webnovel

Chapter 32: Fight

"Pre, anyare kanina sa loob?.." inakbayan ako ni Aron nang sabay kaming tumayo para pumunta ng cr. Medyo nahihilo na rin ako at panay na ang balik ng banyo. Ganito ako pag umiinom ng alak. Labas agad.

"Narinig ko kaninang nagbangayan sina Kian at Karen bago sila umalis.. anong nangyari?.." kulit nito nang di ko pinansin ang una nitong tanong.

"Wala.."

"Oh come on lover boy! Sakin ka pa maglilihim?. Anong silbi ng pagiging magkaibigan natin nyan?.." madrama pa nyang halakhak. Pumasok kami ng kusina at eksaktong naroon si mama.

"Umalis na sina Karen, nak?.. sinong naghatid?.." she asked without glancing at me. Naupo ako sa isa sa mga stool sa may bar counter saka tamad na bumuntong hininga.

"Si Kian po." halos ibulong ko nalang ito dahil sa kawalan ng ganang sumagot. Pumikit ako't yumuko sa mga hita kong magkahiwalay. Magkahawak ang kamay ko't lihim na umidlip.

Di ko alam bakit ganun nalang ang galit sakin ni Karen without knowing the truth behind the story. She just judged me base sa kwentong narinig nya. Malay ko ba kung anong kulang o may sobra sa mga nalalaman nya kaya sya ganyan sakin ngayon. Actually. Ngayon ko lang nakita kung paano sya magalit. She's really like my sister. Mabait pero iba kung magalit. Nakakatakot at para bang pilit akong sinasaksak patalikod sa tuwing dumadapo ang mata nya sakin.

"Lance!!.." isang tili ang naulinigan ko maya maya. Wala ako sa sarili nang dumilat ako't napaayos ng upo. I saw mama standing in front of me. May bar counter sa pagitan namin but I can sense the way she frowned while staring at me. Like. She's reading a mystery book in a span of seconds.

"Ma?.." ang tanga ko lang! Di ko alam kung dahil ba ito sa kalasingan o inborn na talaga sakin ang pagiging stupid ko. Sa pagtawag ko sa pangalan nya. Lalo lamang sumimangot ang kanyang mukha.

"Mag-uusap tayo mamaya.." and she walked away. Naiwan akong tulala at nagtataka sa iniasta nya.

Bakit bigla syang nagalit sakin?. Anong nagawa kong mali?.

Hinanap ko si Aron sa cr pero wala na sya dun. Baka lumabas na nang makita akong kausap si mama o baka natakot. Yes! Takot po sya kay mama kahit lagi naman sya dito sa bahay. Ang sabi nya sakin. Nahihiya daw sya kay mama. Yun ang totoo. Hay!

Nang bumalik ako sa labas. Wala na rin yung ibang kaibigan ni kuya. Yung iba rin naming tropa. Nagpapaalam na. While searching kung sino pang mga naiwan. Natanaw ko sa isang mesa si Winly. Kinakawayan ako nito habang pumipikit pa. Kasama nya sina, Kian, Jaden at Aron sa mesa. Naglakad ako papunta sa gawi nila at naupo.

"Nasermonan ka ba par?.." natatawang ani Aron sakin.

Kinuha ko yung basong walang laman sa harapan ko saka nilagyan ng alak. Tinungga ko iyon saka maingay na inilapag sa mesa ang baso.

"Napagalitan nga.. hahahaha.." tawa pa nya.

"Bakit di mo ako tinawag kanina?.." I asked back.

"E, andun si tita e. Sinenyasan nya ako na mauna na sa labas dahil mukha ka raw natutulog sa upuan mo.."

"Sumunod ka naman?.." tumungga muli ako.

"Loko! Syempre naman! Baka palayasin kami bigla dito e, sayang yang mga handa at alak nyo.. hahaha.."

Sya lang ang nag-iisang tumatawa sa grupo namin. Sa pananahimik ng iba. Hindi na ako naging komportable pa. Lalo na itong si Kian na kung tumingin sakin ay kulang nalang sapakin ako.

"What?." pagbabasag ko sa titig nya. Nag-iwas agad sya ng tingin at tumungga rin.

"Pre, yung kanina. Di mo pa pala nasasagot.. hahaha.." daldal pa ni Aron. Sinamaan ko lang sya ng tingin at agad na itong nagtaas ng dalawang kamay sakin. Sumusuko. Hindi sya ang gusto kong magsalita ngayon kundi yung taong kaharap ko.

"Is she okay?.." tanong ko kay Kian na taliwas ang mata sakin. Hawak nito ang baso na pinapaikot ang ice cube sa loob. Di man salubong ang kilay nya pero alam kong may gusto itong sabihin na di nya alam kung paano sabihin. Weird pero iyon ang pakiramdam kong ikinikilos nya.

"Probably not.." malamig nyang sagot. Tahimik pa rin sina Jaden, Winly. Si Aron pinapapak na ang pulutun sa mesa. Iyon ang pinagtritripan nya naman dahil di makahirit sakin.

"I didn't mean to--.."

"Pero pare naman--.." putol sakin ni Kian. Ngayon. Nagsalubong na ang mga kilay nyang tumingin sakin. "Kung anuman yang problema mo, wag mo na syang idamay pa.."

Bigla ay di ko alam ang dapat isipin. Ako na naman ba ang mali?. Saang anggulo ako nagkamali?. Idinefend ko lang naman side ko e. Mali ba lagi ang mga lalaki pagdating sa isang relasyon?. Mali ba lagi kami dahil sa nasaktan ang taong mahal namin?. Bakit di nila makitang nasasaktan rin ako rito?. Bakit di nila makitang nahihirapan din ako sa sitwasyong meron ako?.

Nanlumo ako't nagsalin nalang muli ng alak sa baso. Matagal ko iyong pinuno na para bang sa paraang iyon nabagot ang kausap ko't lalong nag-alburoto.

"Hindi kita maintindihan pare.." umiiling pa nitong saad. Nagpanting ang pandinig ko't bigla nalang umakyat ang mainit na dugo mula talampakan ko hanggang ulo.

"Kailan mo naman ba ako naintindihan pare?.." tanong ko ng mahinahon. Pinilit kong wag ipinakita ang galit sapagkat alam kong wala pa sa kalahati ang alam nya tungkol sa mga nangyari. Ayokong dumagdag pa muli ng sakit ng ulo.

"Oh mga pogi! Relax lang ha!. Relax.." singit ni Winly. Nagpapaalala. Tumayo pa sya para salinan ang aming mga baso.

"Hindi mo na siguro gugustuhin pang intindihin ako dahil kumplikado ang sitwasyon na mayroon ako.."

"Bakit nandadamay ka pa kung ganun pala?."

I smirked and then looked away.

"Wala akong dinamay na iba. Sa ngayon wala pa. Pero kung patuloy syang magiging ganun sa tuwing andito sya. Malamang, damay damay na.."

Nakita ko kung paanong marahas nyang itinungga yung baso ng alak saka marahas na inilapag sa mesa.

"Pare, kalma lang.." bumulong pa si Jaden sa kanya. Tumayo naman si Aron at lumipat sa katabing upuan ko.

"Alam mo pare. Kilala mo naman siguro ako. Hindi ako basta kumakalaban ng iba, pwera lang kung tatayo sya sa harapan ko't haharangin ako sa gusto ko.."

"Iyon! Gusto mo?. Gusto mo lang ganun?.. Kaya ka pala iniwan dahil yang gusto mong lang ang masusunod!." gitil nyang sabe. Tumalim ang mga mata ko't tatayo na sana kung di lang ako pinigilan ni Aron gamit ang dalawa nyang kamay sa balikat ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlamig ang mga kamao ko. Nanginig din ito na para bang gusto nitong dumapo sa kung saan. "Pare, kalma.. May mga bisita pa kayo.." pampakalma nito sakin.

Ilang beses pa akong humugot at nagpakawala ng hangin bago kumalma.

"Is everything easy here, Lance?.." maya maya dumating si kuya Mark. Nasa magkabila nyang baywang ang kamay. Seryoso ang tingin sakin. Pikit mata akong tumango. "Kung lasing na kayo.. pumasok na kayo sa loob.. don't let alcohol run into your brain.. or else I'm gonna kick your ass.." mariin nitong sabe bago madramang bumalik ng kanilang mesa.

Sa sandaling iyon. Nanuot na naman sakin ang matinding hiya. Nahihiya ako hindi dahil ako ang pinagsabihan. Nahihiya ako dahil laging ako nalang ang nakikita nilang problema rito.

Kailan rin kaya nila makikita na tao rin ako?. Nasasaktan?. Nahihirapan?. Sumusuko?. At pagod nang lumaban?. Kailan?

Yumuko ako't itinago na lamang ang hapdi ng mainit na luha saking mata. Gusto nitong kumawala subalit matindi ko iyong pinigilan dahil ayokong ipakita sa kanila na umiiyak ako. Mahina lang ang umiiyak subalit sa oras na ito. Sa lagay ko ngayon?. Wala akong ibang bala kundi luha sa likod ng magandang ngiti. I feel alone. I felt loneliness. Pakiramdam ko. Nakatira ako sa isang island nang ako lang. Walang kasama. Malayo sa pamilya. Nag-iisa. Malungkot. Napapaisip ng kung anu-ano. Magtatanong hanggang sa mapagod. Bakit pakiramdam ko, wala akong kwentang tao? Wala namang nagsabi na ganun ako sa kanila pero ang lakas ng pakiramdam ko ay iyon ang sinasabi sakin. Pinahihirapan akong mag-isip ng tama.

Pinaloob ko na lamang ang labi saka nagdesisyong tumayo. Napatayo tuloy rin itong katabi ko. Akala nya siguro manununtok ako.

"Please lang. Kung wala kayong alam, wag nalang makialam. Ayoko rin ng gulo. At mas lalong ayokong idamay pa kayo." nilibot ng mata ko ang garden. Nanlalabo pa ito dahil sa luhang pilit kong pinipigilan. May ibang nakatingin na sakin. Mapait ko silang nginitian bago nagpatuloy. "Aakyat na ako.." paalam ko. Nakatingin lang rin sila sakin. Nakikita ko ang awa sa mata ni Winly at Aron habang si Jaden naman ay nalilito pa rin ang nababasa ko sa mga mata nya. Hindi tumingin sakin si Kian pero alam kong nakikinig sya.

Isang mapait na ngiti pa muli ang iginawad ko sa kanilang lahat bago ako pumasok ng bahay. Nagkulong ako sa aking silid saka nagbabad sa malamig na shower. Paniguradong sakit ang epekto nito bukas pero parang wala na yata sakin iyon dahil mas masakit ang malaman na, hinuhusgahan na pala tayo ng mga tao kahit di pa nila naririnig ang buong kwento. Gusto kong manisi at sisihin ang iba pero sakit lang rin ang dulot nito sa kanila. Gustuhin ko ring intindihin ang punto nila pero bakit kahit anong pilit ko ay di ko maintindihan?.

Mahirap bang timbangin ang tama sa mali?.

Ang sa akin ay hinde. Bakit?. Dahil, una wala namang tama o mali. Sadyang ang sitwasyon lang ang tanging makakapagsabi ng tama ba o mali ba ang ginagawa mo. Dahil kahit sino naman ay pipiliin lagi ang tama. Ang kinaroroonang sitwasyon lagi ang nagbibigay ng husga sa lahat. At isa pa. Ay ang kung paano mag-isip ang isang tao sa isang kumplikadong sitwasyon. I guess. It's not always a choice. It's between not to choose or either not to have any choices, at all.

Secondly. Why people keep on judging somebody? Ugali na ba iyon ng tao ngayon na kahit di na marinig pa ang ibang anggulo ng kwento ay huhusgahan nalang basta ito?. Ganun ba talaga ang mundo ngayon?. Napakakumplikado!?.

I want fairness but I knew it's not that easy when it comes to family, friends and most especially to our love ones.

It's kinda hard but for me?. I will do my best to become fair to all.

Lalaban ako hanggat kaya ko.. pa!.

Lalaban ako, hanggang dulo!..

Próximo capítulo