webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 12 )

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 12 )

PUBLISHED BY : CHROME SENDO

Kumuha ako ng konting gamit na dadalhin ko sa boarding house, ilan lang kasi ang dala kong damit noon dahil sa excitement na makita si Chander.

Pagbaba ko:

" Hindi mo manlang ba isheshare sa akin ang mga nagyari sa inyo ni Chander nitong mga nakaraang araw tol?". Pambungad na tanong ni kuya, nasa sala sya nakaupo at naninigarilyo.

" Wala akong sasabihin kuya..". Sagot ko.

" A-ah sige!". Sagot din nya sabay pakita ng pekeng ngiti. " E-eh? Ayos lang sa 'kin tol hanggat wala pa syang naaalala sa ngayon..". Tumayo sya mula sa kinauupuan at lumapit sa akin. ". Pero sa oras na manumbalik na ang mga alaala nya.. babawiin ko na sya ibibigay sayo! Naiintidihan mo?". Mahina pero may mataas na boses ang kanyang pinakawalan.

"Alam na nya rin pala ang kalagayan ni Chander. Kaya pala kampante sya nang ganon ganon nalang, pero asa pa syang ibabalik ko si Chander sa kanya". Sambit ko sa aking isip, habang kinukuyos ko ang aking kamay sa galit.

" Aalis na ako..".

" Ok? Umuwi ka lang pala para mag alsabalutan? Ipakamusta mo nalang ako sa kanya tol.. ingat!!". Ang malakas nyang boses nang makalayo na ako sa kanya.

Nilisan ko ang bahay, tutal ay nandoon na rin lang ako ay nagpahatid nalang ako sa aming driver pabalik sa boarding house pero sa national park ako nagpapababa dahil ayokong malalaman nila kung saan kami tumutuloy ni Chander.

-----

Chander's POV :

" Ano sayo tol?". Tulirong tanong ko kay Renz nang nasa plaza kaming dalawa. Since wala si Steve at iniwan nalang akong mag isa sa kwarto ay napagdesisyonan kong gumala kasama ni Renz.

" Kanina ko pa hawak tanga ka ba?". Sarkastikong sagot ni Renz. Sabay tawa.

Napakamot ulo nalang ako. Ang totoo kanina pa talaga ako wala sa sarili dahil sa biglaang pag alis ni Steve. Ni hindi manlang sya nag iwan ng note at sinabing " Wait lang babe lalandi muna ako babushh!! ". O kaya. " Teka lang babe bibili lang ako ng tubo na ihahampas sa ulo mo para makaalala ka na!". Pero wala eh!. At teka! Bakit ko nga ba ito iniisip hays!.

" Alam mo kanina pa kita napansing tingin nang tingin sa paligid ha? May death threath ka ba? Naku tol! Wag mo akong idadamay dyan ha!?". Pagbasag ni Renz sa nauulol kong utak.

" H-ha? A-ano tol? A-ah hindi! May langaw kasi haha!.. O? Iyon oh! Iyon pa!". Pagdadahilan ko, kahit mukha akong baliw na nagtuturo.

Natawa nalang si Renz sa akin.

Habang nasa kasagsagan ng kasarapan kami ni Renz sa pagkain ng tusok tusok, may di inaasahanang tao ang bumungad sa amin.

" Tooool!! Renz!! Chander!!!". Sigaw sa amin ng isang lalaki sa di kalayuan.

Napalingon kaming dalawa ni Renz. Si Paulo! Isa sa barkada namin noong 2nd year. Gwapo rin sya katulad ko at kasingtaas ko rin at mestiso. Pero di ko sya crush di kasi ako bakla!.

Nakalapit na sa amin si Paulo.

" Whooah! Tol kamusta?". Bati ni Renz kay Paulo.

Agad kaming nagkamayan at yung dating ginagawa namin noon pero nakalimutan ko kung anong tawag doon. Napatingin si Paulo sa akin.

" Oh shittt! Chander!! You're so hot!". Biro ni Paulo.

Bigla ko naman nabuga ang iniinom kong samalamig sa aking narinig.

" T-tangina ka Paulo! Wag ka ngang magbiro ng ganyan!!". Pabulyaw kong sabi.

" Tol pwera biro! So ilang babae na ba ang nabutas?". Biro ulit ni Paulo.

Nagkatinginan kaming bigla ni Renz at sabay napahagalpak sa tawa. Tawang tawa kaming dalawa.

Biglang nagsalita si Renz

" Tol si Chander alam mo kasintahan nya na si Ste....". Di pa sya natapos sa pagsasalita ay binusalan ko agad ang kanyang bibig ng aking kamay, amoy suka pa naman yung kamay ko.

" Hehehe.. Stephanie tol oo si Stephanie!!". Ang paglilihis ko sabay ngisi. Busal busal pa rin sa bibig ni Renz.

" Really? Si Steph yung magandang cheerleader dati sa school? Whooh! Orayyt!". Si Paulo.

Kinalas ko ang aking kamay sa bibig ni Renz at tiningnan ng masama. Nanahimik naman sya at ngumisi.

" Ang weird nyo hehe! So wala bang libre dyan?". Sambit ni Paulo.

" Owww!". Lumapit ako kay Paulo at inakbayan agad ito. " Hindi ba dapat ay ikaw ang manlibre kasi ngayon ka lang nagpakita sa amin?". Sambit ko sabay ngisi.

" W-wala akong pera tol..". Pagmaang maangan ni Paulo.

Bigla ko naman kinalas ang aking kamay sa pagkakaabay kay Paulo at binuksan ang wallet.

" 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10.. Sige! Ako nalang manlilibre!". Sambit ko sabay itinaas ang perang aking binilang.

Nanlaki ang mga mata ni Paulo sa kanyang nakita. Hawak ko kasi ang kanyang wallet at pera na iwinawasiwas ko pa.

" Aaaarrgghh tol!! A-akiinn na yann!". Sigaw nya habang inaagaw sa akin ang kanyang wallet at pera.

Tawang tawa namang nakatayo lang na si Renz.

-----

" Sige na order na mga ulol!". Ang inis na sabi ni Paulo nang nasa loob kami ng isang mini resto bar. Bumubulong bulong pa.

" Ano tol?". Tanong ko.

" Wala!! Ang kukyut nyo sabi ko!!". Inis pa rin nyang sagot.

Nag order kami Renz sa utos ng mapagmahal naming tropa na si Paulo. Di rin namin pinalampas ang pagkakataong may libre na naman sa aming harapan. Halos kalahati ng nasa menu ay inorder namin, wala naman palag si Paulo dahil may sikreto kaming isisiwalat kapag hindi sya pumayag.

Itutuloy...

Próximo capítulo