ni kuya, at pagpasok ko pa lang papunta sa may counter, nagningning na sa tuwa yung mata ko sa mga pagkaing nakita ko (⁎⁍̴̛ᴗ⁍̴̛⁎)

agad akong nagorder at yung babae sa may counter dun napanganga, e sino ba naming hindi ang dami ng order ko, pang dalawang tao hahaha pero sakin lang to, baka kulang pa nga eh hehe...

Buti na lang at may nakita akong empty table kaya dun ko ninamnam ang masasarap na pagkaing binili ko

patapos na ako sa kinakain ko nang biglang may lalaking nakatapik sa lamesa ko kaya naman yung sinasalok kong lasgna e tumilapon sa sahig

nainis ako dahil ito ang isa sa pinakaayaw ko sa lahat, masaya sana kung tahimik akong makakakain tapos may bwisit na lalaking mukhang nagaaway

Próximo capítulo