Sabado ng madaling araw kami umalis ng US. Exactly two in the morning. At dumating kami rito, gabi na. Nagkagulo ang bahay. Lalo na sina Manang at ang asawa nito ng tawagan ko sila para sunduin kami. Ayaw pa nilang maniwala noong una. Kinailangan pa naming magpadala ng litrato for them to trust us.
Mukha ba akong manloloko para hindi paniwalaan ng tao?.
Dismayado akong sumaglit ng tulog. Sa totoo lang. Kung hindi lang pagod ang katawan ko sa byahe. Baka hindi na ako makapaghintay pa ng oras. Sususgod na ako sa lugar kung nasaan sya. Ang tanong. Alam mo ba kung saang lupalop sya ng Pilipinas huh?. Apparently, no! Walang nabanggit sakin ang kapatid nya. And knowing them?. Trying to separate us?. Malamang. Wala akong ibang makukuhang sagot sa kanila kundi, katahimikan. Bagay na, nakakadagdag ng kulo ng dugo ko sa kanila. Ano ba nila si Joyce?. Alila?. Nakalimutan na rin ba nilang anak nila sya at may karapatan ding mamuhay nang naayon sa gusto nya?. Hindi ang kontrolin lang nila na parang bagay. Hindi rin sya hayop para ikulong nalang sya buong buhay nya. Walang kalayaang mamili ng para sa sarili nya.
Nang mag-umaga na. Sinag ng araw ang bumati sa balat ko. Halik nya ang paa ko't naliliwanagan na rin ang kalahati ng silid ko. Who did opened the god damn curtains?!
Sino pa nga ba Lance?. Sino bang tao sa silid mo?. Hindi ba ikaw lang?.
Inis kong ginulo ang buhok ko dala ng pagkayamot. Dumapa pa ako pagkatapos bumalikwas dahil ayoko pang bumangon. It's like my bed is missing me so badly that he can't resist me but to serve me with his soft, good perfume and cozy comforter. Welcoming his owners back.
One hour later. Bumaba na ako. Nagwawala na ang laman ng tyan ko. Kailangan nang paglingkuran.
"Kuya stop!. Hindi mo kilala si Kuya Lance.." I didn't mean to eavesdropping here. Kaso, I have no choice kundi pakinggan ang alitan nila. Mukha kasing galit at nag-aaway ang bunso at panganay for something. Bakit dawit pangalan ko?. What's behind it?.
"It's better for him to know this Bamby. Gusto mo bang malaman nya pa sa iba na alam na natin ito bago pa nya malaman?."
"Still. Wag na natin pang dagdagan ang init ng ulo nya. Di natin alam kung anong kaya at pwede nyang gawin kapag nalaman nya pa.."
"Bamby, hindi mo ako maintindihan.." Kuya's voice is getting higher na rin. Gustong ipaalala sa bunso namin na she needs to stop now as soon as possible para di na sya mas magalit pa.
"Fine. Di ko na ma-gets. Concern lang ako kay Kuya rito.." suko din ng isa. Humalukipkip ako't naghintay pa ng isasagot ni Kuya. Kaso katahimikan na ang sumunod duon. I decided to get in their way para malaman kung anong dahilan ng di nila pagkakaintindihan.
"Anong hindi ko dapat malaman dito?." directly asked this to our eldest. His mouth halfway open. Nagulat sa pagdating ko. Ang tamad nyang mata ay bahagya pang nanlaki. Mukhang unexpected nga sa kanya ang pagsulpot ko. "Bamblebiee, tell me.." I turn it to her. Her chinky eyes blinks twice. Gumalaw din ang noo nya. Trying to figure it out how come did I wake up this early. Palaisipan ito sa kanya. Usually. I woke up late. This is not me. Waking so early. That's why they acted that way. Surprised and amazed.
"You know me. I hate waiting here.." paalala ko sa kanila. They knew this also.
"Because Lance.." panimula ni Kuya. I attentively look at him. Humalukipkip pa ako. Standing straight para sa kung anong ibabalita nya.
"What?."
"They filed an annulment.." direktang saad nya. I don't know how did he say those words without letting his eyes of off me. Hindi sya nagpatalo sa paninitig kong sumama dahil sa narinig.
Maingay akong bumuntong hininga bago unang bumitaw sa titig nya. Naglakad ako't nilagpasan lang sya. Dumiretso ako sa may coffee maker. Kumuha ako ng baso saka nilagyan iyon. "Rozen, told me this.." dagdag paliwanag pa nya. In-off ko ang coffee maker saka mariing pumikit. Humawak ako sa malamig na lababo kung saan ang kamao ko ay gustong manuntok at gustong tumama sa matigas na bagay.
I remain calm. Trying to hide my true feelings. Pilit pinipigilan ang sariling wag magwala. Piniling di rin magsalita upang di makabitaw ng salitang di ko na mababawi pa.
"And, Joyce, wanted you to sign here.." lumapit sakin si Kuya at may hawak na syang papel. I guess. The annulment papers.
Nanigas ako. Bahagyang dumilim ang paningin ko't bigla nalang ibinato ang hawak na baso sa kung saan. "P*tangina!!!..." I scream this curse with all my strength. Maging ang nakita kong vase at iba pang babasagin sa paligid ay basta ko nalang pinagdadampot at itinapon sa kung saan. I became destructive in a span of second.
Kuya tried hard to stop me. Calm me. But no one can stop me now.
"Tangina sila!. Ganun nalang ba kabilis ang lahat?. Annulment?. Bakit umabot sya sa ganung punto?. Nagkulang ba ako?. Anong mali sa akin Kuya!?. Hindi pa ba ako sapat?." sa pagod ko ay pabagsak nalang akong umupo sa damuhan dito sa tabi ng pool na may iilang mga puno. Agad naman akong dinaluhan ni Bamby. Umiiyak.
"Kuya, tama na. It's not your fault."
"It.. is.. my.. fault Bamby.. Kasalanan ko lahat ng to.. kasalanan kong lahat.." nakayuko na akong humagulgol sa pagitan ng mga binti.
Bakit hindi man lang nya ako kayang ipagtanggol?. Bakit hindi man lang nya akong kayang pakinggan?. Bakit hindi man lang nya ako hinintay at makausap ng kami lang?. Bakit hindi nya kayang tumupad sa ipinangako nya?. Bakit mahal ko?. Bakit sinasaktan mo ako ng ganito?. Tama na Joyce please! Nahihirapan na ako! Mahal kita. Mahal mo rin ako, hindi ba?. Hindi ba!
Umiyak ako hanggang sa maubos ang luha ko. Kuya is giving some advice pero hindi ko kayang tanggapin ang mga iyon dahil ang puso't isip ko ngayon ay nakasardo. Di ko kayang tumanggap ng bagay na maganda dahil lahat sa harapan ko, lahat ng nakikita at nararamdaman ko ay hindi na nakakabuti sa pagkatao ko.
I stood up. Ngayon ko lang nalaman na, tanghali na. Di pa ako kumakain. Uminom na ako ng alak na nasa ref. Si Bamby ay sinubukang kunin pa ang alak na hawak ko pero binantaan ko sya ng todo. "Don't let me get mad at you Bamby." napaatras nalang sya sa narinig. Maging si Kuya o si Jaden ay hindi ako nilapitan. Hindi siguro sa sinusunod nila ang sinabi ko kay Bamby o natatakot sa maaari kong gawin. It's like. They let me do what I want para mailabas ang sakit ng dibdib ko na hindi magagamot kahit na sino.
Hanggang hapon akong tumutungga ng alak. Lumipat na nga ako sa may garden kung saan presko. Ang punong mangga ay hitik sa dahon pero wala pang bunga. Not it's season.
"Kingwa! Hahahaha.. puno ba sya?. Hitik sa dahon tas wala ring bunga?. Hahaha.."
Pak!. Isang sapak ang tumama sa panga ko. "Gago!. Magpakalalaki ka nga!." galit na galit si Kuya Mark. Kinuwelyuhan nya pa ako matapos iangat galing sa pagkakaupo ko. "Ganyan mo ba ipapakita sa kanila ang taong gusto nilang alisin sa buhay nila ha?. Tanga!." isang suntok pa ang binigay nya. Susuray suray ako. Dala ng kalasingan.
"Why not?. Eto gusto nilang makita diba?."
"Bobo!.." susugurin pa nya sana ako ng sumigaw si Bamby.
"Aron!." bumagsak ako sa damuhan. Jaden is holding Kuya now . While Bamby is begging beside my best friend.
Aron didn't bother to speak. His jaw clenched when he look at me. "Tara na sa loob Lance." he said calmly. I feel like his voice is so comforting. I got teary eyed again when he helps me stand up. "Hindi ka pa kumakain. Naglalasing ka na. Yung pasalubong ko pa. Hays.." he whispered at me. Sounded happy. Alam ko din na ginagawa nya lang iyon para pakalmahin ako.
I close my eyes. While walking. Di ko na mapigilan pa ang umiyak. "May kulang ba sa akin Ron?." everytime I call him this name. He knew. I needed help. "Bakit lahat nalang ng akin, mahirap kung kunin?. Hindi ko ba deserve ang mabuhay?."
"Tsk!. Magpahinga ka na muna ha. Saka na tayo mag-usap kapag may laman na yang tyan mo.." buti pa sya. Concern sakin. Bakit ang asawa ko mismo?. Wala. Nasaan sya?.