Binalewala ko ang ilang mga mensahe nya hanggang sa dumating ang weekend. Mabilis lang dumaan ang araw sa school. Wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kundi dorm at school.
Inaaya ako nila kuya na umuwi nang Sta Ana kung saan kami galing. Ilang oras ang byahe mula rito sa tuguegarao subalit umayaw ako. Marami akong ginagawa. Sa tingin ko pa nga ay kulang ang dalawang araw na walang pasok sa dami nun.
"Joyce, may bisita ka sa baba.." kakapasok pa lamang ng kadorm mate ko nang sabihin na nya ito. Napaayos ako ng upo sa harap ng mga kalat kong notebook. Saka ko inikot ang upuan upang matignan sya.
"Sino raw?.." sumandal ako sa umiikot at malambot na upuan. Dala ng kapaguran.
"Di ko kilala eh.. pero gwapo.. " kibit balikat nya't biglang tumili sa huling salitang inihabol. Tumalon pa ng bahagya. Hinawakan ang dalawang pisngi. Namumula.
Di ko na kailangan pang tanungin kung anong pangalan dahil kanina ko pa kinacancel mga tawag nila. Sina kuya.
"At dalawa pa!. gurl.." tili pa nya. Nilapitan ako't niyugyog sa balikat. "Pakilala mo naman.."
Natawa ako't nahilo rin. "Sige.. soon.." sabe ko nalang para tumigil na sya kakayugyog sakin. Nahihilo na ako!
Niligpit ko muna ang mga notes ko sa mesa. Isinilid sa bag lahat. Saka inipit ang buhok. Kinuha yung sumbrero sa tabi ng nakasabit na picture frame namin ni mommy at sinuot. Hinila ko rin ang sapatos sa ilalim ng mesa saka dali daling isinuot. "Alis na muna ako.." paalam ko.
Nakangiti syang tumango sakin. "Gurl, ha.." pag-papaalala nito sa gusto. Nginitian ko nalang sya. Muling inayos ang short na suot at itim na suot bago tuluyang bumaba.
Ngunit sa aking pagbaba. Hindi ang mga taong inaasahan ko ang nakatayo sa tabi ng gwardiya. He's tall, dark and handsome. Suot ang shirts din. At puting t-shirt. Simple lamang iyon subalit napapalingon pa rin sa kanya ang mga babaeng dumaraan sa gawi nila.
Maya maya. Biglang sumulpot si Carl sa harapan nya dahilan para matanaw nya ako. Huli na ng maisipan kong magtago. "Hi.." kaway sakin ni Carl habang tinatapik sa balikat si Zeki.
Tapos ng ginawa nya sa kaibigan. Pumihit na rin si Zeki paharap sa akin. "Hey!.." yan ang madalas na bati nya sa akin tuwing umaga na di ko rin magawang gantihan ng magandang bati dahil sa matatalim na mga mata ng mga babaeng kaklase namin.
Hinawakan ko ang tuktok ng sumbrero sa pagkakamali. Ang akala ko kasi sina kuya! Susmi! Balik nalang kaya ako sa taas tutal di pa naman sila nakakapasok.
"Hey! hey!.." halos sabay na tawag nila sakin ng tatalikuran ko na sana sila. Dahil sa awa ko. Wala naman silang ginagawang masama sakin kaya dapat maging mabait rin ako sa kanila. Sila na nga lang kumakausap sakin sa school eh. Dededmahin ko pa. Wag ganun Joyce!
.
Napahakbang na pala sila ng isa papasok ng building subalit mabilis na humarang sa kanila ang gwardiya.
"Sir, ako na po bahala.." Sabi ko nang makalapit sa kanila.
"Anong kailangan nyo?.." direkta kong tanong. Agad napaayos ng tayo so Zeki kahit hahagod pa sana ng buhok. Kinagat ko ang ibabang labi sa pagiging padalos dalos ng salita.
"Ah.. imbitahan ka sana naming lumabas.. kung gusto mo lang naman.." si Carl ang nagsalita para sa kaibigan. Kamot na ni Zeki ang ulo kahit hindi naman yata makati.
"Saan naman?. marami akong ginagawa eh.."
"Dyan lang sa sm.. o sa may Cathedral.." si Carl pa rin.
Nagdadalawang isip ako. Di ko pa sila gaanong kilala. Bakit naman ako papayag?.
"Saka nalang pwede?. marami kasi akong hinahabol na aralin.."
"Kung gusto mo rin. tulungan ka raw ni Zek.. diba bro?.." hinawakan sa balikat ang kaibigan at pumisil pa doon. Nakamaang naman ang isa sa kanya.
"Bruh, ready?.." sasagot na sana ako sa kanila nang biglang umalingawngaw ang himig ni kuya Ryle sa di kalayuan. Ready na itong gumala gaya ng gusto nyang gawin.
Nakamot ko ang sariling ulo sa di alam ang gagawin. Natagalan ang titig ko sa kanya. Sumusunod sa bawat paghakbang nya palapit sa amin.
"Nasa sasakyan na si Roz, bawal tumanggi ha.." huminto sya sa tabi ni Zeki. Di man lang nya ito tinapunan ng tingin o bumati man lang. Hay naku! Boys will be boys!!
"Uuwi talaga tayong Sta Ana?.." di makapaniwalang tanong ko.
"Sana pero nagbago isip ng kuya mo.. road trip nalang daw muna dito.."
Lumingon ako kila Zeki at Carl na naghihintay ng aking desisyon. "Kuya, sina Carl at Zeki nga pala.. kaklase ko.." pakilala ko sa kanila. Duon nya lamang sila tinignan. Ang bastos talaga nya! Sarap batukan o kurutin sa tagiliran.
"Carl, Zeki.. kuya Ryle ko.." turo ko sa kanya. Humakbang si kuya sa tabi ko't inakbayan ako.
"I'm glad to meet you boys.." tango nya sa dalawa. Di nakipagkamay man lang.
"It's nice to meet you po.."
"Nice meeting you po kuya.." sabay nilang sabe.
Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga naglalakad lang sa hallway ang ingay.
"Ah Zeki, saka nalang siguro yung alok mo, sama na muna ako sa kanila.." agad tumango ang dalawa sa akin. Hindi na nag-isip pa.
Mabilis akong hinila palayo sa harapan ng dalawa. Wala pa mang sinasabi na pagsang-ayon ay hayun na ako't pinasakay sa sasakyang nakaandar na.
"May gusto ba ang mga yun sa'yo?.." diretsong tanong ni kuya Ryle after naming makasakay. Palabas na kaming school ngayon.
"Wala.." totoo naman eh. Wala!. Ako?. Psh!. Imposible!.
"Di nya ako sinagot. Imbes, tinitigan lang ako. "What?.." tanong ko. Nakakailang sya kung paano tumingin. Para bang binabasa ang laman nang aking isip.
"Kamusta na nga pala kayo ni Lance?.." bigla ay naging tanong nya ito. Di ko alam bat basta nalang nyang naisip ang taong nasa kabilang dako na ng mundo.
Natameme ako't walang mahanap na salita para isagot sa kanya. Anong sasabihin ko?. Wala na kami?. Niloko nya ako kuya?. Manloloko sya!. Sa dami ng nasa isipan ko. Isang ngiti lamang ang naisagot ko sa kanya.
"Ano yan?.." tukoy nito sa suot kong ngiti.
Napapalingon na rin samin si kuya Rozen na syang magmamaneho ngayon.
"Wag mong sabihin na, hiniwalayan mo sya?.." sumbat nito sakin.
Di ko pa rin inalis ang ngiti saking labi. Ito lamang ang natatanging paraan para itago ang katotohanan.
"Roz.." tawag nya sa isa nang di tinatanggal ang mata sakin.
"Ryle.. yaan mona yan.. malaki na sya't alam na ang tama para sa kanya.." sa sinabing iyon ni kuya dito. Di na rin sya ulit nangulit pa. Ngunit hayun pa rin ang mata nyang di maalis sakin. Parang may gusto itong sabihin subalit nagdadalawang isip na sya't sinasarili na lamang.