webnovel

Chapter 20

Hajiro's point of view*

Pagkaalis ko sa Bahay ni Khaira Agad akong Dumeretso sa Bahay nila Azalia.

Pero pagkarating ko roon nadatnan ko sa Sala si Axel na umiinom ng Kape. Napansin niya siguro ang pag dating ko kaya siya napatingin saakin.

"Kung sadya mo si Azalia nasa Burol siya"

Kinabahan ako sa naging pakikitungo niya saakin ngayon Bakit naging Cold na ang Pakikitungo niya saakin at tila ay may kakaiba sa kanyang mga mata na nakatuon saakin.

"A-Ah s-Sige pupuntahan ko siya"

Utal kong Saad bago Tumalikod.

"Bakit parang Natatakot ka Haji? At Kinakabahan ka pa? May hindi kaba sinasabi saakin? "

Napahinto ako sa paglalakad ng hagdan ng magsalita siya.

Ni hindi ko kayang lumingon dahil Parang sasabog ang Dibdib ko sa kaba.buong tapang at lakas akong sumagot sakaniya.

"Bakit naman ako Takot at Mas lalong hindi ako Kinakabahan, sige maiwan na kita pupuntahan ko lang si Azalia"

Kinagat ko ang labi ko bago naglakad palabas ng Gate. Tinanaw ko pa siya bago ako sumakay sa kotse.

Pinaandar ko ang Kotse ko bago ko tinahak ang daan papunta sa Burol kong saan naduruon si Azalia.

Ngayon nagbalikan kami ni Khaira At kailangan na hiwalayan ko si Azalia pero parang hirap na hirap ako kong paano ko bibitawan.

Para kasing Tali ang hinahawakan namin siya nakakapit parin ako bumibitaw na pero hinihila niya ako pabalik para lang hindi bumitaw.

Akala ko noon Hindi kona Mahal si Khaira pero sa unang tawag niya saakin parang Bumalik lahat ng pagmamahal ko sakaniya na parang kinain ko lahat ng ipinangako ko kila Axel, Yohan at Xenon. Sana pag natapos ng araw na ito At nalaman ni Axel Sana patawarin niya ako.. . . Sana.... .

Pero iyon ay malabong Mang-yari sapagkat kilala ko Axel ayaw niyang may nanakit sa kakambal niya.

Pagkarating ko roon Agad akong bumaba ng kotse ng makita ko na sinampal ni Az si Khaira na ngayon ay sanhi na ng Sabunutan nila.

"Stop! "

Saway ko sakanila na hindi nagpapapigil sa pag Sabunutan, hinila ko si Khaira na Ay napaupo si Azalia dahil sa lakas ng Pagkahila ko kay Khaira.

"Isa pang sampalin mo si Khaira, Hindi ako magdadalawang isip na patulan ka"

Nanlilisik na saad ko, nakatingin lang siya saakin habang nangilid ang luha sa mga mata niya.

"A-Ano? B-Bakit ako Hindi ako ang nauna,Haji anong Pinagsasabi mo bakit....bakit mo siya Pinagtatanggol ako ang Girlfriend mo Hindi siya"

Nag-umpisa ng Mahulog ang Butil ng luha niya sa pisnge niya. Namumula narin ang Mata niya at ilong dahil sa pagka-iyak.

"Hindi ka niya Girlfriend! "

Saad ni Khaira sa kanya na Ikinatingin niya kay Khaira at bago niya ito sinampal.

Wala sa wisyong Sinampal ko siya dahilan para napangiwi siyang mapatingin saakin.

" I told you when you slapped her I would be the one to fight you"

Nakatingin siya saakin ng Deretso Habang tumutulo ang luha niya sa pisnge niya.

"Sampalin mo pa ako dahil sa oras naiyon masasabi kong Hindi ka na.....Hindi ka na ang Hajiro na Mahal ko"

Saad niya Habang  Nag-umpisa na siyang Lumuha.

"Khaira pumunta kana sa Kotse mag-uusap lang kami"

Nginitian ko si Khaira bago siya tumalikod at naglakad papunta sa kotse.

"Dati Masaya tayo rito"

Nakatungo na siya ngayon saakin.

"Tatanungin kita Kailan pa?"

Nakatingin lang ako sakaniya.

"Kailan pa May Nangyari sainyo? "

Napaigtan ako sa sinabi niya na parang hindi ko inaasahan na sa sabihin niya iyon.

"Kailan mo pa ako Niloloko? "

Tumingin na siya saakin.

"Kailan mo pa Naramdaman na Mahal mo siya? Kailan pa"

Sunod-sunod ang Pag luha niya habang Tina tanong niya saakin iyon na Hindi ko man lang masagot.

"I'm sorry"

Yan agad ang lumabas sa Bibig ko.

"Mahal kita pero Mas Mahal ko siya"

"Bakit? Sabi mo Magpapakasal pa tayo"

Kumunot ang noo at kasabay nun ng pag tawa ko.

"What?! HAHAHAHA wala akong sinabi na Pakakasalan kita nagplano lang ako pero Hindi ko itinuloy"

Sino naman kaya ang Nagsabi sakaniya jusme.

"Nag Plano ka lang p-pero wala ka talagang Balak na P-Pakasalan ako? "

Dati Habang Tinitingnan ko siya na umiiyak parang gusto kong punasan ang luha niya pero ngayon parang wala na akong nararamdaman, parang nawala lahat, parang Hindi ko na..... Hindi ko na naramdaman na Mahal ko siya.

Azalia's Point of view*

"Nag Plano ka lang p-pero wala ka talagang Balak na P-Pakasalan ako? "

Tanong ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko na nakatingin sakaniya.

Hindi siya sumagot at tanging Tingin lang saakin ang ginawa niya, Makikita mo sa mata niya na parang wala kana lang sakaniya.

Parang walang kwentang tao kana lang na Tinitingnan niya, Taong akala mo wala kayong Pinagsamahan na parang Hindi niyo Minahal ng isa't isa. That's how he looked at me.

"Azalia... "

Hinihintay ko ang susunod niyang sa sabihin saakin dahil umaasa ako na panaginip lang ito at Sana panaginip lang. Dahil gusto ko ng magising dahil ang sakit.. . Subrang sakit na.

"I'm Breaking up with you"

Halos tumigil ang mundo ko ng sabihin niya iyon saakin na wala man lang bahid na pagsisisi sa mga mata niya.

"No!... Please No Tell me this is just a dream! Tell me Haji! "

Humagulgul ako Habang Nakahawak ako sa dalawang Braso niya.

"Always Remember that I love you dearly and I hope one day you will forget me"

Binitawan ko ang braso niya ng magsalita siya, umatras ako ng dalawang beses Bago Tumingin sakaniya.

"Hayaan mo akong Mahalin ka Kahit Hindi na ako"Saad ko sakaniya

"Hayaan mo kong Mahalin ka Hanggang ngayon. Hayaan mo kong mapagod hanggang sa tuluyan na kitang sukuan"

Nag-umpisa na namang lumuha ang mga mata ko habang Binabanggit ang mga iyon sakaniya.

"Wag mo ng pahirapan pa ang Sarili mo na Mahalin ako... Dahil... Hindi na kita Mahal"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang ang luha kong papatak muli.

"Pangako pag dumating na yung araw na napagud ako.. Wala ng Azalia na Magmamahal sayo. "

Pinilit kong ngumiti sakaniya hanggang sa tumalikod na siya saakin.

"Sana Pag gusto mo pa... "

Tumigil siya sa pag lalakad na parang hinihintay ang huli kong sa sabihin sakaniya.

"S-Sana pag gusto ko pa... Gusto ko pa "

Nagsimula siyang muling naglakad palayo saakin, tuluyan niya na akong iniwan at tuluyan na siyang sumama sa iba.

Napakasakit isipin na sa lugar na ito kung saan naging KAMI siya ding palang lugar ng KATAPUSAN namin.

Akala mo minsan yung mga taong darating sa bahay mo siya na ang taong para sayo pero Hindi pala...Dahil baka Pinagtagpo lang kayo at Hindi talaga kayo itinadhana.

"Sana balang araw Hajiro Clinton Hindi na ikaw, Goodbye"

____________after 5 months______________

            

"Sigurado kaba na Hindi kana Magpapasama saamin na papuntang airport Anak? "

Tanong ni Daddy saakin.

"Si axel nalang at yung Best friend kong Dalawa at kaibigan niya nalang maghatid saakin "

Saad ko.

"Mag-iingat ka State's Anak I love you at Mamimiss kita"

Niyakap ako ni Daddy at Mommy ng mahigpit.

"Tara Sis baka maiwan ka sa Flight mo"

Kumawala na ako sa Pagkakayakap kila Mommy at Daddy Bago ko sila tinalikuran.

Sumakay na ako sa Van na sasakyan namin papuntang airport.

"Sis, Mag-iingat ka dun Hindi kita masasamahan dahil ayaw mo naman kasi ei" Nakangusong sabi ni Axel.

"Aisshh, okay lang kaya ko sarili ko Axel, Mag-iingat kayo rito ikaw rin Hyuna, Sooyoon, Xenon at ikaw yohan alagaan mo ang Fiance mo asahan mo pag kasal mo andun ako"

Nginitian ko sila at gayun rin sila sakin.

Pagkarating namin sa airport pumasok na ako sa entrance habang hila-hila ang Bagahe ko.

"Bye Azalia Mamimiss ka namin Saranghae! "

Sigaw ni Hyuna ng makalayo ako sakanila ng kaunti.

"Sayonara Azalia Saranghae! "

Sigaw ni Yohan at sooyoon.

"Goodbye Azalia I love you as a Friend! "

Napangiti ako sa sinigaw ni Xenon.

"Baby Kambal! "

Napahinto ako ng tawagin ako ni Axel sa Palayaw na iyon na subrang miss ko ng itawag niya saakin yon.

"Sayonara S-Saranghae! "

Humarap ako sakanila at nakita kong nagiiyakan na silang Lima. Umiiyak narin ang kakambal ko.

"Neh-minna-San...Saranghaeyo...Sayonara"

(Everyone....I love you..... Goodbye)

Dati ang buhay na puno ng saya ngayon puno ng galit at hinagpis dahil Hindi man lang siya pumunta rito para lang pigilan ako at ngayon masasabi kong TULUYAN NIYA NA AKONG NALIMOTAN at dapat ko na siyang KALIMOTAN.

____THE END🥀______

Próximo capítulo