Biyernes palang ng umaga. Napag-usapan na naming sa bahay na matulog mamaya. Sabado kasi ng madaling araw ang aming alis. Pero bago sya pumasok ng trabaho.
"That's too much honey. Isang gabi lang naman tayo dun." pigil nito sakin nung naglalagay na ako ng damit sa bag pack na nakalapag sa magulong kama.
"Honey, back up ang mga yan." giit ko rin. Nalukot ang kanyang mukha. Nagtataka kung bakit. "Why?. Ayaw mo bang may spare clothes tayo?." dagdag ko pa. Hinarap ko sya habang tinitignan ang isang sando na itim.
"Spare clothes for what?. Honey naman. Hustle ang maraming bitbit." paliwanag pa nya.
"Sa sasakyan naman yan ilalagay Hon." pilit ko pa.
Mabigat ang pinakawalan nyang buntong hininga. "Bahala ka. Basta wag mong hahanapin ang iba sakin pag-uwi natin ha?." then she walked out. Duon ko lang din natanto ang ibig nyang sabihin. Noong galing kasi kaming honeymoon. Wala ang iba kong damit. Hinanap ko ngayon sa kanya. Muntik pa kaming mag-away dahil doon. E nalaman ko nalang na di ko pala dinala ang mga damit na hinahanap ko. Naiwan ko sa bahay at kinumpirma iyon ni Mama.
Pumasok sya ng di man lang ako binibigyan ng halik, yung tipong kahit man lang SANA sa pisngi.
"Yan kasi. Ang tigas ng ulo mo Lance." kinakausap ko na ngayon ang sarili ko. Nalungkot ako sa katotohanang kailangan kong bawasan ang laman ng bag ko subalit mabilis ding sumagi sa isip ko na, hindi siguro masamang makinig minsan sa mga payo ng ating asawa. Alam ko naman na di ko ikapapahamak ang pagbaba ko minsan ng pride ko diba?. Oo nga Lance. Babaan mo pa para naman magpantay ang lebel nyong mag-asawa. Hindi kayo tatagal nyan kung lagi ka nalang ganyan.
Without thinking a second thought. Sinipat ko nalang ang pinaka-importante sa kanilang lahat saka binalik sa kabinet ang sa tingin ko ay di na dapat idala.
"See?. May tao nang puputol dyan sa pride mo. Hahahaha.." Kuya stated. I called him through social media.
Agad humaba ang aking nguso sa wika nya pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat. Kaya heto ako ngayon. Pinagtatawanan nya.
I have no words to defend myself. Damn it!
"Sabi sa'yo eh. Mag-iiba ang lahat sa'yo kapatid after your wedding."
"I'm not happy." I don't know where did it came from. Parang ang taong nasa kailaliman ng kaluluwa ko ang nagsalita. Maging ako ay nagulat sa naisagot.
"What?!.. Don't say you're not happy anymore?. Kailan lang nung kinasal ka ha?."
"No. What I mean is, parang di ko kayang may magcocontrol sa akin.."
"Huh?. you proposed to her and yet after your wedding heto ka't magrereklamo dahil di mo magawa ang gusto mo?. That's so immature Lance. Aware ka pa ba kung anong sinumpaan mo sa harap ng maraming tao noon?. Pfft!. Wake up bro!. You'll get over it soon. Wag mo lang pairalin masyado yang pride sa ulo mo para makasabay ka sa asawa mo."
Agad akong tumango sa kanya. Marami pa syang sinabi pero ang Ilan duon ay di na pumasok sa utak ko. "Kuya, busy ka ba?. Samahan mo din kami sa grocery." after a while tumawag naman si Bamby. Magpapasama raw bumili ng stock nila dahil naubusan daw ng gatas ang Knoa namin. Kaming dalawa lang ang pumunta. Iniwan muna namin ang bata sa mga Lolo at Lola nya.
"Huy!." sa gitna ng paninitig ko sa mga sanitary pads na nakahilera. Hayun ang taong di ko inaasahan na makikita. "Sa dami pa ng lugar na pwede tayong magkita, dito pa talaga?." anya na natatawa habang mabilis na tinignan ang magkabilang istante na pumapagitan saming dalawa. "Nagbago ka na talaga bro. hahahaha.."
"Manahimik ka nga. Nauulol ka na naman." pigil ko sa kanya dahil may tatlong babae na kakarating lang at mukhang bibili rin. Napaatras pa ako dahil mukhang sa mismong kinatatayuan ko ang pagkukuhanan nila.
"Bakit ako mananahimik bro?. Kung para sa asawa ko to, lahat isusugal ko. Kahit gwapo pa ako, pipila ako para bumili ng ganito." nangiwi ako. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o dadampot ng nasa cart ko at ibato sa pagmumukha ng taong to. Kung anu-anong lumalabas sa labi. Dinaig pa nya ang mga babae.
Agad kumaripas ng alis ang mga babae kanina."Hahaha.. bakit?." tanong nya agad nang samaan ko sya ng tingin.
"Gago. Nagtanong ka pa. Alam mo na ngang mga babae yung nasa harapan mo, kung anu-ano pang binubulalas ng marumi mong labi."
"Bro, ano ka ba?. Hindi mo ba napansin kanina?. Ginawa ko lang iyon para lubayan ka nila. Kita mo. Nasaan na sila?. Wala. Umalis na hindi ba?. Kasi nga, nalaman na nilang may asawa ka na."
"Mga rason mo.. Tsk.."
"Totoo naman e. Iba titig ng isa sa kanila bro. Hindi mo nakita dahil..."
"Kuya, tapos ka na ba dyan?." mabuti nalang at sumulpot itong si Bamby galing sa kabilang lane. May rason na akong makawala sa isang to.
"Hi there Bamblebie. Long time no see.. haha.."
"Oy, ikaw pala, Aron. Long time no see rin. Haha." sa isip ay napahilamos nalang ako sa mukha. Ang akala kong makakawala ako ay mas palang sasakit ang ulo ko dahil nalimutan kong pareho pala ang takbo ng utak nila. Hay..
Nag-apiran sila't dumaan ang kapatid ko't tumabi sakin para silipin kung meron na ang mga binilin nya kanina. "Wala ka pang nakuha?." she asked while searching on my cart. Napakamot lang ako ng ulo habang sya'y pinapanood.
"Paano yan makakapili lil sis. Di alam kung anong brand ang kukunin. Hahahaha.." kinagat ko ang labi mula sa loob sa pagpipigil ng ngiti. Naiinis man ako sa taong kasama namin, may tama rin naman sya. Tsaka, lil sis din ang tawag nya kay Bamby dahil ang sabi nya'y gusto nya ring magkaroon sana ng babaeng kapatid kaso too late na para sa mga magulang nya. Pumayag na rin ako. Kawawa naman. Baka maulol pag di ko pa pinagbigyan.
"Ay, oo nga pala. Sorry Kuya. Hehe.." ngiti nya sakin saka na kumuha ng mga kailangan nya. Mabilis nalang din kaming kumuha ng iba pang nasa listahan nya at si Aron naman ay nakabuntot pa rin sa amin hanggang sa may cashier. Eksakto pang nasa unahang pila namin ang tatlong babae kanina.
"Kuya, tumawag pala asawa mo kanina. Sunduin mo na raw sya."
"What?. Anong oras na ba?." tanong ko sabay tingin sa suot na Rolex.
"It's almost 5 na po."
"What?!.." kulang nalang umapoy ang ilong ko. "Bakit di sya tumawag sakin?." di ko na alam ang gagawin. Kung iiwan ko ba ang kapatid ko para sa asawa ko sa isang lokong to o hintayin nalang matapos sya saka namin sya susunduin. Damn it! Bakit ko nga ba kasi nakalimutan ang oras?.
"Don't worry Kuya. Ako to, si Bamby. Nakalimutan mo na ba?." mayabang pa nyang himig. Tinuturo ang kanyang sarili. Lagi nya yang sinasambit. Na pagdating raw sa best friend nya, alam nya raw kung paano ito pakakalmahin. That's a big relief tho.