webnovel

Prologue:

Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa bawat tao. Isang umaga na nagbibigay ng buhay at pag-asa para bumangon muli. Payapa, magandang atmospera at masasayang mga ngiti ang namumutawi sa mga tao. 'Yung iba maagang bumangon para sa trabaho, para magwalis-walis, maglaba at ma'y iba namang bumangon upang magsaya at damhin ang magandang umaga kasama ang mga inosente nilang mata.

"Daddy! Ang ganda ng butterflies!" Nakangiting sambit ng batang babae habang hinahabol-habol ang mga paro-paro.

Lumapit sa kanya ang kanyang Daddy habang ma'y nakasakbit na isang camera sa kanyang leeg. Wiling-wili ang bata habang pinagmamasdan ang mga paro-paro hanggang sa pumatong sa dulo ng ilong niya ang isang napakagandang paro-paro at lalong natuwa ang bata. Umanggolo ang Daddy niya para kuhanan ng litrato ang kanyang anak at tuwang-tuwa niya itong pinagmasdan.

Lumapit sa kanya ang batang babae at niyakap niya ang kanyang Daddy. Tumapat ang kanyang Daddy sa kanya at hinaplos-haplos ang malambot niyang buhok.

"Daddy, gusto ko lagi tayo punta dito!"

"Oo naman para sa baby girl ko." Tugon ng kanyang Daddy.

"Daddy, bakit lagi ka ma'y dalang camera?" Binigyan niya ng isang ngiti ang kanyang anak.

"Gusto kita palaging kuhanan ng litrato kasi maganda ang baby girl ko. Atsaka para kapag lumaki na ang baby girl ko, makikita niya kung gaano siya kaganda at para hindi niya makalimutan ang araw na ito kung saan palagi niyang kasama sina Mommy at Daddy. Para palagi mong matandaan na importante ka sa'min at para kapag umiyak ang baby girl ko, alam mong maraming tao ang nagmamahal sayo."

"Thank you, Daddy! Love ko po kayo ni Mommy at Kuya." Hinalikan siya sa pisngi ng Daddy niya at niyakap siyang muli nito.

"Ayun na sina Mommy oh! Ma'y dala silang ice cream!" Kumaripas ng takbo ang batang babae patungo sa batang lalaki na kanyang kapatid. Inabutan siya nito ng isang ice cream at tuwang-tuwa siyang nagpasalamat.

"Kuya Arco!"

"Say this, Ku-ya... Mar-co." Pagtuturo ng nakakatandang kapatid niya.

"Ku-ya ARCO!" Natawa na lamang siya sa nasabi ng nakababata niyang kapatid.

"Play lang po kami sa garden." Pagpapaalam niya sa kanilang Mommy at hinayaan naman sila. Hinatak ng nakatatanda niyang kapatid ang kamay ng batang babae upang dalhin sa playground at makihalubilo sa ibang bata. Tinanaw naman sila ng kanilang mga magulang para bantayan ang magkapatid.

"Uy, tingnan mo alien sila oh! Magkaparehas sila ng mukha!" Sita ng ilang batang lalaki at pinagtinginan naman sila ng ibang bata.

"Alien! Alien! Alien!" Nagsimula silang asarin at palibutan ng ibang bata. Umiyak naman sa tabi ni Marco ang kanyang kapatid at wala siyang nagawa kundi ang yakapin ito.

"Tumabi kayo! Maganda kaming nilalang kaya pwede ba, tsupe!" Sigaw ng kanyang Kuya at dahil pinagtabuyan niya ang mga batang nakapalibot sa kanila ay nilubayan na sila ng mga ito.

"H'wag ka ng iiyak ha. Andito lang si Kuya." Sabi ng kuya niya at pinunasan niya ang luha ng kanyang nakababatang kapatid. Nang hindi pa rin tumatahan ang kapatid niya ay napakamot na lang siya sa ulo.

"Tahan ka na, please. Papagalitan ako nina Mommy niyan 'e!"

"Sorry Kuya. 'Di na ako iiyak." Tumahan na ang batang babae at nakahinga naman ng maluwag ang Kuya niya.

"Hayaan mo na sila ha, epal lang kasi sila. Basta kapag ma'y nang-aapi sayo labanan mo ha atsaka dapat ipagtanggol mo din 'yung mga batang inaaway para hindi na sila umiyak. 'Di ba matangkad ka naman? Kayang-kaya mo ang mga 'yun. H'wag ka papayag na inaapi-api ka lang ha. Mas matangkad ka pa nga kay Kuya 'e." Tumawa ang batang babae at tumugon siya sa kanyang Kuya.

Matapos ang ilang minuto sa paglalaro nila ay nilapitan na sila ng kanilang mga magulang upang umuwi. Umangal pa silang dalawa no'ng una ngunit sinabihan naman sila na babalik ulit kaya sumunod na lang sila.

"Daddy, ang dami na po nating pictures! Ang ganda po lalo na ito oh!" Aniya sabay turo sa isang family picture nila na nakasabit sa kalagitnaan ng salas.

Lumapit ang kanyang Daddy sa kanya at binuhat siya. Lalo niyang nakita ng malapitan ang ganda ng family picture nila habang masaya silang nakangiti dito. Wala kang ibang makikita sa kanila kundi ang sayang namumuo sa mga mata nila habang magkasama.

"Four years old pa lang kayo ni Kuya Marco mo at nagpakuha tayo ng picture sa isang kilalang photographer. Idol na idol ko siya at napakagaling talaga niya sa larangan ng photography." Ngumiti nang malawak ang kanyang Daddy at sabay nilang pinagmasdan ang magandang larawan.

"Bago siya umalis no'ng nagpakuha tayo ng picture, ma'y sinabi siya sa'min ng Mommy mo. Sabi niya 'Ang isang larawan ay maaaring magpakita ng maraming ala-ala at pahalagahan ninyo ang mga araw na masaya kayong magkakasama. At ang munting larawan na ito ang magpapaalala kung gaano kayo naging masaya sa piling ng isa't-isa'." Tumingin siya sa kanyang anak na manghang-mangha at lubos na nakikinig sa kanya.

"Marahil ay hindi mo pa ito masyadong maintindihan ngunit alam kong darating din ang araw na malalaman mo at masasaksihan kung gaano kaganda ang buhay para pahalagahan mo ang bawat sandali." Naluha ang kanyang Daddy kaya inabot niya ang mukha nito at pinunasan.

"Daddy, happy tayo palagi ha? Bawal tayo sad kasi bad 'yon." Sabi ng kanyang munting anghel.

"Anak, hindi bad ang ma-sad. Okay lang minsan na ma-sad tayo para malabas natin ang hinanakit ng loob natin." Sumimangot lamang ang bata at seryoso niyang tiningnan ang kanyang Daddy.

"Hindi! Ayoko pa rin, Daddy. Gusto ko lagi happy!" Tumawa ang kanyang Daddy at pinisil-pisil ang pisngi ng anak niya.

"Tama 'yan, anak. Pero kapag lumaki ka na dapat happy ka pa rin lagi ha?" Nalungkot naman ang bata at tumingin sa inosente niyang mga mata ang kanyang Daddy.

"Bakit Daddy? Sad na po ba kapag malaki na kami ni Kuya? Ayoko lumaki Daddy, natatakot ako." Hinaplos-haplos niya ang buhok ng kanyang anak at sinubukang pasayahin ito.

"Hindi, anak. It's part of growing up at maiintindihan mo din ako balang-araw." Nagkangitian silang mag-ama at kumislap naman ang mga mata ng bata.

"Nagluto ako ng favorite niyong red sinigang at kare-kare! Come here, kiddos!" Saad ng Mommy niya at dali-dali namang kumaripas ng takbo ang magkapatid na kambal papunta sa kusina.

"Ako ang una!" Sabi ng kapatid niyang si Marco.

"Hindi, ako kaya!" Pagpupumulit niya at natawa naman ang kapatid niya nang makita ang expresyon ng mukha nito.

"Heto na." Sabi ng Mommy nila at inilapag ang red sinigang sa ma'y lamesa katabi ng kare-kare. Na-upo naman ang mag-asawang Cruz sa magkabilang-dulo ng kanilang lamesa. "Marco, lead the prayer."

"Ako na kahapon 'e! Si Marzia naman." Sabi ng kapatid niya at napaturo pa sa kanya. Nagulat naman siya at sumang-ayon na lamang sa sinabi ng Kuya niya. "Sige, Marzia. Lead the prayer."

Nagsimula siyang magdasal at nagkangitian naman ang magkapatid. Alam na kasi ng bawat isa na kapag ayaw magdasal ng isa sa kanila ay ma'y nagawa silang kasalanan.

Kumain sila at nagkakwentuhan kung gaano sila kasaya sa parke kanina. Nabanggit din ng magkapatid na nais nilang ulit-ulitin ang pagpunta doon hanggang sa paglaki nila dahil nais nila na palagi silang masaya na magkasama. Nakagawian na ng pamilyang Cruz ang pagpunta sa parke upang malibang ang kanilang mga anak.

Isang photographer ang ama nila habang isang government worker naman ang kanilang ina. Simple at payapa lamang ang pamumuhay nila at lubos na silang masaya dito. Kuntento na sila sa kung anong meron sila. Hangga't kasama nila ang isa't-isa ay magiging masaya at ayos lamang ang bawat isa sa pamilya nila.

"Nabasag ko 'yung vase 'e. H'wag ka maingay ha." Sabi ng Kuya niya at napahawak naman siya ng bibig sabay tango.

"Si Budong ba ulit ang sisisihin natin?" Tanong niya sabay turo sa kanilang aso. Tinaas ng Kuya niya ang magkabilang kilay niya na nagsasabing umo-oo siya sa kapatid.

"Sino ang nakabasag ng vase? Galing 'yun kay Lola 'e, lagot ako kay Lola kapag bumisita siya dito." Rinig nilang sabi ng kanilang Daddy.

"Alam kong isa sa inyo ang ma'y gawa kaya nabeast mode ang Daddy niyo kaya matulog na kayo ng maaga. H'wag niyo ng sisisihin si Budong ha? Kawawa naman si Budong, palagi niyo na lang sinisisi. Baka mapalayas na siya ng Daddy niyo. Gusto niyo ba 'yun?" Saad ng kanilang Mommy. Sabay na napa-iling naman ang magkapatid.

Inihatid na sila ng kanilang Mommy sa kwarto nila at pareho silang kinumutan. Their Mom kissed them goodnight at pinatay na ang ilaw. Nang maramdaman nila na wala na ang kanilang Mommy ay kinulbit ni Marco si Marzia at agad naman itong bumangon.

"Ma'y ipapakita ako sayo. Halika, dali." Saad ng kanyang Kuya at lumapit siya dito.

Ma'y hawak na flashlight ang Kuya niya at itinapat niya ito sa isang cabinet. Ngunit masyadong mataas ang cabinet kaya pinagtulungan nilang kumuha ng upuan at itapat ito dito para maabot ng Kuya niya ang cabinet. Hinintay ni Marzia ang pagbaba ng Kuya niya mula sa upuan habang nagkakalikot sa cabinet.

Maya-maya pa'y bumaba ito at tuwang-tuwa siyang humarap sa kanyang kapatid. Dumapa sila at ipinatong ng Kuya niya ang sangkatutak na mga printed na litrato. Itinapat ng Kuya niya ang flashlight sa mga litrato at bumungad sa kanila ang larawan ng kanilang Mommy at Daddy noong mga dalaga at binata pa sila. Nagulat naman si Marzia sa nakita niya at masayang-masaya na hinawakan ang mga litrato.

"Matagal ko na itong nakita. 'Di ba nakuha ko ang kagwapuhan ni Daddy?" Sabi ng Kuya niya at itinapat nito ang flashlight sa mukha nito.

"Oo! At nakuha ko naman ang kagandahan ni Mommy." Sabi niya at itinapat ng Kuya niya ang flashlight sa kanya. "Tama!"

Hindi naman napansin ng magkapatid ang unti-unting pagpasok ng kanilang Daddy sa kwarto nila kaya agad silang nagtulug-tulugan ngunit huli na ang lahat ng gawin nila 'yon.

"Ang aga niyo matulog ha. Kayo ang bumasag ng vase, no?"

"Si Budong po!" Sabay sabi ng magkapatid.

"Kayo talaga. Patay tayo sa lola niyo kapag bumisita ulit siya dito kaya gagalingan niyo magpacute ha." Tumango naman ang magkapatid sa kanilang Daddy. "Teka, ano 'yang nasa likuran niyo?"

"Pictures niyo po ni Mommy!" Napaface-palm naman si Marco nang dahil sa sinabi ng kakambal niya.

"Marco. 'Di ba sinabi ko na sayo na h'wag mong papakalman ito?" Sita nito at lumapit sa magkapatid upang tingnan ang mga litrato.

"Gusto ko lang po ipakita kay Marzia."

"Daddy, bakit po ayaw niyong pakalman namin? Ma'y tinatago kayo, 'no?" Sabi naman ng anak niyang babae at natawa siya dito.

"Hindi anak. Grabe ka naman. Baka lang kasi masira 'e. Halikayo, ma'y ikwekwento ako sa inyo." Pumwesto sila sa kama at doon nahiga habang pinagmamasdan ang mga litrato.

"Itong mga larawang ito ay noong nililigawan ko pa ang Mommy niyo. Ayan oh, tingnan niyo, siya pa lang ang nasa picture kasi stalker pa lang si Daddy." Pagkwekwento niya sa mga anak ngunit sinamaan siya ng tingin ng magkapatid.

"Daddy, bad ang mangstalk!"

"Creepy ka, Daddy!"

"Kayo talaga. Kung hindi dahil sa'kin hindi kayo maiisilang sa mundong ito. Kaya makinig kayo at i-appreciate niyo ang effort ni Daddy para lang bumunga kayo." Natahimik ang magkapatid at pinalakpakan ang kanilang Daddy.

"So ayan, crush ko lang dati ang Mommy niyo. Galing sa napakalayong dako si Daddy at dumayo lang pala ako ng Maynila para hanapin ang Mommy niyo! Akala ko kasi trabaho ang makukuha ko 'e, love life pala." Hindi man nakuha ng dalawang bata ang nais sabihin ng kanilang Daddy ay natutuwa sila dahil sa pagmamahalan na ipinapakita ng mga magulang nila mula pa lamang sa mga litrato.

"Kaya ayaw na ayaw kong masira ito dahil sobrang halaga ng mga ala-alang ito. Gusto ko itong palaging maalala sa tuwing titignan ko ang mga larawang ito. Gusto kasi ni Daddy na alam niya ang buong kwento ng love story nila ni Mommy kaya palagi akong nagpipicture kasama si Mommy dati at ngayon naman kasama kayong dalawa na anak namin." Ngumiti siya sa kanyang mga anak na taimtim na nakikinig sa kanya. "Gagawa ako ng isang malaking frame para ikapit lahat ng ito. Para kapag nakita niyo ang pictures nina Mommy at Daddy, kikiligin din kayo."

"Daddy, paglaki ko gusto kong maging katulad niyo! Gusto ko din maging photographer!" Sabi ng anak niyang babae.

"Gusto ko naman po maging katulad ni Mommy na magaling magdrawing!" Sambit naman ng anak niyang lalaki.

"Sige lang mga anak. Aim high lang kayo at andito palagi sina Daddy at Mommy para sumuporta sa inyo."

"Thank you, Daddy!" Sabay sabi ng magkapatid.

"Sige na, matulog na kayo at baka maabutan pa ako ni Mommy niyo. Lagot ako do'n." Umalis na ang Daddy nila at payapa silang natulog.

--

Katulad ng ipinangako ng mga magulang nila ay muli nila itong tinupad at ang magkapatid ay masayang naglaro sa parke.

Habang naglalaro ay ma'y napansin si Marzia na isang batang lalaki na pinalilibutan ng maraming bata at nakita niyang umiiyak sa kalagitnaan ang batang ito kaya naawa siya at nilapitan niya ang mga ito. Hindi siya natakot sa ibang bata bagkus ay lalo siyang naging matapang sa pagharap sa mga ito.

"Hoy! H'wag niyo nga siyang inaano! Wala naman siyang ginagawang masama sa inyo 'e! Tumabi kayo!" Sigaw niya.

Katulad ng nakita niyang ginawa ng Kuya niya noong pinagtatanggol siya ay ginawa niya rin ito sa mga batang nangbubully sa isang batang lalaki. Itinaboy niya ang mga batang nasa paligid at pinagtutulak palayo ang mga ito. Natakot naman ang ibang bata sa inasta nito at tuluyan ng lumayo mula sa kanila.

"Hello! H'wag ka na umiyak. Wala na sila oh." Kinalabit niya ang balikat ng batang lalaki at lalo naman itong tumalikod mula sa kanya. "Alam mo, sabi sa'kin ni Kuya ko kapag daw ma'y nakita akong nahihirapan at nasasaktang bata kailangan ko daw silang tulungan para maipagtanggol ko sila."

"Sorry. I don't talk to strangers." Hindi niya pinansin ang sinabi ng batang lalaki ngunit lalo pa siyang lumapit dito at muli siyang kinalabit.

"Okay ka lang ba?" Tanong ulit nito at lalong lumapit sa batang lalaki. Nakita niya itong namumula habang nakangiti at natuwa naman siya ng dahil dito. "Tara laro tayo do'n!"

Hinawakan niya ang kamay ng batang lalaki at nagsimula silang maglaro. Nakakailang minuto pa lamang at agad silang nagkasundo. Lubos na nasisiyahan sila sa presensiya ng bawat isa at palagi silang ngumingiti sa tuwing magkakatinginan sila.

Simula no'ng araw na iyon ay naging matalik na silang magkaibigan at palagi na silang magkasamang naglalaro sa parke. Napuno nila ng madaming ala-ala ang parkeng ito at naging kitaan na nila ito para maglaro. Sa tuwing pumupunta ang isa sa batang lalake o babae ay agad nilang hinahanap ang presensiya ng bawat isa.

"Ikaw taya! Habulin mo 'ko!" Sabi ni Marzia at tumakbo siya palayo mula sa kanyang kalaro. "Kakainin kita! Roar!"

Nataya siya ng batang kalaro niya at nag-apir naman sila. "Ang galing mo talaga maghabol, Ian!"

"Ako pa ba?" Sabi ng batang kalaro niya at ginulo-gulo ang buhok niya.

"Say this, JI-AN."

"I-AN!" Pagbigkas niya at lubos na natawa si Jian.

"Sabihin mo ulit, gwa-pong Ji-an."

"Gwa-pong I-an!"

"Sige na nga, okay na basta gwapo ako ha."

"Oo naman!" Aniya bilang pagsuporta sa bago niyang kaibigan.

"Diyan ka lang ha, bibili lang ako ice cream. Strawberry favorite mo, 'di ba?" Tumango-tango siya dito.

Umalis naman si Jian sa harap niya at nagsimula siyang maglaro ng mag-isa. Labis na nalungkot ang bata kaya naghanap-hanap siya ng ibang pwedeng kalaro ngunit ma'y nakita lamang siya na isang batang lalaki na nakatingin sa kanya mula sa malayo. Agad namang nagtago ang batang lalaki at kumaripas ng takbo palayo. Nagtaka naman si Marzia sa inasta nito at sinubukan lapitan ang batang lalaki ngunit dumating naman si Jian na ma'y dala-dalang ice cream. Nakalimutan niya na ang tungkol sa batang lalaki dahil itinuon na niya ang atensyon niya sa ice cream niya.

"Nawala lang ako 'e kung saan ka na pumunta. Sino ba 'yung tinitingnan mo?" Tanong ni Jian.

"Ikaw kasi iniwan mo 'ko. Basta ma'y nakita lang ako na lalaki na nakasilip sa'kin kanina." Sinilip-silip ulit ito ni Marzia ngunit hindi na niya naanigan ang batang lalaki.

"Bumili lang ako ice cream, bumalik naman ako ah. Tara na nga laro na lang ulit tayo." Hinatak ni Jian ang kamay ni Marzia at bumalik sila sa paglalaro.

"Uy! Tingin kayo dito. Pi-picture-an ko kayo!" Saad ni Marco habang ma'y dala-dalang camera. Nag-wacky naman ang dalawa at masaya silang ngumiti sa camera.

Dumating ang Daddy nina Marzia at Marco at kinuha nito ang camera mula kay Marco. Sinabi ng Daddy nila na pipicture-an daw silang tatlo at masaya namang tumugon ang tatlong bata. Nagwacky sila at kung ano-ano pang post.

"Friend ko po siya, Daddy." Pakilala ni Marzia.

"Ang gwapo naman! Anak, marunong ka talaga pumili."

"Po?" Kunot-noo siyang tiningnan ni Marzia at natawa na lamang ang kanyang Daddy.

Bumalik sila sa paglalaro at no'ng oras na uuwi na sila ay nagmukmok pa si Marzia dahil nais pa nitong makipaglaro. Muli namang ipinangako ng Daddy niya na babalik ulit sila dito at naging masaya na naman ang bata.

No'ng dumating ang araw na pagbalik nila sa parke ay naabutan niya na kinukutya ang kanyang kaibigan na si Jian kaya agad siyang lumapit dito at muli siyang pinagtanggol.

"Hoy! Tsupe! H'wag niyong inaano ang kaibigan ko!"

"Kaibigan mo 'yan? Napakaweak niya! Ewww! Ang hina niyang lalaki! Parang bakla lang." At dahil lubos siyang napikon sa batang lalaki ay tinulak niya ito ngunit hindi ito natinag. "Don't touch me kamay mong madumi, wash wash muna bago touch me!"

"Whatever major loser take my picture call me later, duh!" Banat naman ni Marzia. Tiningnan niya ang batang lalaki mula ulo hanggang paa at napakunot lalo ang noo niya nang makitang pamilyar ito sa kanya.

"Teka, ikaw 'yung tingin ng tingin sa'kin palagi 'e!"

Lubos na namula ang batang lalaki at kumaripas siya ng takbo palayo kasama ang iba pang bata. Nagtaka naman ang batang babae na si Marzia ngunit hinayaan niya na lamang ito. Itinuon niya ang atensyon sa kanyang umiiyak na kaibigan at naawa siya sa sitwasyon niya.

"Uy! Ma'y sugat ka! Sinugatan ka nun? Papayag ka na ginaganon ka lang? Dapat lumaban ka din, Jian. Pa'no 'pag wala ako?" Pag-eenganyo niya sa batang lalaki.

"Hindi ka naman aalis sa tabi ko 'e at alam kong darating ka." Ginulo ng batang lalaki ang buhok ni Marzia at napangisi ito. "Kiss mo na lang ako."

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ng batang babae. "Sige na, para gumaling na si Jian. Dito lang oh, sa cheeks."

"Ah... okay." Lalapit na sana ang batang babae para halikan ito nang ma'y mangbato ng bola sa kanila. Agad namang napatingin si Marzia at nakita niya na naman ang batang lalaki na nambully kanina sa kanyang kaibigan. "Hoy! Nananadya ka na ha!"

Lalapitan na sana ito ni Marzia ngunit tumakbo naman ang batang lalaki palayo. Napakamot naman sa ulo ang batang babae dahil sa kinikilos nito.

Bumalik na lamang sila sa paglalaro at no'ng oras na ng pag-uwi ay nagmukmok na naman ang dalawang bata. Muli na namang ipinangako ng mga magulang nila na babalik ulit sila dito at tumahan na sila.

Sa tuwing pupunta sila sa parke ay laging naaabutan ni Marzia ang kanyang kaibigan na kinukutya ng isang batang lalaki na palagi niyang nahuhuling nakatingin sa kaniya kaya ngayong nahuli niya ulit itong nakatingin sa kanya ay hindi na ito nagdalawang-isip na lapitan ito at habulin kung sakaling tumakbo na naman ito palayo.

"Uy. Bakit ka umiiyak?" Sita niya sa batang lalaki nang maabutan niya itong umiiyak sa isang tabi. "Alam mo, sabi sa'kin nung kaibigan ko, h'wag ko daw papansinin 'yung lalaking tingin ng tingin sa'kin kaso napansin ko baka crush mo ako kaya nilapitan na kita. Atsaka gusto ko sana itanong kung bakit ang hilig mong mangbully 'e hindi ka naman namin inaano kaso umiiyak ka naman ngayon."

Tumingin ang batang lalaki sa kanya at lubos itong namumula kaya nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "So bakit ka ba umiiyak? Sorry pala ang daldal ko."

"Kasi... kasi... ang panget mo." Sabi ng batang lalaki at napasimangot naman ang batang babae.

"Pero sabi sa'kin nina Mommy at Daddy maganda daw ako." Natawa ang batang lalaki at pinunasan niya ang kanyang mga luha.

"Nagsisinungaling lang sila."

"Sus. Palagi kitang nakikitang tumitingin sa'kin 'e! Hindi mo naman ako titingnan kung hindi ako maganda, 'di ba? Pero okay lang kung napapangitan ka sa'kin, alam ko naman 'yung totoo. Halika, h'wag tayo mag-away, laro na lang tayo!"

Hinila ng batang babae ang kamay ng batang lalaki at dinala niya ito kung saan naglalaro ang kaibigan niya. Noong una ay hindi pa sila nagkasundo ngunit noong huli ay nagkausap sila at sabay nang naglaro. Tuwang-tuwa naman ang batang babae dahil naging magkaibigan na ang dating magkaaway.

"Uy! Elix. Laro tayo do'n oh!"

"Hindi Elix. Sabihin mo, 'love ko si Fe-Lix."

"Love ko si E-LIX!" Lubos na natuwa ang batang lalaki at tinitigan niya ng mainam ang batang babae.

Lumipas ang ilang araw at dumating ang kaarawan ng magkapatid na kambal. Napagdesisyunan nila na dalhin si Marco sa isang painting session kasama ang Mommy niya at si Marzia naman ay sa parke kasama ang Daddy niya dahil ito ang ginusto ng magkapatid.

"Ma'y gift ako para sayo." Sabi ng batang lalaki na kaibigan niya.

"Ano 'yun?"

"Heto oh. Sana magustuhan mo, mula pa 'yan sa garden namin at ako ang nag-alaga sa tulip na 'yan." Aniya sabay bigay ng isang tulip.

"Wow naman! Thank you!" Sabi niya sabay halik sa pisngi ng batang lalaki.

Namula naman ang batang lalaki at kumaripas ito ng takbo. Sa pagtalikod niya ay nakita niya naman ang kanyang isa pang kaibigan na lalaki na ma'y dala-dalang isang rosas. Lumapit ito sa kanya at ibinigay sa kanya ang rosas.

"Happy Birthday, Marzia!" Pagbati niya. Lubos na natuwa ang batang babae at hinalikan niya din ang pisngi nito. Namula din ang batang lalaki at kumaripas ito ng takbo.

Lumapit ang Daddy niya sa kanya at ma'y iniabot na isang box. Masaya niya itong tinanggap at unti-unting binuksan. Nanlaki ang mga mata niya at agad na niyakap ang kanyang Daddy.

"Daddy! Thank you po. Pero hindi po ako marunong gumamit ng camera 'e. Gusto ko lang po magpicture ng magpicture katulad ng ginagawa niyo." Napangiti naman ang Daddy niya at hinaplos-haplos ang malambot na mukha ng kanyang anak.

"Hayaan mo anak. Tuturuan kita paglaki mo. Kaya itatago mo muna ito ha?" Sumang-ayon naman ang kanyang anak at masayang bumalik sa pakikipaglaro.

Uuwi na sana sila ngunit nakita nang Daddy niya ang isang rosas na hawak ng batang babae at agad itong kinuha mula sa anak niya. Napansin niya ang pamumula ng bata at labis nitong pagkakapos sa hininga.

"Sino ang nagbigay sayo niyan?!" Tanong ng kanyang Daddy ngunit bago pa ito makasagot ay nawalan na ng malay ang bata.

Dinala sa ospital ang kanyang anak na babae at napagalaman na matagal na pala itong allergic sa rosas. Simula noon hindi na madalas lumapit sa kanya ang batang lalaking nagbigay sa kanya ng rosas at ang palagi niya na lamang nakakalaro ay ang isa pa niyang kaibigan.

"Habulin mo 'ko!" Sabi ng batang lalaki habang nagpapahabol sa batang babae. "Kakainin kita! Roar!"

Ngunit nahirapan ang batang babae na habulin dahil sa bilis nitong tumakbo. Nainggit naman ang isa pa niyang batang lalaking kaibigan kaya ito'y nakisali at siya naman ang hinabol nito.

"Marzia! Bumalik kayo dito!"

Ngunit hindi napansin ng mga bata na naghahabulan na pala sila sa gitna ng kalsada kaya nang ma'y papalapit na sasakyan patungo sa kanila ay nagmadali silang tumakbo papunta sa kabilang gilid ng kalsada. Ngunit hindi napansin ng dalawang bata na naiwan ang isang batang lalaki na nahuhuling tumakbo sa kanila. Inakala nila na sila lamang dalawa ang naghahabulan ngunit nakisali pala ang batang ito.

Muntik ng abutan ng sasakyan ang batang lalaki nang tumakbo agad papalapit sa kanila ang ama ng batang babae para iligtas ang batang lalaki na nahuli sa pagtakbo. Naligtas ang batang lalaki dahil siya'y tinulak palayo ngunit ang ama naman ng batang babae ang nasagasaan ng isang truck.

At simula noon, tuluyan ng nagbago ang kapalaran ng tatlong bata.

Ang tatlong bata na masayang naglalaro lang noon.

Ang naging insidente na naging misterye ngayon para sa batang babae. Sa batang babae na hindi lubos kinaya ang pangyayari sa kanyang ama.

--

"Ikaw ma'y gawa nasa ospital si Daddy! Dapat ikaw nasa ospital hindi si Daddy! Dapat ikaw!" Bulyaw ng kapatid niya at muli siyang hinampas gamit ang isang mahabang belt. "Kung hindi mo lang sana palagi pinipilit si Daddy na pumunta sa parke, hindi mangyayari 'to!"

Nasa isang sulok lamang ng kwarto ang batang babae habang nagkukubli at nanginginig na dahil sa labis na pagkatakot. Maya-maya pa'y dumating ang kanilang ina at pinaghiwalay silang dalawa.

"Hinding-hindi kita mapapatawad!" Muling bulyaw ng kakambal niya.

"Marco!"

"Mommy siya ma'y gawa 'e! Hindi na babalik si Daddy! Hindi na!" Labis na lumuluha ang kapatid niyang lalaki at hindi na maawat sa pagmukmok. Naawa naman ang kanilang ina sa naging sitwasyon ng dalawang niyang anak at pati siya'y naluha na din.

"Babalik pa si Daddy, mga anak. Nagpapahinga lang si Daddy ha. Magtyaga lang tayo at magigising din siya."

--

Lumipas ang maraming taon at araw at naging miserable ang sitwasyon nila.

Sa paglaki nila ay sa paglala ng bawat sitwasyon nila sa bahay. Palaging siyang inaapi ng kakambal niya at wala naman siyang magawa kundi ang tanggapin lahat ng pasakit na ito. Palagi niyang sinisisi ang sarili niya sa nangyari sa Daddy nila. Ngunit bigla siyang naliwanagan at nagsimula niyang sisihin at alalahanin ang dalawang batang nakasama niya noon. Ang dalawang bata na nakapagpabago ng buhay niya.

"Hindi... hindi ko kasalanan 'to." Aniya.

"Hindi, ayaw ko, Ma!" Pagpupumiglas niya nang malaman niyang dadalhin siya sa ospital upang magsimula ng theraphy session niya.

Naging agresibo siya sa lahat ng bagay kaya naisipan ng ina niya na ipa-schedule ang anak niya. Ngunit naging huli na ang lahat nang tuluyan ng matrauma ang anak niya.

--

"Ipaghihiganti ko si Daddy, ipaghihiganti ko ang buong pamilya namin. Hahanapin ko siya... huhulihin kita." Saad niya habang umiiyak sa isang dulo ng CR sa eskwelahan nila. "At sa puntong ito, ikaw naman ang hahabulin at tatayain ko."

Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip niya na kung hindi dahil sa batang lalaki na hinabol siya ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. At dahil dito, ipinangako niya sa sarili niya na tayain ito.

Na tayain ang batang lalaki na humabol sa kanya noon na naging dahilan ng pagkamiserable ng buhay niya ngayon.

Ibahin man ng batang lalaki ang laro nilang habulan-taya sa tagu-taguan, mahahanap at mahahanap pa rin siya ng batang babae. At sa pagkakataong ito, siya na ang hahabol at maghahanap dito.

--

Próximo capítulo