Isang malaking pag kakamali ang ginawa ni Kieper sa mag kapatid na si Lee Hyung Joon at Lee MIn Joon. Nang dahil sa kanya nag kahiwalay ang mag kapatid at lumaki si Min Joon na may sama ng Loob sa kapatid nito na si hyung Joon.. Ang buong akala ni Min Joon ay ina banduna siya ng kanyang kuya dahil sa pag lalason ni Kieper sa utak ni Min Joon ang bunsong kapatid ni Hyung Joon.. Sa huli, umaasa parin si Hyung Joon na mababago niya ang kapalaran ng kanyang kapatid dahil sa ginawang pag papalaki sa kanya ni Kieper.
Nag lalakad si Yeong Joon sa hallway ng isang prisinto papunta sa kanyang kliyente na si Kieper Shin. Si Yeong Joon ay siyang naatasan na humawak ng kaso ni Kieper dahil sa patong patong na kaso na hindi niya alam kung may pag asa pa ba ang taong ito na makalaya ganon alam naman niyang kulang ang mga ibedensya na hawak nila.. Alam niyang malabo nang makalaya ang taong ito dahil sibat ng kanyang kaso.
''ikaw pala ang hahaak ng kaso ko'' tanong ni Kieper sa kanya.
''ako nga, walang iba.. bakit? sino paba ang inaasahan mo, ambigat ng kaso mo walang mag gustong humawak nito kundi ako..'' sagot ni Yeong Joon kay KIeper.
''ahh, talaga ba?'' sagot na may pag aalinlangan..
Nasa loob sila ng isang maliit na kwarto na siya talagang ginaganapan ng mga nagiimbistiga sa mga taong nahuhuli bilang kriminal. Hindi alam ni Yeong Joon na ang kanyang anak na panganay ay sumunod sa kanya. Si Hyung Joon ay panganay sa kanyang kapatid na si Min Joon. Matalino ang batang si Hyung Joon lingid sa kaalaman ng kanyang kapatid na si Min Joon kaya naman mas priority ni Hyung Joon na alagaan niya ang kanyang kapatid bilang panganay. Pantay naman ang pag tingin ng ama sa kanyang mga anak kaya naman mahal na mahal siya ng kanyang mga anak kahit wala na ang kanyang asawa. Nag lalakad ang anak na si Hyung Joon papasok ng prisinto ng harangin siya ng isa sa mga pulis na nandoon..
''bata, bawal ka dito ah.. anong ginagawa mo dito'' tanong ng isa mga ito.
''pupuntahan ko lang po ang papa ko'', sagot ng bata sa kanya.
''sino ang papa mo.. bakit andito ka.. bakit isinama ka ng papa mo dito.. bawal yun ahh!!'' sagot uli ng pulis kay Hyung Joon..
''alam ko po, pero hindi alam ng papa ko n andito ako,sumunod lang po ako sa kanya.'' sagot ng bata sa pulis na nag tatanong..
''sandali lang ha.. pupuntahan ko lang ang papa mo '' sagot ng isa sa mga pulis..
Pinuntahan ng pulis ang kinaroroonan ng ama ng bata para sabihin na ang kanyang anak ay sumunod sa kanya. Habang nag iintay ang bata.. pinuntahan niya ang isang grupo ng mga pulis na nag lalaro ng isang aerobics cube.
''kaya ko pong buuin yan sa loob lamang ng labinlimang minuto.'' sagot ng bata sa mga nag lalaro..
Nagulat ang mga nag lalaro sa sinabi ng bata kaya naman..
''hoy bata.. kami nga dito kanina pa binubuo ang laruang ito hindi namin mabuo.. ikaw pa kaya'' sagot ng isa sa mga pulis na nag lalaro.
''opo kaya ko po yan..'' sagot ng bata..
At ibinigay ng mga nag lalaro sa bata ang aerobics cube para ipabuo ito sa kanya..
'' Sige buin mo ito'' sagot ng pulis sa kanya.
Nagulat ang mga pulis sa bata ng wala pang labing limang minuto ay nabuo niya ito.
''ang galing mo, pano mo nagawa iyon'' tanong ng pulis sa bata..
''sus, wala yan norml na sa bata iyang ganyan..''sagot ng isang pulis sa ktrabaho nito.
''ayaw niyong maniwa'' tanong ng bata sa kanya.
Kinuha ng bata ang isang box ng posporo at sinabi ang nilalaman ng posporo..
''135 po ang laman ng posporong ito''sagot ng bata sa kanila..
''ito? hindi ako naniniwala..'' sagot ng pulis sa bata.
''sige po, bilangin niyo'' tugon nito.
habang binibilang ng mga pulis ang laman ng posporo ay nakalingat ang bata at pumunta sa kinaroroonan ng ama, ngunit habang nag lalakad ang bata papunta sa kinaroroonan ng kanyang ama ay nakasalungat ng ama ang anak na papunta sa kanya. Nakalabas na ang ama sa may front desk ng pulis station at nag tanong ang ama kung nasaan ang kanyang anak.. Nagulat ang mga pulis na nag lalaro ng tanungin sila nito.
''Nasan ang anak ko?'' tanong ni Yeong Joon sa pulis..
''ohh kayo pala attorny Lee?'' sagot ng pulis sa kanya..
''kanina lang anjan siya.. saan siya nag punta'' sagot ng isang pulis..
Nagulat silang lahat kya naman..
''nako, baka sumunod po sa inyo doon sa baba'' gulat na tanong ng isang pulis sa attorny.
Agad na pinuntahan nila ang bata kasama si attorny para kaunin ito.
Habang sinusundan nila ang bata ay nakarating na ang bata sa kinaroroonan ni Kieper.
''ohh ikaw, sino ka?'' atnong ni Kieper sa kanya.
''ako nga pala si Hyung Joon''sagot nito..
''anong ginagawa mo dito?'' tanong ni Kieper sa bata..
''Hinahanap ko lang po ang papa ko!'' sagot nito..
''wala na dito ang papa mo.. pero gusto mo mag kwentuhan muna tayo..'' pang uuto ni Kieper sa bata.
Naging malapit sila Kiper at Hyung Joon sa isat isa sa loob lang ng sandaling oras. Dahil sa pag dating ng ama ni Hyung Joon, nahinto ang pag uusap nilang dalawa.
''anong ginagawa mo sa anak ko''. tanong ni Yeong Joon kay Kieper.
''ahh, ikaw pala ang ama niya'' kahit alam naman niya..'' matalino ang anak mo ha.. mag kakasundo kaming dalawa.'' sagot ni Kieper sa kanya.
Kinuha ni Yeong Joon ang anak niya mula kay Kieper at inilabas agad ng kwarto at sinabing..
''anak wag kang papasok sa loob ha.. kakausapin ko lang siya, babalikan kita agad.'' ang sabi ng ama kay Hyung Joon.
''papa bakit po'' ang tanong ng anak sa ama.
''basta anak.. babalik agad ako'' sagot muli niya.
Pag katapos kausapin ni Yeong Joon ang anak ay agad na pumasok ito sa kwartong kinaroroonan ni Kieper.
''anong sinabi mo sa kanya''ang tanong ni Yeong Joon kay Kieper.
''mabait ang anak mo.. mag kakasundo kame.. marami siyang sinabi na mga sikreto mula sa sayo... ahhaha..'' na may pag ngiting hindi maganda mula sa muka ni Kieper..
Agad na lumabas ng kwarto si Yeong Joon at kinuha agad ang anak.. Iniuwi niya agad ito dahil sa nakakatakot na reaksyon ni Kieper.. Umisip agad siya ng paraan kung paano matatakasan ang nakakatakot na si Kieper bago pa niya makuha ang intensyon nito sa anak..