Linggo at halos abutin ng buwan ang naging preparasyon para sa kasal. At ang venue pa ay sa beach resort.
"Ikakasal ka na pala?.." nagtatakang tanong ng isa sa mga kasama kong nurse sa ospital. Lalaki ito at isa ring nagpakita ng motibo nito noong una. Ngunit harap harapan kong sinabi sa kanya na wala syang pag-asa sa akin kahit anong pilit nyang gawin. Mabuti nalang din at di nya na rin ipinagpilitan ito.
"Ah. Oo. Hehe.." super awkward ng pakiramdam ko dahil limitado lamang ang dadalo sa araw na iyon.
"Di ba kami imbitado?." anang babaeng kasama rin namin, na naging kaibigan ko na rin sa loob ng pagtatrabaho ko rito.
Nakamot ko nalang ang sariling ulo. Tapos kagat labi kong sinabi sa kanila na pasensya nalang.
"Guys, wag nang magtanong okay?. Intimate kasi yung kasal at ang tanging andun lang ay pamilya nya at ng asawa ni bes. Pati malalapit na kaibigan. Di tayo kasali dun.." anang isa sa nakisali sa kumpulan.
"Oh, di naman sa ganun." kontra ko pa ngunit mabilis silang tumango at nagsabing ayos lang sa kanila. Naiintindihan daw nila na ganun ang set up dahil alam nilang di ko gaanong gusto ang nasa gitna ng maraming tao. I thanked them sincerely kasi nga, malawak ang pang-unawa nila.
"Sa Blue Coast Beach Hotel ang venue diba?. Kailan then ang byahe natin patungong Norte?." kausap ko ngayon si Karen sa cellphone at tinatanong ito. Imbitado sila at ng lahat ng barkada. May mga nagsabing di makakapunta dahil di raw pinayagan ng kanilang mga boss.
Ang tinutukoy nyang hotel ay matatagpuan ito sa Sta Ana, Cagayan. Malayo nga talaga ito kung magmumula ka pa rito sa Antipolo. "Sunday ang byahe natin bes." sagot ko. Imbes eroplano ang sasakyan sana namin ay mas pinili ng nakakarami na magdrive nalang daw. Kaya iyon ang mangyayari. Mas maaga kaysa sa plano ang pagbyahe.
"Ilang sasakyan ba ang gagamitin?." she asked again na para bang di sya informed sa lahat ng nagaganap. Tsk!. Ulyanin na ba sya?. Asan ba kasi si Kian?.
"Di ko alam eh pero sa pakiwari ko, kanya kanya yata tayo ng sasakyan. Iyon naman gusto ng mga kalalakihan kaya pagbigyan nalang."
"Psh!. Ayan na naman ang mga yun. Tsk. Di marunong magtipid ng gasolina." siring pa nya. "Kanino bang suhestyon ang bumyahe ng by land bes?."
Napangiti ako sa naging tanong nya. "Wag kang magagalit ha. Si Kian po." At duon na naging armalite ang labi nya. Di na ako nagpaalam sa kanya at basta nalang pinatay ang tawag nya. Sinabi ko lang na naputol bigla ang linya. Di kasi sya papigil pag di mo pinigil eh. Di na rin naman sya nagreklamo o ano. Alam nyang abala na kami.
"Babe.." nanlalambing na naman sya. Nasa magkaiba kaming bahay. Iyon ang hiniling nina Papa. Tutal, magkikita naman daw kami sa hotel sa susunod na araw.
"Yes babe?."
"Miss na kita?." natawa ako sa kanya dahil alam ko na ang sinasabi nya.
"Ikaw lang ba?. hahaha.." halakhak ko.
"Tsk!. Bat kasi kailangan pa natin sundin ang tradisyon eh. Nasa modern age na tayo.." giit pa nya. Yan ang ipinagpilitan nya sa aming lahat. Kaya pinagtawanan lang sya ng bawat myembro ng bawat pamilya namin. Ang kulit lang.
"Babe, wala namang mawawala kung sumunod tayo diba?. Ayaw mo nun. Mamimis mo ako. Mamimis kita. Mamimis natin isa't isa. Diba mas exciting pagdating na ng kasal?. Kaya konting tiis ha?.."
"Tsk.. Parang di ko na matiis eh. Babe naman.." ang hula ko ay mahaba na ang nguso nito. Kahit magpustahan pa tayo ng kahit na magkano. Sigurado na ang panalo ko.
"Ano nga?. Hahaha.. Lance, wag makulit ha?. Pag ikaw, pumanhik dito ng di ko nalalaman.. Naku.."
"Ano?. Anong gagawin mo?." I can imagine now how he pout. Ang kyut pa naman nya pag ganun. Sarap kurutin ng pisngi nya.
"Wala. Basta kasi. Makinig ka nalang."
"Yes po boss.. I miss you na."
"Hahaha.. I miss you more. See you when I see you. Hahaha.."
"Psh.. Oo nalang. Kaasar.." para talaga syang babae. Dinaig pa ako. Tama nga si Bamby. Sobrang clingy nito, sweet at caring. Pinipintasan iyon ng iba ngunit para sa akin ay iyon ang dahilan kung bakit ko sya nagustuhan, minahal at mamahalin pa.
At pagkatapos nya ring tumawag. Ito naman si Bamby. Nangungumusta. "Bes, anong balita?." bungad nito. Ganyan yan lagi. Energetic.
"Eto ayos lang. Kakatawag ng kuya mo."
"Hay!. Ang kulit. Sabi nang, di nga pwede eh." histerya nitong sambit. Alam nya rin ang tungkol sa pangungulit ng kapatid nya.
"Iyon nga rin sabi ko. Mapilit pa man din."
"Brrrr... maasar nga mamaya.. hahaha.. sige bes, see you on Sunday.. bye.." binaba nya ang tawag kaya nakahinga na rin ako ng maluwag. This past few days ay naging busy ang lahat at halos hindi magkita kita. Kaya ngayong linggo lang talaga parang magkakaroon ng bonding ang buong barkada.
Lumipas ang Martes, Miyerkules, Huwebes at Byernes na para bang isang pikit lang. Heto na ngayon at sabado na, kaya mas lalong maingay ang lahat sa bahay. "Joyce anak. Yung mga kailangan ba naiempake mo na lahat?." tanong ni Mama. Nasa kusina kami ngunit parang hindi magkadaugaga sa gagawin.
"Yes Ma. Wala na pong problema. Ang sa akin lang. Pwede, relax lang ang lahat?. Hehe. Let's enjoy this ride." kalmado kong sambit. Gusto kong sabihin sa kanila na relax lang sila at wag magpanic. Ako itong ikakasal at hindi sila pero para bang sila pa ang mas excited sa akin. Hay....
"Kaya nga sis eh. Si Mama, nagpapanic. Nakakainis. Nahahawa tuloy ako." nguso ni Denise.
"Hayaan nyo na yang si Mama. Matanda na nga kasi." ani Kuya Ryle. Nakaupo ito sa sahig at abalang nanunuod ng tv. Parang wala lang ang pagbyahe bukas. Sabagay, sanay na ito.
Napatayo si Mama sa kinauupuan nya't namaywang. Naku po!. Humanda ka na Kuya!.
"Ano nga ulit iyon Ryle?." lumabas ito ng kusina at talaga nga namang pinuntahan sya. Syempre, sa kalokohan namin minsan ay sinundan namin si Mama at pinanood ang gagawin nya. Kasama pa naman ni kuya si Ali sa sala. Naku po! Mabilis kong sinenyasan ang bata kaya tumakbo ito agad sa amin.
"Anong ano Ma?." at ito na naman ang pagiging sarkastiko nya. Tignan natin kung sinong mananalo sa kanila.
"100 bucks for Ryle.." bulong ni Kuya Rozen sa amin. Kakalabas nito ng kanyang silid at nakisama rin sa amin.
"I bet 150 for Mama. Sure na yan.." paniniguro pa ni Denise. Sabay pa nga ng tango at nguso sa likuran ni Mama. Siguradong sigurado na.
"200 para kay Kuya Ryle. Matik na yan." sa kanya ako nagbet dahil alam kong kapag naging sarkastiko na ito, sya na ang panalo.
"Yung sinabi mo kanina?. Pakiulit nga?." Nilapitan na sya ni Mama. She even lend her ear next to him at agad namang napatayo si Kuya. Natatakot na. Naku! Mukhang matatalo yata ako. Go kuya!
"May sinabi ba ako?. Wala naman ah.." giit pa nya. Binasa pa ang labi. Naku! Lagot na talaga. Halatang kabado sya.
"Nadinig kita at gusto ko lang na ulitin mo. Mahirap ba iyon?." pagsusungit ni Mama. I can na nagpapanggap lang si Mama na magsungit para takutin at kabahan si Kuya. May side din namang makulit si Mama. Strict pero sweet lalo na sa mga Kuya namin.
"Wala naman akong sinabi na mahirap ah."
Eto na't nag-uumpisa nang umusok ang ilong ni Mama sa kanya. Humagikgik itong Kuya Rozen sa tabi ko. "Baliw talaga!. Gusto nya atang magkaroon ng bukol sa noo. Hahaha.."
"Naku Ryle!. Matanda ka na ha. Hindi ka na bata para ulit ulitin ang tanong sa'yo.."
"Ma, bata pa ako. Kayo lang ang matanda rito. Hahahahaha.." at doon na sya kumaripas ng takbo paiwas kay Mama. Abnormal talaga. Naghabulan pa sila ng ilang minuto hanggang sa pareho na silang nagreklamo at huminto na rin.
"Ako panalo. Asan na yung pusta nyo?." kalabit ko sa dalawa.
"Wala namang nanalo ah. Wag ka nga." ani Kuya Rozen sakin. Kinurot ko rin ang braso nya kaya parang bata itong nagreklamo at nagsumbong kay Mama. Kabaliwan. Ang kukulit!. Parang mga bata kung umasta. Gayunpaman. Nakakagaan sa loob pag minsang maging isip bata tayo. Let it flow. Kung ano man ang nangyayari. Let it be. Go with it. Dance with it. And play with it. Walang mawawala, kapag sumubok ka.