webnovel

Chapter 14: In pain

"Faster Jaden!." kinabukasan yang ingay na yan ni Bamby ang gumising sakin. Ay hindi pala. Samin. Magkayakap kami ng asawa ko sa iisang kama at mahimbing pang natutulog. Ewan ko ba sa batang ito kung kanino nakuha ang lakas ng boses at kaingayan.

"Morning my love.." inaantok ko pang bati sa asawa ko. Imbes sagutin ako. Tinakpan nito ang mukha na para bang hindi sya maganda. Ang ganda nya kaya.

"Morning too.." dinig ko ang mahina nyang boses nang sabihin ito. I pull her arms away from her face pero umangal sya. Ang reklamo nya. Nakakatawa raw itsura nya kapag bagong gising. Ang sabi ko naman. Sino bang nagsabi ng ganun?. Hindi kaya iyon ang nakikita ko. Kaso. Kahit ilang magagandang salita pa yata ang bigkasin ko rito. Hindi iyon magbabago.

"Help me here!. Goodness!." ke aga aga Bamby! Gusto kong suwayin ang kapatid ko kaso hinihila ako ng mga mata ng katabi ko.

"Ano kayang problema ng mag-asawang yan?. Ang ingay.." reklamo ko nalang sa kanya. She moves closer to me. At mas ipinulupot pa ang mga braso ko sa kanya. Nanliit ang mata ko dahil ang akala ko hindi na nya talaga ipapakita mukha nya. Ngayon, kahit amoy ko na Ang hininga nyang, bagong gising. Wala syang pakialam. I don't know why she changed her mind. I really wonder.

"Di ko alam e. Ganyan na yata ang dalawang yan.." she even whispered this. I tighten my hug towards her. Sa harap ko ay ang kama ng maingay na mag-asawa. What's the rushing?. Tsk!. Anong oras palang o?. Alas syete. Hayst...

Sa kabila ng posisyon at pag-iisip ko. Tumambad sakin ang bulto ng kapatid kong nakapamaywang na. Sa akin, diretso ang mata nyang matalim. "Ano na?. Wag mong sabihin na, hanggang dito nalang kami Kuya?." I don't get her subtle words sometimes. Alam mo yung, bata sya tignan pero ang mga pinagsasabi nya, mas matanda pa sa kanya. Weird!.

I just mouthed her, what. Umikot ng 360° ang mata nito. Weirdo talaga!. PMS nga pala. Tsk.

"Bakit ba?. Kung inggit ka lang. Magyakapan nalang din kayo ng asawa mo. Hindi yung nandadamay ka dyan. Nananahimik ang tao e." Sa totoo lang. Hindi naman yan ang gusto kong sabihin. Ito sana. "You know what. You're are weirder than I thought. Let my ears be in silence please." yan sana. Kaso baka mas lalong maging weirdo. Biglang maisipan nalang na umuwi. Iyon ang kinatatakutan ko. Kaya kahit na gusto ko syang pagtripan ngayon. Chill nalang muna. Iba kasi mood nya e. Di ko gamay ngayon. Sabi ko na nga. Weird sya. Di ko ba alam bakit.

"Psh!. Get lost.." humaba ang nguso nya. Nagsalubong din ang kilay nya sabay sabi nya nito. Pagkatapos nun. Nagwalk out na. Ang asawa na nya ang pinagtripan. Sana hindi magsawa yung isa. Sana humaba pa pasensya nya. Kasinghaba ng nguso ng kapatid ko.

"Mahal, I'm sorry.." bigla ay natuon ang pansin ko sa asawa ko. Di pa kami bumabangon kahit na nagdadabog na yung isa.

"Sorry for what?. Nanggugulat ka naman.." As in. Di ko alam bat sya humihingi ng sorry ngayon. Para saan naman kaya?.

Tiningala nya ako. Kinagat nya ang ibabang labi bago sya nagsalita. "For losing again our little angel.." dun ako hindi makahanap ng tamang salita para sagutin sya. I guess. Hindi naman yata lahat ng bagay ay may sagot o di kaya ay, di lahat ng salita ay may tugon. Sometimes. It's better to keep your self calm and absorb what's happening. "Sa totoo lang. Di ko alam kung paano na haharap sa'yo ngayon. Nakakahiya na sa'yo." still. I don't want to interrupt her. I keep my mouth shut for me to understand her feelings. "Ilang beses na ba ako nawalan?. Dalawa. Yeah.. Dalawa nga.. I.." I look at her face closer. Namumula na ito. Tanda na, ilang minuto lang ay iiyak na ito. I held her small smooth face. Ang labi nya'y nakaawang na anumang oras ay may lalabas duon na mga salita na hindi ko yata kayang pakinggan. "I already talked to my OB. And she said na, impossible raw na makabuo sa sinapupunan ko dahil..." she bit her lower lip again. Sa ngayon. Hindi na sya sakin nakatingin. I feel like, I'm losing my sanity today while watching her in this state. Acting strong but deep down her heart. She's too broken. And honestly. Wala akong alam para gamutin iyon. Wala nga ba Lance?. Think!. Think!!. "I am barren, Lance.."

I am barren, Lance.

Hindi lang ilang beses nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang mga binigkas nyang iyon. Para bang nabagsakan ng bomba ang pandinig ko't hindi na marinig ang ibang mga tunog sa paligid ko kung hindi lang ang tahimik nyang pag-iyak. My mouth was half hanging. I wanted to utter words to atleast comfort her subalit hindi yata sapat ang mga iyon para pakalmahin sya. I wanna talk to her that it's okay to be her and me in my little family but damn! Why is that so hard to say?. Bakit hindi ko ito masabi sa kanya?. It's because she was hurt. She is not okay at hindi ayos na sabihin mo ang ganun sa lagay nya Lance. She's barren. So what?. Hindi hadlang ang ganun sa akin dahil may mga pamangkin naman kami na pwede naming gawing anak. That's not the issue for me. I am concern about her. Sa kung paano nya ito hahawakan at tatanggapin. I know it's hard. Of course. Knowing that you cannot bear a child for your family is really painful truth to anyone. But isn't that the end of making your life, happy. Maraming paraan. Siguro. Sa mga bagay na naisip kong paraan ay nawa'y gamot para gumaan kahit kaunti ang kanyang damdamin.

"Lance, hindi kita mabibigyan ng anak." patuloy ito sa pag-iyak. At ako?. Walang masabi. Hindi literal na walang masabi. It's just that. Wala akong mapili na bigkasin sa mga salitang nasa aking isipan. I feel like. Isang sabi ko lang ng maling salita. Maaaring. Masaktan ko pa sya. And I don't want it to happen. She's in pain. Ako din naman. Kaso, she's my priority right now. I can handle pa naman myself, as of now. Ngunit sa nakikita ko sa kanya. Hindi na nya ito kaya.

I didn't utter any comforting words. Niyakap ko lang sya at pinaulan ng halik ang ulo nya. Mas lalo naman syang umiyak sa ganung ginawa ko. What now?. Gesture palang iyon. Buhos na ng ulan ng bagyo ang luha nya. Paano nalang kung may sinabi pa ako?. "My love.. I'm so sorry too. I know it hurts. Really damn hurt but I know you know there's another way. Hahanap tayo ng paraan para dyaan." di ko na napigilan pa ang sarili ko na ibulong ito sa kanya. Ang luha kong tumakas kanina sa mata ko ay isang susi na dapat lalo akong maging responsable bilang asawa dito. "Titingin ako ng nga paraan Mahal."

"Wala na tayong magagawa, Lance." dahan dahang kong hinawakan ang magkabila nyang balikat. Ang luha sa kanyang mga mata ay parang talon na galing sa isang ilog na mabilis ang agos. Tuloy tuloy iyon at walang tigil.

"Trust me. Hahanap ako. Makakahanap tayo.." I look at her eyes. Sakit at hinagpis ang nakikita ko.

"Tito Daddy, wake up!. Tita Mommy!.." sa likod nya'y sumulpot ang walang muwang na bata. Naka-khaki shorts ito at polo na maliit na kulay dilaw. Itim naman ang sa pang ibaba nya. "Come on!. Mommy, is pretty mad mad now.." lumapit ito samin at sinipat ang mga mukha namin. "Why are you crying Tito Daddy?. Is Tita Mommy, are in pain?." Basta ko nalang nayakap ang bata sa katotohanan na, kahit wala pa syang gaanong alam sa takbo ng mundo. He knows. He already knew that, we're in pain.

Próximo capítulo