webnovel

Chapter 8: Advice

I layed my back again on the bed habang hinihintay ang tawag ni Aron. Nakatingala ako sa ceiling at nag-iisip. Kanina pa ako hindi mapakali. Pakiramdam ko, may mali. May mangyayaring hindi maganda.

"Lance!.." tawag sakin ni kuya Mark, maya maya. Bumalikwas lang ako't di sya pinagbuksan.

Hindi naman nakalock yung pintuan kaya pwede syang pumasok kahit hindi ko gusto. "Tara bar tayo!.." bigla ay yaya nya nang makapasok sya. Hawak nya ang saradura at ang kalahati lamang ng katawan nya ang dumungaw mula sa labas. Sinulyapan ko lang sya sa gilid ng aking mata saka bumuntong hininga.

"Pass muna ako.." tamad kong sabi. Ramdam kong nakatayo lang sya sa may pintuan ng ilang minuto bago nagdesisyong lumapit sa gawi ko at tumayo sa mismong tabi ko. Nakapamaywang na.

"Mukha kang timang alam mo ba yun?.." he said.

Do what?!. Timang daw Lance?. Tsk! Bat yun pa sinabi nya sa dami nang pwedeng sabihin?.. Naku naman eh!

"Tinatamad akong lumabas kuya.." tamad ko lang na sagot. Ayokong kumpirmahin sa kanya na nababaliw na nga ako!

Matagal syang tumingin sakin. Pakiramdam ko, pinakiramdaman nya ako kung totoo bang ayaw kong lumabas o nagbibiro lamang ako. Sa totoo lang. Wala sa bokabularyo ko ngayon ang magbiro o kahit ang mang-asar. Naiinis pa nga ako dahil hindi ko magawa iyon ngayon kahit gustuhin ko pa.

"Tinatamad o ayaw mo talaga?.." tanong nya pa. Tinanguan ko lang sya. Tumango rin sya sakin. "Okay then.. maiiwan ka na muna rito.. I'll bring Bamblebie with me.." itinaas ko lang ang hinlalaki ko para sa kanya saka na sya nagpaalam at lumabas.

Ilang minuto lang ay tawag na rin ni Aron ang dumating. International call!

"Bro.." bati nya.

Hindi ako gumalaw. Pumikit lang ako't pinakinggan nang mabuti ang kanyang linya.

"Yeah.."

"Sobrang boring ba dyan para tamad kang sumagot?.. hahaha.."

"Tsk.. crazy.."

"Ako pa baliw?.. hahaha.." malakas nyang halakhak. Bumangon ako't umupo sa swivel chair kung saan kaharap nito ang laptop ko't speaker. Idinuyan ko ang upuan saka tinuko ko ang siko sa armrest habang nakikinig sa walang humpay nyang tawa.

Di ba sya nagsasawa?.

Sana ganun din ako kasaya. Sana ganun din ako tumawa. Hay!

"So.." bigla ay sya na rin ang huminto at nagseryoso. "What's your story?.. gusto kong marinig mula umpisa ha, hanggang sa ngayon.. hahaha.."

"Ah okay.. bye!.." biro ko na kinagat nya.

"Hoy! Kita mo to!.. Para nagbibiro lang eh.."

"Umayos ka kasi.. ikaw kaya nasa sitwasyon ko.." wala sa sarili kong sabi.

"Oh! Geh.. maayos na ako.. kwentuhan mo na ako.."

"Kailangan mo pa bang malaman?.."

"Malamang!. Ano pa't naging magkaibigan tayo ha?.."

Napabuntong hininga ako nang wala sa oras. Napapikit ako habang hinihilot ang sentido. Inumpisahan kong ikwento sa kanya ang lahat. Syempre, hindi yung kung paano nangyaring nabuntis sya. Alam na nya yun.

"Seryoso?.." di makapaniwala nyang sambit. Sinabi ko kasing wala na kaming komunikasyon ngayon, na di ko sya makontak. "Bakit di mo tawagan ulit?.."

"Paano nga?. Can't be reach number nya.."

"Her brothers?.. posibleng di ka nila sagutin.."

"Yun na nga e.. noong una, nakausap ko pa si Rozen.. but lately nung itanong ko na sa kanya si Joyce.. bigla na syang naglaho.. o baka tinaguan na ako.. I don't even know pare.."

"Si Ryle ba?. Di ba mas malalapitan iyon kesa kay Rozen?.."

"Matagal nang may alitan sina Joyce at Ryle dahil sa pamilya nila.."

"What?. Ang gulo naman.."

"Hmm... magulo nga.. magulong magulo.. naaawa na nga ako sa kanya e.."

"That's why, umabot kayo sa puntong yun?.." singhal nya. Di ko malaman kung biro nya ba yung sinabi nya o sadya nya talaga para matauhan ako.

As in! Ngayon lang ako natamaan sa ulo! Sapul na sapul!

Alam ko na ngang magulo ang buhay nya. Nangyari pa ang hindi pa sana dapat ngayon. Hindi pa sana, kung nag-isip lang ako ng tama ng mga oras na yun. SANA!

"Anong balak mo ngayon?.."

"Di ko nga alam e.. naghihintay lang ako sa reply nila.. Umaasa akong magrereply si Rozen.. kahit sya lang ang magbigay ng balita tungkol sa kanya.. ayos na sakin yun.."

Namagitan ang katahimikan sa aming pagitan.

"Di ko alam sasabihin ko sa'yo pare." anya kalaunan. "Mahirap nga ang sitwasyon mo.. mababaliw ka kung wala na kang ibang nakakausap.."

"Malapit na nga akong mabaliw e, kung di pa tumawag.."

"Tsk.. baliw.. bat di ikaw ang tumawag?.." humalakhak sya nang di ako sumagot. "O boy! I know.. your pride again hahaha.."

"Di sa ganun.. sadyang, di ko lang talaga alam ang gagawin.."

"Alam na ba ng pamilya mo?.."

"Si kuya lang.."

"Seryoso?!.."

"Hmm.. natatakot akong sabihin kila papa, baka mabugbog ako.. hahaha. "

"Baliw ka ngang talaga.."

"Totoo bro.. di ko na talaga alam ang nararapat na gawin.. nanghihina ako sa tuwing naiisip kong umamin kila papa tapos di nila matanggap.. natatakot akong madismaya sila.."

"Paano mo bibigyan nang solusyon ang problema mo kung pilit mo itong tinatakasan?.. pare, mas mahirap kung sa huli nalang nila malaman.. baka mas madismaya mo sila ng higit pa sa inaakala mo.." napaisip ako. May punto sya. Paano nga kung ganun?. E di mas mahirap! Isip isip Lance! "Wag mong hayaan na lamunin ka ng takot.. walang bagay na madali.. Kung gusto mong maging malaya ang nasa isip mo.. tell it to anyone.. to someone na maaaring makatulong sa'yo, o sa taong alam mong matutulungan ka.. wag mong solohin ang lahat Lance.." muli na naman akong napipi. "Ang payo ko lang sa'yo.. hindi ito madali at mas lalong mahirap pa pero paniguradong magiging okay ka.."

"What?.." bulong ko.

"Seek help to your family.. sabihin mo sa kanila ang problema mo, nang sa ganun, matulungan ka rin nila.."

"Paano?.." parang tanga kong himig.

"Aminin mo ang mali mo.. tanggapin mo at tatanggapin ka rin nila.."

"Paano ka naman nakakasiguro?.."

"Hindi ako sigurado pero naniniwala ako.. trust me bro.. mabait si Tito.. maiintindihan ka nun.."

"Paano si mama?.."

"Aisshhh!.. ang bakla mo talaga.."

"Ano?!.."

"Ahahahaha.. biro lang.." halakhak nito. "Pero seryoso na.. kausapin mo sila bro, explain to them from the very beginning until the end.. para maintindihan ka nila.."

"Oo na.."

"Talaga?.."

"E di wag nalang.."

"Bakla ka talaga! Bakla!.."

"Tsk.. Ewan sa'yo.."

Di lang isang oras kami nag-usap ni Aron. Umabot na nga akong madaling araw nang natulog. Salitan kami sa pagtawag dahil mauubos raw pera nya pag nagkataong sya lang ang tumatawag. Pagkatapos rin naman nyang ibaba ang linya nya't nagpaalam. Gumaan din ang pakiramdam ko't nakakapag-isip ng maayos.

Tama nga sya. Walang madaling solusyon sa problemang kumplikado kundi suungin ito. Dapat raw maging lalaki ako. Taong kayang sumuong sa kahit na anong klaseng laban.

Sige! Susuong ako. Kahit ano na ang mangyari!

Próximo capítulo