webnovel

Ang Bastos Sa Kanto II (Part 21)

"Ma?" gulat na sabi ni Chance. Ako naman ay kinabahan,hanggang ngayon kasi hindi pa nila ako tanggap para kay Chance,at yun ang pinaka mabigat na pagsubok.

"Lets talk. Akala mo ba hindi ko alam ang mga nangyayari? Kaya pala sa amin mo pina stay muna si baby Chad? Inuuna mo yang--"

"Ma?! Pwede ba? Bukas na lang? Pagod kami ni Jiko! Kakagaling lang namin na mag solve ng problema,huwag mo naman patungan agad!" pamumutol ni Chance sa Mama niya.

Nakonsensya naman ako,dahil sa akin hindi na nakakasama ni Chance ang anak niya,baka multuhin ako ni Vane nito.

At oo nga naman,ni hindi ko pa nga natatanong si Chance kung bakit magkasama sila ni Lux na dumating eh,idagdag pa na nanlalagkit ako,lalo na ang mukha ko! Pero mali pa din si Chance.

"Chance,uuwi na lang ako." sabi ko at bumaling sa Mama niya. "Pasensya na po Madam."

"No! Dito ka lang." pagpigil sa akin ni Chance. "Umuwi ka na Ma,bukas tayo mag usap kahit isama mo pa si Papa."

"Okay. I'll be back tomorrow." ani ng Mama ni Chance at bumaling sa akin. "Kasama ka sa pag uusap."

Napigil ko bigla ang pag hinga ko,ng lumabas ito ay saka lang ako nakahinga ng maayos.

"Chance--"

"Hindi! Hindi tayo maghihiwalay dahil gusto lang nila Jiko. Nalampasan nga natin sina Lux at Arloo,ngayon ka pa mag iisip ng ganyan?" matigas niyang sabi na ikinanganga ko.

"P-pero--"

"Huwag ng mag rason. Maligo ka na,hindi ko gusto ang amoy mo. Hihintayin kita sa kwarto." tinalikuran na ako ni gago at dumiretso sa kwarto.

"Hmp! Ang sungit!" ani ko at napangiti. Dumiretso na din ako sa banyo para maligo.

Hindi ko alam kung ilang beses ako naghilod at nagsabon,hindi ko maiwasang maisip ang ginawa ni Arloo. Kinamumuhian ko siya,I trust him,tinuring ko siyang kaibigan pero binaboy niya ako. Ginamit nila kami ni Chance,naging susi nila ang droga para makuha nila ang gusto nila,matagal na pala silang magkakilala,pinaikot ako ni Arloo,galit ako sa kanila.

Ano kami ni Chance? Testingan ng kung anu ano? Tinesting nila sa amin ang drogang iyon gamit ang sarili nilang mga intensyon,madaling nakuha ni Lux si Chance,pero ako hindi ko agad napansin ang motibo ni Arloo,gusto daw niya ako? Gusto niya akong babuyin,nagdusa kami ni Chance dahil sa kanila,hindi ko sila mapapatawad.

"Jiko?! Anong nangyari? Bakit ang tagal mo?" katok ni Chance at dun lang ako natauhan,tiningnan ko ang katawan ko,namumula na sa kakahilod,gusto ko nga pati balat ko ay matanggal mawala lang ang bakas ng ginawa ni Arloo.

"Tumatae pa ako! Tapos na din ako maligo,hintayin mo na lang ako sa kwarto!" ang agad kong sagot at nagsabon ulit ng katawan.

"Sige,hintayin kita."

Nang matapos akong maligo ay nanakbo ako papuntang kwarto,hindi nga pala ako nakapag dala ng towel.

"Nasan ang towel ko?"

"Hindi mo naman kailangan ng towel ah." nakangising sabi ng gagong si Chance. Itinaas ko ang kamao ko at ipinakita sa kanya.

"Pacman punch gusto mo? Akin na! Basang basa pa ako oh?"

"Hay Jiko! Ayan sa likod ng pinto,naka sabit." sumandal sa headboard ng kama si Chance,ginawang unan ang mga braso,kitang kita ang kili-kili,idagdag pa na naka brief lang ang animal! Walangya talaga!

Nang makapag bihis ay naupo na ako sa tabi nya,inamoy niya ako at dinilaan ang tenga ko kaya agad ko siyang sinapak. Ayaw ko muna,may mga gusto muna akong itanong at sabihin.

"Anong plano Chance? Ayaw ko munang makita sina Lux at Arloo,at saka natatakot ako sa Mama mo,pag sinabi niya ay gagawin niya talaga. Takot na akong magkahiwalay tayo." ang panimula ko,hinapit ako ni Chance at nilagay ang ulo ko sa dibdib niya,ang bilis at lakas ng tibok ng puso niya,ang sarap pakinggan.

"Kay Mama? Huwag tayong papasindak Jiko. Patunayan natin kung gaano natin kamahal ang isa't isa. Tungkol kina Lux at Arloo,hindi pwedeng hindi mo sila makita,hindi ka pwedeng tumigil,sayang last semester na lang,saka magagalit sina Mama at Papa mo." mahaba niyang sagot. Natulala tuloy ako at hindi alam ang sasabihin.

"Hindi ko alam Chance,nakakapagod yung mga nangyari. Parang natuyo na ang utak ko."

"Edi didiligan kita!" hinampas ko nga sa hita. "Aray! Joke lang naman. Basta Jiko,whatever happens,walang bibitaw. Magpakatatag lang tayo. I know na malalampasan din natin ito."

Napangiti naman ako sa sinabi niya,at wala sa sariling nilaro ko ng daliri ko ang utong niya.

"Tanggap at mahal mo pa din ba ako sa kabila ng ginawa ni Arloo?" napakagat labi ako,hindi ako iiyak.

"Oo naman,tinanggap at minahal mo pa din ako kahit na ilang beses ako nagkamali. Ganon din ako Jiko,hindi naman mababaw ang pagmamahal ko sayo eh. Kaya please,huwag mo ng isipin ang kay Arloo,maaapektuhan ka lalo,at mapapatay ko na talaga siya." hinimas ni Chance ang buhok ko,pumikit ako at hindi sumagot,sana nga hindi ko na iyon maisip.

"Chance? Bakit nga pala kayo magkasama ni Lux na dumating?" ang pag iiba ko ng usapan.

"Nakasalubong ko siya dahil susunduin na kita. Humihingi ng tawad,tas sinabi niya na may balak nga si Arloo,magkina kapatid pala ang dalawang yon. Kaya ayon dali dali na akong pumunta,pero late na pala ako." humina ang boses ni Chance,alam kong nagpipigil na naman siya ng emosyon. "Patawad at wala akong nagawa,Jiko."

Umayos ako ng upo at pumantay sa kanya,namumula mga mata niya kaya nag iwas siya ng tingin. Bakit ganon? Pag si Chance na ang umiiyak parang nadudurog ang puso ko?

I kissed him,yung halik na nakalapat lang ang labi ko sa labi niya,then humiwalay ako. "Diba ikaw na nagsabi? Huwag ng isipin yon? Hindi mo kailangan mag sorry kasi wala ka namang kasalanan."

"J-jiko..." ang nabigla pa ding sabi ni Chance,sinandal ko ulit ang ulo ko sa dibdib niya,kumportable akong pakinggan ang tibok ng puso niya.

"Lets start a new,Chance. Kalimutan na natin lahat ng masasakit na nangyari. Atleast,tumatag tayo at natuto."

"Tama ka Jiko. Magsimula tayo ulit." naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko,bumilis lalo ang tibok ng puso ko. I smiled then I closed my eyes. Magsisimula kami bukas,at sana kayanin namin. "Good night Jiko. I love you so much."

"I love you too Chance. Sana ganito na lang tayo palagi."

"Lagi na tayong magiging ganito Jiko. Basta,walang bibitaw." bulong ni Chance,nanatili akong nakapikit. Sana matapos na ang lahat.

Nang magising ako ay wala na si Chance sa tabi ko. Agad akong bumangon at inayos ko ang kama,nagbihis na din ako dahil hindi nga ako nakapag bihis kagabi.

Paglabas ko ng kwarto ay walang tao,pero may mga nakahanda ng pagkain sa mesa,maaga sigurong umalis si Manang. Pero nasaan si Chance?

Bigla kong naalala na kakausapin nga pala kami ng Mama niya,pero hindi naman siguro mag uusap ang mga iyon na wala ako? Kailangan ako ni Chance sa pag uusap na iyon,at ganon din ako sa kanya.

Lumabas ako sa pagbabaka sakali na nasa labas sila. Luminga linga ako,wala naman sila sa paligid. Kaya naglakad ako papuntang Sagad,nalampasan ko na ang Brgy.Hall at Sagad High School at nandito na ako sa gilid ng highway.

Nasaan ba ang gagong iyon? Kukurugan ko talaga siya,kinakabahan na ako.

Biglang may tumigil na kotse sa harapan ko,kinabahan ako at kumalabog ang dibdib ko.

Tungunu?! Makikidnap ba ako?! Walang pang tubos sina Mama at Papa! Anong gagawin ko?

Umatras ako at bumukas ang bintana sa frontseat kaya natigilan ako.

"Sakay na. Naghihintay si Chance." ang Mama ni Chance! Mas dumoble tuloy ang kaba ko. "Sasakay ka ba o tutunganga dyan?"

"Po? Pasensya na po!" agad kong binuksan ang pinto ng kotse at naupo sa frontseat.

"Naghihintay si Chance sa Infinitea,ako na ang sumundo sayo para magkaroon ako ng time na linawin sayo ang mga bagay bagay." anito,binuhay na ang makina at pina andar na ang kotse.

"T-tungkol saan po?"

"Sa relasyon niyo. Hindi mo namamalayang sinisira mo na ang buhay ng anak ko. He was straight as a pole,at hindi namin matanggap na pumatol siya sayo. Anong ginawa mo sa anak ko?" puno ng galit ang pagkakasabi nito,parang bigla tuloy sumakit ang puso ko,napakatalas ng pagkaka sabi,nakakahiwa.

"Ang totoo niyan Mrs.Santillan,hindi dapat ako ang tinatanong niyo. Ang tanging alam ko lang po kasi ay mahal ko si Chance,hindi naman po dapat binibigyan ng label ang pagmamahal,hindi porket ako ang minahal ni Chance ay bakla na din siya." ang mahinhin ngunit matapang kong pagkakasabi.

Natanaw kong malapit na kami sa Infinitea,kita ko agad si Chance na nakatayo at sa amin nakatingin.

"Ang babae ay para sa lalaki. Its the way of nature! Kasalanan sa Diyos ang relasyon niyo. Hinihila mo papuntang empyerno ang anak ko!" tumingin sa akin si Mrs.Santillan,nanlaki ang mga mata ko,dahil siguro sa galit niya ay hindi niya napansing nawala kami sa lane.

"Mrs.Santillan!!" sigaw ko ng may papalapit nang truck. Nanlaki ang mga mata niya,agad ko siyang niyakap at hinarang ko ang katawan ko.

Pagkatapos nun ay mahaba ng kadiliman ang tanging natatandaan ko.

Próximo capítulo