webnovel

Chapter 11, part 1 : Makiling, dungeon of deception

Si Eugene ay bagong empleyado ng UPLB na itinalaga upang maging katuwang ng hunter association sa pagma-manage ng dungeon. Unang araw n'ya ngayon sa trabaho. Kaya naman kabado s'yang naghihintay sa paparating na mga hunters na aakyat sa Makiling. Hindi nagtagal at sa palagay n'ya ay dumating na ang mga hinihintay n'ya.

Dumating ang isang nakakaagaw-pansing bus. May unique na emblem ito. Ang disenyo ay isang malaking hugis H na magkarugtong na building. Nakapaloob ito sa isang malaking titik C na may magarang estilo.

"Eugene, Eugene halika na rito!" Paulit-ulit na tawag sa kanya ng empleyado mula sa hunter association.

Nagisnan n'ya ang magandang mukha nito. May kalamigan ang mga titig ng babae. Pakiramdam n'ya tagus-tagusan ang tingin nito sa kanya at nababasa ang nasa isip n'ya. Kaya naman agad n'ya ring inaalis sa isip n'ya ang paghanga sa itsura ng babae.

"Masusunod ma'am Jenny!" Masiglang sagot n'ya sa babae na may kasama pang pagsaludo. Binigyan s'ya nito ng nawiwirduhang tingin bago tuluyang ilipat ang tingin sa kararating lang na mga hunters.

Nang magbabaan ang mga hunters sa bus napalitan ang kalamigan ng pagtitig ni Jenny. Naging banayad ang mga mata n'ya. May malaking ngiti rin s'ya sa mga labi. Sinuksok pa n'ya ang mga takas na hibla ng buhok sa ilalim ng tainga.

Hindi n'ya mapigilang kumabog ang dibdib habang tinitingnan ang itsura sa salamin. Alam n'ya kasing papalapit na ang mga hunters sa kanya.

May sikretong pangarap si Jenny kaya s'ya nagtratrabaho sa hunter association. Kaya n'ya rin tinanggap ang delikadong alok na paglabas sa field sa trabaho.

Alam n'yang maganda s'ya. Sa katunayan nga pansin n'ya ang ikinikilos ng bagong katrabahong si Eugene. Pasimple n'yang sinipat sa gamit na salamin ang katrabaho. Nagtagpo ang mga mata nila. Nakita n'ya kung paano namula ang katrabaho. Pasikreto s'yang napangiti sa reaksyon ng pobreng lalaki, katibayan 'yon sa lakas na alindog na taglay n'ya. Pero wala s'yang pakialam sa nararamdaman ng kasamahan. Masyado na s'yang manhid sa mga ikinikilos ng mga lalaki sa paligid n'ya. Mas gusto n'ya ng bagong challenge. Idamay mo pang involved din doon ang pangarap n'ya.

Balak n'yang gamitin ang ganda n'ya para sa ikaaangat ng estado n'ya sa buhay. Isa lang ang dinidikta sa kanya ng common sense. Ang magpakasal sa isang hunter. At hindi s'ya papayag na isang basta-basta lang na hunter. Sa tagal n'ya na sa trabaho, alam n'yang mas mataas ang rank, mas mapera. Bagamat mas mahirap abutin, worth it naman kung makukuha n'ya. Sobrang confident naman s'ya sa kanyang kagandahan.

Pinag-isipan n'ya rati kung anong klaseng lalaki ang tatargetin n'ya. Ayaw n'ya sa mga artista, mga gwapo nga pero masyado namang magugulo ang buhay. Mas lalong ayaw n'ya sa mga politiko at businessmen. Masyadong matatalino at maraming balakid. Mahirap ding bilugin ang mga ulo dahil likas ng mga tuso.

Kaya naman napili n'yang targetin ang mga hunters. Mas gamit nila ang katawan kesa sa ulo. Mas madali pa n'yang maangkin ang mga ari-arian. Lagi kasing nasa hukay ang kalahati ng mga paa nila. Maaaring buhay ngayon, pero maaaring patay na kinabukasan.

You can do it Jenny. Pagchi-cheer n'ya sa sarili sa loob n'ya. Kinuyom pa n'ya ang isang kamao.

At natanaw na nga n'yang bumaba sa bus ang isa sa mga main prospects n'ya. Regular itong pumupunta sa Mount Makiling dungeon isang beses sa isang linggo. Isa itong rank A hunter at leader ng sariling party. Gwapo rin, sikat at lumalabas pa sa mga commercials. S'ya si Jake Mercado.

...

Huminto ang bus na sinasakyan nina Clyde sa destinasyon.

Naunang bumaba ang vice leader ng guild na si Dina. Sinundan naman s'ya agad ng karamihan ng members ng The Company.

Sadyang nagpaiwan ang tatlong babaeng lider ng mga fan na hunters para antayin ang crush nilang si Jake.

Ang tatlong babae ay ilan sa core members sa party ni Jake. Pawang malalakas ang mga ito. Sunod-sunuran din sa mga utos ng crush nilang leader. Sila ay palaging magkakasama. Kaya naman nabansagan silang Tres Marias.

Habang bumababa ang karamihan, nilapitan ni Jake ang driver ng bus.

"Manong dating gawi po. Hintayin n'yo na lang kami sa exit sa Los Banos. Dito na muna kami sa Sto. Tomas, Batangas mag-uumpisa. Ingat po sa byahe." Nakangiting paalala ni Jake sa driver.

"Sige po. Salamat po." Magalang at tatango-tangong sagot ng driver. May katagalan na rin, pero hindi pa rin s'ya nasasanay sa magalang na pagtrato sa kanya ng isang rank A hunter.

Natatanggi ang hunter na ito. Ang ibang party leaders ng guild ay magaspang ang mga pag-uugali. Saad n'ya sa sarili. Mataas ang paghanga n'ya sa hunter na si Jake.

Sto. Tomas, Batangas? Mukhang alam ko na kung saang dungeon kami papasok. Well technically, gaya ng sabi ni Jake ang dungeon ay located din sa Laguna. Malaki ang isang 'yon. Konklusyon ni Clyde sa isipan.

Sa pagbaba ng mga hunters, matuling humarurot paalis sa lugar ang bus. Ang sunod na destinasyon nito ay pa-Los Banos, Laguna.

...

Organisadong nag-assemble ang party ni Jake sa harap ng table ng empleyadong magtse-check ng kanilang raid schedule, permit at party composition.

Umabante si Dina at tahimik na inabot ang mga papeles sa magandang babae sa kabilang side ng table.

Kinuha 'yon ni Jenny ngunit ang atensyon ay nasa likuran ni Dina.

Una, kay Angel dumapo ang tingin n'ya. Pero agad n'ya ring inalis 'yon. Sa palagay nito, hindi n'ya ito karibal kahit pa madalas itong kasama at mukhang close talaga sa Jake n'ya.

Tumungo ang nanlalagkit n'yang mga mata sa tamang destinasyon nito, kay Jake.

Nang nginitian s'ya ni Jake, nabuhayan ng loob ang babae. Sinuklian n'ya iyon ng isang pagkatamis-tamis na ngiti.

"Good afternoon, Jake. Mag-iingat ka ha?" Mahinhin, may lambing at maliit na boses na turan ng babae. Halatang nagpipigil ito ng isang tili.

"Good afternoon, Jake. Mag-iingat ka ha?" Eksaheradang pag-uulit nina Riva at Sammie. Ang dalawang myembro ng Tres Marias.

Ang dalawa ay parehong rank B hunters. Nagagandahan, magaganda tumindig, maliliit na sobrang cute, mga morena at halatang sobrang alaga ang mga katawan. Sa mas madaling salita, mga artistahin.

"What a flirt!" Inis na komento ni Erin. Ang leader ng Tres Marias. Isa sa top 3 members ng party ni Jake. Isa sa tatlong rank A hunters ng grupo.

Sa tatlong babae, si Erin ang pinakamaganda. May maamong detalye ang pagmumukha. Pero ang mata n'yang natural ang talas ay umiintimidate sa mga kalalakihan.

S'ya rin ang pinakamatangkad sa kanilang grupo.

Si Riva at Sammie ay papasa bilang mga high school students sa natural na youthful looks at petite na mga katawan.

Si Erin on the other hand, may pamatay na pigura. Sobrang makurba ang katawan. Makitid ang dapat makitid. Malapad ang dapat ay malapad.

Ang suot-suot na baluti ay hindi kayang itago ang kalusugan ng hinaharap ng babae.

Nakangiting tinaasan lang ng kilay ni Jenny si Erin. Sa opinyon ni Jenny, ang tunay na karibal n'ya ay si Erin.

This is what a tough rival is. A seemingly perfect girl. Isang high ranking hunter. Maganda at sexy. The way she moves and talk is very classy. May mga taga-sunod din s'ya. At katulad n'ya mukha ring mga anak mayaman base sa kilos at pananalita.

Tahimik n'yang ine-evaluate ang sitwasyon. Sa labas, mukhang okay lang ang lahat. Pero sa imahinasyon n'ya namumutla ang mukha n'ya sa panggagalaiti sa bigat ng karibal kay Jake.

"Miss paki-check naman ang permit namin." Pagputol sa namumuong tensyon ng isa pang hunter.

Umabante ang nagsalita. Ang buong katawan nito ay nakukublihan ng makapal na baluti. Hindi ito katangkaran. Nang dumaan sa kinatatayuan ng Tres Marias, kasingtangkad lang n'ya si Riva at Sammie.

Ang lalaki ay ang huli sa tatlong rank A ng party. Ito ay nagngangalang Kai. Ang lalaking hunter ay ang main tank ng kanilang grupo.

Sa bawat paggalaw ni Kai ay ang s'ya namang pagkalasing ng suot nitong baluti. Sa magkabilaang tapat ng baywang n'ya nakalagay ang dalawang maiiksing espada na nakapaloob sa kani-kanilang mga scabbard.

"Ipagpaumanhin n'yo kung na-offend ko kayo sa anumang paraan. Kahit na hindi naman ako ang naghahamon ng away." Pagpaparinig nito sa Tres Marias.

"This woman is unbelievable." Komento ni Riva.

"Please stop!" Pakiusap ni Kai sa apat na babaeng nagbabadyang pumutok na parang mga bulkan. Sinenyasan ni Kai si Jake sa mata.

Nabatid ni Jake na kailangan n'ya ng makialam. S'ya lang kasi ang pinakikinggan ng Tres Marias. At sa 'di malamang dahilan, gan'on din ang kaso sa babaeng empleyado.

May pilit na tawang inumpisahan ni Jake ang pakikipag-usap sa apat na babae.

"Erin, Riva at Sammie pwede bang 'wag kayong magdulot ng gulo, please?" Pakiusap n'ya sa tatlo. Tahimik namang nagsiatras ang mga ito at nagtago sa likod ng mga kasama. Aksyon ng pagsang-ayon sa sinabi ni Jake.

"Pasensya ka na Jenny, ha? Pagsasabihan ko na lang ang tatlo. Pwede bang ibalato mo na sa'kin 'to?" Nakangiting tanong ng hunter na inoohan din ng empleyado.

Sa buong kaganapang 'yon, pasikretong inoobserbahan ni Clyde si Angel. Nagtaka s'ya sa kahinahunan ng dalaga. Si Jake ang pinag-uusapan dito. Masyado kakaiba ang reaksyon ng kaibigan.

Sa request ni Jake, nagsimula ng magtrabaho si Jenny.

Masaya s'yang gawin ang procedure lalo na kung para sa kanyang prospect. Permit, check.

Nang dumako na ang atensyon n'ya sa mga member ng raid, muntik pa s'yang matawa sa pangalan ng unang myembro.

Seriously? Sinong matinong magulang ang magpapangalan sa anak ng Dina? Normal lang naman ang Dina. Pero paano kung ang apelyido ng mga magulang ay Manahan?

Pasulyap na sinipat ni Jenny ang babae. Naaawa na natatawa s'ya rito. Na-imagine n'ya lang ang childhood ng babae sa harapan.

Malamang ay naging tampulan ito ng tukso. Pampalubag-loob na lang siguro rito na maganda s'ya. Isa itong intellectual beauty. Bagay sa kanya ang hanggang balikat na buhok at ang suot na salamin. Kaso masyadong plain ang kagandahan n'ya. Komento sa isipan ni Jenny.

Napansin ni Dina ang tingin sa kanya ng babae. Kilala na n'ya ang tingin na 'yon. Nag-init tuloy ang dugo n'ya sa mga magulang.

"Rank S hunter?!" Napabaling sa babaeng empleyado si Clyde sapagkat sumigaw ito.

"May mali po ba sa dungeon ma'am?" Kunot na noong tanong ng empleyado kay Dina. This time, puno ng paggalang at takot ang mga tingin n'ya kay Dina Manahan.

"Wala naman. I have spare time, kaya sinamahan ko sila." Paliwanag ni Dina. Napansin n'ya kasi ang nginig sa boses nito. Gusto mang ikubli ang pag-aalala, hindi n'ya maitatago 'yon sa gaya ni Dina na isang Rank S hunter.

"For now, ang vice leader namin ang temporary leader ng party." Singit ni Jake.

Binalik ni Jenny ang atensyon sa form ng mga myembro ng party. At dahil propesyunal at pinagtuunan n'ya na ng pansin, matulin n'yang natapos ang pag-clear sa requirements ng grupo. Hindi n'ya na sila inabala pa at pinabayaan ng pumunta sa dungeon.

"Anong problema ma'am Jenny? You look dazed." Nag-aalalang turan ni Eugene.

Inabot ni Jenny ang forms ng mga participant sa kasalukuyang raid.

"Today's raid is strange. Nagpadala sila ng rank S hunter sa isang class A dungeon which is overkill. Not only that, may kasama rin silang rank E hunter. That's basically suicide. Paano kung ma-compromise noon ang raid? They can be annihilated you know? This is a class A dungeon. Anong tumatakbo sa isip ng leaders ng The Company?" Frustrated na turan ng babae.

Samantalang si Eugene naman ay matuling ini-skim ang mga forms at sinabing' "Interesante."

"Hello! Ano ng balita, Eugene?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Dumating na po kanina ang mga hunters ng The Company guild." Report ng isang seryosong Eugene. Bahagyang nag-pause s'ya.

"By now, they're probably about to enter the Makiling dungeon." Dagdag n'ya ng nakatingin sa suot na relos.

"Sir, before I forgot. May participant na rank S at E ang raid ngayon. I just thought you should know."

"You're doing great for a first-timer. Keep it up." Papuri kay Eugene ng nasa kabilang linya na ikinatuwa n'ya.

Impressed ang isang Jenny na nakamasid sa side-profile ng may kausap sa teleponong empleyado.

I guess hindi magha-hire ng incompetent na tao ang U.P. I admit he looked a bit cool just now. Napailing na lang ang babae ng ma-realize ang tinuran sa isipan.

"As for that rank E hunter, I better take note of him just to be sure. Close s'ya kay Jake. Inakbayan pa ni Jake ang rank E na 'yon ng paalis na sila. I don't know if it is coincidence pero ng sumali ang isang rank E hunter sa raid ng class A dungeon, at the same time may nag-participate rin na rank S hunter. Although he is not bad looking, hindi rin s'ya gwapo. At isa s'yang rank E. But what if this one is a bigger fish na kayang mag-mobilize ng isang rank S?" Pagmo-monologue ni Jenny sa sariling mundo. Nakarating ito sa isang wirdong konklusyon sa tunay na katauhan ni Clyde.

...

Barangay San Miguel, Sto. Tomas, Batangas. Dito magsisimula ang ekspedisyon ng grupo.

Maramahan nilang nilakaran ang malawak na konkretong daanan. Sa magkabilaang gilid noon ay ang may nagkukulay kahel na lupa dulot ng matinding repleksyon ng sikat ng araw.

Sa pagdating nila sa paanan ng bundok Makiling, hindi mapigilang mamangha ni Clyde sa natural na ganda ng kabundukan. Malaki ito at matayog. Mayabong, hitik na hitik sa mga luntiang kasukalan.

Kung iisipin, ang matayog at malawak na likas na yaman na ito ay maliit na parte lamang ng mundo. At kumpara rito, ang isang katulad n'yang tao ay maihahalintulad sa maliit na alikabok sa hangin.

Talaga namang hanga s'ya sa may likha ng magandang tanawin sa harapan.

At kung iisipin, ang magandang bagay sa harapan n'ya ay isang tourist spot ilang taon na ang nakakalipas.

Inaakyat ito noon ng magkakapamilya o magkakaibigan upang enjoyin ang kagandahan ng kalikasan ng magkakasama.

Ang iba ay inaakyat ito for religious purpose. Ang bundok ay sagrado para sa mga debotong manlalakbay na nagbibigay-pugay sa diwata ng bundok. Isa ito sa pinakasikat na bundok dambanas sa Calabarzon. Ang mga bundok dambana ay mga bundok ng pamahiin at misteryo.

Sa Philippine mythology, sikat ang Makiling sa paniniwalang pinananahanan ito ng diwatang si Maria Makiling.

Bago ang panahon ng kononyalismo, ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala sa mga bathala, diwata at anito. Si Maria Makiling ay isang napakasikat na dyosa sa mitolohiyang Pilipino. Sinasamba s'ya ng mga sinaunang Pilipino bilang si Dayang Masalanta. Na pumipigil sa mga delubyo, bagyo at lindol.

Ang Maria ay dinagdag ng mga Kastila sa pangalan n'ya upang gawin s'yang Katoliko.

Si Maria Makiling ay isang guardian spirit na responsable sa pagprotekta ng kabundukan at sa mga naninirahan dito. Sa gayon, s'ya rin ang patron ng mga taong-bayan na dumedepende sa Makiling para sa kanilang ikabubuhay. At saka maliban sa pagiging tagapanggala ng bundok, pinaniniwalaan din sa ibang alamat na teritoryo n'ya rin ang Laguna de bay at ang mga isda rito. Pinaniniwalaang pinadala s'ya ni bathala para agapayan ang taong-bayan sa pang-araw-araw nilang buhay.

Maraming nagsasabing ang bundok Makiling ay kahawig ng hugis ng isang babae, na sa paniwala'y mismong pigura ni Maria Makiling. Ang kababalaghan ay nilalarawang tunay mula sa iba-ibang pananaw, ngunit walang katibayang nagpapatibay sa pahayag. Ang iba't-ibang taluktok ng kabundukan ay sinasabing mukha at ang hinaharap ni Maria Makiling. At ang kanyang buhok ay bumababa sa isang banayad na dalisdis palayo sa kanyang katawan.

...

Ang kabundukan ay nakatalagang pangalagaan ng UPLB ayon sa batas. Dineklara itong ASEAN Heritage Park, na may titulong, "Mount Makiling Forest Reserve."

Ang ASEAN Heritage Park o AHP ay nagre-represent ng pagsisikap para pangalagaan ang importansya ng partikular na mga lugar na may iba't-ibang natatangging buhay o biodiversity ng mga estadong myembrong ng Association of Southeast Asian Nations(ASEAN).

Nasira ang kapayapaan ng Makiling ng maging isa itong dungeon. Dahil kinikilala ito ng gobyerno na pagmamay-ari ng UPLB, katuwang sila ng hunter association sa pagpapatakbo ng dungeon which is a special case.

Nakakuha ito ng bagong titulo, "Mountain of death." Regular kasing may namamatay sa loob ng Makiling. Ang malubha pa rito, ang malalakas na nilalang tulad ng mga hunter ang pumapanaw sa loob dahil nga rin sa hirap ng pasikot-sikot at lalakas ng mga nilalang sa loob ng dungeon.

Nang naging dungeon ang bundok, nawala ang kapayapaan sa lugar. From time to time, may nagaganap na dungeon outbreak. Nasira noon ang karamihan ng ikabubuhay sa paligid. Salamat na lang ang bundok ay isang dormant na bulkan. Mayroon pa ring mga negosyo ang nananatiling buhay. Hindi tuluyang nanganib na maabandona ang lugar.

Dahil natutulog na bulkan ang Makiling, may mga hot springs pa rin sa paligid.

Ang mga tao sa Laguna ay hindi inalintana ang panganib na dala ng dungeon outbreak. Patuloy pa rin sila sa buhay. Patuloy pa rin sila sa pagpapatakbo ng negosyo. Ang mas nakakagulat pa, dinadayo pa rin ang mga hot springs ng mga tao.

Maaaring positibo o negatibo ang maging resulta ng kaugalian nilang ito.

Positibo sapagkat, the greater they risk, the higher the payout. Dahil wala na ngang mapupuntahang bundok ang normal na mga tao, nagse-settle na lang sila sa mga hot springs. Mas rumami ang kanilang customers at dahil in-demand ang hot springs, natural lang na taasan nila ang singil. Nandoon nga lang ang risk sa pang-araw-araw na buhay, gawa na rin ng lapit nila sa dungeon.

Negatibo dahil maaaring masyado nilang minamaliit ang panganib na dala ng dungeons. Hindi nila naiisip na maaaring magdulot ito ng trahedya at maagang pagkawala ng mga buhay nila.

"Get into the usual formation. Vice leader, can you position yourself into the center para makaaksyon ka sa anumang biglaang atake?" Pag-akto ni Jake bilang leader.

"Of course, but starting now I'll take over the command." Deklara ni Dina habang itinulak ang salamin pataas.

"Yes ma'am!" Alistong tugon ni Jake.

Sa Makiling dungeon, may special formation ang party. Actually hindi talaga gano'n 'yon kaespesyal. Sinusunod lang nila ang most efficient formation when climbing a mountain.

Naka-vertical formation sila. Ito ang tamang formation sa pag-akyat ng bundok. Meron kasing mga parteng makikitid sa pag-akyat na isang tao lang ang makakaraan.

Ang vanguard ay si Kai. Ang main tank. Sa likuran n'ya ay nakasuporta si Erin na isang babaeng swordsman. Nakaagapay naman sa kanya ang dalawang rank B mages. Sinundan ng ibang hunters. Sa gitna, ang vice leader, rank S na si Dina Manahan. Na sinundan ulit ng ibang hunters.

Sa pinakalikuran nakapwesto ang tatlo. Sina Clyde, Angel at Jake. Sa pinakadulo, si Jake ang umaaktong sweeper.

Ang sweeper ay ang responsable sa pagbabantay sa mga myembro. S'ya ang palaging nakakaalam ng kalagayan ng grupo. Kung may nawawala ba. Kung kailangan magpahinga. Kung may injured ba. Ang pagiging sweeper ay kailangan ng masidhing pasensya. Kailangan n'yang i-match ang pace n'ya sa pinakamababagal na hikers kahit gaano pa n'ya kagustong tulinan ang pag-akyat. S'ya rin, kung sakali, ang aagapay sa mga nanghihinang kasamahan para matapos ang paglalakbay. Perpekto si Jake sa posisyon. Perpekto ang hunter abilities n'ya. Malakas at matulin s'ya. Kung kinakailangan, kaya n'ya ring lumaban sa distansya. Hindi nga lang kasing accurate ng naturally gifted marksmen.

Ang ikalawa sa dulo ay si Angel, bilang isa sa pinakamatulin sa grupo. At dahil sa hunter ability n'ya na agility type, s'ya ang magsisilbing messenger ng sweeper.

At ang pangatlo sa huli ay si Clyde. Dahil s'ya ay isang rank E, ang pinakamahina at pressumably ang pinakamabagal din. Kaya naman nasa ikatlong posisyon s'ya sa dulo.

Nilakad nila ang magubat na paanan ng bundok. Sa dinadaanan may nakasalubong pa silang isang malusog na kambing. Huminto ito sa pagnguya ng damo ng mapansin n'ya ang papalapit na mga hunters.

"Me..eeh!" Nakatinging ungot nito. Tila ba ay pinagmamadali ang mga istorbong nagdadaan.

Nakita nila ang palatandaan papasok sa bundok. Isang sira-sirang tarpaulin na hindi maintindihan ang nakalapat na mga titik. Ang tanging maiintindihan na lang dito ay ang arrow na nakaturo sa direksyon ng Makiling.

Sumulong sila. Sa pagpasok nila sa mas malalim ng parte nito ay s'ya namang mas lalong pagsukal ng paligid. Ang madadamong parte ay mas dumadami at nagsisimula na itong magsilago.

May mga puno ng saging na hindi gaanong magkakatabi.

Ilang minuto pa ng paglalakad ay mas lalo pang lumimit ang mga puno. Ang kaninang mga payat, katamtamang-taas at may distansyang mga puno ay napalitan na. Mas naglaparan na ang katawan ng mga puno. Bahagyang mas tumayog, at mas nagdikit-dikit ito sa dami. May iba pang sobrang dami at hahaba ng mga ugat. Iba't-ibang uri ng mga puno. May pahabang mga dahon. Meron ding pa-oblong. May mapusyaw ang pagkaberde. At meron ding sobrang tingkad. Meron din namang kulay dilaw na patay na mga dahon.

Mas dumadami rin ang tipak-tipak na mga bato.

Hanggang sa maramdaman 'yon ni Clyde ng makita n'ya ang pataas ng lalakaran. Kahit mukha namang wala kakaiba sa paligid, alam n'yang papasok na sila sa zone ng dungeon.

"We're here!" Sigaw ni Kai sa harapan. Hindi na naisip ni Clyde ang kakatwang rehistro ng boses ni Kai. Nag-eecho ito at mas malalim sanhi ng suot na bakal na helmet.

Ang naiintindihan n'ya lang ay ang pinaghalo n'yang nararamdaman. Excited s'ya kasi papasukin na n'ya ang una n'yang rank A dungeon. Isa iyong achievement. Ninenerbyos at kumakabog ang dibdib dahil sa pag-iisip. Na paano kung masyadong malakas ang mga kalaban at maubos sila? O kung hindi naman, ay baka masyado s'yang maokupa sa pakikipaglaban hindi n'ya mapansin na naubos na ang mga kasama n'ya. Pilit n'yang binura ang mga negatibong nasasaisip sa pag-uga ng ulo.

Pagka-anunsyo, walang pag-aatubiling sumulong ang maliit na tank. Kasalungat ng kanyang height ang angking katapangan.

Sa gulat ni Clyde, sa pagsulong ni Kai ay bigla na lang itong naglaho sa paningin ng lahat.

Sisigaw na sana si Clyde ng maudlot ito. Napansin n'yang masyadong mahinahon ang mga kasama. Ang sumunod na si Erin ay nawala rin sa pag-abante n'ya. At sunod-sunod na ngang nawala ang mga hunters.

Matuling tumakbo ang isipan ni Clyde. Saan napunta sina Kai? Na-teleport kaya sila kung saan? O gaya ito ng hinala ko?

Naputol ang pag-iisip n'ya ng kinailangan n'ya ng umabante papasok sa dungeon. Hindi man n'ya siguro kung saang lupalop s'ya dadalhin nito.

Sa kalagitnaan ng boundary ng invincible entrance ng dungeon, naramdaman ni Clyde ang paghigop sa kalahati ng katawan n'ya.

Nang makalampas s'ya rito ay agad s'yang bumalikwas upang tingnan sa likuran. Nag-aalala s'ya sa mga kaibigan, lalo na ang kasunod na si Angel. Sakto namang paglitaw ng katawan ni Angel out of thin air. Pagtingin n'ya sa lugar na pinanggalingan n'ya wala roon si Jake. At nang makaraan na si Angel ay s'ya naman sulpot ni Jake.

Sa nasaksihan, mas naging kumbinsido s'ya sa teorya n'ya. Na nasa isa silang separate dimension. Kung saan sa labas ay mukhang normal ang lahat, na katulad pa rin ng dati ang Makiling bago ito maging dungeon. Pero ang sa loob ay ang present state ng Makiling. Isa na itong misteryosong dungeon na kailangan maresolba. Ang katibayan noon ay ang hindi pag-eexist nina Angel at Jake bago sila pumasok sa dungeon gayong magkadugtong lang naman ang matatanaw mo sa separate space.

Bilang paninigurado in-extend ni Clyde ang kamay sa kabilang side. Sa ginawa n'yang 'yon, may kung anong pwersa ang humaharang sa kamay n'ya.

...

Naglakad sila. Wala silang naka-engkwentrong dungeon monsters hanggang sa dumating sila sa isang pahingahan.

Sa katawan ng dalawang nagtatayugang puno, sa pagitan ay may nakakabit na mahabang upuang gawa sa kawayan. Bahagya silang namalagi roon. Naglabas ng inuminan n'ya si Clyde para sa nanunuyong lalamunan. Napansin ni Kai ang kakaibang kulay ng lamang likido noon.

"Ano 'yan?" Takhang tanong nito.

"Green tea." Tipid na sagot ni Clyde.

"No offence pero tea taste bland. Meron akong juice rito. Baka gusto mo?" Pag-aalok ni Kai.

"Hindi na." Sagot ni Clyde.

"Bakit mo pa kinakausap ang outsider na 'yon, Kai? Ang suplado. Akala mo naman kung sino." Bulong ng isang hunter kay Kai ngunit narinig pa rin ni Clyde. At mukhang malakas talaga ang pagkakabulong ng hunter dahil narinig din pala nina Jake at Angel.

Nainis si Angel at akmang kokomprontahin ang nagsalitang hunter nang pinigilan s'ya ni Jake at Clyde.

"Okay lang Angel." Dagdag pa ni Clyde.

"Anong okay lang? Pinariringan at bina-badmouth ka na ng isang 'yon, tapos okay lang sa'yo?" Marahil 'di nagustuhan ang sagot, nabunton ang inis ni Angel kay Clyde.

"Huwag kayong mag-umpisa ng gulo." Biglang imik ng vice leader, si Dina. May tono ng pagbabanta ang pagkakabigkas n'ya noon. Nawalan ng imik ang lahat sa pagsasalita ni Dina.

Sa totoo lang, wala namang s'yang pakialam sa sinabi ng hunter. Alam n'ya sa sariling 'di totoo ang pinaparatang sa kanya nito.

Kung si Kai naman ang pag-uusapan, may magandang impression itong iniwan kay Clyde. Simula pa lang, palagi itong nag-eeffort kausapin si Clyde. Halata sa kinikilos nitong sinsero ang pakikitungo n'ya. Sadya lang nami-misunderstood si Clyde ng iba. Hindi magaling mag-express ng nararamdaman n'ya si Clyde through words.

"Get moving." Utos ni Dina. Tapos na agad ang pamamahinga nila.

Matapos ang matagal na paghihintay, dumating din ang unang engkwentro.

"Sa taas!" Sigaw ni Jake sa mga kasama. Aksidente n'yang napansin 'yon dahil binabantayan n'yang mabuti ang mga kasama.

Naalerto ang mga hunter. Huminto at tumingala sila. Doon nasaksihan nila sa taas ng nagtataasan ngunit nagpapayatang mga puno ang mga 'yon. Maliliksing nagtatalunan palipat-lipat ang grupo ng mga unggoy sa mga puno.

Nang mas malapit na ang mga unggoy, nag-umpisa ang mapambuskang mga hagikgikan nila. Bahagyang bumaba ang mga ito. Inangat ang bawat isang mga kamay at akmang may ibabato.

"Prepare to engage." Pasigaw na utos ni Dina. Nagulantang ang mga hunter sa utos ng vice leader. Basic knowledge na sa labanan na nasa disadvantageous na posisyon ang mga nasa baba laban sa mga nasa mataas na posisyon. Kahit na hindi sang-ayon sa utos doon nasaksihan ni Clyde kung bakit elite party ng isa sa pinakamalakas na guild sa bansa sina Jake.

Matapos saglit na mag-panic, kumalma ang mga ito at humanda.

"Long-range hunters, open fire. Close combat, on stand-by. Mages ready your spells." Sunod-sunod na utos ni Dina.

Sumiklab ang isang umaatikabong labanan. Umalingawngaw ang walang humpay na putukan. Nakarinig din si Clyde ng malalakas na ihip ng hangin mula sa nagkikislapang mga palaso ng ibang hunter. Sa bawat pagtira ng mga pana ay hindi na nasusundan ng mata n'ya ang mga tira. Karamihan sa pinakawalang tira ng mga hunters ay tumama. Maingay na lumalagapak ang mga natatamaang unggoy sa ibaba. Ang mga minamalas na unggoy ay nalalaglag mula sa itaas ng bundok.

Sa unang pagkakataon, nasaksihan n'ya rin ang kapangyarihan ng isang rank S hunter. Lumabas sa katawan ni Dina ang kulay violet na awra. Ang awra ay nag-manifest bilang pitong higanteng mga ahas. Ang mga ibinabato ng mga unggoy ay sinasangga ni Dina gamit ang mga awrang ahas. Ang mga nakalusot na tira ay nagsibaon sa lupa. Nang tingnan 'yon ni Clyde, nakita n'ya ang ga-kamaong tipak ng mga bato.

Ang tamaan ng ganyang kalaking tipak ng bato mula sa pinaghagisan ng mga unggoy, ang pinakamahina ay magkakadurog na buto.

Kumilos na rin si Jake. Isa-isa n'yang kinolekta ang mga bato. At ginamit ni Jake ang kapangyarihan n'ya.

Ang buong katawan ni Jake ay mas naging maskulado. Kitang-kita ang galit na galit na mga ugat sa braso n'ya sa suot n'yang maluwang na sleeveless whirt t-shirt.

Pagkatapos, may umusbong na malalaking kamay sa katawan ni Jake. Dalawa sa ibabaw ng mga balikat n'ya. At dalawa naman sa likuran n'ya. Tatlong beses ang taba ng braso ng apat na bagong mga kamay. Dumampot ng apat na mga bato si Jake. Nagmukhang bola ng pingpong ang mga bato sa higanteng kamay n'ya. Nakibato na rin si Jake sa mga kasamahan. Malakas ang mga balibag n'ya ngunit mas madalang itong tumama.

Napalingon si Clyde kay Riva ng sumigaw ito. "Hundred dropping blast!"

Ito ang pinakamalakas na firepower ng The Company liban sa mga rank S na hunter. Kahit na ilang beses n'ya na iyong nakikita, hindi pa rin n'ya mapigilang mapalunok.

Sa tuktok ng mga unggoy sumulpot ang maraming magic circles. Napatingin ang mga unggoy sa mga 'yon. Naaalarmang nagpulasan ang mga ito pero huli na ang lahat. Sa pagkawala ng mga magic circle ang s'ya namang pagbulusok ng mga transparent na bola sa kanila. Sa pagdikit ng una sa isang unggoy ay ang s'yang pagliwanag ng bola. Kasunod noon ang nakakabinging mga pagsabog at nakakasilaw na liwanag. Sa pagsabog ng una ay nagka-chain reaction ang mga pasabog ni Riva.

Nang nahawi ng hangin ang usok na ginawa ng pagsabog sa ere, nakita ni Clyde na mas marami na sila kesa sa mga unggoy. Sa umpisa, outnumbered sila ng mga unggoy. Hindi bababa ang bilang nito sa isang daan. Kasabay noon ang pagkasira ng mga punong nasabugan.

Gumawa ng matitinis na ingay ang natitirang mga unggoy. Pagkatapos ay mabababang tunog na parang nagbabanta.

"COVER YOUR EARS!" Sabay na sigaw nina Jake at Kai. Sinunod iyon ni Clyde.

Sa isang iglap dalawa sa mga marksmen ng grupo ang bumagsak sa lupa. Hawak-hawak parehas ang mga tenga. Dumadaloy ang dugo mula roon.

Sumigaw ang natitirang mga unggoy. Sa lakas noon ay may na-create 'yong shockwave. Naging mabagal ang dalawang hunter dahil sa mga sandata nila. Ang resulta tinamaan ang mga tenga nila ng sound attack ng mga unggoy.

Nagtalunan pababa ang mga ito. Pulang-pula ang mga mata. Matuling sumugod kina Clyde ang mga unggoy. Sa mas malapit na tingin napansin n'yang masyadong matatangkad ang mga ito sa pangkaraniwan. Kasing tangkad sila ng matatandang tao ngunit hindi sila mga gorilya. Normal na uri sila ng unggoy.

Sa isang kisapmata, nakalapit na ang mga unggoy. Ang mga long-range hunter ay hindi nakapag-react sa tulin ng mga halimaw.

Hindi napapansing pinigil ni Clyde ang paghinga. Ang inaasahan n'yang pagkamatay ng mga hunter sa kamay ng mga unggoy ay 'di natuloy. Umatake si Dina. Pito sa mga unggoy ay nawala ang itaas na bahagi ng katawan. Sinakmal ng pitong higanteng ahas ang mga ito. Samantalang ang iba ay nagsitalansikan palayo sa mga hunter. Mga tinamaan ng buntot ng mga ahas at nawalan na ng buhay. Muling kumilos si Dina. Nag-transform ang pitong higanteng ahas sa hamak na mas maliit na mga ahas. Kinilabutan si Clyde sa nasaksihan. Kahit pa hindi ito tunay na mga ahas, nakakalula pa rin ang dami nito. Hindi iyon bababa sa isang libo. Inatake noon ang natitira pang mga unggoy. Sa bilang ng mga ahas, nawalan na ng suspense ang resulta ng labanan.

Matapos ang unang labanan, na-realize ni Clyde na tama ang ginawang utos ni Dina. Sa kipot ng daanan dahil sa mga puno, kung umatras sila, hindi makakatakas ng sabay-sabay ang party at mas matinding pinsala ang matatamo nila. Ang hindi n'ya pa alam, ang pagpapakita ng overwhelming na kakayahan ni Dina ay ang paraan n'ya upang i-boost ang morale ng party.

Masiglang nag-martsa ang grupo ng hunters. Ganado silang nakipaglaban sa bawat nakakasagupang unggoy.

Lahat ng core members ay nag-participate na sa sumunod na mga labanan. Ang flow ng labanan ay laging nagsisimula sa range battle, pagprotekta ni Dina sa mga kasamahan at pagtira ni Riva ng Hundred dropping blast. Ang pinagkaiba lang sa nauna, hindi na nakikialam si Dina kapag bumaba na ang mga unggoy at naging malapitan na ang sagupaan.

Agarang sinasalubong ni Kai ang mga unggoy at ginamitan ng provoke. Limang unggoy ang nag-focus kay Kai. Hindi lahat ng tank ay may broken na crowd control kagaya ni Alejandro.

Ang pag-iistall ni Kai sa limang unggoy ay malaking tulong na sa pagbawas ng pressure sa mga kasama n'ya. Ang mga ito na ang bahala sa natitirang kalaban.

Si Erin ay pasigaw na sumalakay sa isa. Bilang 2-handed sword user, mas madalas n'yang gamitin ang espada pa-slash, imbes na pag-stab na tipikal sa normal na mga espada.

"Bang!" Tunog ng pagsablay ng wasiwas n'ya. Bumaon ang espada n'ya sa lupa.

Samantalang si Sammie ay ginamit ang kalakasan n'ya. Bilang isang defensive mage, inii-spam n'ya ang apat na wall spells para i-restrict ang galaw ng mga unggoy pero hindi n'ya nakakalimutang isa s'yang mage.

Nag-umpisang magseryoso si Sammie. Creatively, ginamit n'ya ang apat na available na defensive spells sa kanyang arsenal as destructive as possible. Habang nakatago s'ya sa likod ng kasamahang hunter, tinarget n'ya ang pa-traydor na umatakeng unggoy kay Jake. Umangat ang lupang pader sa likuran ni Jake. Saktong tumama ito sa baba ng unggoy. Tumilampon ang unggoy na parang na-uppercut.

Marahas na binunot ni Erin ang espada sa lupa. Tinamaan noon ang unggoy sa likuran n'ya. Naputol ang isang braso nito at napaatras.

Sa tapat ng earth wall, may umangat na isang bakal na pader. Saktong sa pag-angat noon ay may umaatras na isang unggoy na may putol na braso. Tinamaan ang bukong-bukong nito. Nawalan ito ng balanse, napa-tumbling patalikod sa pagitan ng earth wall. Nabagsakan noon ang papatayo sanang unggoy. Nagka-untugan sila at parehas nawalan ng malay.

Sa pinakaharap, matinding nagco-concentrate si Kai sa kasagsagan ng pakikipagbuno n'ya sa limang unggoy. Habang hawak n'ya ang dalawang maiikling espada ay napapalibutan s'ya ng pulang-pulang awra. Sa awrang 'yon, ang hindi posibleng makitang shelled aura ng isang tank ay naging posible dahil sa pagkakabalot nito sa pulang awra. Umikot ng umikot ng parang trumpo si Kai habang hawak n'ya ang dalawang espada. Ang nakapalibot sa kanyang mga unggoy ay nagsiatrasan sa takot na tamaan ng espada. Ang isa sa lima ay nadaplisan ng espada. Ang dugong ng kalabang nasa espada ay umangat sa ere at nag-transform bilang awra. Ang isa sa umilag na unggoy ay biglaan na lang umatungal na parang kinakatay na baboy. Yun pala, napaloob na s'ya sa isang nakatirik na ice wall. Nasa puluhan ito ng pagitan ng earth at steel wall, pahalang sa paningin ni Sammie.

Si Angel naman, paikot-ikot upang guluhin ang natitirang mga unggoy para hindi sila lumapit sa mga kasama n'ya. Sobrang liksi n'ya. Nag-morph ang magkapares n'yang binti hanggang sa paanan. Balot na balot iyon ng magandang kulay pilak na isang mechanical pair of boots. Sa tuwing kumikilos s'ya, nag-iiwan ng shockwave dahil sa tulin ng mga mechanically transformed feet n'ya.

Tatlo sa mga unggoy ang pilit humahabol sa kanya. Maliliksi ang mga unggoy ngunit pinaglalaruan lang sila ni Angel. Sadya n'yang binabagalan ang paggalaw upang hindi mawala ang interes sa kanya ng tatlo. Sa tuwing aabutan s'ya ng mga ito, nagpapakawala ang mga unggoy ng mga suntok. Ngunit kundi hangin, ang lupa ang inaabot ng suntok nila. At sa tuwina, palaging nagbibitak ang lupa sa atake nila.

Maya-maya pa napansin iyon ni Angel. Iyon ang elemental walls ni Sammie. Biglaan s'yang huminto at inatake ang mga unggoy. Tinalon n'ya pasalubong ang tatlong pasalakay na kalaban. Sa ere, para s'yang lumilipad na nag-perform ng triple spin kick. Bago mag-awaken bilang hunter, sumasali sa mga taekwando competitions si Angel. Kaya naman match made in heaven ang ability para sa kanya. Ang mga tinamaang unggoy ay mga na-out of balance. Sa pagbangon nila, mas lalong galit na humabol ang tatlo kay Angel. Sa pagdating ni Angel, isa na lang ang kulang sa elemental walls ni Sammie. Nagmamadali s'yang pumasok sa loob. Tinakbo n'ya ang pader na gawa sa bakal. Sa likuran, kapapasok lang ng tatlong unggoy sa patibong. Pagdating sa tuktok, nag-backflip si Angel palabas doon. Ang mga unggoy na balak sanang sumunod palabas kay Angel ay tinamaan ng pader na gawa sa apoy. At nakumpleto na nga ni Sammie ang improvised n'yang technique, na kung tawagin n'ya ay elemental prison box.

Kahit ilang beses ng nasaksihan, hindi pa rin nawawala ang pagkamangha ni Clyde kay Sammie at sa technique n'ya. Hindi mo naman masisisi si Clyde. Isang henyo na mage si Sammie. Hindi tulad ni Riva na may overwhelming firepower, si Sammie ay gumagamit lang ng mga defensive spells. Masyado lang maparaan si Sammie. Idagdag mo pa ang uncanny timing at control n'ya sa pagbato ng spells. Kailanman hindi s'ya nagmintis sa pagpapatama ng spells for extra damage sa mga kinukulong n'yang target.

Para sa finishing touches, nag-cast ng ilang fire at ice wall si Sammie sa loob. Matitinding hiyawan ang narinig. Makalipas ang ilang segundo, huminto ang ingay. Ang mga low damage defensive spells ay nagiging destructive weapon aa kamay ng isang Sammie.

Samantala, si Erin naman ay dinispatsa ang katunggali. Patusok n'yang inunday ang espada gamit ang isang kamay lang. Tumusok 'yon sa leeg ng kalabang unggoy. Pagkatapos hinila n'ya ang espada. Pinaikot ang espada sa mga daliri sa isang kamay na tila isa itong baton. Nakuha pa nitong kumembot. Nakakasilaw ang makinis na binti ni Erin na bahagyang natatabingan ng paldang bakal. Mapapaisip ka na lang din kung saan nagmumula ang lakas ng manipis na braso n'ya sa pagpapaikot n'ya ng espada gamit ang mga daliri.

Si Jake naman ay dalawa ang kinakalaban. At sa lagay noon, mukhang s'ya ang nananalo. 

Ang nasa kaliwa ay kinakaya ng dalawang higanteng kamay n'ya. At gan'on din naman ang kaso sa kanan. Kahit pa maliliksi, hindi makalapit ng husto ang mga unggoy kay Jake. Masyadong mahaba ang reach ng higanteng mga kamay. Kapag padalos-dalos, siguradong ang nakakahilo sa bilis na jab ang tatama sa kanila. Kung hindi naman, isang makabasag tadyang na hook sa katawan ang magpapatilampon sa kanila. At malusutan man nila ang dalawang pares ng higateng mga kamay, sasalubungin sila ng straight o uppercut mula sa orihinal na pares.

Maya-maya pa may dalawang dumagdag na unggoy. Nawala ang ngisi sa labi ni Jake. Oras na para magseryoso.

Shinift n'ya ang center of gravity sa likuran. Bahagya s'yang tumingkayad at dumistansya sa apat. Inumpisahan n'yang ikutan ang apat gamit ang unique footwork ng mga boksingero. Nang umatake si Jake, nag-umpisa ang kalbaryo ng apat na unggoy. Pinauulanan n'ya ng mga jab. Kapag sila naman ang umaatake umaatras si Jake. From time to time, pinapalitan n'ya rin ang pivotal foot to mess with their sense of distance. At kapag masyadong fierce ang sugod ng apat malalatigong depensa ng flicker jabs ang tumatama sa kanila.

Toe to toe in-fight, elegant and outstanding footwork na tinambalan ng razor sharp jabs at flicker barrage para sa outboxing, at ang isang smooth execution ng switch boxing. Mga boxing technique na inexecute ni Jake na nagpapakita ng all-rounded talent n'ya sa nasabing martial arts. At 6 times the trouble dahil sa mas marami n'yang kamay.

Bago maging hunter si Jake, maraming inaral na martial arts ang lalaki. Specialty n'ya ang boxing.

Naubos ang pasensya ng isang unggoy sa tinamong pagkabugbog. Punong-puno na sila ng sugat. Tumalon ito at sinipa si Jake. Wala na itong pakialam sa depensa.

Sinalo ni Jake ang paa ng unggoy gamit ang pang-itaas na kanang kamay. Umikot ang mga paa n'ya pakaliwa. Hinambalos ang bitbit na unggoy sa isa pa. Binitawan n'ya ang paa. Tumilampon ang dalawa palayo. Itinuloy n'ya ang pag-ikot. Sa paghinto, lumagutok ang buto sa likod ng ulo ng isa pang unggoy. Nakatama roon ang likod ng orihinal na kaliwang kamay n'ya. Bigla itong napaluhod at namuti ang mata. Sa pagtama ng tuhod sa lupa, sinundan ito ng pagbagsak n'ya padapa. Sa isang iglap, tatlo sa apat ang nakitil n'ya. Ang pangatlo ay sinamantala ang pagkakataon, malapit s'ya kay Jake at bukas na bukas ang depensa. Sinuntok n'ya s'ya. Para umilag nag-backflip si Jake. Pero pinigil n'ya 'yon halfway sa pagtutukod ng dalawang higanteng kamay sa ibaba. Hinuli n'ya rin ang kamay na naka-extend ng unggoy gamit ang orihinal na kamay. At ang ulo ng unggoy gamit ang dalawang pang-itaas na higanteng mga kamay. Matuling tumayo si Jake diretso sa talon, habang hawak pa rin ang unggoy. Nag-crack ang mukha ng huling kalaban ng tumama ang tuhod n'ya.

Freakish and strong. Paghanga ni Clyde sa kaibigan sa isip.

Sa kabilang banda, si Kai ay nasa kalagitnaan ng pagapi sa huling nakatayong mga unggoy. Ang mga unggoy ay puno na ng sugat.

Ang sobrang pulang awra sa palibot n'ya ay unti-unting lumilipat sa dalawa n'yang maiksing espada. Nang tuluyan na itong mabalot ng pula, sumugod ang tank nang walang pag-aalinlangan. Sa bawat wasiwas n'ya ng espada, isang buhay ang nauutas.

Nataoos ang labanan ng hindi man lang lumaban si Clyde. Matagal-tagal na rin n'yang na-experience 'yon. At 'yon ay kapag kasama n'ya ang malakas na party na ito.

I want them all! Naglalaway na sabi ni Clyde sa sarili.

Kumakabog pa rin ang dibdib ni Clyde sa nasaksihan. Hindi n'ya mapigiling hangarin ang kakayahan ng mga hunters. Pero alam n'yang imposible 'yon. Kasi kailangan mamatay muna sila at hindi n'ya gusto 'yon. Kaya naman, sikreto lang ni Clyde ang paghahangad sa kanila.

...

Sa katagalan ng paglalakad, naging maputik na ang tinatahak nilang daan.

Naglabasan na ang pinakakilalang halimaw ng dungeon. Ang mga limatik o blood leeches. Ang mga nilalang na ito, kung hindi susuriing maigi ay madaling mapagkamalang mga bulate. Maliliit ito at madudulas. Pero 'di hamak na mas mapanganib ang mga blood leeches.

Mahilig manirahan sa mamasa-masang lupa ang mga limatik.

Ang mga limatik ay sadyang maliliit, na beneficial sa patagong pag-atake nila.

Gaya ng pangalan, mahilig o mas mainam sabihing dumedepende ang mga limatik sa pag-inom ng dugo para mabuhay.

Kapag nakakapit sila sa balat ng kanilang target, binubutas nila ito at sinisipsip ang dugo.

Dahil maiitim, mas mahirap ding makita ang mga ito sa gabi kaya mas mapanganib sila sa kadiliman.

Ang dungeonized version ng limatik ay mas mapanganib sa orihinal. Ang mga orihinal na limatik ay kaunti lang ang kayang sipsiping dugo. Hindi ito nag-aapply sa mga enhanced na alimatik. Sampung beses ang tulin nila sa pagsipsip. Sa loob ng sampung segundo, mapupuno nila ang isang baso ng dugo. Mapanlinlang din. Kaya nilang humigop ng dugo na higit sa laki nila.

At kung tutuusin, mas mapanganib pa sila sa mga bampira na naghahari sa kadiliman. Marami at hindi nakikita sa dilim kaya mahirap iwasan. Sa oras na mapasok nila ang mata ng isang hunter, game over na para sa taong 'yon. Hindi man maubos ang dugo ng hunter, mabubulag ng limatik ang mata nito.

Habang naglalabanan, naalala ni Clyde na bago maging dungeon ang Makiling, kilala na ito sa mga limatik. Namuo tuloy ang tanong sa kanya kung ang mga dungeon monster ba ay ang dating mga hayop sa Makiling?

Pero kahit tama man ang hinala, wala s'yang ibang magagawa kundi patayin sila o tuluyang sirain ang dungeon.

Pinangako n'ya noon sa sarili ng maging hunter s'ya na sisirain n'ya ang lahat ng mapaminsalang dungeon. Ngunit in the back of his mind, alam n'yang kalokohan lang ang nosyon. Wala pang nababalitang nasirang dungeon. Ngayon, may katiting na expectation na si Clyde dahil sa pagiging Holymancer. Binibigyan s'ya ng pag-asa ng espesyal na kapangyarihan na maniwalang maaari iyong mangyari balang-araw. Umaasa s'yang kapag may sapat ng lakas na maaaring mahanap n'ya ang tunay na pinagmulan ng mga dungeons. Malaman ang paraan sa pagsira nito at mabigyan lahat ng hustisya ang malaking pinsalang idinulot ng paglitaw ng mga dungeon.

Dumadami na ang mga limatik. Kahit si Clyde ay naging busy na sa pagpatay sa maliliit na limatik. Mas lalong bumagal ang pag-abante nila dahil namumutaktak ng limatik sa daan. Nandyan din ang dalawang injured na hunters sa sound attack ng unggoy. May manaka-naka ring sumusugod na ibang uri ng dungeon monster. Mga gecko at palakang may kakayahang mag-camouflage. Mga gagamba at mga uwang. Mga alupihan. At meron ding makakamandag at kulay dahong mga ahas. Naging busy na rin si Dina sa dami ng kalaban.

Sa mga mamasa-masang mga puno at halaman, may mga nakadikit na suso at kabibe. Inaatake ng mga ito ang napapadikit na hunter sa pwesto nila.

Sa tagal ng nagaganap na laban, parami na ng parami ang dumarating na kalaban. Nagkaroon ulit ng mga unggoy na pinakamasakit sa ulo. Ang isa sa mga hunter ay nadikit sa poison ivy. Hindi ito nakalalason gaya ng pangalan nito. Ang poison ivy ay isang uri ng halaman na nagdudulot ng pangangati sa sinumang madidikit dito. Umaabot ang epekto nito ng ilang linggo. Nadagdagan na naman ng isa ang kailangan protektahan ng grupo.

Napilitang huminto sa pag-akyat ang grupo. Nag-focus sila sa pakikipaglaban. Hinawan nina Kai at Erin ang katabing mga puno para paluwangin ang galawan.

Nagpalit sila ng formation. Ang formation na palagi nilang ginagamit. Sa gitna sina Kai at mga long-range hunters. Sa kanan, ang Tres Marias. Sa kaliwa, sina Dina, Jake, at Angel na sinamahan ni Clyde.

Sa labanang ito lumabas ang tunay na lakas ng Tres Marias. Gumamit sila ng triangle formation kung saan nasa tuktok si Erin.

Pinabagal ni Sammie ang pag-advance ng mga kalaban. Mas lumaki ang scope ng defensive walls n'ya. Si Riva naman ay pinapatay ang na-trap na mga halimaw. Ngunit dahil masyadong marami ang kalaban, nagagawang tumalon ng iba sa mga lupa at bakal na pader. Si Erin naman ang sumasalubong at matuling gumagapi sa mga nakakalusot na halimaw. Hindi n'ya pababayaang makalampas ang mga ito sa kanya at gambalain sa pagca-cast ng spell ang dalawa. Sa patuloy na pagdami ng nakakalaban, nagpasya si Erin na gamitin na 'yon.

"Sammie!" Sigaw ni Erin sabay paghawak papuntang gilid ng espada gamit ang kaliwang kamay.

Naunawaan ni Sammie ang intensyon ng kaibugan. Finocus n'ya ang wall spells sa harapan ni Erin.

Inalalay ni Erin ang kanang kamay sa hawakan ng espada. Sa umpisa mahina 'yon. Ngunit sa pagtagal-tagal, nagliwanag ng husto ang espada.

Sa isang iglap, winasiwas pababa ni Erin ang espada.

"Crescent slash!" Sigaw n'ya.

Napatingin ang lahat sa banda ng Tres Marias, kakampi o kaaway man.

Isang kulay bughaw na enerhiya ang lumabas sa espada. Matuling gumalaw ang enerhiya paharap. Gumuguhit ito sa lupa. Ang hugis ng enerhiya ay tulad ng palikpik ng isang pating. Lahat ng madaanan noon ay tila ba ay sinasakmal ng isang malakas na pating. Lahat ng madaanan ng rumagasang enerhiya na may buhay ay namamatay. Ang mga pader, mapa-yelo man o bakal ay nahahating parang mga papel.

...

Sumapit na ang kadiliman ng narating ng party ang Haring Bato. Nangangahulugan itong papalapit na sila sa tuktok ng Makiling. Ang Haring Bato ay ang tabi-tabing malalaki at magagaspang na bato. Ang katabi nitong daanan ay sobrang kipot na, isang bangin. Gamit ang ilawan nila tumingin sila sa ibaba ng bangin. Sa gilid at hanggang sa baba ang tanging makikita ay mga puno at ang hindi makitang dulo sa baba.

Namahinga sila sa mga bato na hindi inaalis ang pagiging alerto.

Nilabas nila ang mga pagkain upang ma-recover ang nawalang enerhiya sa nakakapagod na pag-akyat at pakikipaglaban.

"Awkward na tao si Clyde. Hindi s'ya suplado gaya ng pinalalabas ng iba r'yan." Pagtatanggol ni Angel kay Clyde. "

"I know. Kaya nga sinusubukan ko s'yang kausapin. Para mas maging komportable s'ya habang kasama natin s'ya." Nakangiting sagot naman ni Kai.

"Pero curious talaga ako sa istorya ng green tea na 'yan." Si Kai.

"May reason si Clyde tungkol sa tea na 'yan." Si Angel.

"Clyde?" Tanong ni Angel kay Clyde. Sa pagbaling ng tingin ni Angel sa kanya, ay ang paglingon sa kanya ng halos lahat ng hunters.

Hindi s'ya naging komportable sa natatamong atensyon kaya naman, "Pass!" na lang ang sinabi n'ya.

"Sige. Ako na lang ang magkukwento sa kanila." Paalam ni Angel kay Clyde. Matapos noon humarap na s'ya sa karamihan.

"Ganito kasi 'yan. Nang nasa high school pa si Clyde, may pagka-overweight s'ya. Dahil doon naging sakitin s'ya. Umabot sa point na kailangan n'yang maospital dahil sa dami n'yang iniindang sakit because of his unhealthy lifestyle. He is a voracious eater. Hirap s'yang dalhin ang katawan dahil sa bigat. Hirap s'yang huminga. Nakaka-experience na rin s'ya ng chest pain because he was fat. Madalas rin sumakit ang katawan n'ya because of hypertension at high uric acid level. Madali rin s'yang mapagod. Meron din pala kasi s'yang fatty liver. Ang bottomline, he feel pathetic because of it. Na-realize n'yang it has to stop. Na hindi dahil masarap ang pagkain, 'di lang dapat go ng go. Kung hindi, sigurado s'yang bata s'yang mamamatay. Starting that very instance, nag-iba s'ya ng way of living. He learned discipline. Naging health buff s'ya. Tea is just one of the new additions to his new lifestyle. Hindi mo mapapainom 'yan ng kahit anong alam n'yang 'di healthy. Ang alak nga sa mga okasyon lang umiinom 'yan pahirapan pa. Aside from water at gatas, tea lang ang madalas n'yang inumin. Detoxifying na, mura pa. Kuripot kasi 'tong si Clyde kaya kahit na walang ganong lasa pero dahil healthy, iniinom n'ya." Mahabang kwenta ni Angel with matching actions and ever-changing exaggerated expressions. Paminsan-minsan ay natatawa ang mga hunter sa kwento o sa paraan ng pagkwekwento ni Angel.

Nag-pause si Angel at tumingala. "Paano nga ba 'yon?" Tanong n'ya habang nakatingin sa langit na para bang nandoon lang ang sagot. "Tama!" Masiglang sigaw nito.

"Health is wealth. Kapag healthy ka, mas marami kang magagawang bagay. Kapag hindi mo inalagaan ang sarili mo maraming inconvenience. Kung puro pagpapakasasa ka sa kasalukuyan, paano na sa hinaharap? Malamang sa pagtanda mo magiging sakitin ka. Mas lalo mong hindi ma-eenjoy ang buhay." Panggangaya ni Angel sa seryosong pananalita ni Clyde habang inuulit nito ang pananaw ni Clyde.

"Pero nag-benefit naman si Clyde sa lifestyle n'ya. Lalo na sa trabaho n'ya. S'ya na ata ang kilala kong pinaka-healthy na hunter. Maaaring fixed nga ang ating abilities bilang hunters. Pero kung aabusuhin mo naman ang sarili mo, hindi mo ma-uutitilize ng 100 percent ang mga kakayahan mo. In that aspect, Clyde is the most consistent." Papuri n'ya sa kaibigan.

"Ha!" Singal ni Erin.

"Ano namang silbi ng consistency if someone is that weak?" Pangungutya ni Erin kay Clyde. Hindi n'ya man lang ito tinapunan ng tingin o magawang tawagin sa pangalan. Pakiramdam kasi ni Erin madudumihan ang dila at mga mata n'ya. Talaga lang naiinis s'ya kay Clyde, lalo na kay Angel kaya n'ya ito binabara.

Ang kakapal ng mukha. Para silang mga lamok na umaaligid sa isang tao, nagbabaka-sakaling makahigop ng dugo. Hindi sila bagay maging kaibigan ni Jake. Hindi nila ito ka-level. Malamang pinapakisamahan lang nila ito para mapakinabangan parang isang lamok. Kami ang bagay ni Jake. Pareho kaming galing sa disenteng mga pamilya. Parehong magaling at malakas. Maganda at gwapo pa. We are few faultless individuals. We're cream of the crop. Opinyon ni Erin sa sarili. Si Erin ay isang elitista. Naniniwala itong dapat ang magagaling, mayayaman o magaganda ang magsama-sama. At dapat walang puwang ang mahihina.

Kaya naman kaibigan n'ya sina Riva at Sammie. Pareho silang may itsura at mayaman. Pero sa palagay ni Erin mas maganda at mas mayaman s'ya. Malakas din sila. Sobrang destructive ng magic spells ni Riva. Si Sammie naman pasado lang. Isa s'yang one of a kind quad-mage o yung may apat na element na kayang gamitin. Pero ang problema ang mga spells n'ya ay puro defensive type. Kung hindi n'ya kayang gamitin ang apat ng sabay-sabay para i-trap ang kalaban ay hindi gagawin itong kaibigan ni Erin. Malamang ay kasamahan lang s'ya sa karamihan ng fans ni Jake.

"Anong problema mo, Erin. Naghahamon ka ba ng away?" Pagkompronta ni Angel kay Erin.

"Why would I pick a fight with someone like you? I'm just stating the truth." Nakangising sagot ni Erin.

"Tama na Angel." Saway sa kanya ni Jake.

"You!" Nanliliit na matang titig ni Angel kay Jake. "Nakakahalata na ko kanina ka pa."

"Anong kanina pa?" Takang tanong ni Jake kay Angel.

"Hm!" At inignore na s'ya ni Angel.

Bahagyang tumahimik at nagpatuloy ang lahat sa pagkain.

"Curious lang. Sobrang close n'yong tatlo nina Jake. Alam mo pa Angel ang nangyari sa high school ni Clyde. Magkakaklase o magkababata ba kayong tatlo?" Tanong ni Kai. Nagkatinginan ang tatlo.

"Kami ni Angel ang unang nagkakilala way back high school. Si Clyde naman, college days na namin naging kaibigan. Naikwento lang din n'ya sa'min ang tungkol sa high school life n'ya." Sagot ni Jake.

"Right." Segunda ni Angel.

"Humahaba na pala ulit ng buhok mo Clyde. I-maintain mo. Bagay sa'yo ang kulot. Ang ganda ng pagkaka-curl ng mga buhok mo. You look manly. Hindi bagay sa'yo ang palaging maikling buhok. Masyado kang mukhang mabait." Ginusot nito ang buhok ni Clyde.

Magsasalita na sana si Clyde ng pigilan s'ya ni Angel. "Huwag mo sa'king dahilan na mahal mag-maintai n ganyang buhok. Na mas maraming shampoo at conditioner na magagamit kilala na kita." Natawa na lang sa loob-loob n'ya si Clyde. Talaga ngang kilala s'ya ni Angel. Pero sasang-ayon dapat s'ya rito. Mas madali ng gumawa sa kanya ngayon dahil mas malakas na s'ya. Hindi na s'ya makasalita dahil sobrang lapit ng mukha sa kanya ni Angel.

"Angel ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Natatarantang hila ni Jake kay Angel palayo kay Clyde.

Nagalit naman si Erin ng tabigin ni Angel ang kamay ni Jake. Samantalang si Clyde ay naninigas sa kinauupuan n'yang bato.

"Hindi ba dapat mong pigilan 'yung apat?" Lakas-loob na tanong ng isang hunter kay Kai.

"O Lira! Ikaw nga pala 'yung bago sa guild? Normal na 'yan sa tuwing may raid ang party. Ang saya 'di ba? Para silang nagpe-perform ng romantic comedy skit or something like that." Sagot n'ya na tuluyang nag-paiyak sa hunter.

"Anong problema Lira, bakit ka umiiyak?" Si Kai.

"Wala. Pinasok lang ng alikabok." Si Lira.

Bwisit ka kasi. Hindi ka marunong bumasa ng atmosphere. Uncomfortable na ang mga kasamahan mo 'di mo pa napapansin. Natural, mag-aalala sila. Paano kung tuluyang mag-away ang mga nagbabanggayan? Nasa sobrang tarik na tayong parte ng Makiling. Imagine, kapag sumabog ang dalawang rank A hunter malaking pinsala ang dulot noon. Paniguradong guguho ang kinatatayuan nating lahat. Saan tayo pupulutin? Sa paanan ng Makiling! Swerte natin kung may mabuhay pa sa'tin. Pero walang lakas ng loob si Lira. Ang kausap n'ya ay isa ring rank A hunter. Sa kanilang tatlong rank A, si Kai ang nag-iwan sa kanya last long lasting impression. Sino ba naman ang hindi iiwas sa isang hunter na may perverted ability? Sa isang hunter na lumalakas habang nag-aabsorb ng dugo ng kalaban.

"Okay. Pero hindi ba interesante talaga si Clyde in a weird sense? Ang paraan n'ya ng pag-iisip ay pang-matanda. Tingnan mo ang reaksyon n'ya kay Angel? Nakakatuwa 'di ba? Masaya kapag may raid, pero doble 'yon kapag kapag si Clyde. Gusto ko s'ya nakakatawa s'ya. Sana i-recruit s'ya ng guild." Natatawang turan ni Kai.

Sa loob-loob ni Lira, "Ikaw ang pinakawirdo rito. May nagbabadyang sumabog na malakas na bulkan, hindi mo pa napapansin."

"Puro takbo lang naman ang alam mo." Pambubuska ni Erin kay Angel.

"Sa sobrang tulin ko nga walang tatama sa mga mababagal mong atake." Di nagpapatalong sagot ni Angel.

"Anong gusto mo? Maglaban na lang tayo ng magkaalaman na." Panghahamon ng babaeng rank A hunter sa rank C na si Angel.

"Hindi kita uurungan baka."

"Tingan lang natin kung may ibubuga ka ba pader."

"Enough! Kung ayaw n'yong i-test ko kung gaano kataas ang bangin sa tabi natin." Malamig na sabi ni Dina na nagpatahimik sa apat.

"Ayan! May gumawa na ng gusto mo. At talagang si vice leader pa. Magpasalamat ka mamaya Lira, okay?" Sabi ni Kai na nagpakunot sa noo ng hunter.

Habang nagkakasiyahan sa Haring Bato, bigla na lang nangyari 'yon.

Lumiwanag ang paligid. Dumating ang makukulay na paru-paro. Agad nagtakip ng mga ilong ang lahat. Nagpasaboy kasi ang mga ito ng pampatulog mula sa kanilang mga pakpak.

"Naloko na!" Gulat na sambit ni Kai. "Sa dinami-daming pwedeng lumabas ang boss ay sa Haring Bato pa talaga.

Lumitaw ang isang magandang babaeng may mahabang buhok sa harapan nila.

Bago pa maka-react ang lahat, matuling sinugod ni Angel ang bagong dating. Sumablay ang pa-surpresa n'yang atake.

Ang puno sa tabi ng bagong dating ay bigla na lang gumalaw at sinangga ang atake ni Angel.

Itinulak s'ya ng nagkabuhay na puno. Dahil doon nagkamali ng tapak si Angel at nahulog mula sa itaas ng bundok.

Habang nalalaglag, nakita ni Angel ang isang aninong palapit sa kanya. Hanggang naramdaman n'ya ang init ng bisig nito. Nang maunawaan ang nangyayari, pinandilatan n'ya ang tumalon sa banging si Clyde. Ang pagbagsak ng dalawa ay huminto. Gamit ang mga kaliwang kamay, hinagkan ni jake ang dalawang kaibigan. Ang pang-itaas na kanang kamay n'ya ay nakakapit sa bangin. Napabuntong hininga si Jake ng mailigtas n'ya ang mga kaibigan. Habang nakabitin kinausap n'ya ang dalawa.

"Mabuti na lang at di ako nahuli"

Samantala, si Angel ay galit na galit at sinesermonan si Clyde. "Bakit ka tumalon? Hindi mo ba alam kung gaano katanga ang ginawa mo? Paano kung hindi tayo niligtas ni Jake."

Nawasak ang kinakapitang bato ni Jake. At tuluyan na ngang nahulog ang tatlo sa kawalan.

Próximo capítulo