webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 2 )

" Awts ang sakit naman babe.. Arggh!". Biro nya.

Bigla akong tumayo sa aking kinauupuan, hindi ko na rin tinapos ang aking pagkain pero paubos na rin talaga sya dahil sinaid ko na yung laman ng fried chicken bago pa sya dumating.

" Aalis na ako tutal 15 minutes nalang dismissal na.". Sambit ko sabay talikod. Iniwan ko na syang mag isang nakaupo doon pero sinundaan nya pa rin ako ng tingin hanggang sa makalayo ako.

-----

Alam ko rin namang susundan pa rin nya ako kahit saan ako mag punta, pero nakaisip naman ako ng paraan para hindi nya ako mahanap. Pumunta ako sa isang masukal na lugar, mapuno at maraming matataas na talahib doon. Ang lugar na iyon ay dating tambayan namin ng mga barkada ko noong 2nd year. Naabanduna na namin iyon noong magwatak watak kami. Sa malaking puno na iyon ay nagbuo kami ng isang treehouse. Dati ay napakaganda nito, pero ngayon malamang sira sira na. Doon kami lagi nagpapahinga sa tuwing breaktime o kaya kapag tapos na ang klase, doon kami lahat nagpapalipas ng oras. Ganoon din kapag nagka cutting classes kami. May duyan doon, yung gulong ng sasakyan tapos isinabit namin sa malaking puno ng mangga. Naalala ko pa noong napigtal yung tali non sakay ako, humagis ako palayo malapit sa isang krik. Mabuti nalang at napakapit ako sa puno ng bayabas, tapos yung bayabas naman ay may nakapulupot na ahas sa sanga. Dali dali akong bumitaw at bumangon sa pagkakahulog at kumaripas ng takbo dahil sa pagkataranta. Tawang tawa naman ang mga barkada ko sa nangyare sa akin.

Natawa nalang akong mag isa sa naalala ko nang nandito na ako sa lugar. Dumeretso ako sa duyan, ininspect ko muna yung gulong na nakasabit sa puno kung matibay pa ba itong nakalambitin. Ginawa ko lahat ng pagbanat dito pero wala naman akong nakitang problema. Sinakyan ko ito, nilaro. Para akong bata sa ganoong sitwasyon, nagbaliktanaw sa pagkagusgisin. Para akong 8 years old na nasa playground at tuwang tuwa na idinuduyan ang sarili. Doon na rin ako dinatnan ng class dismissal, pero kahit pa narinig ko na ang pagtunog ng bell ay nanatili ako doon. Hindi ko inalintana ang pag iisa, ang mahalaga ay malibang ako.

1:30 pm na ako lumabas ng gubat, nagmasid masid muna ako kung may estudyante ba akong makakasalubong, baka kasi kapag makita ako ay magtaka sila kung bakit napunta ako sa isang lugar na hindi naman pinupuntahan. Baka isipin din nilang pumunta ako doon para tumae. Tangina lang haha!. Nang wala naman akong nakita, karipas agad ako ng takbo. Tinungo ko agad ang tarangkahan para lumabas. Sinita naman ako ng guwardya pero nag alibi nalang ako na nagresearch muna ako sa library at natagalan bago matapos, wala pa kasing I.D noon dahil hindi pa iyon nadidistribute sa amin.

-----

Masaya akong nakauwi ng boarding house, may mga nakakasalubong pa nga akong mga nag ha ' HI ' at nagpapacute pang mga haliparot na babae. Wala eh? Ang GWAPO ko talaga. Pero syempre sinusuklian ko rin sila ng kindat at nakakalokong ngiti. Kinikilig din ang mga puta, akala nila papatulan ko sila. No way!

Pagpasok ko sa aking kwarto ay agad akong naghubad ng uniporme, nagbihis ng pambahay at syempre? Ang pinakapaborito kong gawin, ang matulog.

5:30pm :

Naalimpungatan na lamang ako nang may narinig akong bumukas sa pinto, di ko pa maaninag ito dahil nanlalabo ang mga mata ko sa pagmulat kaya tumalikod muna ako. Alam kong isang boarder yun na magiging roommate ko na. Sa wakas naman, binigyan na ako ng kasama. Naubos narin ang budget ko sa pagbabayad ng buo sa renta.

Nakahiga pa rin ako nang time na iyon, inaantok pa kasi ako at parang gusto ko ulit matulog. Nakatalikod pa rin ako pahiga sa katabing kama. Ramdam ko ang bawat pagyapak nang taong papalapit sa kanyang kama. Nang narining kong ibinaba na nya ang kanyang bag sa lapag, umupo ito sa kanyang higaan. Ramdam ko rin ang tunog ng pag upo nya.

Tahimik.

" Kamusta?". Ang pagbasag sa katahimikan ng kwarto nang magsalita ang lalaki.

Hindi muna ako sumagot. Yung boses kasi ng lalaki parang pamilyar? Parang narinig ko na sya kung saan, pero hindi ko lang matandaan. Naisipan ko na rin bumalikwas sa pagkakahiga, dahan dahan kong iniunat ang aking braso sa pagkakangalay. Haharapin ko na ang tao para i welcome sana sya kaya lang.. Pagkaharap ko, laking gulat ko kung sino yung taong nasa kabilang kama.

Si Steve? Nakangiting kumakaway pa sa 'kin.

" Waaahhhhhh!!! Ba-ba-ba-ba-ba.....". Sigaw ko.

" Hi babe?".

" E-eeehh!!! Pa-pa-pa-paano ka-ka-ka-ka na-nakapunta dito? Utal utal kong tanong.

" Hahaha! Relax ka lang babe, hindi ko rin alam eh. Basta dito ako dinala ng aking mga paa.. it's destiny!". Nakangising sagot nya.

" Whaaaaat?? P-panaginip!.. panaginip!.. panaginip!..". Pinagsasampal ko ang aking sarili, baka nananaginip lang ako pero.. " Aaaargghh ang sakiiitt!". Dugtong ko.

" Haha ang cute mo babe. Ang totoo nyan, kanina pa talaga kita sinusundan. Tumawa pa sya ng malakas. Actually pag alis mo kanina noo...". Hindi na nya ito naituloy dahil nasapawan ko agad sya ng pagbulyaw.

" Whaaaaat? Andoon ka rin ba sa gubat??".

" Aha!".

" N-nakita mo rin akong n-naglalaro doon?".

" Aha! Ang cute mo nga eh habang ang lakas mong dumuyan tapos tuwang tuwa ka pa, di mo ako napapansing nasa itaas ako ng puno. Sa treehouse haha!". Sagot nya sabay tawa.

" Aaaaahhhh!!!". Sigaw ko. " Lumayo ka sa 'kin impakto ka!! Sa-saklolo!!!. Sigaw ko pa ng malakas.

Tawang tawa si Steve sa kanyang pwesto. Naiinis ako pakshet! Lalo na sa halakhak nya. Sa dinami dami ng pwedeng boarders, sya pa? " Aaaarrghh!". Sigaw ko sa aking isip. Speaking of room mates? I'm sure na pwede pang pakiusapan ang attendant na ilipat sya ng kwarto at marami pa naman bakante.

" Pupunta ako sa baba!". Ang sabi ko sabay balikwas sa kama.

Tinungo ko agad ang pintuan. Ngunit bago ko pa hawakan ang doorknob ay biglang syang nagsalita.

" Kung pupunta ka sa attendant para sabihing ilipat ako ng ibang kwarto, hindi mo iyan magagawa.. wala ng bakante babe..". Sambit nya, nakangisi pa.

" Aaaaaahhh!". Sigaw ko ulit. " Pa-paano mo?".

" Babe? Sabi ko naman sayo na destiny talaga tayo. Nababasa ko ang mga nasa isip mo". Sagot nya sabay kindat.

Nagtaka ako at napaisip pa. " U-ulol!!! Kung talagang nababasa mo ang nasa isip ko, a-alam mo ba kung kelan ang birthday ko?".

" Ha? Babe birthday mo ngayon?". Patawa nyang tanong

" W-wag mo nga akong tinatawag na babe!!!". Malakas na bulyaw ko.

" Tatawagin pa rin kitang babe! Haha!". Tugon nya, kumindat pa ulit at ngumiti pa ng nakakaloko.

" Tssskk!! Isa kang baliw!!!!". Sigaw ko.

Dahil nasa tapat na rin lang naman ako ng pintuan, lumabas na rin ako. Isinara ko ang pinto ito nang padabog dahilan upang gumawa ng isang malakas na ingay sa buong boarding house. Iniwan ko syang mag isa doon.

-----

Pumunta ako sa plaza na malapit lang sa boarding house, doon ay naglakad lakad ako. Ang swerte ko at nakita ko si Renz doon na umakain sa isang fishbolan na nakapwesto malapit sa highway. Agad ko syang nilapitan. Paglapit ko, sya naman ang pagtusok ko sa fishball na nasa kawali. Napatingin sa akin si Renz.

" Wuy tol! Haha andito ka pala?". Paunang tanong nya habang isinusubo ang kikiam na nasa stick na hawak nya.

" Hindi tol, picture ko lang 'to..". Sarkastikong sagot ko sabay tawa.

Natawa naman si Renz, bahagya pang nasamid dahil sa pagkakatawa. " Wala ka pa rin talagang pinagbago! Loko loko ka pa rin". Sagot nyang natawa rin.

" Libre mo?". Turo ko sa tinusok kong fishball, kikiam, at squidball sabay ngisi.

" H-ha? Gago ka ba?!". Gulat nyang sagot.

" Sige na, wala kasi akong dalang pera eh..". Pagmamakaawa ko sa kanya. Nagpout din ako tulad ng ginawang pagpapout ni Steve sa akin noon. Teka bakit nasama na naman si Steve sa usapan? Lokong author 'to ha!!.

" Tanginamo! Tutusok tusok ka wala ka palang pambayad??". Galit na sa sabi ni Renz.

" Ang damot mo naman tol! Minsan lang eh.. Tumingin ako sa mamang nagbebenta. Manong ibabalik ko nalang ito, kaso naisawsaw ko na sa suka eh!".

" Arrr!". Ang tanging nasagot ni manong.

" H-hala? Siraulo ka talaga Chander!!!". Bulyaw ni Renz. " Oh sige sige ako na magbabayad nyan! Putangina nito naisahan pa ako". Dugtong nya.

" A-ah talaga? Salamat ha! Ang bait mo talaga tol!. Tumingin ulit ako sa mamang nagbebenta. Manong isang gulaman yung sa malaking baso!". Dugtong ko pa.

" Waaaaahh!". Napanganga ng malaki si Renz, halata ang sobrang inis. " Ma-mas makapal pa ang mukha mo sa jowa kong pinagpalit ako tol!!!". Bulyaw nya.

" Talaga tol?".

" Tsssk! Tanginamo.. bahala ka nga sa buhay mo!". Sabay tusok ulit ng kikiam.

Tawang tawa nalang si manong sa ganoong argumento namin ni Renz. Pero mabait itong si Renz, isa sya sa naging barkada ko noong 2nd year.

-----

" Mauuna na ako!". Ang sabi ni Renz nang nakapagbayad na sya ng mga kinain namin sa fishbolan.

" Sige tol, salamat sa libre ha? Binusog mo ako!". Sagot ko habang himas himas ang aking tiyan na may abs.

" Ulol utang yan! Sino may sabing libre yan? H-halos 50 pesos yung kinain mo! Yun sanang allowance ko na tinitipid ko tapos napunta lang sa buraot na katulad mo? How dare you manegaaa?!". Inis nyang sabi.

" H-ha? Ganon ba? O-oo sige utang iyon ahehe, huwag kang mag alala. Magwiwithdrew ako bukas". Biro kong sagot sabay kindat sa kanya.

" Withdrew? Eh wala ka ngang pagkakakilanlan tapos magwiwithdrew ang isang katulad mong alien?".

Natawa nalang ako, na nalang din sya kahit sa sobrang inis nya.

Doon na natapos ang mahabang argumento namin ni Renz nang pinaandar na nya ang kanyang motorsiklo. Hindi ko alam na may motorsiklo pala sya, parang magic na kusang sumulpot sa scene.

-----

Tahimik.

Nagbabasa lang ako ng komiks sa aking higaan, wala kaming imikan ni Steve noong nagdaang gabi.

Itutuloy...

Próximo capítulo