webnovel

Chapter 2: Mad

Dumaan nag dalawang araw. Tulog pa rin sya. Ang sabi ng doktor. Napagod raw ito kung kaya't hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagigising. "Malapit na raw sila." mabilis binalot ng kaba ang dibdib ko ng ideklara ito ng kapatid ko. He's referring to Lance's family. Noong sinabihan na ako ni Kuya na kailangan malaman ito ng pamilya nya. Agad na nya silang tinawagan. I even told him na si Kuya Mark ang kausapin nito at hindi si Bamby dahil kumpara sa kanilang dalawa. Mas kalmado ang panganay nila kaysa sa kanilang bunso. Their eldest is calm and quiet. Nakikinig lang ito sa paligid without reacting to it loudly. Di gaya ni Bamby na, observer and absorver. After taking all the shits around her. It depends on her mood on how she'll react to it. It's either harsh or cold silence. If you're asking, what about his parents?. Honestly. Sila Tita at Tito?. Mas takot ako sa kanila. Not in a wrong way. But in a positive way naman na, my deep respect towards them turn into fear and shyness. Kaya di ko yata kayang sila ang unang makaalaman about him.

Tumayo ako galing sa pagkakaupo ko sa tabi ng higaan ni Lance. Saka naglakad upang makaupo sa medyo may kahabaan na upuan. "Natatakot ako Kuya." it's true. Itong kaba ko?. Pinagpapawisan ako ng todo. Hindi ko na kailangan pang magwork out dahil butil butil na ang pawis ko.

"Sinong hinde sa sitwasyong nangyari hindi ba?." bakas sa boses din nya ang kaba.

Sino nga rin ang hinde?.

"Pakiramdam ko pa nga. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila." yumuko ako dahil sa isip ko. Wala akong karapatan sa asawa ko. Lalo na ngayon sa nangyari sa kanya.

Dinig kong bumuga sya ng malakas na hangin bago sumandal. Pagod ang makikita mo sa kanya. "Palakasin mo ang loob mo Joyce. Hindi lahat ay kasalanan mo."

Kahit ano pa yatang sabihin nya sakin para gumaan ang loob ko?. Hindi na ito magbabago. Tumatak na sa isip ko na kasalanan ko ang lahat. Kung hindi dahil sakin. Hindi sya ganito.

Umuwi muna ako para maligo at magpalit. Para na rin makita ang anak ko. It's been two days also na di ko sya nabantayan. Pagkagaling ng bahay. Natulog na din ako after taking a bath. Daniel is with Daddy. Lumabas raw sila. Pumuntang SM. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dito.

"Oh damn! Manang! Anong oras na po?." kakagising ko lang kasi. At nung sinilip ko ang labas. Tirik na tirik na ang araw. Mukhang alas dose na. Yung phone ko. Ewan ko kung saan ko nilapag kahapon. Wala din kasing wall clock dito sa silid namin. Sinira ni Daniel yung table clock na nakalapag dito sa tabi ng kama. Inihulog nya. Kaya basag.

"Shet! Joyce naman!." gigil kong ginulo ang buhok. Ang tanga lang! Paano na kung dumating na sila nang di ko nalalaman? Mas lalong hindi ko na alam ngayon kung paano haharap sa kanila. Lalo na sa bunso nila.

Sandali lang akong naligong muli at nag-ayos ng sarili bago bumaba. Hikahos na ang oras. And damn it! Nasaan na ba yung phone ko?!.

"Manang?." nasa bungad palang ako ng hagdan. Hinanap ko na sya. I need to find that thing now. Mabilis naman lumabas si Manang Josie.

"Bakit po ma'am?." inosente nyang tanong. Tiim baga kong tiniis na wag magalit o magmura rito. Wala syang kasalanan. Ako itong tanga na di alam ang pinagkaiba ng pahinga at sa sandaling tulog. Kingwa! Bakit nga ba kasi bangag ka Joyce!? Nasaan ang utak mo?.

Huminga ako ng malalim. Pilit iniintindi ang lahat. "Nakita nyo po ba yung phone ko?. Baka kasi tumawag na ang sir Rozen mo.." naglakad patungo sa kusina upang makakain ng bahagya. Sumunod naman sya.

"Ah.. nandun po sa may sala ma'am. Nasa may tabi po ng telebisyon." anya. Kamot pa ang ulo.

"Wala bang tumawag?."

"Meron po. Ang Kuya nyo po pala ma'am. Hinahanap na kayo.."

"Ano!?. Bakit hindi mo sinabi agad?."

"Ang sabi po kasi nya. Hayaan ko daw muna kayong magpahinga. " I don't get him sometimes. Paano nya nagagawang makapag-isip pa ng mga ganung bagay sa kabila ng takot at kaba sa kanya?. Sa kanilang dalawa ni Kuya Ryle. Sya itong maaasahan sa lahat. Wala ng kontra pa sa kahit na anong sabihin mo rito. Umiikot lang ang mata nya kapag may sinasabi ka. He's not that naive tho. He's just that too kind to hurt someone. Di nya kayang manakit ng feelings ng ibang tao without thinking twice. Very opposite of Kuya Ryle.

Di ko na sana tatapusin ang pagkain na hinain sa harapan ko ng pigilan muli nya ako. Bilin raw ng kapatid ko na kumain muna ako bago magtungo roon. I have no choice but to swallow it even though it's so hard for my part.

At ng makarating ako ng ospital. Saka ko lamang binasa ang mga mensahe ni Kuya. "They're here. Mad." dito ko na di napigilan pa ang kagatin ang kuko ng aking hinlalaki. Kahapon nya pa ito sinend. Meaning, kagabi pa sila andito? At, galit sila?. Syempre! Matik na siguro yun. No doubt about it. Sinong hinde sabi ko nga. Parang di na ako nagtaka pa. Ngunit itong kaba at takot rin sa akin, pinanghihina ako. Binubulungan ako ng, umuwi na muna ako at hayaan silang maging kalmado upang hindi mag-alab ang apoy ng galit sa pagitan namin.

Nanginig ang kamay ko habang nagtitipa. "Sinong andyan?." I sent it while praying na wala dito ang parents nya. Pumikit ako para kahit papano, makapag-isip ako ng tama.

"Mark and his Dad. Paparating palang sina Bamby at ang Mommy nya." he replied. Bumuga ako ng hangin sa kawalan. Buti nalang. Pwede na akong tumuloy.

Humihiling. Nananalangin pa rin na, sana pakinggan muna ako bago nila husgahan.

Kumatok ako sa pinto bago pumasok. Agad kong natagpuan ang bulto ng dalawang lalaki na kasalukuyang nakatayo sa gilid nya. Pareho silang nakahalukipkip. Seryoso ang mga mukha.

"Ehem.." kung hindi naglinis ng lalamunan si Kuya. Baka nakatayo pa rin ako sa may pintuan. Nakaharang duon.

My mouth hang a bit. Actually. Natigilan ako sa pinakita nilang ekspresyon. Di na ako nagulat. Ang kaso. Iba pa din pala kapag andun ka na sa mismong sitwasyon. It's more complicated. The feelings is just raw. Yet emotional breakdown is running through my veins. Sana di ako mawalan bigla ng malay rito.

"Hello po." I tried my best to stay still and act normally but damn! Hindi man lang sila natinag nang tignan ako. Mga galit pa rin.

Lumunok nalang ako imbes na ipagpatuloy ang pagbati. Tumayo ako sa paanan ni Lance. Sa kanya lang tumingin. I don't have the guts to look at them. "I'm sorry." Suddenly. My voice crack.

Naghintay ako.

Umasa ako na magsasalita sila ng kahit isang oo.

Pero. Wala.

They didn't respond. Their silence is their way of reaching. I can't blame them.

At hindi pa nga ako nakakabawi heto na ang mag-ina. "Walanghiya ka!." isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Bamby. Nagulat ako't napamaang.

Sinampal nya ako ng di ko nalalaman. Biglaan.

"Kasalanan mo lahat ng to!." ulit pa nya. Muntik na akong mabingi sa lakas ng sigaw nito. Ngayon. Nahuli na nya ang buhok ko. Hinila nya ito kaya napaluhod ako. Napaluha na.

"Bamby!." may narinig akong sumuway sa kanya. But that's not enough. Di sya nagpatinag.

"Kasalanan mo ito Joyce!. Kasalanan mo!." sigaw pa nya. Habang ang Mommy nya ay umiiyak na sa harapan ni Lance.

Yes. She's mad. I can understand that. They're really mad about me. Pero sana naman. Wala namang pisikalan. Deserve ko ba ang ganun? Kahit oo, huwag din sana isagad. Dahil gaya nila. Isa rin akong biktima.

Próximo capítulo