webnovel

Chapter 12: Nightmare

Pagkabalik ko ay nag linis agad ako ng katawan saka inihiga ang sarili sa kama. Bukas ay babalik na ako sa klase dahil absent ako ngayong araw. Mukhang gagawa na naman ako palusot sa Teacher ko. Natulog na ako pagkatapos

Nagising ako dahil sa alarm ng phone ko. It's 4:30 in the morning. Bumangon na ako pagkatapos non at baka malate pa ako kapag bumalik lang ako sa tulog. Kahit inaantok pa ay gumayak na ako

Katulad ng lagi kong ginagawa ay naglalakad ako papasok sa school. Nagsuot ako ng earphone saka nakinig ng music para kahit papano ay malibang naman ako. Naupo agad ako sa upuan pagka pasok ko sa room. Marami rami narin an estudyanteng pumapasok at malapit nadin namang magsimula ang klase

Katulad ng lagi kong sinasabi, wala namang masyadong nangyari sa buhay ko dito sa ekwelahan. Dumating ang lunck break kaya pumunta na ako ng canteen para kumain. Mag isa na naman ako pero hindi na bago sakin yun. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay biglang umingay ang paligid. Napairap naman ako nung makita ang dahilan ng ingay na 'yon. Syempre sino pa ba edi walang iba kundi ang mga naglalakad na coloring book. Akala ba talaga ay ikinaganda nila ang paglalagay ng kung ano ano sa mukha nila. Nagmumukha lang silang ewan sa mata ko. Grabe ang trends ngayon

Hindi ko na sila pinansin saka bumalikna sa pagkain pero hindi pala ako makakaalis agad dito ng ako agad ang pinuntahan nila. Hobby ba na ako na lang lagi ang pagtripan nila. Wala na ba sioang maisip na ibang gawin kundi ang ibully ako. Pagpinatulan ko 'tong mga kinulang sa buwan ay baka umiyak lang sila na parang bata

"Hi weirdo! Ang tagal din nating hindi nagkita" bungad nung nasa gitna nila

As if namang gusto ko silang makita. Napairap na naman ako

"Ay bhie ayaw na naman niang sumagot" sabi nung katabi niya

Natawa ako. Putangina. Bhie?! Anong klaseng tawagan yan. Ang plastik pakinggan. Pwehh!

"Did you just laugh at us" napamaang na sabi nung nasa gitna

"Hindi mo ba nakita? Oo tumawa ako bakit" sagot ko nama. Nakakaumay pagmumukha nila

Lalo silang nagulat ng suagot ako

"Matapang ka na ngayon" maarteng sabi nung nasa kaliwa

"Nakakaumay na kaya kayo" sagot ko naman saka tumayo at aalis na sana kaso hinila nung nasa gitna yung buhok ko. Napadaing ako

"Hindi pa tayo tapos mag usap aalis kana agad" sa nung nasa kanan. Tinulak ko yung humila sa buhok ko kaya napaupo siya. Agad naman itong dinaluhan ng dalawa niyang kasama

"Kung kayo hindi pa pwes ako tapos na. Nakakasayo na kayo. Palibhasa isa lang kayong mahinang nilalang na umaasa sa pera ng magulang" walang prenong sabi ko saka umalis don. Narinig ko pang tinawag nila ang pangalan ko. Kahit tanghali palang ay kinuha ko na yung bag ko sa umalis ng school. Kahit alam kong bawal yung ginawa ko ay tinuloy ko padin. Nakakasagad na sila. Umakyat ako ng bakod dahil baka pag dumaan lang ako sa school gate ay hindi lang nila ako palabasin. Kahit absent ako kahapon ay umalis padin ako. Pagod na ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko saka natulog

"Anak patawarin mo kami ng iyong ama pero kaylangan na naming umalis" sabi ng Nanay saka binitawan ang kamay ng kawawang bata na walang tigil sa pag iyak

Sinubukan niya itong habulin ng bata. Ayaw nitong umalis sila at takot na maiwang mag isa

"Sasama po ako!" sigaw ng kawawang bata pero hindi na nito nahabol ang kanyang magulang at tuluyan ng sumama sa liwanag. Napaluhod ang bata. Iyak ito ng iyak. Alam niya sa sarili niya na wala ng pag asang makababalik pang muli ang magulang niya

Napabalikwas ako ng bangon. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog. Pawis na pawin ako pag gising. Nagpunas ako ng pawis pero napansin kong hindi lang pala pawis ang nasa mukha ko kundi mga luha. Napaginipan ko naman sila. Hindi ko namang naiwasang umiyak dahil naalala ko na naman ang mga magulang. Napakasakit para sa isang anak na mawalan ng magulang lalo at bata pa lang ako ng iwanan nila ako. Wala pa akong kamuwang muwang ng mga panahonh iyon. Bakit pinili niyong iwan ako. Bakit mas pinili niyon iwan ang nag iisa niyong anak. Lumaki ako ng walang magulang na nakaalalay sakin

Lumaki ako na sasili ko lang din ang inaasahan ko. Ang sakit sa part ko na nakikita ko yung mga kaklase ko na masaya sila kasi buo ang pamilya nila samantalang ako nandito sa apartment na pag aari ng Tita ko na nag iisa, umiiyak at hinihiling na sana ganon din ako. Na sana ganyan din sana kami kung hindi nila piniling iwan ako

Nagpahid ako ng luha. Tumayo ako saka lumabas ng apartment. Gusto kong pumunta sa kung saan alam kong may kasama ko. Kung saan never kong naramdaman na mag isa lang ako

Tumakbo ako papunta don. Hindi ko na pinansin ang mga luha na patuloy pading umaagos pababa sa pisnge ko. Hindi ko ito mapigilan dahil sa emosyon ko. Ilang taon akong nag tiis. Ni minsan hindi ako umiyak dahil wala na sila. Lagi kong sinasabi sa sarili ko malakas ako at kaya ko 'to pero nagkakamali ako. Habang lumalaki ako ay saka ko lang naisip lang ng 'to. Simula ng lumaki na ako at nagkaroon ng sariling isip ay unti unti na akong naliwanagan. Na hindi lahat kaya kong kimkimin, na hindi lahat kaya kong itago sa sarili ko dahil lahat tayo ay may hangganan

Pagdating ko don ay siya agad ang hinanap ng mata ko. Nakita ko siyang kabababa lang galing tree house. Nagtama ang paningin namin. Nagulat siya ng makitang umiiyak ako. Lumapit ako saka niyakap siya saka don nilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Imiyak ako ng imiyak habang yakap siya. Naramdaman kong natigilan siya pero agad din hinagod yung likod ko ng umiyak ako

Ilang sandali pa ay unti unti na akong tumahan

"Hindi ko alam kung nangyari pero gusto kong sabihin na kapag kaylangan mo ng makakausap nandito lang ako" sabi niya

Hinawakan niya ang magkabilang pisge ko para magkaharap kami. Pinunasan niya ang luha ang luha ko saka gumiti sakin. Hindi ko alam pero ramdam kong hindi ako nagiisa nung yakap ko siya. Nakaramdam ako ng kasiguraduhan nung yakap ko siya

Pumunta kami sa lugar kung saan matatanaw mo ang pag lubog ng araw. Naupo kami sa lapag at tumingin sa kawalan

"Napaginipan ko yung magulang ko" ako na ang bumasag sa katahimikan. "Hindi ko alam kung bakit mas inili nilang iwan ako"

"May mga bagay talaga na hindi natin kayang takasan lalo na ang kamatayan dahil kahit hindi mo man gustuhin ay manyayari" sagot naman niya

Wala ng nagsalita matapos non. Nasaksihan namin ay paglubog ng araw at pagkatapos non ay bumalik na kami sa tree house. Napag desisyunan ko munang dito na lang ako matutulog. Katulad ng dati ay sa kama ako sni Felix natulog at siya naman ay naglatag lang sa lapag. Naguilty naman ako dahil siya na naman ang nag adjust para sakin kaya sinabihan ko siya na tabi na lang kami dito sa kama tutal ay kasya naman kami. Nung una ay nagulat pa siya at ayaw pumayag dahil hindi daw magandag tignan na magkatabi ang isang babae at lalaki sa iisang higaan. Kung hindi ko pa sinabing ako ang tatabi sa kanya sa lapag ay hindi siya papayag. Wala naman akong problema kung magtabi kami tutal malaki naman ang tiwala ko sa kanya saka alam ko namang wala siyang gagawin sakin. Saka isa pa ilang beses na akong natulog dito pero wala namang nagyari samin kaya ayos lang. Kaysa naman matulog siya sa malamig na sahig at ako dito sa kama. Hindi naman yata patas yun

Tulog na si Felix pero heto ako at gising na gising padin. Kahit gustuhin ko mang matulog na ay ayaw naman akong dalawin ng antok. Napatitig ako sa mukha niya. Hinawakan ko ang pisnge niya hanggang sa tumigil ang tingin ko sa labi niya. Napalunok ako. Hindi ko alam pero may nagtutulak sakin na yon. Inalis ko agad ng tingin ko sa labi niya at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako

Nagising ako dahil sa lamig. Unti unti kong iminulat ang mata ko at kasabay non ay ang pagmulat din ng mata niya. Biglang nanlaki ang mata at ganon din siya ng marealize na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa

Próximo capítulo