webnovel

Hindi Tayo Pwede (Chapt 2)

LIGHT (POINT OF VIEW)

Nagmamadali akong tumakbo papuntang elevator dahil late na ako sa meeting namin nila Babi. "shit!" sabi ko sa sobrang tagal. Pagkabukas ng elevator ay agad akong tumakbo papunta sa meeting room. Nagpunas muna ako ng pawis at nagpabango bago pumasok sa meeting room. Andun na silang lahat at nagu umpisa na ang pagdi discuss. Nakatingin saakin si Babi, kaya napalunok ako sa sariling laway. "I'm sorry, Ms. Cullen im late" saad ko kinakabahan ako sa tingin talaga ni Babi. "you may seat down" sabi niya sakin kaya agad akong umupo sa may gilid. Makalipas ng ilang minuto ay nagsalita bigla si Babi. "Okay let's finish this meeting, next time na lang natin ituloy ang pagdi discuss sa iilang need ng changes for our plans" sabi nito. Mukhang may lakad siya ah hindi man lang ako niyaya tsk. Agad akong umuwi ng condo. Ang bilis ng meeting pero wala si Babi dito asan na kaya yun. Napagpasyahan ko na lang na magluto ng pagkain para samin ni Babi, naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa din siya kaya kumain na lang ako mag isa habang hinihintay siya. Pagtapos kumain ay agad akong nag relax, nagbabad saglit sa bathtub.

Paglabas ko ay nakatapis ako. Habang hawak hawak ang twalya sa may uluhan ko para tumuyo ito. sumilip ako sa kwarto niya pero wala pa din siya. Agad na nag ring ang phone ko. Tinignan ko ito at mayroong isang message galing kay Lisa.

'huy Light, si Zeinyx lasing na lasing na dito niyaya lang namin tas napasobra pa sa inom puntahan mo kami rito sunduin mo na to naga alala ako kapag umuwi to ng mag isa eh' -from Lisa

'on the way na saglit lang' -to Light

agad akong nagbihis. pumunta ako kaagad dun kung nasan sila. Naga alala ako kay Babi. Nang makauwi na kami ni Babi ay agad ko siyang inayusan. Ang ganda talaga ng mukha niya mas lalo ata akong naiinlove sayo Babi. 'Sorry iniiwasan kita huh? dahil sa feelings ko sayo kaya kita iniiwasan. Gusto kong umamin sayo pero hindi ko magawa. Ansakit lang kasi alam kong hanggang kaibigan lang tingin niya sakin. Napaka torpe kong lalaki shit!' Pagkagising ko ng araw na yon. Ay agad akong naligo at umalis ng walang paalam kay Zein.

Gusto kong mapag isa. Antanga mo Light! 'akala ko ba ikaw ang magbibigay liwanag sa madilim na buhay ni Zein? anong ginawa mo? nagpakalayo layo ka!' sabi ko sa utak ko. Nagpakalayo ako pumunta ako sa Quezon City at uminom ng uminom araw araw. At duon ko nakilala si Daicy. Maganda siya, at may kasing ugali niya si Babi. I miss Babi so much shit! Nakipag kaibigan si Daicy sakin. Siya abg unang lumapit sakin. At makalipas ng isang linggo ay hindi ko inasahan sa sobrang lasing ko ay nagawa ko yun kay Daicy. Umamin siya sakin na gusto niya ko simula palang nung nilapitan niya ako.

Ang Gag* ko! P*tang*na!! Light pinaggagawa mo! Sinira mo buhay mo!!

"Buntis ako, Light. Ikaw ang ama" -Daicy, masayang sabi nito sakin.

"i can't, Daicy. I have someone that i love, im sorry okay? i can't do this. This is my fault. Masyado lang akong madaming na inom kaya ko nagawa sayo yan." naaawa ako kay Daicy. binigay niya ang sarili saakin.

"hindi ko kayang ipalaglag ang bata Light! miracle to!" sabi nito. halatang naiinis siya sa sinabi ko.

"wala akong magagawa jan, kung gusto mo ako na lang ang magbibigay ng pera para sa sustento sainyong dalawa pero hindi ko pananagutan yan bilang isang ama! palakihin mo yan. hindi ko ginusto ang nangyare wala ako sa katinuan nung araw na yun Daicy!! naiintindihan mo ba ko?! hindi kita mahal at may mahal na akong iba at hindi ikaw yun!" sabi ko sakaniya na tumataas na ang tono ng pananalita. ano bang gusto niya? oo nakuha na niya ang katawan ko. pero ng mabuntis siya hnd ko na kasalanan pa yun! nakita kong umiiyak si Daicy.

"okay fine, dadalhin kita sa maynila. Hanggang sa mailabas mo ang bata. Kukunin ko yang bata sayo." sabi ko ng mahinahon. no choice men! i can't do anything. kung kami ni Zein alam kong hihiwalayan niya ko sa ginawa kong katarantaduhan. maling desisyon to. ayokong maikasal sa hindi ko mahal. ang mahal ko lang ay si Zeinyx Cullen!! mahal na mahal ko yun.

"oo sege papayag ako sa plano mo" sabi nito ng pinupunasan ang luha. "at kasama ko si Zeinyx sa condo unit best friend ko yun kilala mo naman na yun dahil lagi ko siyang naikwekwento sayo" sabi ko. tumango tango ito. Ilang linggo ang nakalipas. Mahigit isang buwan din pala akong hinsi umuuwi sa condo namin ni Babi. Gusto ko siyang supresahin. Gusto ko siyang ipagluto ng masarap at paborito niya ayun na lang siguro ang pambawi ko sakaniya. Umalis na kami sa Quezon City at bumalik na sa lugar ko.

"tulungan mo kong mag luto ng paboritong ulam ni Babi na Sinigang na Baboy" sabi ko kay Daicy at tumango ito. "mahal na mahal mo nga siya, sorry kung nagpakatanga ako huh? ginawa ko pang excuse tong baby" sabi ni Daicy. kaya napalingon ako sa gawi niya halatang malungkot. "oo mahal na mahal ko yun kahit wag mo ng sabihin pa. sana matanggap ni Babi ang nangyare satin hindi ko alam ang sasabihin ko kinakabahan ako" sabi ko sakaniya. "ayos lang yon, akong bahala sayo.

Nag umpisa na kaming magluto. Nagkwekwentuhan habang hinihintay na kumulo ito. maya maya ay narinig ko ang boses ni Babi. excited na kong makita siya.

hindi ko inasahan na sasabihin ko kay Babi na girlfriend ko si Daicy. ang hirap umamin. hahanap ako ng tyempo na sabihin ang totoo sakaniya. Nang sinabi kong girlfriend ko to ay nagpaalam siyang magshoshower muna ito. Pinabantay ko kay Daicy ang niluluto ko para sakaniya.

agad akong kumatok sa kwarto ni Babi. pumasok ako ng walang sumasagot at naghihintay sa sofa niya. pagkalabas ni Babi ay nagulat siya ng tignan ako. "anong ginagawa mo rito? baka magalit girlfriend mo baka magselos pa yun" sabi nito sakin hayst sabi na nga ba eh ito ang mangyayare. "magbihis ka muna, hihintayin kita rito may sasabihin ako sayo please makinig ka sakin" pagmamakaawa kong sabi sakaniya. sinunod niya ang sinabi ko. pagkatapos niyang magbihis ay agad siyang umupo sa kama niya at nakatingin sakin habang nagsusuklay ng buhok. "ano ba ang pagu usapan natin Babi?" tanong niya.

"aaminin ko sayo na kaya ako umalis dahil sa sinabi mo sakin na 'hindi tayo pwede'masakit sakin yun Zein. hindi ko matanggap. Nung lagi akong nasa bar ay nakilala ko si Daicy, makalipas ng linggo ay ma-may nangyare samin Babi" naluluhang sabi ko habang nakatingin sakaniya. Gulat na gulat ang mukha ni Babi. "nasobrahan ako sa alak at umamin sakin si Daicy na pinlano niya na palasingin ako ng sobra ng gabing yon. ng umamin siya sakin na buntis siya. sabi ko may mahal na akong iba at ikaw yun Babi please maniwala ka sakin." sabi ko sakaniya lumapit at lumuhod at hinawakan ang dalawang kamay niya na habang umiiyak. "hindi ko alam ang sasabihin ko sayo Light. Nakakagulat ang confession mo sakin ngayon. panagitan mo ang bata" sabi nito sakin halatang iiyak na siya.

"papanagutan ko ang bata, dito ko muna papatirahin si Daicy at pag naisilang na ang bata ay kukunin ko iyon kay Daicy pumayag siya. Babi, ikaw lang naman ang gusto kong pakasalan eh. At maging ina sa mga anak ko. Babi, i love you please maniwala ka sakin" sabi ko sakaniya, tumulo na ang luha nito. niyakap ko siya ng mahigpit. "hindi maaari yun Babi, anak niyo yun. makasariling desisyon ang ginawa mo hindi para sainyo ng family mo yun!" iyak na sabi nito. "oo makasarili ako pero pumayag siya, at hindi ko pamilya si Daicy, babi" hagulgol ang naririnig ko saming dalawa.

"maawa ka kay Daicy, siya na lang ang pakasalan mo please" iyak na pagmamakaawa ni Zein sakin. "bakit? bakit si Daicy! F*ck!! ikaw nga mahal ko naiintindihan mo ba ako huh?! nakikinig ka ba sakin! hindi ko nga ginusto ang lahat ng nangyare! taena yan Babi! mahal mo ba ko? sabihin mo lang ang totoo! kasi ako alam ko sa sarili ko na mahal kita at hindi ko makalimutan ang pag confess natin sa isat isa nung araw na yon eh! ano ba sayo babi?! f*ck that Daicy! okay na nga Babi eh! pumayag na siya! maniwala ka naman sakin oh!!" pagmamakaawa ko at humiwalay sa yakap sakaniya at tumayo habang nakatingin sakaniyng umiiyak.

"tama na Light, kay Daicy ka na lang. Hindi tayo pwede. naiintindihan mo ba yun? papano pag nalaman nilang may anak ka sa iba at hindi sakin kung maging tayo? tang*na naman Light! makasarili kang Gag* ka!! alalahanin mo naman feelings ni Daicy. edi sana hindi ka na lang umalis noon at pinag usapan natin ng maayos yung feelings natin. Bwiset ka! oo mahal kita pero p*tang*na naman Light!! masyado ka na kasing makasarili eh. Umayos ka nga! hindi to laro. Nakasalalay ang feelings ni Daicy dito hoy! matauhan ka naman sana maawa ka naman sana kay Daicy oo inakit ka niya pero nagpaakit ka!" sigaw niya sakin ang sakit marinig sakaniya lahat ng to.

"hindi ako nagpaakit, lasing na lasing lang ako nun! hindi naman ako nagpaakit eh! Babi please mahal kita mahal mo din ako kaya please tayo na lang oh nagmamakaawa ako sayo babi. zeinyx please please" sabi ko sakaniya. "hindi nga tayo pwede dahil maling desisyon yan!" agad itong timayo at pumunta sa C.R maya maya ay lumabas itong naka make up. "saan ka pupunta Zein?" tanong ko sakaniya pero siya naglakad na siya palayo at parang wlang narinig At umalis na ng kwarto niya. iniwan niya akong mag isa rito sa kwarto.

agad akong bumaba, at pumunta sa kusina. nakita ko si Daicy na nagsasalin na ng ulam.

"kumain ka na jan, duon ka sa kwarto ko matulog sa may kaliwa. ikaw na muna dito sa condo wag kang papasok sa kwarto ni Zein naiintindihan mo ba yun?" sabi ko kay Daicy. "oo saan ka pupunta?" tanong nito. "pupuntahan ko tropa ko baka gabihin ako ng uwi o bukas umuwi" paalam ko sakaniya. oinaandar ko ang kotse ko papunta kala Mac.

END OF STORY PF.2

A/N: Next chapters on-going.

-Acc's-

Wattpad: AsteriaLuns

Discord: AsteriaLuns

Fb Page: AsteriaLuns

Próximo capítulo