webnovel

[3] EVEN IF I DON’T WANT TO

[3] EVEN IF I DON'T WANT TO

"Uhm. Yvette, pwede ba kitang makausap? Mamaya pagkatapos ng class, may sasabihin lang ako." Nakangiting tanong ng kaibigan kong si Yna.

Nakangiting tumango nalang ako dahil wala naman akong gagawin mamaya't baka mabored lang ako. Tsaka gusto ko din malaman ang sasabihin ni Yna. Ano kaya 'yon? "Walang problema, sige." nakangiti paring sabi ko.

"Sure ka, ah?" mas lalo s'yang napangiti, tila nakahinga ng maluwag. Tumango ulit ako. "Sige, Yvette." she hugged me and I hugged her back, "Balik muna ako sa room namin, ah? Baka papunta na ang teacher namin. Ingat, ah?"

"Oo, sige. Ingat ka din."

Nakangiti itong tumalikod at naglakad papalayo. Hinatid ko nalang s'ya ng tingin hanggang sa makapunta s'ya sa tapat ng room n'ya.

Kahit magkaiba ang section namin ay hindi 'yon naging sagabal sa pagkakaibigan namin. Palagi parin naman kaming magkasama sa breaks, vacants at pag uwi.

Sinalubong sya ng naaabalang mukha ng lalaking mahal na mahal ko, tila ba kinakabahan ito. Ngunit may sinabi si Yna sa kaniya na siyang nagpangiti dito. I wonder what is it..

Napabuntong hininga nalang ako at pumasok na sa classroom. Umupo ako sa upuan ko at pumikit.

--

Mag-aalas cinco ng hapon ng matapos ang klase namin. Pinuntahan ko ang classroom nila Yna ngunit wala akong nadatnan doon kahit ni isang anino ng kung sino man.

Tsaka ko lang naalala na it's friday and it's their vacant ng 4:00PM kaya uwian na nila kanina pang alas kwatro.

Sakto naman nagtext siyang sa mall nalang kami magkita, doon sa isa sa paborito naming kainan.

Ilang minuto lang ay nakapunta na ako doon. Nilibot ko ang paningin sa paligid ngunit ni anino n'ya ay hindi ko makita. Halos nalibot ko na ang buong mall pero wala talaga.

'Pinaglalaruan n'ya ba ako?'

I removed that thought. Bakit naman n'ya gagawin 'yon? Baka wala pa s'ya. I'll just wait.

Naisipan ko nalang na umorder muna ako ng tubig bago ako umupo sa usual spot namin. Inilabas ko na din ang cellphone ko upang libangin ang sarili ko.

Tahimik lang na inubos ko ang tubig ngunit wala parin s'ya. Kanina ko pa s'ya tinetext at chinachat sa FB pero wala siyang reply o kahit seen manlang.

Baka may emergency? Eh ba't wala siyang text sa'kin? Baka na lowbat s'ya.

Or baka..

Baka nagdate sila ni--

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa naisip kong posibilidad. Napailing ako at akmang tatayo ng biglang may nagsalita sa harapan ko.

"I'm sorry, thanks for your patience." ramdam ko ang bilis na pagtibok ng puso ko dahil sa familiar na boses ng nagsalita.

'What is he doing here? Asaan ang kaibigan ko?'

Dahan dahan akong napaangat ng tingin. Una kong nakita ang kaniyang black shoes, napaangat pa ako ng tingin at nakitang nakasuot siya ng uniform ng boys sa school namin, tsaka ko nakita ang nakangiti n 'yang mukha.

'I thought si Yna-- no way.'

"You must be curious." ngumiti siya bago umupo sa katapat ng upuan ko kaya umayos na din ako ng upo. "Ako talaga ang may sasabihin sa'yo, Yvette, hindi si Yna."

"A-ano ba 'yon?" napalunok ako ng mautal ako.

He sigh, "Saan ko ba 'to sisimulan.." bulong n'ya sa sarili niya na muntik ko ng ikatawa kung hindi lang dahil sa tumatalon kong puso, "Actually kanina pa ako nandito at pinapanood ka. Hindi ko kasi alam kung paano kita lalapitan." napalunok s'ya, "Yvette, I like you." tila tumigil ang mundo ko aa narinig. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko tila gustong kumawala. Napapikit sya. "I really do. Noong simula palang nagkagusto na ako sa'yo. Noong ipinakilala ka sa'kin ni Yna, nasabi ko sa sarili ko, Ikaw pala 'yung kaibigan n'ya na palagi niyang ikini kwento sa akin. Namalayan ko nalang na napapangiti ako tuwing tumatawa at masaya ka. Sa simpleng gesture mo lang na 'yon napapasaya mo ako." iminulat n'ya ang mata n'ya at diretsong tumingin sa mata ko gamit at mata niyang nababakasan ng sinseridad.

Ang sarap sa tenga ng mga narinig ko mula sa labi ng mahal ko, ang sarap sa pakiramdam na gusto n'ya din ako, napakasarap, napakasarap sa damdamin na napapasaya pala s'ya sa simpleng pagtawa at pagngiti ko. Pero hindi ko magawang ipakita ang sayang nararamdaman ko dahil agad akong kinain ng lungkot nang may maalala ako. Nahigit ko ang hininga ko at napailing. Paulit ulit akong napailing.

"Please, Yvette, alam kong nabigla ka. Biglaan ito. Pero, please. Give me a chance. Yvette, let me--" agad akong nagsalita. Kahit na gustong gusto ko pang pakinggan ang mga sinasabi n'ya. Hindi maaari. Hindi dapat ganito.

"No. It was not supposed to be like this." napapikit na bulong ko at walang paalam na tumayo, tumalikod at lumayo sa lalaking mahal ko habang nagpipigil ng mga luhang gustong kumawala.

Ngunit sadyang traydor ang nga luha, kahit anong pigil ang gawin ko, kumawala parin sila at nag-unahan sa pagbuhos.

"Yvette!" rinig ko pang sigaw n'ya pati nadin ang pagbagsak ng upuang inuupuan n'ya nung tumayo s'ya.

Agad akong tumakbo dahil alam kong hahabulin n'ya ako.

'I love you. But it was really not supposed to be like this.'

--

"Hey? Earth to Yvette!" bati sa'kin ng kaibigan kong si Yna dahilan para magising ako mula sa pag alala sa nakaraan. "Uuwi na ako ha? Baka gusto mong sumabay?" nakangiting tanong at paanyaya nito ngunit agad akong umiling dahilan para napangiwi s'ya, "Ihahatid naman ako ng boyfriend ko." classmate ko na nga pala ngayon si Yna.

Napapikit ako. Kaya nga ayaw ko.

Minulat kong muli ang mata ko at tinignan s'ya, "Baka makaabala pa ako. At saka may gagawin pa ako." sagot ko nalang at saka ngumiti.

"Sure ka?" she asked then pouted her lips.

"Oo nga sige na!" tinulak ko na s'ya para umalis ng mahagilap ng paningin ko ang lalaking nakatayo sa labas ng classroom namin, ang lalaking mahal ko. "Nandito na ang boyfriend mo oh! Mukhang magde date pa kayo. Dali." I said while smiling, a fake one. Agad naman s'yang namula at tumango. Nagpaalam sila sa'kin bago masayang nilisan ang room.

It's been years since that confession happened, it's been years but the pain still remains, it's been years but I still love him.

But I didn't let them know what I feel, I don't want to be a hindrance to their relationship. They're happy now, I should be happy, too. Both of them are my friends, I should support them no matter what.

I know. Even if Yna didn't say a word to me about how much he loves him, I know it. I noticed it. How she put a big smile on her face, how her eyes shines and screams admiration everytime she see him. I knew from that moment that she's inlove with him.

I know how much she's hurt and breaking when she knew that the guy he loves likes her bestfriend. She can't hide it from me. But still, she helped him to talk to me. But, I don't want to hurt her.

And now, they're happy in each other's arms. Maybe he's not really the guy I'll spend my whole life with. All I need to do is to wait for the right one and be happy for my bestfriend.

Yes I sacrificed.

This is what it's supposed to be.. Even if I don't want to.

---

Akane Daltsuki

Próximo capítulo