webnovel

Chapter 23: Kulang

Sa silid kung saan tahimik ang lahat. Bakas sa mga mukha ng bawat isa na hindi lang iisang pangungusap ang kaya nilang sabihin kapag may nag-umpisang nagsalita. Umikot ang mata ko tindi ng aking kaba. I saw Kuya Rozen's eyes. Direkta iyon sakin.

"Bes, kumain ka na muna. Yung mga gamot mo pa. You need to take that.." boses ni Bamby ang narinig ko saking tabi. Pinapaalala ang mga bagay na muntik ko ng makalimutan. "Kakatawag ni Kuya.. Daniel is crying.. he wanted to talk to you.." ibinulong nalang ito ni Bamby. Duon ko din lang napansin ang titig ni Mama sa amin. Sa akin mismo.

"Where's my phone?."

"You have to eat first.." giit ni Bamby habang hindi pinapakita ang bagay na hinahanap ko.

"I have no appetite, Bam.. so where's my phone?."

"Kailangan mong kumain anak.. para yan sa batang nasa sinapupunan mo.." ngayon ko lang din narinig ang boses pag-aalala sa kanya. In my twenty four years of existence in my life. Ito ang unang pagkakataon na, nag-aalala sya para sa kapakanan ko.

I just look down. Ayokong titigan sya dahil baka isumbat ko lang sa kanya lahat ng mga bagay na hindi nya ginawa para sakin. "Maybe, later. You can talk to your son.."

"Can you... please!." hindi ko na napigilan pa ang bugso ng aking damdamin. Gusto itong sumabog at hindi ko na kayang kontrolin. Basta nalang itong kumakawag at nagwawala. "..stop talking.. wala ka namang alam.." buong puso kong sigaw sa kanya kahit nakapikit. Nanginginig ako sa galit na hindi ko kayang kontrolin.

"Bes, calm down.." mahinahon na ani Bamby subalit parang wala akong ibang papakinggan kundi ang sarili ko lamang.

"No Bamby! Here me.. ngayon lang ako magsasalita.." umupo ako ng maayos at tinignan silang lahat, isa-isa. Andyan si Mama na nakaupo. Akbay sya ni Papa habang buhat ng isang kamay nito si bunso. Si Kuya Rozen naman ay nakasandal lang sa pader. Tabi na mismo ng nakasaradong pintuan. Hindi ko maintindihan ang nakikita ko sa mga mata nya. Habang si Jaden ay nakasalampak sa sahig. Tapat mismo ni Bamby na hindi rin maiwan-iwan ang tabi ko. Kami lang ang nandito pero pakiramdam ko, naso- suffocate ako.

"Joyce.." Kuya is trying to help me to calm down. Pero kahit sinuman. Walang makakapigil sakin ngayon.

"No Kuya.. alam mo ang nararamdaman ko kaya kung pwede lang.. hayaan mo na ako.." I feel like I'm fuckingly begging here na dapat hinde!.

Pinigilan ni Mama si Kuya gamit ang titig lang. "Hayaan mo sya Rozen.." iyon lang ang binigkas nya ngunit mahihimigan mo rito ang awtoridad na meron sya. "Let her talk what she wants.."

Sa huling sinabi ni Mama. Bigla akong naubusan ng sasabihin. "Hindi ko din naman naranasan marinig ang mga sasabihin nya.. kaya.." huminto sya't tinitigan ako ng husto. "Huwag nyo syang pipigilan.."

Katahimikan.

Isang nakakailang at nakakabinging katahimikan ang bumalot samin.

Hanggang sa si Mama na rin mismo ang bumasag ng nagyelong pagitan sa lahat.

"Anak.. alam ko.. hindi dapat ako magsasalita ngayon.. hindi pa dapat kundi hindi talaga dahil wala naman akong karapatan para magsalita hindi ba?." nakagat ko lamang ang ibabang labi sa katotohanang napunto nya. "Alam ko na malaki ang pagkukulang ko sa'yo bilang magulang mo, bilang parte ng pagkatao mo at bilang isang ehemplo na bubuo sana ng buhay mo. Alam ko na marami akong pagkukulang sa'yo.. Alam ko rin na marami akong hindi nagampanan para sa'yo. Mas lalong alam ko rin na marami akong naging kasalanan sa'yo."

"Ngayong huli na ang lahat?." I ask her sarcastically. Umiling lang sya. Malungkot.

"Natakot kasi ako noong una.." kwento na nya. Pinakalma ko ang sarili ko kahit hindi ko pa kaya. "Kambal kayo.. Meron ang mga Kuya mo.. hindi ko kayo kayang alagaan.."

"Kaya mo ba ako pinabayaan?." tumulo nalang basta ang luha saking mga mata. Isinakripisyo nya ako ganun ba? Para sa kanila?. Ganun ba ako kawalang halaga?.

"Joyce!." sita sakin ni Papa. Ngayon ko lang din sya tinignan sa mata. Kung galit sya. Mas galit ako.

"Kaya mo ba ako binigay basta sa iba dahil sa hindi mo kami kayang alagaan? Ganun ba ako kahirap lumugar sa pamamahay mo?."

"Gumalang ka naman, Joyce.. magulang pa rin natin sila.." ani Kuya na hindi ko nagustuhan ang sinabi nya.

"Wala kayong karapatan na suwayin ako!.."

"Ganyan ba ang itinuro ni Tita sa'yo na asal ha?. Na hindi rumespeto sa iba?!." sumigaw na rin si Kuya. Humakbang ito palapit sakin. Tumayo naman si Jaden para kausapin ito. "Walang galang!."

Bumuhos ang maraming luha saking mata sa sama ng loob.

"Pwede po bang kumalma tayo.. baka kasi mapano sila ng baby.." ani Bamby.

"Hindi ako naging ganito kung hindi dahil sa inyo.." buong puso kong saad sabay ng maingay na atungal. "..bakit parang ako pa ang masama rito? Gayong ako na ang naging biktima ng mapait na laro ng mundo nyo.."

"Ako nalang sana ang namatay at hindi ang paborito nyong anak.." humagulgol ako sa sarili kong mga palad. May mga kamay na humawak sa balikat ko. Trying to console me. Tas may yumakap na sa akin.

"Wag kang magsalita ng ganyan anak.. pareho ko kayong mahal.. walang lamang sa inyo.. pare-pareho ang pagmamahal na meron ako sa inyo dahil magulang nyo ako.." umiling ako sa kabila ng hagulgol ko. "Hiniling sakin ng Mommy mo na sya nalang ang mag-alaga sa inyo.. at dahil ikaw ang napili nya.. hindi ako ang pumili dahil hindi ko kayang pumili nalang basta.. I let her care for you dahil hindi sila magkaanak ng Daddy mo.. they are both barren.. anong magagawa ko anak ko? Kakambal ko ang humiling.."

Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa mapagod.

Kung ganun, walang may gusto sa lahat ng nangyari?.

Pero bakit pakiramdam ko, hindi pa rin ako kuntento?. Bakit parang may kulang na hindi mapunan-punan?.

Kung choice ni Mommy na piliin ako, bakit ganun ang naging trato sakin ni Mama? Iba kumpara kay Denise? Bakit? May bagay syang hindi sinasabi. May parte pa rin na kulang na hindi nya kayang sabihin pa.

Próximo capítulo