webnovel

Lie, Rylie 18

Akio's POV.

Inayos ko na lahat ng gamit ko sa para mamaya sa pag akyat namin sa Mt. Balagbag. Sa Rodriguez Rizal matatagpuan ang bundok malapit lang sa Manila kaya madali kaming makakabalik bago magsimula ang klase.

Naglagay muna ako ng sunscreen sa katawan, tsaka nagbihis. I was wearing a light colored long sleeve partner with black short. Naglagay din ako ng lip balm sa labi para hindi matuyo ang labi ko sa simula ng trekking.

Nagmadali na akong ayusin ang gamit ko nang makita ko ang kotse sa harap ng bahay namin.

"Hijo, may pabaon ako sa inyo..." Binigay ni mom ang niluto niya kanina. Sinabi kong wag na siyang magalala pero ginawa pa din niya dahil hindi naman sila iba sa kanya.

"Tita! Salamat po dito rekta na sa tiyan," tuwang-tuwang sambit ni Ryan habang kinukuha ang luto ni mom.

"Onsim!" Dagdag ni Drei.

Kung pakapalan lang ng mukha nanalo na ang mga mokong, ang titigas nila hindi man lang nahihiya.

"Kio, tara susundin pa natin si Rylie!" Agad na akong sumakay sa sasakyan sa likod ako sumakay, si drei ang nasa driver sit at katabi ko si Kingkong Ryan.

"Tol ayos ba pormahan ko?" Tiningnan ko ang itsura ni Ryan. He was wearing a Gray Tshirt terno ng gray pants niya. May bandana pa siyang itim sa ulo at may shades na suot-suot.

"Mukha kang mang kepweng," nasuntok niya ang braso ko dahil sa sinabi ko.

"Hayop, pinaghandaan ko pa naman ang araw na ito," pagtatampo niya.

"Bagay sayo, binibiro lang kita!" Ngumiti ako sa kanya para tumahan na siya.

1:30pm kami nakapunta sa condo ni Rylie. Na miss ko siya sobra, ang bilis ng tibok ng puso ko habang tinititigan ko siya. Binato niya sa akin ang bag na dala niya at sumakay sa tabi ko.

"I miss you gago," sinuntok niya ang braso ko, sobrang lakas niyon. Nakakadalawa na ang suntok na natatanggap ko una kay Ryan ngayon naman kay Rylie. Kanino pa ako makakatanggap ng suntok? Sinumulan nang paadarin ni Ciro ang sasakyan nang makasakay si Rylie.

"Same, kamusta kayo ni Lucas?" May bahid ng kalungkutang tanong ko. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at yun ang natanong ko.

"Ayos lang, bakit mo tinatanong wag mong sabihing nag-" tinakpan ko ang bibig niya bago pa niya matuloy ang sasabihin niya.

"Hindi!" Tinagtag ko ang kamay ko sa bibig niya at iniwas ang tingin sa kanya.

"Wag kayong maingay matutulog muna ako!"

Aniya ni Ryan na halos idikit na ang mukha sa salamin ng kotse.

Nasa gitna ako ni Ryan at Rylie si Drei naman naglalaro sa cp niya katabi si Ciro na nagmamaneho.

"Patulog ako."

"Matulog ka," sinandal ni rylie ang ulo niya sa balikat ko at nagsimulang umidlip. "Sabi ko matulog ka hindi sumandal sa'kin," dahan-dahan kong inalis ang ulo niya sa balikat ko.

"Eh gusto kong sumandal pake mo ba?" Pagmamatapang niya at tuluyan nang isiniksik ang sarili niya sa akin at nagsimulang tumulog.

Wala na akong ginawa kung hindi ang umidlip sa balikat ni Ryan. Nakakapagod siyang kausap.

Alas tres na ng hapon nang makababa kami sa sitio balagbag para makapag rehistro. Isang oras na orientation at discussion tungkol sa precautionary measure sa pag akyat ng bundok.

Exactly 4pm we start trekking. Hindi masyadong mainit habang paakyat kami ng Mt. Balagbag the mountain seriously lacks trees to shelter us from the sun.

"Pahinga muna tayo manong pagod na ako," reklamo ni Ciro sa tour guide na gumagabay sa amin. Nararamdaman ko na din ang pagod pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makapunta sa taas.

"Malapit na tayo," sambit ni Drei habang tinatanggal ang shades niya at sumusulyap sa taas. Dahil sa sinabi ni Drei hindi na kami nagpahinga at pinagpatuloy ang trekking.

Hindi kami nahihirapang umakyat, nahihirapan kami dahil madami kaming dala. Isang araw at kahalati ang ilalagi namin sa bundok na ito.

Makalipas din ang dalawang oras na pagtaas. We reach the summit of the mountain.

"Wow," manghang manghang sambit ni Rylie. Kinuha niya ang cellphone niya para picturan ang paligid.

"Tol naiiyak ako, ang astig!" Nakangiti si Ryan habang pinapahidan ang pawis gamit ang bandana niya sa ulo.

I admire if what I am seeing right now. We rewarded with a spawling view of Metro Manila. Sobrang sarap sa pakiramdam, makita ang baba at ang presko at napakabanayad.

"Magdidilim na mga hijo, hija hatid ko muna kayo sa tutuluyan niya."

Hinatid kami ni Manong sa tatlong kubo na nakatayo sa taas ng bundok. Hindi ko akalain na may tutulugan na pala kami pagdating namin sa taas. Maliit lang ang yari ng kubo kasya ang dalawa hanggang tatlong tao sa loob. May tubig na din kaya makakapaligo kami ngayon gabi.

Tinawag kami ng aming tour guide matapos naming maligo. May apoy akong nakita pagkalabas ko ng kubo.

"Tawagin muna si Rylie, baka nakatulog yun ako na bahala dito," utos sa akin ni Ciro bago kuhanin ang mga dala naming pagkain. Pumunta ako sa kubo ni rylie at kumatok, mabuti na lang pinagbuksan niya ako.

"Bakit?"

"Lumabas na daw para kumain," mahinahon kong tugon.

"Okay."

Naabutan namin silang nagiihaw ng kung anu-anong seafoods. Pinalilibutan nila ang baga ng apoy at atang-atang ang stick na may seafoods sa dulo. Umupo ako sa tabi ni Drei at tumabi sa akin si Rylie. Kumuha ako ng stick at nagsimulang magihaw.

"Hindi ako makapaniwalang naging kaibigan ko kayo," binasag ni Rylie ang katahimikan dahil sa sinabi niya.

"Ayos ka naman Rylie sa totoo lang mas lalake ka pa kay Kio," nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Ryan. Tiningnan ko ng masama si Ryan kaya natahimik din siya.

"Malapit na tayong mahiwala-hiwalay, paano na yan hindi nyo makikita gwapo kong mukha!" Pagbibiro ni Ciro.

"Ulol," salida ni Drei.

"Hindi na ako tutuloy," may bahid na lungkot na saad ni Ciro. "Itutuloy ko ang business ng family ko masaya ako dahil nakasama ko kayo." Tumingin siya sa malayo at nagpatuloy sa pagkain.

"Dalhan mo na lang kami ng alak pre." Pagpapatawa ni Ryan.

Hindi na ako nagsalita dahil natutuwa pa sa mga nakikita ko. Nalulungkot din kase maghihiwa-hiwalay na din ako.

Pagkatapos naming kumain nagsipasok na kami para matulog kasama ko si Drei sa kubo si Ryan at Ciro ang magkasama si Rylie siya lang mag-isa kase siya lang ang babae sa amin.

Naalimpungatan ako sa pagtulog nang marinig ko ang bakas ng lakad mula sa labas. Hindi ako mapakali kaya napalabas ako. Nakita ko siya...

Nakita ko si Rylie...

#

Próximo capítulo