webnovel

Chapter 23: Broke

Pakiramdam ko. Nasa langit na ako ngayon. Wala akong ibang maramdaman kundi saya. Masaya akong sabihin na natutuwa ako ng sobra sa pinapakita't sinasabi nila. Hindi ito yung nakikita ko noong pauwi ako rito at papunta ng Cagayan. Wala kailanman sa naisip ko na natutuwa pa sila kahit na ang totoo ay galit sana sila sakin. Wala akong masabi. I'm too overwhelmed. Ang at the same time. Excited. Naeexcite akong makausap na sya mamaya pagkabalik namin.

"Kumain na muna tayo.. natikman mo na ba ang pansit batil patong nila dito?." Tito asked out of nowhere. Napabaling ako sa kanya. Nasa phone ang atensyon ko dahil may mensahe roon si Rozen. He's saying na nasa ospital na sya't kinukumusta kami ng papa nya. I said. We're cool. Na walang nangyaring suntukan o anumang karahasan sa pagitan namin ng papa nya. Tinawanan nya ako through text at sinabing, baka mamaya pa yan bro. Just be ready hahaha.. That is the exact text he sent to me. Asshole!. Yun lang rin ang naisend ko sa kanya dahil sa pagtatanong ni Tito.

"Di pa po Tito.."

"Akala ko ba pinatikman na sa'yo ni Ryle?. That kid. Tsk!."

Kid!?. Bwahahahahaha! Pasensya na! Di ko lang talaga mapigilan! Ahahahaha! Patay ka Ryle! Ano kayang magiging reaksyon mo kung narinig mo ito galing sa erpat mo? Bwahahahahaha!

"Ah.. sa Isabela po kasi kami noon nagstop over tas diretso na po sa apartment nya."

"Hindi ka nya pinakain?.." di makapaniwalang tanong nya. Bumusina sya bago nagpatuloy sa pagdadrive.

"Pinakain po. hehe."

"Ang batang yun oo.. Sabi nang wag kang gutumin e. Nakakahiya.."

"Ayos lang po Tito."

"No. hindi ayos.." pagtatapos nya. Di ko na rin pinilit na ayos lang dahil inaamin ko naman noon sa sarili ko na hindi talaga ayos ang pagtrato nya sakin nung una. Sobrang lamig. Giginawin ka sa lamig ng pakikitungo nya. Nagawa nya ngang di ako kausapin ng buong byahe e. Tuloy, napanis laway ko! Kidding aside!

Medyo may kalayuan ang pinuntahan namin. Ang sabi nya. Masarap raw rito kaya dito nya piniling kumain ng sinasabi nyang pagkain. Nakalimutan ko na kasi ang pangalan. Ano ba yan Lance? Asan napunta isip mo? Eh! Kanino pa nga ba?. Gusto ko na syang makita at makausap. As in. Ngayon na. Kahit wala nang kain. Heck! Crazy fucker!

Pumasok kami sa isang bahay na masasabi kong ayos lang naman. May iilang tao sa labas na kumakain na. Mula labas. Amoy na amoy ko na rin ang pansit at sibuyas na may sili. Hay! Nagwala tuloy sikmura ko.

Naupo kami sa pandalawahang mesa. Taas mismo ng may ceiling fan na umiikot bago sya umorder.

"Mabuti pinayagan kang umuwi mag-isa rito?.." tanong nya matapos mag-order.

"Si papa po ang kinausap ko kaya pinayagan nya ako.."

"Alam na nya kung ganun?.." nahihiya na naman akong tumango sa kanya.

"Ang mama mo, alam nya rin?.."

"Yes po Tito. Ang bunso lang po namin ang hindi nakakaalam.." paliwanag ko.

"At ang bunso nyo ay ang bestfriend ng anak ko, tama ba ako?." Awkward!

"Yes po tito.."

"Bakit di mo pa sinasabi?."

"Di ko po alam tito. Pakiramdam ko lang po na ayaw kong sabihin sakanya."

"Dahil ba sa takot, judgement o hiya?.." Sapul! Tama agad sa ego ko! Demnit!

"Siguro nga po tito. Alinman sa nasabi nyo.. baka isa doon ako o lahat yata ng nabanggit nyo ang ayaw ko. Ayaw ko pong husgahan nya ako o kamuhian o ang katakutan.."

"Sa madaling salita. Ayaw mo syang saktan?."

Iyon! Yun po ang punto ko!!

"Yes po tito.. alam ko po kasing mahal na mahal nya ang bestfriend nya. at ayaw nya po itong masaktan.."

"Pero mas mahal mo ang kanyang bestfriend?.." natinag ako. Bakit nya ginagawa to?. To comfort me?. Eh! Ang weird!!

Nahihiya man. Umamin ako. "Yes po tito. Mahal ko po si Joyce.." sa huling sinabi ko. Tumahimik sya. Di ko malaman na naman kung nag-iisip ba sya o wala lang. Nakakatakot ang katahimikan. Na ultimong ang tunog ng paghinga ay di ko marinig. Hudyat iyon na para bang dapat ka nang kabahan sa susunod na mangyayari.

"Let's eat.." nabawasan lang ang kaba ko nang dumating ang order namin at talaga nga namang napanganga ako. Punong puno ang plato ko ng pansit na may itlog, gulay at pritong taba ng baboy at giniling na karne ng kalabaw. Naglaway man ako sa pagtakam nito pero kalaunan. Di ko rin naubos dahil sa dami nito.

"Thank you.." pasasalamat ni tito sa kumuha ng bayad namin.

"Thank you din sir. Balik ka ha.. hehehe.."

"Oo naman. Basta libre na pagbalik ko?."

"Oo ba.. kayo pa sir.." sumaludo yung lalaki sa kanya. Tinapik sya ni tito sa balikat bago nagpaalam.

Ilang minuto lang ay nasa ospital na muli kami. Nadatnan kong gising na sya at nakikipagbiruan kay Rozen. "Oh. Hi there bro.. upo ka.." inalok pa sakin nito ang inupuan nya. Mahirap tanggihan kaya kinuha ko nalang at umupo sa tabing harapan nya.

Walang pag-alinlangan na akong bumati sa kanya. "Hi.." damn! Amoy sibuyas pa ata hininga ko dahilan para mapapikit sya.

"Bro, dun muna ako.." paalam bigla ni Rozen. Tinanguan ko lang sya saka ibinalik sa taong iwas ang paningin sakin.

"How are you?." kingina! Bakit iyon pa tinanong ko?.

Kinagat lang nya ang ibabang labi nya. Di nya ako sinagot. "Tinatawagan kita. Tinext. Chinat at pinadalhan ng email..gusto kong kausapin ka pero bigla ka nalang nawala.."

"You deserved that.." malamig nyang tugon. Tuloy, nanginig ang panga ko.

"But why baby?.." malumanay kong tugon. Pumikit tapos dumilat muli. Eksaktong sa mata na nya dumiretso. "Ipaliwanag mo naman sakin. Di ko kasi maintindihan e." malumanay pa rin akong nagsalita kahit ang totoo ay nanggigil na ang mga ngipin ko sa di maipaliwanag na dahilan.

"Alin ang di mo maintindihan Lance?." kuminang ang kanyang mga mata nang magsalubong ang paningin naming dalawa. May luha na roon matapos ang isang segundo lang na pagkurap ko. "You made love to me." May diin ito at muli. Napapikit ako. "You kissed me and promised everything tapos isang iglap.. nawala kana na parang bula.." nanggigil nya itong sinambit. "You promised me na di mo ako iiwan pero anong ginawa mo?. Iniwan mo ako sa panahong kailangan kita.."

"Di ko yun ginusto.." paliwanag ko. Nag-iwas sya ng tingin. Pumikit at nagpakawala ng mabigat na hininga.

"Hindi ginusto o dahilan mo lang iyon para takbuhan ako?.."

"No! No! Never pumasok sa utak kong takbuhan ka Joyce.." agap ko. Kung pwede ko lang ilatag lahat sa harapan nya ngayon ang lahat ng paliwanag ko ng isa isa. Gagawin ko . Kung bibigyan ka ng pahintulot Lance!! Kung!? Sana pagbigyan!

Lumapit ako sa kanya. Hahawakan ko sana ang kamay nya pero agad nya iyong inilayo sakin na para bang may nakakatakot akong sakit.

"But you... already... did.. Lance.." diniinan nya ang bawat salitang iyon. Pakiramdam ko. Kutsilyo iyon na dahan dahan nyang ibinaon sa bandang dibdib ko. Ang sakit marinig mula sa kanya na ganun nga ako sa paningin nya. Damn!

"Joyce.. please let me explain.."

"Ano pang ipapaliwanag mo ha?. Na umalis ka para magpakalayo layo?. Para takbuhan ang responsibilidad at maging malaya muli?. Well.. Sige.. Gawin mo nang lahat nang binanggit ko dahil wala ka nang responsibilidad sa akin."

"No please Joyce.. I will stay by your side.. starting today.."

"Lance, no! Pakinggan mo ako!. Tapos na tayo okay?. Tinapos mo ang tayo simula nang baliin mo ang pangakong itinatak mo na sa puso ko.. alam mo ba kung gaano kahirap umasa sa pangako mo ha?. sobrang hirap.. na nagmukha na akong tanga kakaisip kung dapat pa ba akong umasa.. o hinde na.."

"Oh damn! Joyce please.. don't say that.. please.." I begged!

"Dumoble pa ang sakit na naramdaman ko dito.." turo nya sa puso nya. "Nang mawala sakin ang anak ko.." humagulgol sya. I tried to hold her hand pero pilit pa rin nya akong iniiwasan. "It really breaks my heart knowing na naging pabaya akong ina sa kanya.."

"No.. you're not baby!.."

"Wala kang alam Lance!.."

Ang sakit!

"Oo na. Wala na akong alam. Wala na akong kwenta. Wala na akong pakinabang.. pero Joyce, wag naman ganito. wag mo naman hingin na layuan kita dahil hindi ko kaya." naluluha kong sambit.

"I need to think.. I need to find again myself Lance. Di ko pa kaya sa ngayon ang makita ka ng matagal sa harapan ko.."

That made me broke!!!

Próximo capítulo