webnovel

Pagsusuri (2.4)

"Nagugutom na ako, Ebonna please pakisabihan sina Demetria na pakidalian ang mga pagkain" ani Eebonee sa kakambal na kasalukuyang panay titig pa rin sa katabi kong si Akari.

Sa pagpapakilala niya kanina ay siya ang tagaluto ng barkong ito, kaagapay naman niya sa trabaho ang kaniyang kakambal na si Ebonna.

Ngayon ay nasusuri ko na ang pagkakaiba ng dalawang kambal, nakalugay lamang ang buhok ni Ebonna habang nakatali naman ang kay Eebonee, parang mas may hawig lamang ng ugali itong si Ebonna kay Uncle Hosea.

Nawawari ko kasing suplada kaunti itong si Eebonee.

"Ebonna, naririnig mo ba ako?"

Napaayos ng upo ang kapatid matapos ay nagyuyukong umalis ng upuan.

"Samahan na kita, Ebonna" usal pa nitong anak ni Uncle Jazzib na si Kaisa.

"So, balita ko ay isa kang maharlika kung magsalita, bakit naman iyon?" napatikhim ako nang tanungin iyon ni Kokoa, isa ring anak ni Uncle Jazzib.

Kaharap ko lamang siya ng upuan.

"Hindi ko lubos mawari kung ano ang dahilan, kusa lamang itong lumalabas sa aking bunganga" tugon ko sa kaniya.

Napatango lamang siya habang inaanalisa pa ang aking nasabi.

Hindi ko pa makakausap sa ngayon si Uncle Jazzib sapagkat nasa iba silang mesa kasama ang kaniyang mga kapatid, hindi ko alam kung bakit kanina pa sila tumatawa.

"You're weird bro! Hindi lang naman ikaw ang pinaglaruan ng mga asungot na iyan pero bakit hindi ka man lang nagalit?" ani Floro habang napapailing sa aking tabi.

Wala akong naisagot sa kaniya.

Alam kong sina Uncle Jazzib ang tinutukoy niyang mga asungot.

"Kung si Uncle Jazzib ay nagpanggap bilang isang umid sa iyong harapan, I think that Uncle Hosea was worst, pinalaki niya kaming tatlo na may kaalamang isa siyang bulag" ani Fauno habang abot hanggang tenga ang ngiti.

Tatlo silang magkakambal, subalit madali ko lang rin silang masusuri dahil sa kulay ng kanilang mga buhok.

Si Floro ay mayroong abong buhok at palaging nagsusuot ng salamin.

Si Fauno ay may asul na buhok at may biloy sa mata kapag tumatawa.

Si Fausty naman ay normal lamang ang pagkakakulay ng buhok, hindi siya gaanong umiimik.

"I hate your father, Uno and Dos" bulalas rin ni Kokoa sa dalawang kambal ni Uncle Eemanuel.

Napatawa nang malakas si Uno habang si Dos naman ay napangiti lang.

Sila lamang ang magkambal na labis kong pinagsusuri pa ng maayos, kung si Uno ay maskulado, mas maskulado naman si Dos.

"Daddy was great! Akalain mo iyon, napaniwala ka niyang isa siyang matanda na mayroong polio?" puro halakhak lamang ang naitugon ni Uno habang sinasaad iyon ni Dos kay Kokoa.

"Gracious that was not! Who would have thought na mayroong polio si Uncle Eemanuel, mas malaki pa nga ang kaniyang katawan sa akin and besides, magkakaroon ba ng polio ang isang matabang lalaki? Para lang siyang isang baliw na gumagamit ng wheel chair kahit wala namang sakit o kapansanan" tawa lang sila ng tawa habang kinikwento ang mga sari-sariling pinagdaanan.

"Daddy was not fat!"

"Ako I don't hate Uncle Lust, I envy him! Sino ba naman ang mayroong maayos na pag-iisip nun? He let us suffer for over ten years?" pagyayamot pa ni Uno matapos ay uminom ng juice.

"Ako na ang nagluluto, naglalaba, nagsasaing at naglilinis ng bahay kasi akala namin isa talaga siyang pilay, goodness! Pasalamat nga kayo at hindi tamad ang nagpalaki sa inyo" napatawa ako nang mahina matapos itong sabihin ni Dos.

Kitang-kita ko naman sa mukha ni Papa na isa siyang lalaking hindi gusto ang magtrabaho pero mas malala siguro kung si Uncle Dilmatran pa iyon, puro tulog lang ang ginawa eh. Humihilik na kasi siya sa katabing upuan ni Uncle Hosea ngayon.

"All this time, I hardly wished I was a girl" si Fausty habang umiiling na para bang nanghihinayang.

"Don't be, baka nakakalimutan mong babae rin ang kapatid ni Khalil na ngayon ay nasa utusan ni Uncle Jazzer" usal pa ni Floro.

Hindi ko talaga lubusang maisip kung bakit nila ito ginagawa sa amin.

Kung kaming mga kalalakihan ay pinalaki sa mahirap na pamumuhay, ang mga babae namin ay taliwas kung paano kami binuhay.

Nakita ko noon ang kalagayan ni Palestina sa lugar nila Marselas, daig niya pa ang isang prinsesa o sabihin nalang nating para nga siyang isang prinsesa sa lugar ni Marselas.

Pero nagagalit pa rin ako sa kaniya dahil sa tinanggihan niya ang kaniyang totoong kapatid.

"Here's your food, people!"

"Uncle Eemanuel, where's the wine?" si Kokoa habang hinahalo ang mga gulay na nakahanda sa kaniyang harapan.

Hindi na namin kinakailangan pang tumayo upang makakuha ng pagkain sapagkat mayroon ng mga serbidorang nagbibigay sa amin ng pagkain.

"Salamat" usal ko sa babaeng naghanda sa aking harapan ng iba't ibang potahe.

Ngiti lamang ang kaniyang naitugon matapos ay umalis na sa aking likuran at lumipat sa pwesto ni Floro na katabi ko lang.

"Metrina, wala bang chopsticks? I badly use chopsticks for eating, hindi ako gumagamit ng kutsara at tinidor" rinig kong pagyayamot ni Floro sa serbidora.

"Here it is, Sir, syempre ay hinding-hindi ko makakalimutan ang ginagamit ng aking amo sa pagkain noh" aniya matapos ay kinindatan si Floro.

Ramdam kong nanggigigil si Floro ngayon sa hindi ko alam na dahilan.

Siguro ay kinikilig siya dahil sa kindat nitong serbidorang nagngangalang Metrina.

"Blanny, can you please serve the Cheval Blanc 1947?"

Nagsusumigaw na itong si Uncle Eemanuel sa babaeng nasa house bar na matatagpuan sa gilid lamang nitong aming pinagkakainang mesa.

"Copy, sir!"

"Margaret, can you please give me some cup of tea? I forgot to drink some diuretic" ani Kaisa na katabi ni Kokoa sa pag-upo.

"Sige po ma'am, wait lang"

"Ebonna, kindly serve nalang iyong niluto kong pasta" usal ni Eebonee sa kapatid.

"Clarita, ikaw nalang muna please, I'm not totally finished with these plates pa kasi" natatarantang bulalas naman ni Ebonna.

"Ba't walang kanin?" muntik na akong mabilaukan sa pag-inom ng tubig matapos itong marinig kay Akari.

Binigyan siya ng maliit na pinggan ni Ebonna.

"Boy, we don't eat that here. Feel free to taste all the buffets nalang na nakaserve kung gutom ka pa, nandiyan lang oh" mabilis kong tinanggap ang nilalahad na isang basong alak ng isang serbidora.

"Salamat" wala siyang emosyong pinakita sa akin pagkatapos ay umalis na.

Napahinga ako nang malalim matapos ay pinakatitigang maigi ang mga nakahaing pagkain sa aking harapan.

Ang sikip-sikip na ng aming mesa ngayon, parang wala ng natitirang espasyo para sa mga inumin namin.

Bawat tao, limang potahe, limang plato, tatlong baso, limang kutsara tapos may tinidor pa.

Sinuri kong maigi ang mga pagkain at namataan kong may mga maliliit na papel pala sa gilid kung saan nakalagay ang pangalan ng mga potahe.

*Strawberry bisque

*Broiled Maine lobster tail

*Pan seared fillet of fresh Victoria Perch

*Whole roasted quail filled with a delicate stuffing

* Salad

Namamangha akong napapailing sa mga pangalan ng pagkaing ito, salad lang naman kasi ang alam kong potahe rito eh, ganun na ba kasama ni Uncle Jazzib sa akin na pati ang mga pagkaing ito ay ipagkakait niya sa akin noon?

"Punyeta tol, hindi ako kumakain ng ulang!" pinalitan ko ng salad ang pagkaing kinamumuhian nitong si Akari upang maitikom na niya ang kaniyang bunganga, nakakarindi na kasi ang boses niya, puro nalang pagrereklamo ang laman.

Isusubo ko na sana ang isang kutsarang gulay nang makarinig ako ng malakas na pagbagsak ng kutsara.

"How I hate veges!" usal ni Uno habang ngumunguso na parang bang dismayado.

"The veges hates you too, give me that!" kinuha ni Dos ang isang platong salad ni Uno.

Ano ba namang mga tao 'to?

Hindi nauubusan ng mga yamot.

Hindi ko nalang sila pinansin at itinuon nalang ang atensyon sa pagkain.

Kasalukuyan akong ngumunguya nang mayroon na namang malakas na dabog ng mga kutsara akong narinig.

"Gosh, Fausty ang ingay mong kumain!" marahas na napatayo si Fauno sa tabi ni Floro matapos ay lumipat sa bakanteng mesa kung saan siya lamang ang nakaupo.

Wala nang muling nagsubok na umimik sa amin sapagkat halos lahat kami ay ngumunguya na ng pagkain.

"Eebonee, what's the dessert? I can't wait to taste it, I'm already finish eating these tuckers, I need a dessert!" ani Macaire habang pinupunasan ng tissue ang labi.

Mahinang napausal si Eebonee habang nginunguya ang kaniyang pagkain, "Ebonna, pakiserve ng pudding please"

Biglang lumagapak nang malakas ang mga kutsara at tinidor na hawak ni Ebonna.

"F*ck that, I'm your assistant not your servant! Nakikita mo na ngang may ginagawa pa ako rito, Margaret! Pakikuha nalang muna ng pudding please!"

"Wait lang ma'am" usal ng napapagitlang serbidora.

"Ebonna, hindi ko na nagugustuhan ang pananalita mo! Watch your mouth or kung kinakailangan ay tumahimik ka nalang, your mom will beat me kapag naririnig niya iyang bunganga mo" parang napakalayo namin sa isa't isa kung magsalitaan, ang lalakas ng boses eh.

"Papa si ate kasi!"

"Ako na naman ba? Ebonna, that's your job, ano bang pinagyayamot mo diyan?"

"Palalayasin ko talaga sa barkong ito ang mga maiingay" biglang umaalingawngaw ang katahimikan sa buong paligid nang banggitin iyon ni Uncle Jazzib.

Nababalisang napatayo si Uno, "Pwede naman palang umalis eh, tara na!" maging silang lahat ay natutuwa pa ngayon habang gumagawa na ng sari-saring mga ingay.

Akma na sana silang magsilabasan nang harangin sila ni Uncle Eemanuel.

"At sinong nagsabing pwede kayong lumabas?"

Napasinghap nang malakas si Floro.

"Si Uncle Jazzib", biglang tinabuyan ni Uncle Eemanuel si Uncle Jazzib ng masamang tingin.

"Hayaan mong umalis ang mga batang iyan, hindi rin naman sila makakaalis dahil wala silang dala-dalang pera"

Napapadabog ang iba sa kanila habang bumalik na sa kani-kanilang upuan.

Tanging sina Uno, Floro, Fausty at Fauno na lamang ang natitirang tumatayo.

"It would be too unfair, pilit niyo lang naman kaming pinagtatarabaho rito eh!" nanlilisik ang matang tinitigan ni Macaire si Uncle Jazzib.

"Huwag na kayong magreklamo, para rin naman ito sa inyo, this is for your character development! Magpasalamat nga kayo at binabayaran ko pa kayo eh"

Halos lahat sila ay may mga tingin ng nababagot.

"Pero this time, hindi ko na kayo pipilitin pang pumalagi rito, kung gusto niyong umalis, then go! Pero hindi ko ibibigay sa inyo ang mga attache case niyong naglalaman ng isang milyon" napapakamot ulong napaupo si Fausty sa upuan.

"Mga tanga lang siguro ang aalis sa magandang barkong ito" nagngingiti siya ngayon subalit nababakas pa rin sa kaniyang hitsura na napilitan lamang siya.

Bigla kaming napalingon kay Floro nang magsalita ito, kasalukuyan pa rin siyang tumatayo kasama si Uno at Fauno.

"Hindi ba't Kapitan ka lang ng barkong ito? Bakit ikaw nalang lahat ang namumuno, si Papa pa rin naman ang gumawa nito" 

Tuluyan nang napatayo si Uncle Jazzib at pumapalapit sa direksiyon ng mga pinsan ko.

Ramdam na ramdam ko na ang nakakakilabot na tensyong pumapagitan sa kanila.

Próximo capítulo