Kinaumagahan. Padamba akong ginising nitong makulit na Bamblebie. "Kuya, gising na.. malelate na tayo oh.." she said softly pa sa tainga ko dahilan para ilayo ko sya ng bahagya sakin saka itinago ang mukha sa magulong kumot.
"I know.. leave now.."
"Ehehehe... why naman?.."
Bat nagtanong pa eh. Malamang para maghanda nang pumasok. Tsk. Naging slow na naman utak nito.
Inis ko syang tinignan. "Ano pa nga ba?. Diba malelate na tayo?.." I asked sarcastically.
Lumabi sya bago matagal na tumango. Nasa tabi ko kasi sya at lalong pinasikip ang aking higaan.
Ang aga. Nangugulo. Badtrip!
"Fine.. ang sungit.." bulong nya nang tumayo at lumabas nang di nagpapaalam.
Matapos nya naman umalis. Saka ako bumangon nang nakapikit. Inaantok pa talaga ako. Di ko na alam kung anong oras ako nakatulog kagabi kakaantay sa reply nya. Umasa akong mabilis nyang mababasa iyon subalit nagkamali ako nang tignan ko ang mensaheng pinadala ko kagabi. Hindi nya pa iyon nababasa at... NAWALA YUNG PROFILE PICTURE NYA SA IBABAW. Taka ko iyong tinitigan. Anong nangyari?. I asked myself out without blinking and thinking kung bakit ginawa nya ito. Nawala sa isip ko na, maaari... maaaring may galit na sya sa akin. Hindi ko sya masisi. Ako nga eh. Galit din sa sarili ko. At sa pamamagitan nang hindi tamang oras sa pagkain at tulog ay iyon ang parusa ko. Nakakatawa mang isipin pero iyon lang ang tanging magagawa ko ngayon.
I scrolled down on our last conversations pa noong panahong nasa Pinas pa ako. Mapait na ngiti ang kumawala sakin nang maalala ang araw na masaya kasama sya. I mean. Kasama ko pa naman sya dito sa PUSO ko pero matapos nga ang nangyari, hindi ko na alam kung ano pa ba ako sa kanya. Kung anong tingin nya pa sa akin. Kung yung dati pa ba o hinde na. Ang hirap mangapa sa wala.
"Bamblebie, let's go!.." sa dami nang iniisip ko. Hindi ko na namalayan pa ang ginagawa. Tapos na akong naligo at nagpalit nang makababa na ako. Tinawag ko lang nang minsan si Bamby tapos bumaba na sya.
"Are you okay?.." tanong pa nya nang nasa kalsada na kami. Tinignan ko lang sya sa gilid nang aking mata dahil tutok sa daan ang atensyon ko.
"Hmmm.."
"Bakit parang--..." huminto sya. Ramdam kong tumagilid sya upang makaharap ako ng todo. "--parang may problema ka?.. what is it?.." nag-aalala nitong tanong.
Napansin nya pa iyon?.
"Wala.." pagsisinungaling ko. Magtatanong pa sana sya nang tumunog ang cellphone nya.
Mabuti nalamg talaga.
"Hello.." anito na medyo humina ang boses sa dulo nang banggitin ang taong katawagan nya. It's Jaden at di nya na kailangan pang itago sakin dahil halata sa kilos nitong sya nga iyon. Kay Jaden lang naman nag-iiba timbre ng boses nya. Pag sakin, laging galit o naiinis. Tapos kay Jaden. Nahiya ang asukal sa kanyang pananalita.
Hindi ko masyadong maintindihan ang mga binubulong nya kasi nga bulong lang at hindi ko talaga iyon maiintindihan dahil mas malakas pa sa kabog ng dibdib ko ang sigaw nitong utak ko. Kanina nya pa isinisigaw ang pangalang Joyce! Nayyyy!! Malapit na nga yata akong mabaliw.
Hanggang sa dumating kami ng school. Wala akong gana. Lahat sa akin ay hindi gumagana.
Sa parking lot na ako naghintay kay Bamby. Sa tagal nyang lumabas. Naglakbay na naman ang utak ko. "Aissshhhhh! Lance, ano ba!?.." sinuntok ko pa ang steering wheel sa kabila ng kalituhan.
"Ito ba talaga ang gusto mo?. ang maging kumplikado sa inyo ang lahat?.."
Nagtanong ka pa eh. Kumplikado na nga! Tsk.. Nakakahilong iling ang nagawa ko sa pagkadismaya.
Ganun ang nangyari sa lumipas pang mga araw. Nakatitig lang ako sa profile pic nya kung babalik ba sa dati iyon o hinde na. Kung makakapunta pa ba ako sa timeline nya o HINDI NA. Sa pagkawala ng account nya. Hindi ko na masearch nitong nakaraang araw pa. Sigurado akong nagde-activate na sya.
I can't blame her! I really can't blame her! Damn! Kung alam ko lang na hahantong ang araw na ito. Nakagawa na sana ako ng paraan. Pero hinde e. Wala akong kapangyarihan para makita ang future. Tao lang ako at umaasa sa tadhanang darating at parating palang.
"Bro, how's you and ehem... Joyce?.." Ewan ko ba bakit naitanong ito bigla sakin ni kuya isang gabi. Kakatapos ng dinner namin at pareho kaming nasa upuang tabi ng isang kabinet na libro nina papa at Bamby. Ngayon ko masasabi. Kaya pala Papa's girl kasi same sila ng hilig. Nasa dulo ako ng kanang bahagi at sa kabila naman sya. Kung saan, as usual. Umiinom na naman ng paborito nyang inumin.
Di ba sya nagsasawa?.
May bumara nga sa lalamunan ko kahit hindi ko sadya. Sinubukan kong magsalita pero walang tinig ang aking boses. Awtomatiko itong nawala nang marinig ang pangalang binanggit nya.
"I don't know.." nauutal kong himig. Isa iyon sa totoo at ngayon ko lang aaminin na, parang hirap akong huminga sa pagkakataong ito.
"Bakit?.."
"I don't know.."
"May nangyari ba?.."
"Hindi ko alam!.." inis kong sagot sa kanya. Natigilan sya sa bahagyang pagtaas ng boses ko. Maging ako rin ay di namalayang tumaas iyon.
Namputcha! Anong nangyayari sa'yo Lance?. Mahuhuli ka eh..
Teka. May kaso ba ako?.
Nagtanong ka pa eh, tumakas ka na nga eh...tinakasan mo na sya... malamang.. guilty ka sa kinasangkutan mo..
Eto na naman ang matunog nyang pagngisi. Hindi sya nag-asar pero nakakaasar talaga kung paano nya ako ngisihan at ilingan ngayon. Para bang sa kilos nyang iyon ay may nakakatawa syang iniisip laban sakin.
Natatakot akong malaman kung anuman ang tumatakbo sa isip nya.
Face your fears nga daw Lance diba!?
Paano mo mabibigyan ng solusyon ang problema mo kung hindi mo haharapin ang kumplisyon?. Ang katotohanan at ang kamalian mo?. Be mature enough to fix things for your own peace. For your happiness. If, you still want to be happy... with her?.
Of course! No doubt. I want to be happy, with her, beside me. Sya lang ang makakapagpasaya sa akin ng sobra pa sa sobra.
Kung ganun. Why not doing anything to win her again?. To win her trust again huh?. Explain then that?.
"One of her brothers called me.." natigilan man ako hindi ko ito ipinahalata sa kanya. Wala man syang binanggit na pangalan duon sa magkapatid ay may ideya na ako kung sino. Kinutuban ako pero nagpanggap pa rin akong walang pakiramdam. Kingina! Ang hirap neto! Paano ba?!.
"Hindi mo ba tatanungin kung bakit?.." he said sa kabila nang katahimikan ko. Napabaling sya sa gawi ko at tinitigan ako ng todo. Ramdam ko iyon kahit diko sya tignan. "You look tensed huh?.." ngisi nya. Lalo akong kinabahan. Kingina! Ayoko na!!
"Alam mo ba ang nangyari sa kanya?.." Wala akong ideya sa kung sino ang tinutukoy nya pero bigla nalang pumasok sa isip ko ang pangalan nya.
Tahimik pa rin ako. Hindi sa wala akong masabi kundi kailangan kong manahimik dahil mukhang marami pa syang sasabihin at kailangan ko iyong intindihin lahat.
"She's.... pregnant..." bigla ay sabi nya.
Ano raw?. Di ko narinig!
Dumaan ang minuto. Duon ko lang naintindihan.
What!?. The! Heck!!
Hindi na ako nagulat pa pero pakiramdam ko, sasabog ang mukha at pandinig ko sa narinig!
She pregnant!
She's pregnant!
She's pregnant!
Nagpa-ulit ulit pa ito hanggang sa natanto ko ang sinabi nya.
Nakanganga akong bumaling sa kanya. Ang mukha nya ay walang emosyon. Salubong ang kilay at nakatitig lang sakin. "You did that to her?.." tapos biglang lumitaw ang nakakaloko nyang ngiti.
Kingina! Kinilabutan ako ng sobra!
DAMN IT!!
Takot ang nabuhay sa akin! Di ko alam kung anong gagawin o ang tamang sabihin.
"Ku---kuya.." I stuttered.
"What the f*ck!!.." malutong nitong mura matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. "What the f*cking hell Lance!.." malutong na malutong pa nitong mura nang tumayo at dinuro ako. "Anong ginawa mo!?.." sobrang diin nyang tanong. Galit at dismayado. "Anong ginawa mo!?.." mahina at nanghihinang bulong nya. Ginulo nito ang buhok saka namaywang. Tumingala bago namaywang muli at sa malayo na tumingin. Nakatalikod sa akin. Mabibigat ang kanyang hininga na para bang sya ang may mabigat na problema.
Nagmura pa sya hanggang sa sya narin ang nagsawa. Ilang segundo. Humarap sya uli sa gawi ko. "I'm so disappointed! .." masama nya akong tinignan bago inilingan nang nakapamaywang. Tumagal pa ang masama nitong tingin sakin bago tinalikuran.
Napamaang ako.
Yes! I am so disappointed! Ako rin sa sarili ko. Dismayado rin kuya!