Nagpatuloy ang ganung pakiramdam ko nang ilang linggo pa. Minsan nahihilo ako't walang ganang gumalaw o kumain.
"Anak, magpatingin ka na kaya sa doktor.. nag-aalala na ako sa'yo.." pumasok si daddy sa silid ko. Nakahiga ako patagilid. Nakaharap sa bintanang nakaaaang. Gusto ko ng hangin. Lalo kapag madaling araw at gabi. Malamig.
"I'm fine po dad.." halos ibulong ko na ito. Hindi na naman ako nakapasok ngayong araw dahil nahihilo talaga ako't laging dumuduwal.
"Love, can I have time for her.. may sasabihin lang ako.."
"Hindi ko ba pwedeng marinig?.." tumayo si daddy upang paunlakan syang makalapit sa gawi ko. Tumayo si tita sa harapan. Kung saan nahaharangan nya ang tinitignan ko sa labas.
Bumangon ako para makita ang ginagawa nila dahil biglang natahimik si daddy. Tiningala ko sya. Nakapamaywang syang nakatingin kay tita. Para bang gusto nyang magsalita pero pigil ito. "Fine.. pero love.." he hesitated.
Itinaas ni tita ang dalawa nyang kamay saka nagkibit balikat kay daddy. "It's not like what you are thinking.. love.." habol nya kay daddy.. Si daddy lumingon lang sya pabalik saka itinuro ang dalawa nyang mata bago kay tita. Tinawanan lang naman sya nito.
Hindi ko aakalain na ganun lang ang ginagawa nila ay nagkaintindihan na sila. It's like, matagal na ang pinagsamahan nilang dalawa.
Matapos isara ni daddy ang pintuan. Sakjn na sya bumaling. Noong una. Tumitig lang sya sakin. Namaywang pa tapos humalukipkip. Ang isang kamay ay nasa ibabang labi. Hinihimas iyon. Kumurap ako. Pakiramdam ko kasi parang kakainin nya ako the way she looks at me. But then. Nagkamali ako dahil humakbang sya palapit sa kama lol at umupo doon sa paanan ko. Napaayos tuloy ako ng upo.
"May boyfriend ka ba?.." she asked suddenly after a long span of silence. Kumabog ng dalawang beses ang dibdib ko. Kabog na di ko malaman kung para ba sa takot o masamang kaba.
Hindi ako sumagot. Hindi sa ayaw ko syang sagutin. Sadyang, hindi ko lang alam kung paano ko sya sasagutin. Kung paano ko aaminin sa kanya ang bagay na pinakatatago ko.
"Well.. you don't have to answer that.." nilingon ko sya sa arte nang pagkakasabi nya rito. Pinasadahan ko sya ng tingin at tuwid na tuwid ito kung umupo. Seryosong seryoso. Kung di ko lang sya kilala. Baka iisipin kong, malupit ito sa pagtaas palang ng kilay nya.
"What's that?.." umawang sa ere ang labi ko nang may bigla syang iabot sa akin. If I'm not mistaken. It's pregnancy test.
"Don't act like you don't know about this thing hija.." masungit nyang sabe. Itulak nya palapit iyon sakin kaya mas lalo ko iyong tinitigan. "Use it.."
"Bakit po?.." di na ako nag-isip nang itanong ko ito. Bakit nga ba ginagamit iyon Joyce?. Ha?. Hah?.
Kumurba ang labi nya. Ngumiti nang palihim. "I know what's on your mind.. ganyan din ako noon.."
I don't get what's she's saying.
Matagal namutawi ang katahimikan sa amin. Ako, nakatitig sa gside view nya. Sa panga nyang perpekto tapos sya naman, sa labas pa rin nakatingin. "Are you pregnant, aren't you?.."
Nagpa-ulit ulit pa muna iyon sa aking pandinig bago naproseso sa utak ko ang hinala nya.
Anong---?..
Pregnant?.
Eh?.
Talaga bang--?..
Di ko matapos tapos ang mga gustong sabihin dahil parang binuhusan ako ng malaking tipak nang yelo. Nauntog iyon sa ulo ko't bahagyang naalog.
"No.. you're pregnant.. I can sense it.." she continued. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung paano. Para kasing umurong at lumiit bigla ang dila ko dahilan para di ko maibuka nang maayos ang labi.
Tita.. sabi ng isip ko subalit hindi ko masambit sambit. Bakit ngayon lang pumasok sa isip ko ang bagay na yun?. Ano ka na ngayon Joyce?. Hah?. Ano nang plano mo?.
Kahit di ko pa gamitin ang kit. Alam ko at ramdam kong buntis nga ako.
"O dear.. why are you crying?.." she said. Noon ko lang naramdaman ang luha na kanina pa pala rumaragasa pababa. Nagbaba ako ng mukha at doon humagulgol.
Why are you crying Joyce?. Di ba sinabi mong, bahala na?. Na mahal mo sya?. Ano ka na ngayong nagkatotoo nga ang binalewala mo lang noon. Pinanindigan mo ang ginawa nyo noon. Dapat. Kailangan, panindigan mo rin ang bunga ngayon.
Tita hugged me nang humagulgol ako lalo. Hindi na nya pinilit saking gamitin yung kit basta ang sabi nya lang ay dapat na akong magpatingin sa doktor. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Sumama ako sa kanya nang alukin na nya ako papuntang clinic. Nagtaka pa si daddy dahil mugto ang mata kong lumabas. May ibinulong lang si tita sa kanya at wala na syang ginawang tanong pa.
Nang makarating na kami sa clinic. Na pagmamay-ari raw ng kaibigan nya ay agad nya akong inasikaso. She checked me at ang sabi nya. Isang buwan na raw akong buntis. Natulala na naman ako at naluha. Really?. Lance! Where are you now?.