webnovel

Chapter 44: Designer dress

Kahit tapos na kaming naghapunan ay pinakain muli kami. Di rin makatanggi si Lance lalo na nung inaya syang makipag-inuman. Hinayaan ko nalang din sya matapos naming. Tinanong pa muna kami kung kailan ang kasalan at ang tanging naisagot ko lang ay di ko pa alam. Pero ang isinagot ni Lance ang nagpakabog ng puso ko ng malakas. "As soon as possible po Ma. Hindi po ako lilipad patungong US hanggat di po kami kasal."

"What?!." tanong ko dahil nabigla talaga ako. Wala syang sinabi na ganyan sakin.

Sabagay nga naman Joyce. Nagtanong ka ba?. Iyon nga eh. Hinde. Lol!.

Pinaulanan sya nina Kuya ng tanong.

"Anong gagawin mo sa US?."

"Magpapakasal kayo tas iiwan mo agad?." halos sabay na tanong nitong dalawa.

"He smiled at them sincerely. "Hindi ako pupunta ng abroad para iwan sya. Kaya nga po kami magpapakasal bago ako umalis para sigurado po akong may babalikan po ako rito. Baka po kasi bigla nalang nya po akong iwan pag nagkataong hindi ko naabot ang standard nya."

"You, stop it Lance." pigil ko sa kanya ngunit di ito papigil. Tumama na yata alak sa kanya. Naku po!.

"At hindi po bakasyon ang pupuntahan ko sa Harvard University. Mag-aaral po ako ng medisina roon. Gusto kong bigyan ng magandang buhay ang parating na pamilya ko." dagdag pa ni Lance.

"Ay naku brother. Kung ganun. Wala na nga talagang kawala ang Joyce. Hahaha." ani Kuya Ryle sa katabi nyang si Kuya Rozen. Ang isa ay nagbibiro. Mukhang good mood. Subalit si Kuya Rozen ay walang bakas ng ngiti sa kanyang labi. Seryoso ito na para bang ang laki ng problema nya.

"Wala na nga syang kawala Ryle. Pero ang tanong ko. Kung lilipad ka at malalayo sa kapatid ko. Masisiguro mo bang sya lang ang maganda sa paningin mo?." di ko alam bat nag-iba bigla ang aura na nakapaligid sa kanila. White and Black. Good and bad.

Tinungga ni Lance ang hawak na baso na kakalagay lang ng alak ni Papa saka tatango tango sa mga taong kaharap nya. "Kung iyon ang kinakatakot nyo. At kung maniwala man kayo o sa hinde. Matagal ko na sana iyong ginawa pero hinde. Natukso ako oo, pero hindi pa rin ako sumuko. Isa lang ang minahal ko at mamahalin at sya lang iyon. Wala ng iba." seryoso ring sambit ni Lance. Tinungga din agad ni Kuya Rozen ang basong nasa harapan nya matapos iyon sabihin ni Lance.

"Kung ganun. Mamanhikan na tayo bukas." ani Papa para maibsan ang medyo tensyon sa paligid.

"Wala pong problema. Sasabihan ko po ang mga tao sa bahay." paniniguro pa ni Lance. Pinapainom nila ito ng marami ngunit pinatigil ko na dahil malalim na ang gabi at kailangan pa nyang umuwi.

"Sige na babe. Tutal magkikita naman tayo bukas." angil ko pa dahil ayaw talagang umuwi.

Kaya ang nangyari. Hinatid nalang sya nina Kuya sa bahay nila. Ayos lang naman kung dito sya matulog pero ang sabi nila Mama. Wag na muna. Saka nalang daw pag tapos na ang kasal. Kung ang iniisip nila ay ang bawal. Ano pa't marami nang nangyari sa amin diba?. Pero para wala ng ano pa. Pumayag nalang ako bilang pagrespeto na rin sa kanila.

Kinabukasan. Late na din ako nagising. Nabalitaan ko nalang na sa mga Eugenio kami ngayon magtatanghalian hanggang hapunan. Hindi nito direktang sinabi ni Lance sakin. Kundi kila Kuya at Mama. Kaya heto sila't maingay sa buong kabahayan kung anong dapat nilang idala mamaya.

"Guys, relax lang okay." paalala ko pa sa kanila pero parang wala lang silang narinig. Kaya umupo nalang ako sa may kusina at doon tahimik na nagkape.

"Oh, bat ka tahimik dyan?." bigla ay sumulpot si Denise sa may kusina. Dumiretso itong coffee maker at nagsalin doon bago umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. May shoot ito sa isang magazine at ang sabi nya ay hahabol nalang daw sya sa amin. Sana lang umabot sya.

"Wala lang." sagot ko dahil totoo naman. Tahimik ako dahil gusto ko lang manahimik. Iyon lang.

"Di ka ba kinakabahan o excited sa pupuntahan mamaya?." she asked. Sumimsim ako ng kape.

"Excited syempre. At ang kaba. Hindi na iyon nawala simula noong makilala ko si Lance." direkta kong sabi.

Bumuntong hininga sya. "Nakakainggit ka naman. Sana all sis."

"Anong sana all?. Si Aron ba?. Kamusta na kayo?." nacurious din ako sa kanila eh. Di nya direktang sinabi sa amin na sila na pero ramdam namin iyon sa tuwing bukambibig nya ang taong iyon.

"Ganun pa rin. Hanggang kaibigan nalang yata."

"Tsk. Bat di mo kasi tanungin?."

"No sis. He was once asked me pero tinanggihan ko iyon."

Problema nga. Bakit kasi tinanggihan eh?. Tsk!.

"Ay naku. Naman pala eh. Ano ba sis?. Dapat gumawa ka nga ng paraan pag ganun." giit ko pa. "Tsaka. Ano bang rason mo bat mo pa sya tinanggihan?."

"Career sis." napailing na ako sa rason nya. "Alam mo kapatid ko. Kung laging ang career nalang ang aatupagin mo. Mapag-iiwanan ka na talaga ng panahon. E kung mahal mo pala sya eh. Bat mo pa inayawan offer nya."

"I don't know. Di ko alam na mas mahirap palang tanggihan ang isang bagay na gustong gusto mo. Huli nalang nung narealize ko ito."

Napailing nalang ako. Maka-advice ako eh parang ako rin naman sya noong una. Pero natanto kong wala palang kabuluhan ang buhay ng isang tao kung hindi mo susundin ang bagay na nagpapasaya sa'yo. At naniniwala akong kapag hindi ka nagkaroon ng anak sa buhay mo ngayon ay babalikan mo ito sa susunod na panahon. Kaya dapat. Kung di na sya tanungin. Sya na magtanong. Kalimutan na nya muna ang pride nya para sa lalaking minamahal nya.

Alas nuwebe na ng handa na ang lahat sa pagpunta sa kabilang pamilya. Si Denise ay agad ding nagpaalam sa amin matapos ang kapeng iyon. I wish na sana, magkasundo na rin ang oras at kapalaran para sa kanilang dalawa ni Aron. I would love to see them being with each other's arms.

At nang marating namin ang gate ng mga Eugenio. Ingay agad ang sumalubong sa amin. Tumatakbo si Knoa habol habol nito ang alagang aso na tumatahol. At nasa likuran naman nito ang Mommy nyang may kausap sa cellphone.

"Oh my gosh!. Pasok po kayo. Pasok." di na sya magkadaugaga sa pag-asikaso sa amin Muntik pa ngang makalimutan ang anak sa labas. Buti nalang binuhat ni Kuya Rozen pati nung aso. Di ito umiyak. At ang bulong ni Kuya Ryle. Kilala daw sya ng bata. I don't know how. Magtatanong pa sana ako pero andun na si Lance na agad akong sinalubong.

"I miss you babe."

Natawa lang ako sa kanya kaya humaba ang kanyang nguso. "I miss you too haha."

Parang bata sya kung magtampo pero ang kyut pa rin nya.

Nag-usap usap ang magkabilang magulang namin ng sila lang at kalaunan din ay isinali na kami. This 10th of October na raw gaganapin ang kasal. Asap ito kaya ganun din kaexcited ang lahat.

"Bes come here. May gustong kumausap sa'yo." tawag sakin ni Bamby. Ang di ko alam. Sya yung sikat na designer ng mga damit sa Pinas. Napanganga ako ng magpakilala ito. "Seryoso ka te?." biro ko Kay Bamby. Hidni pa rin naniniwala na sya ang gagawa ng wedding dress ko. Nakangiti lang na tumango ang walang kupas sa ganda kong kaibigan.

"Hindi ako marunong magbiro sa tuwing seryoso na ang pinag-uusapan bes. Alam mo yan at kilala mo ako."

"Wala akong pambayad bes." dahan dahan ko syang hinila sa balikat upang bumulong.

Natawa lang sya. "Ako nang bahala. Gift ko na sa'yo yan." naestatwa ako. As in.

Napaluha pa muna ako bago sya pinasalamatan ng buong puso. I don't know what to say. This family is a bunch of pureness and love. I'm glad that I am going to be one of them, soon.

Próximo capítulo