webnovel

Chapter 83: Inner peace

The other week. Umuwi sina kuya nang bahay. Ang sabi magpapahinga lang raw muna sila. Kakatapos ng intership nila at sa makalawa ay ang exam na nila. Pinili nilang umuwi dahil namimiss na raw nila ang bahay. Ako rin naman sa kanila.

"Where's Denise?.." hinanap sya ni kuya Ryle. Kumpleto kami sa sala at sya lamang ang wala. Nakaupo ako sa mismong sofa at sa kandungan ko naman nakahiga si kuya Rozen habang ang mata ay nasa tv na puro balita ang laman. Si mama ay nasa single sofa habang si papa naman ay nakaupo sa sahig. Kalaro si Ali. Nagpapatayo ng lego. Si kuya Ryle naman ay nakatayo sa kaliwang gilid ko. Umiinom ng mainit na kape. Saka nya hinanap ang taong wala.

"Wala pa sya.." si mama ito.

"Saan pumunta ma?.." he asked back.

"Sa mall raw.."

"Anong oras sya umalis?.."

"Kaninang mga 9 am pa.." duon lamang nag-angat ng tingin si papa kay mama.

"Kaninang umaga pa iyon ma?. hindi sya nagpaalam sakin.." si papa. Tumayo sya't pinagpag ang suot na short. "Sa barkada na naman iyon nagtungo panigurado.." dismayado nyang sabi. Umiiling pa.

"Tawagan mo nga Ryle.." utos nya agad kay kuya.

Kinuha naman agad ni kuya ang phone nya saka nagdial. Nilagay nya ito sa tainga nya. Ilang minuto ang lumipas ay wala syang natanggap na tugon mula sa kabilang linya. "Her phone is dead Pa.." nawawalan nang pag-asa nyang sabi.

Nagkamot ng ulo si papa. "Ako na. Ma, your phone.." hanap nya kay mama. Tumayo si mama saka kinuha iyon sa may silid nila. Nagpipindot na si mama nang iabot nya iyon sa kanya.

Namaywang si papa habang hinihintay ang pagsagot ni Denise sa kabilang linya. Ngunit gaya ng kanina. Can't be reach.

"Ireport na kaya natin to sa pulis ma.." he asked kay mama na hanggang ngayon ay sinusubukan pa ring tawagin si Denise.

"Let's wait.. wala pang bente kwatro oras.." kunot na ang kanyang noo.

At hanggang sa naubusan na rin si mama nang pag-asang sasagutin pa nya ito. Muli syang umupo nang tumayo si kuya Rozen sa kandungan ko at pinakalma sya. "Relax lang kayo okay.. uuwi rin yun.." he said positively. Na para bang mamaya ay uuwi na sya.

Ngunit base sa lumipas na linggo. Late na kung umuuwi si Denise. Kung di lasing. May kasama pang lalaki. Di ko alam kung may ideya na ba sina kuya about what she's been doing lately or not. I wanted to tell it to them pero baka masamain nya na naman ako't tuluyang magalit sa akin, kahit para naman sa ikabubuti nya ang ginagawa ko, namin nina kuya.

Naghintay kami. Dumaan ang alas otso. Kumain kami ng hapunan. Bumalik muli sa sala. Nanood at nagkwentuhan hanggang hating gabi ngunit wala pang Denise na dumating.

Nakatulog na si Ali sa kandungan ni mama. Pinaakyat na rin nila ako sa aking silid para matulog na. Sila na raw ang bahalang maghintay sa kanya. Kuya's and papa. Hindi ako dinalaw agad ng antok pagkahiga ko. Mabilis naglakbay ang isip ko sa kabilang dako ng mundo.

Balita ko kasi nakauwi na sila. Kasama ng kanyang buong pamilya. Ang akala ko pa nga. Susugod sya sakin pagkalapag ng eroplano. But damn Joyce! Iispell mo nga ang, ASA KA GURL!!

You did that and yet di mo pala mapanindigan ang hiwalayan sya?. Seryoso ka ba?. O nababaliw na talaga!?.

Last time I checked. He messaged me and said that, we'll talk when he's back. He never accepted the fact that I'm quitting. That we were done. I already told him that I need some space to breathe. But he just asked me to wait for him like he's my oxygen tank.

Ito ang dahilan kung bakit hindi na naging normal ang tulog ko simula nang gabing iyon. Binubulabog ako lagi ng pag-iisip. Kung anong mangyayari sa muli naming pagkikita?. Kung anong gagawin nya?. At kung anu-anong mga sasabihin nya. Kinakabahan ako. Natatakot sa araw na iyon.

Kinaumagahan.

Nadatnan kong maingay sa sala. May umiiyak at nagsisigawan. Agad kong kinarga si Ali sa braso ko kahit mabigat ito. Pareho kaming nasa hagdanan. Nabulabog sa pagtulog.

"Bakit nyo tinago ang totoo sakin ma?. Sinong mga magulang ko?.." umiiyak na angil ni Denise. Nakauwi na sya.

Humakbang ako pababa ngunit huminto rin kalaunan nang marinig ang sagot ni mama. "They abandoned you Denise.. di ko sila kilala.." mama cried too.

Natutop ko ang labi. What's happening?. Ano itong nangyayari?. Laro ba ito?. Nasa pelikula ba kami?. Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?. Noon, ako ang naghanap ng pamilya. Ngayon naman, ay si Denise?. Kailan ba magiging tahimik buhay namin?.

No one dare to speak matapos ang huling salita ni mama. "I want to know them ma please.." sumamo ni Denise.

Bumaba muli ako ng dalawang hakbang hanggang sa namataan ko si kuya Rozen sa may bungad ng hagdanan. Tiningala nya akong may luha sa kanyang mga mata. Mapula ang kanyang ilong at ang tainga. Tanda na he's frustrated and stress. Agad namutawi sa akin ang kaba.

"Kuya, what's happening?.." I asked without blinking.

Naging isa ang kanyang labi saka sya umiling, yumuko at humakbang paakyat sa amin ni Ali. "Nothing.. doon na muna tayo.." he said while getting our little brother to my arms. He looked away when our eyes met once. Sinubukan nya pang itago ang pagsinghot nya subalit dinig ko iyon sa kanyang likuran nang sundan ko sila papasok ng kanyang silid.

Napapaisip tuloy ako kung ano ang totoong nangyari. Gustuhin ko mang magtanong ngayon ay sigurado akong di nila iyon sasagutin. Lalo na kung tungkol sa amin ni Denise. Pumasok kami ng silid nila na parehong tahimik. Si Ali lang ang maingay na naglalaro ng video games nila ni kuya Ryle.

Mabuti na rin siguro ang manahimik na muna sa ngayon. Sooner or later, malalaman ko rin ang tumatakbo sa isip nila tungkol sa amin.

Sa ngayon. Ang tanging hiling ko lamang ay katahimikan para sa lahat. Lalo na kay Denise. Inner peace for herself.

Sorry for not updating this past few days. I've been busy lately. ✌️ Keep safe y'all!!

Chixemocreators' thoughts
Próximo capítulo