webnovel

Chapter 52: Bamby

Dumating ako sa kanilang malaking malaking bahay na tahimik pa rin. Hindi ako makapagsalita dahil sa hiya, takot at kaba. Nahihiya pa talaga ako dahil nasaktan ko nga ang unica hija nila. Mas takot pa ako sa bagay na dito muna ako titira pansamantala sa kanila. Damn! Paano ko pakikitunguhan si Lance?. Ni hindi ko nga sya magawang sulyapan man lang ngayon. Kinakabahan ako dahil sa di ko maipaliwanag na dahilan. May salita akong naiisip para doon subalit di ko masambit sambit sa ingay ng puso ko.

"Pasok na.." malamig na tinig nya ang bumuhay sa naglalakbay kong isip. Ngayon ko palang natanto na kanina pa pala kami sa kanilang garahe. At, nang lumingon ako sa gawi ni Bamby. Wala na sya doon. Naku naman gurl! Bakit mo ako iniwan sa suplado mong kapatid?.

Pumikit ako. Kailangan ko iyon para kumalma ang naghuhumirinda kong puso. Heto kasi sya sa may pintuan ng sasakyan nya. Hawak iyon at nakatunghay pa sakin. Damn!! Paano ako lalabas ngayon?. Nakakamatay ang mata nya.

Bumuntong hininga ako bago tuluyang sundin ang sinabi nya. Bahagya pang nauntog ang ulo ko sa itaas. Mabuti nalang at hinarang nya agad ang kamay nya duon saka inalalayan pa akong bumaba. Gosh!. Kuya, ayoko na!

Doon bumungad sakin ang pamilya nya. SI tita na malaki na ang ngiti sakin habang kaharap si Bamby na ganun rin ang nakalagay sa labi. Mga walang iniisip na mali sa akin. O sa amin. Ako lang tong may malisya.

Binati ko sya at hayun na ang nakahandang mga braso nya para yakapin ako. Humakbang ako at yumakap din sa kanya. Bagay na hindi ko naibigay ngayon kay mommy. Naguilty ako bigla. Inalok nila akong pumasok at pinakain. Ang sabi ni tita. Dito na muna ako habang di pa sila nakakaalis. Oo, weeks from now, tutungo na silang Australia. Iyon ang binalita sakin nina Winly at Karen. At ang sabi ni Bamby kanina sa may canteen.

"Dito ka na muna sa guest room hija. Wala namang gumagamit nyan.." turo sakin ni tita after naming maghapunan. Tumango ako at nagpasalamat ng paulit ulit. Di pa pala ako nakakahingi ng tawad about those issues pero ang sabi naman nya, okay na sya sakin. Wala syang galit o kahit na ano sakin dahil alam nyang may mabigat akong dahilan. Walang hanggang pasasalamat na naman ang ginawa ko.

Nang pumasok ako sa guest room na tinutukoy. Napamaang ako. Kalahati nito ang kwarto ko sa bahay. Iba talaga kapag mayaman. Tsk. Umiiling ako't napapamangha sa ganda nito. Pink ang walling nito at blue naman ang iba't ibang hugis nito. Di ko alam kung sinong may ideya nito pero mukhang may hula na ako. It's Bamby. Hilig kasi nito ang magguhit ng kung anu-ano.

"Joyce.." kumatok itong si Bamby ng ako'y paupo sa malaki nitong kama. Napaayos ako ng tayo saka sya pinagbuksan. "Namiss kita.." yakap nya sakin bigla. Nakapalit na ito ng pambahay na damit. Maikling shorts at maluwag at mahabang damit. Kung titignan ay parang wala syang suot na salawal sa haba ng t-shirt nya.

"Miss na din kita. Sorry talaga.." Hindi paawat ang paghingi ko ng tawad sa kanya, maging sa pamilya nya.

"Ano ka ba?. Kanina pa yang sorry mo ha.. Di ka pa ba nakakamove on?.." kaunting halakhak nito.

Nagkibit ako ng balikat. Sino ba naman ang makakamove on pag ganun?. Kinakain ako ng konsensya at hanggat alam kong andito pa sya o kahit nasa ibang bansa na. Uulit ulitin ko pa rin iyon. Tsaka, hindi ako magsasawang sabihin iyon dahil alam kong wala syang kasalanan. Inosente sya at nadamay lamang ito sa kabaliwan ni Denise.

"Bakit di mo agad sinabi na si Denise ang sumisira sakin?.." tanong nya ng pinapasok ko sya. Naupo sya sa kama. Fresh na fresh subalit ako, heto pa rin at nakauniform pa.

"Tinakot ka ba nya?.." she continued.

"Parang ganun.." maikli kong sagot. Ganun naman talaga. Nga lang di ko masabi ang totoong dahilan. Mabuking ako o kami.

"How about yung mga pasa mo? Sya rin ba gumawa nun?.." dahan dahan ko syang tinanguan. Kinagat nito ang pinong labi saka naaawang tumitig sakin.

Natahimik sya bigla. Mukhang nag-iisip ng sasabihin. Kinakabahan na ako.

"Alam mo bang, inisip ko na ginawa mo ang lahat ng iyon sakin ng walang dahilan?." tumango na naman ako. Nag-uumpisa ng magpawis ang mga palad ko. Ngayon iwas ang mata sa kanya. "Nagalit ako sa'yo at nagtampo ng sobra, alam mo ba yun?.." tumango muli ako. Sino ba kasing hindi magagalit at magtatampo kapag siniraan ka ng kaibigan mo?. Lalo pa ng bestfriend mo?.

"Paulit ulit akong naghahanap ng magandang dahilan mo para gawin iyon sakin subalit wala akong maisip. Sinakop ako ng galit at inis sa'yo.."

"I understand..." Ramdam ko naman ang hugot nya. Di ko sya masisi.

"Kailangan ko pang sabihin lahat kay mama para lang maintindihan ka.." malungkot nyang sabe. Naiintindihan ko naman ang punto nya. Di madaling hulaan ang bagay na hindi mo maintindihan. Mababaliw ka talaga.

"Ngayoy ko lang natanto na, tama pala si mama. Marami kang problema at iyon ang hindi ko agad nahulaan.." parang natunaw ang puso ko sa huling sinabi nya. "Hinusgahan kita agad ng di nalalaman ang totoo mula sa'yo. Nagkamali ako at natuto rin naman.. nalaman ko rin na, hindi natin dapat bigyan ng masamang ideya ang pangyayaring hindi maganda. Oo, hindi nga iyon maganda o sabihin na nating masama pero kalaunan, maiintindihan mo rin na may mga dahilan pala iyon.."

"Sorry rin kung hindi kita nasamahan sa madilim mong mundo noon. Hehe.. alam mo, galit galitan kuno ako. hahahaha.." pareho kaming natawa. "Pero ngayon, can you promise me na, di mo na uulitin iyon?.." nahabag na naman ako. Damn! Hindi naman na talaga!. Ayoko ng ganun eh!

Tumatango akong nanlalabo na ang mata. Mabilis tumulo iyon kasabay ng mabilis nyang hakbang para yakapin ako.

"Mahal kita bestfriend.." bulong nya na lalong nagpatubig sa mata ko.

Damn! Pasasalamat na naman ang tangi kong naisagot sa mga magaganda nyang sinabi. Nakakataba ng puso. And it feels so good.

Próximo capítulo