webnovel

Nawawala Si Khim

Natakasan ni Khim ang lalaking humarang at humablot sa kamay nya ng biglang sumulpot ang bodyguard nyang si Ken.

Kilala nya si Ken at alam nyang inutusan ito ng Mommy nya na sundan sya.

Ayaw kasi ni Khim ng bodyguard, mabibisto ang paglalakwatsa nya, kaya walang nagawa ang Mommy nya kundi pasundan sya ng palihim.

Nagtatakbo si Khim palayo sa takot habang si Ken ay itinali ang dalawang kamay ng lalaking humarang at humablot kay Khim.

Hindi tuloy alam ni Ken kung saan nagpunta si Kate. Bigla na lang nawala. Kahit na anong palatandaan, WALA!

Bitbit ang lalaking nahuli nya, hinanap ni Ken si Khim pero hindi na nya nakita ito.

Napunta tuloy ang inis nya sa lalaking bitbit nya.

"Sino ka at anong plano mong gawin sa bata?"

"W-wala! Hindi ko alam ang sinasabi mo!"

Todo tanggi ang lalaki.

"Anong wala? Nakita ko na kanina mo pa sinusundan ang batang yun mula sa school! At nakita ko rin ng harangin mo at subukang hablutin ang kamay ng bata tapos ngayon bigla syang nawala? Magtapat ka,

may mga kasama ka, anuh! At plano nyong kidnapin ang batang yun kaya kanina mo pa sinusundan! Sabihin mo, saan dinala ng mga kasama mong kidnapper ang bata?"

Sigaw ng bodyguard ni Khim.

Mananagot sya kay Nadine pagnalamang nawala nya si Khim.

Nagulat ang lalaki.

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo!"

Kita ang pagkataranta sa mata nito, halatang takot.

"Ah ganun, ayaw mong umamin! Pwes, sa presinto ka magpaliwanag!"

Walang nagawa ang bodyguard ni Khim kundi dalhin sa presinto ang lalaki at magfile ng formal complaint.

At habang nangyayari ito ay tinatawagan nya si Nadine para ireport ang nangyari.

"ANOH? NAWAWALA SI KHIM?!!! Anong ibig mong sabihin na nawawala ang anak ko?"

Naghihisterikal ang boses ni Nadine na walang pakialam kahit madinig ng mga nasa paligid na empleyado nya.

Buti na lang tapos na ang meeting nila at nagalisan na ang iba.

"Mam, kasi hindi po sya dumiretso ng uwi sa bahay, naglakwatsa po ulit sya pagkatapos ng klase!

Sa school pa lang po napansin ko ng sinusundan sya nung lalaki at hinuli ko na nung hirang nya at hinablot ang kamay ni Ms. Khim.

Pero nagtatakbo po sa takot si Ms. Khim at ng sundan ko, bigla po itong naglaho!

Sa tingin ko po may kasama itong lalaki at nakuha nila si Ms. Khim!"

Nakaramdam ng panghihina si Nadine mabuti na lang at naroon ang ibang mga empleyado nya tinulungan sya.

'Jusko .... nasaan na po ang anak ko?'

Samantala.

Si Khim, nasa isang van sya, nakatali ang mga kamay at may plaster ang bibig, saka may itim na tela na nakabalot sa ulo. Takot na takot ito at umiiyak.

"Mommy, Mommy ko ... huhuhu!"

Hindi nya alam ang nangyari.

Nagtatakbo sya para makalayo sa humablot sa kanya at sa bodyguard nya pero hindi nya akalaing na dahil sa ginawa nyang pagtakas, mahuhuli sya sa bitag ng mga totoong sindikato.

*****

Sa Hacienda Isabel.

"Lola Issay! Lola Issay!"

Patakbong tinatawag ni Kate si Issay.

Hinanap nya ito dahil ayaw syang sagutin ni Granny Belen ng makailang ulit. Lalo tuloy syang nagaalala na baka totoong nasa panganib si Grampy Gene nya.

Habang si Mel naman ay habol habol sya, nagaalala rin dahil hindi mapakali sa sobrang pagaalala ang mahal nyang asawa.

Ang hindi nila alam, sumama ang pakiramdam ni Belen, tumaas ang presyon nito sa balitang dumating sa kanya tungkol sa asawang si Gene.

At sa mga oras na ito, lahat ng tao sa Old Mansyon, kung saan naroon si Belen ay nagkakagulo dahil biglang hinimatay si Belen.

"Oh, Kate, Mel, ano bang nangyayari at humahangos kayo riyan?"

"Lola Issay, I can't contact Granny Belen po! Please help, hindi nya po sinasagot ang mga calls ko! I'm so worried!"

"Bakit, ano bang nangyayari at ganyan ka kaworried?"

"Eh, Doña Isabel, nanaginip po kasi ng hindi maganda si Wifey ko! napanaginipan nya po si Grampy General na puno ng dugo!"

Sabi ni Mel.

"Mel, iho, tawagan mo na lang akong Lola Issay! Pwede ba?"

"Pwede po bang Lola Ganda? Ang ganda nyo po kasi, para po kayong hindi tumatanda!"

Sabi ni Mel.

"Ay mas gusto ko yan iho! Hihi!"

Nakangiting sabi ni Issay.

At saka hinarap si Kate na balisa pa rin.

"So Kate, kaya mo gustong kontakin si Ate Belen para icheck kung okey si Grampy Gene mo?"

"Yes po Lola Issay, pero hindi po sumasagot si Granny. That's why I'm freakin worried na po!"

"Okey wait, kalma lang at ako ang tatawag! Hindi makakatulong kung natataranta tayo, okey?"

Pero kahit si Issay ay hindi rin sinasagot ni Belen.

Pati tuloy sya ay biglang nagaalala.

'Anyare dun bakit hindi sinasagot?'

Kaya tinawagan ni Issay si Edmund.

"Edmund, iho, hindi ko makontak si Ate Belen, asan ba sya?"

"Teka po Nanay Issay! Tatawagan ko po!"

Si Edmund ang pamangkin ni Belen at Ninong naman ni Kate.

Nag antay sila sa tawag ni Edmund pero wala.

Lumipas ang ilang minuto, wala pa rin!

Kinakabahan na si Issay.

'May nangyayari, natitiyak kong may nangyayaring hindi maganda!'

Tahimik na usal ni Issay, ayaw nitong ipahalata kila Kate at Mel.

Pero malakas din ang pakiramdam ni Kate, alam nyang may nangyayaring hindi maganda kaya hindi agad tumawag si Edmund.

At si Mel hindi alam ang gagawin dahil nakikita nya ang hindi mapakaling si Kate. Gusto nyang makatulong, but how?

'Juskupo, ano ba 'to? Honeymoon pa lang kami, mukhang magkaka crying moments na agad?'

'Juskupo Lord sana po walang mangyaring masama kay Grampy General! Ang kulit pa naman nun, parang si Kate MyLabs!'

Sa kakaisip ni Mel na makatulong para kahit papano mabawasan ang nararamdamang pagaalala ng asawa, sinubukan nitong itext si Ace, ang alalay ni Gene.

Kanina sa resort ay nakipag chikahan sya dito at nakipag palitan ng number kay Ace.

Sinadya ni Ace na ibigay ang number nya, hindi dahil close na sila, but for emergency.

Just in case.

Malay ba naman ni Ace n mag tetext ito agad.

[Mang Ace, kamusta po si Sir Grampy General? Kasama nyo po ba sya ngayon? Nagaalala po kasi si Wifey Kate MyLabs]

~ Mel.

Hindi tuloy alam ni Ace ang gagawin kung sasagutin ba nya o hindi ang text.

'Paano kung magalala si Ms. Kate pag nalaman nya ang nangyari kay General?'

Pero sa huli, naisip nito na makakatulong ang chopper para maialis agad si Gene at na kila Kate at Mel ito.

[Sir Mel, nasa kritikal po na lagay si General, kailangan pong mailipat ng hospital. ASAP!

Pahiram po muna ng chopper!]

~ Ace

Nanlaki ang mga mata ni Mel ng makita ang message ni Ace.

"K-Kate MyLabs! Wifey! Sumagot si Mang Ace!"

"Sinong Mang Ace?"

Tanong ni Kate.

"Yung alalay ni Grampy General!"

At ipinakita nito ang text ni Ace kila Kate at Issay. Nanlaki din ang mga mata ng dalawa.

"Si Ace yung bodyguard ni Gene?"

Tanong ni Issay.

Tumango ang dalawa.

"Teka Kate, let me handle this! Ako ng tatawag kay Ace!"

Sabi ni Issay.

"Ace, si Isabel ito! Kamusta si Gene?"

Isabel ang totong pangalan ni Issay.

Hindi agad nabosesan ni Ace ito.

"D-Doña Isabel?"

"Oo, ako nga! Sabihin mo, anong kailangan ni Gene?"

"Duktor po at helicopter para maalis po sya agad dito! May nabuo daw pong dugo kailangan nya ng operasyon! Ayaw po nilang galawin sya dito dahil hindi po nila kaya! Kanina pa po ako tumawag kay Madam Belen, hindi ko na po ulit makontak!"

"Okey Ace, ako ng bahala! Huwag mong iiwan si Gene!"

Agad na nagpadala si Issay ng mga duktor at chopper kung saan naroon ito pero hindi nya sinabi kay Kate at Mel ang totoong kundisyon ni Gene.

Ganunpaman, hindi pa rin maalis ang pagaalala ni Kate

"Lola Issay! Huhuhu!"

Hindi na napigilan ni Kate ang mapahagulgol at inakap nito si Issay ng buong higpit.

"Huwag kang magaalala, Kate sisiguraduhin ko sa'yo na magiging okey ang Grampy mo! Palaban kaya yun!"

Sabi ni Issay para gumaan ang pakiramdam ni Kate.

'Wifey naman, andito ako oh! Don't forget me please!'

Para namang narinig ni Kate ang isinisigaw ng isip ni Mel.

Bumitiw ito sa pagkaka akap kay Issay at patakbong umakap kay Mel.

"Hubby ko! Huhuhu! Si Grampy, Hubby Melabs ko! Huhuhu!"

At buong higpit naman syang inakap ni Mel.

Próximo capítulo