webnovel

Ang Ikinatatakot Ni Mel

BHAG! BHAG! BHAG!

"KATE ANO BA?!

BUKSAN MO 'TONG PINTO OR ELSE .....GIGIBAIN KO 'TONG LINTEK NA PINTO MO!"

Sigaw ni Jaime.

Galit na galit na sya sa pagbabalewala ni Kate sa kanya.

Para na syang nasasapian.

Ilang taon na nga ba syang hindi kinakausap ng anak nyang 'to?

Fifteen? Sixteen years?

Kasing edad ng bunso nya.

Kaya masisi pa ba sya kung napuno na sya?

Hindi naman sa sinasadya ni Kate na huwag pansinin ang ama, hindi nya lang makontrol ang damdamin nya dahil sa lagi na lang galit sa kanya ang ama at ayaw nyang masaktan muli ang Mommy nya pag nagtatalo sila ng Daddy nya.

Kaya mas minabuti ni Kate na umiwas na lang sya.

Mahirap kasing kausapin si Jaime, wala madalas sa katwiran, lalo na pagtungkol sa relasyon ni Kate at Mel ang paguusapan.

At hindi na muling hahayaan ni Kate na kontrolin sya ng Daddy nya gaya nung una ng makinig ito at sundin ang ama. Nilayuan nya si Mel.

At naging miserable ang buhay nya nuon, nanumbalik lang ang sigla nya ng magkita ulit sila ni Mel.

Si Mel ang nagbibigay kulay ng buhay nya kaya bakit sya makikinig sa Daddy nya?

Ayaw na nyang maramdaman ang sakit at lungkot ng minsan nyang sundin ang ama.

Hinding hindi na nya muling iiwan si Melabs nya.

Sa loob.

Naka head set si Kate, tinodo ang sound at inipit ng dalawang unan ang magkabilang tenga nya.

Ayaw nyang kausapin ni pagbuksan ang ama.

"Please leave..... please just leave...."

Pabulong nyang sabi, habang umiiyak si Kate.

Hangang sa ....

BLAG!

Tumumba ang pinto ni kate, tuluyang nasira at bumungad ang umuusok sa galit na si Jaime.

"Pag sinabi kong magusap tayo, sa ayaw at sa gusto mo, MAGUUSAP TAYO!!!"

Singhal nito kay Kate.

"Ano pa po bang gusto nyong sabihin? Pare pareho lang naman po ang sinasabi nyo and it doesn't makes sense anymore! Kasi, nagpopower trip lang naman kayo!

Gusto nyong sundin ko ang inuutos nyo kahit wala na kayo sa katwiran?!"

Umaagos ang luha ni Kate

"Anong wala sa katwiran? AKO ANG AMA MO! Baka nakakalimutan mo?

Kaya sa ayaw at sa gusto mo, susunod ka! Pag sinabi kong hindi ka magpapakasal kay Mel, HINDI KA MAGPAPAKASAL!!!"

Galit na sabi ni Jaime

"Kelan? Kelan kayo naging ama sa akin? You were never been a father to me!

Kaya anong karapatan nyong pagsalitaan ako at higit sa lahat, ano karapatan nyong pagbawalan akong mahalin si Mel? Your just a sperm donor!"

PAK!

Hindi na napigilan ni Jaime na masampal ang anak.

Tumilapon si Kate sa sobrang sampal.

Pagkatapos nuon ay biglang nangisay si Jaime.

Tinira pala ni Nadine ng taser gun si Jaime kaya ito nangisay.

At si Khim.... na shock sa ginawa ng Mommy nya sa Daddy nya.

Agad na nilapitan ni Nadine si Kate at inakap ito. Awang awa sa anak.

"Kate.... anak!"

"Sorry po Mom, hindi ko na po napigilan ang sarili ko! Sorry! Huhuhu!"

Hindi pinagsisihan ni Kate na sinagot nya ang Daddy nya, ang pinagaalala nya ay ang Mommy nya.

Ayaw ng Mommy nya na nagaaway silang mag ama.

"Shhhh .... tama na anak tahan na!"

Napansin ni Nadine ang shock na si Khim.

"Khim, got to your Tita Nicole's house!"

"KHIM!"

"Y-yes po Mommy!"

Natatarantang umalis ito.

'Juskolord, promise po I'll be a good girl! Hindi ko na po gagalitin si Mommy!'

Usal ng isip nya habang patakbo sa kabilang bahay.

Mom hindi ko na po kaya, ayaw ko na pong mag stay! Gusto ko na pong umalis! Sorry po Mom!"

At kinuha nito ang mga gamit nya para umalis.

Matagal ng hindi umuuwi dito sa Little Manor si Kate, simula pa nung nag college sya. Umuuwi lang sya dito para bumisita.

"Uuwi ka na ba sa condo?"

Nagaalala tanong ni Nadine.

Pakiramdam nyang iba ang ibig ipahiwatig ni Kate.

"Hindi po Mom... Sorry po but I have to do this!

Mas makakabuti po sigurong lumayo na lang ako!"

"Pero Kate ...."

Tama ang kutob nya, maglalayas si Kate. Lalayo ito. Gaya nung nangyari nuon.

Nung unang beses na makipaghiwalay sya kay Mel dahil sinunod nya ang gusto ng Daddy nya.

Lumayas ito at duon na tumira sa Lolo at Lola nya sa Maynila.

"Sorry po Mommy! I'm really really sorry!"

Muli nitong inakap ang ina at umalis.

Gusto syang pigilan ni Jaime pero wala syang nagawa lalo na ng muli syang tirahin ni Nadine ng taser gun.

"Kate, wait!"

Habol ni Nadine sa anak.

Nasa sala na ito ng maabutan nya.

"Kate anak, hindi ko gustong gawin mo 'to! Ayaw kong umalis ka katulad ng ginawa mo nuon! Ayaw kong iwan mo ulit ako pero .... alam kong hindi kita mapipigilan!"

Umiiyak na rin si Nadine.

Kinakabahan si Nadine baka this time tuluyan ng hindi magpakita ang anak nya. Kaya nitong maglaho kung gugustuhin nya.

"Kate, papayagan lang kitang umalis if you promise me ... promise me na isasama mo si Mel sa pagalis mo! Mangako ka!"

"Opo Mommy! .... Thank you po for understanding!"

Nagulat na lang si Kate ng masalubong si Mel sa gate ng Little Manor.

"Melabs!"

Niyakap nya ito ng mahigpit.

Hinayaan lang ni Mel na umiyak si Kate, hindi sya nagtanong.

Pero ng makita nya ang mukha ni Kate na namamaga at putok ang labi, nakaramdam sya ng galit.

Alam nyang ang Daddy ni Kate lang ang gagawa nito sa kanya.

"Kakausapin ko ang Daddy mo!"

"No, Melabs, please! Ayoko ng bumalik sa bahay na yun, gusto ko ng umalis dito! Pleaseee! Ayoko ng makita ang Daddy ko! Huhuhu!"

Ramdam ni Mel ang sakit sa tinig ni Kate. Nagdurugo ang puso nya para sa girlfriend nya.

*****

After three days, eto na sila sa munisipyo, magpapakasal.

"Melabs, bakit ba balisa ka pa rin dyan? Gusto mo ba ng kape!"

Tanong ni Kate kay Mel.

"Kinakabahan kasi ako, Kate MyLabs! Feeling ko kasi anytime darating ang tatay mo!

Baka mamaya pag sinabi ng judge na 'Sinong tututol?'

Tapos biglang susulpot ang tatay mo at sasabihing: 'Itigil ang kasal! Tumututol ako!'

Natatakot ako Kate MyLabs! Natatakot akong baka kunin ka nya at ilayo sa piling ko!"

Puno ng pagaalalang sabi ni Mel.

Pero laking gulat sya sa sagot ni Kate.

"Hahahahahaha!"

Próximo capítulo