Hindi sya nagpaalam ng lumabas na ng silid. Ang akala ko pa nga, sasakit tainga ko sa padabog na pagsarado nya sa pintuan pero hindi iyon nangyari. Imbes maingat nya itong pinihit sa paraang walang pwedeng makaalam na nanggaling sya sa guest room.
Pag-alis nya. Doon ko lang din nalaman na hindi pala ako nalilito sa kanya. Nalilito ako mismo sa sarili ko. Sa dami kasi ng iniisip ko. Muntik ko nang makalimutan ang huminga at mamuhay ng normal. Si Lance na lang ang nagbibigay ng iba't ibang kulay sa buhay ko. Kung pakakawalan ko pa sya gaya ng dinidikta ng isip ko, malulunod talaga ako kakaisip sa lahat. Pero kung paiiralin ko ang aking puso pagdating sa pagdedesisyon ko sa aming dalawa. Panigurado akong, kikinang ang lahat ng makikita ko sa paligid. Bawat sulok pa siguro, magiging ginto dahil sa tuwa at saya.
Ano ba ang nararapat kong gawin?. Ang pakawalan ba sya o ang pakinggan ang sinisigaw nitong aking damdamin?.
Hindi ko na alam ang gagawin lalo na ngayong malapit na silang umalis. Pakiramdam ko, may nakaharang lagi sa lalamunan ko sa tuwing lumulunok ako. May parte sakin na ayaw syang paalisin pero gaya na naman ng sabi nya. See?. Nakadepende na yata ako sa kanya. Ang sabi nya. Ayaw nyang iwan ako pero kailangan, para sa amin. Susmi! Baby ko!
Ang totoo. Ayoko talaga syang umalis. Di ko iyon masabi verbally dahil baka gawin nya at iyon ang isa sa iniiwasan kong mangyari. Anu't anuman, he should prioritize his family first before me. Before anything else. Damn! He's so lucky that his family is still complete That's rare today. Ayokong mangyari ang nangyari na sa amin.
Ayoko ring maging selfish. Gusto ko rin ng gusto nya at kung ang pag-alis nila ang paraan para maabot nya ang mga pangarap sa buhay. Hahayaan ko sya. Ayoko syang itali na kung pwede lang angkinin na. Hindi dapat ganun. Hindi pagmamahal ang tawag doon, kundi makasarili. Paano mong nasabi na mahal mo ang isang tao gayong di mo naman sya masuportahan sa kung anong gusto nyang gawin?. For once. Let him do what you think it can make him better. Bigyan mo sya ng oras para maging mabuti rin sya para sa sarili nya. Di porket kayo na ay didiktahan mo na sya. No! Hindi iyon maganda. Oo mahal mo sya. Mahal nyo ang isa't isa. Pero tama bang hindi mo ibigay ang bagay na maaaring makatulong sa kanya?. Sa inyong dalawa in the future?.
Kaya kahit paulit-ulit nyang sabihin sakin na pigilan ko sya sa pag-alis nya. No!. Still a no! Kung di nya iyon maintindihan. I know. Time, will let him understand that.
"Hey..." tinig ito ni kuya Ryle. Tinawagan ko sya gaya ng bilin ni Lance bago lumabas kanina.
"Ahm.. kuya.." panimula ko. Tahimik ang kanyang linya. Asan kaya sya?.
"Yes?. Balita ko, binahay ka na ni Lance ha?.." napigil ang pagbuga ko ng hininga ng marinig ang sinabi nya. Seryoso?. Iyon talaga yung term na ginamit nya?. Binahay? Susmi!! Lance naman eh!
"Let me explain kuya.." kabado kong sabi na kahit di na yata ako mag-explain sa kanya ay naiintindihan na nya ako dahil naipaliwanag na ni Lance iyon. Sana lang ganun.
Dinig kong mahina syang tumawa. "Go. explain then.." doon na nya di napigilan pa ang pagtawa. I wonder why?. Ano bang nakakatawa?. Weird ha!
Bumuntong hininga muna ako bago nagpasyang ipaliwanag ang lahat sa kanya.
"Bamby and I are okay now.." simula ko.
"Hmm..." tunog pang-aasar ang himig nya. May alam to eh. Ano na naman kayang sinabi ni Lance sa kanya?. Susmi naman!!
"And I told her everything.." pagtatapos ko agad. Alam na rin siguro nya lahat ng nangyari sakin. Tsimoso din to eh!
"You told her everything?. Like everything?.." nakamot ko ang gilid ng kilay sa everything na yun. Paano ko ba kasi Ito ipapaliwanag. Lance where the hell are you?. Ikaw dapat magpaliwanag dito not me!
Saka ko lang natanto ang ibig nyang sabihin ulit duon sa everything na yan. "No!. hindi.." tanggi ko ng matindi about me and Lance.
Paano naman ako aamin sa kapatid ng lalaking mahal ko?. Kay Lance na nga lang kabado na ako. Kay Bamby pa kaya?.
Humalakhak sya. "Oh!. You told earlier na sinabi mo na lahat?. Di pa pala eh.. hahahaha.."
Natahimik ako. Bat di kasi specific yung sinabi mo gurl?.. Grrr!
"Tsk.." iling ko.
Patuloy pa rin sya sa pagtawa hanggang sa nagsawa na rin. "Balik tayo sa main topic. Anong ginagawa mo dyan kung ganun?.. May bahay tayo bruh.. Sinong nag-alok sayong tumira dyan?. At, sa bahay pa ng jowa ha?.. Hmmm?.." nang-aasar talaga sya.
"Sabi ko naman sayo. Hear me first please.." buntong hininga ko. Tumawa sya.
"First, nagkaayos kami ni Bamby. Sinabi ko ang dahilan kung bakit ako umiiwas sa kanya ay dahil kila mommy at daddy. Di ko alam. Bigla nya akong inalok na dito na muna sa bahay nila.."
"Pumayag ka naman?.."
"No!. Yes!. No!!.."
"Ahahahaha!.. what!?.." hagalpak nya. Naku naman talaga oo!. Ang gulo mo talaga gurl!!
"I mean. Ayoko naman talaga but Bamby convinced me so hard at wala akong ibang choice kundi bumawi sa kanya.."
"Weh?. Iyon ba talaga o may iba pa?. hahahaha.."
"Psh!! whatever bruh!!.." umikot ang mata ko sa pang-aalaska nya.
"Wiw!! whatever too little bruh!.. bwahahahahaha..." muli syang humagalpak. "By the way. tumawag ako sa'yo para sabihing pinaalam ka na pala ni lover boy kay mommy at mama.. so don't bother na.."
"What?. paano?.." gulat na gulat talaga ako.
"Well, paano nga ba?.." balik tanong nito. Ang sarap nyang batukan!
Sa asar ko. Pinatay ko ang tawag nya. Ang sarap kausap eh. Maya maya tumawag din naman agad.
"Ahahahaha.. annoyed?. Don't be little bruh.. baka mabawasan ganda mo dyan. di ka na magustuhan ng prinsipe mo.. hahaha.."
"Whatever duh!!.. I'll hang up na. Bye!.."
"Hoy!!.." sigaw nya pa ngunit binaba ko na ang tawag nya. Saka inoff ang phone ko bago nagtungo ng banyo para makaligo.
Pagkalabas ko. Tinext ko na rin si mommy para pormal na magpaalam. Ganun din kay mama. Ang sabi nila. They already knew. Tinanong ko kung sinong nagsabi. It's him daw!. So fetch! Talaga ba?.
Di ako makatulog kakaisip sa kanya. Andito ako sa bahay nila. Ilang dingding lang ang pagitan namin. Susmi! Sa kilig ko ay nagtago ako sa malambot at mabangong unan na katabi ko. Bukas ulit. Makakasabay ko syang kumain at damn! Pati pala pagpasok sa school!. Owishi!