"Anong nangyari?.." bumungad sakin ang gwapo at mabango nyang mukha nang ako ay naupo sa may kubo. Nasa baba sya at nakatingala sakin. Hinawakan ang magkabilang gilid ko. Kinukulong ako.
"Saan?.." nalito ako. Bigla nalang kasi syang magtatanong kung anong nangyari. Malay ko ba?. Wala akong ideya sa sinasabi o tinutukoy nya.
Tsaka nitong mga nakaraang araw. Hindi talaga ako makapag-isip ng tama. Galit ako sa sarili ko dahil sa pagpanig sa mali. Alam ko na ngang hindi tama ang plano ni Denise pero heto pa rin ako't, sumusunod sya. Sumasakit tuloy ang ulo ko. Tapos sya ay kampante lang sa gilid. Nagpapaganda.
Damn! What Joyce?. anong plano mo?.
"Bakit umiiyak si Bamby?.." anito. Noon ko lang natanto ang pag-upo nya sa tabi ko. Sumandal sya't itinaas ang kamay. Saka dahan dahang pinadausdos salikod ko ang mahaba nyang braso.
Hindi ko ngayon alam ang isasagot. Marami akong paliwanag na naiisip pero inuunahan ako ng kaba at takot. Kaba na baka husgahan nya ako at takot na baka, hindi nya ako paniwalaan.
"Nag-away kayo?. Bakit?.." patuloy lang sya sa pagtatanong kahit walang natatanggap na sagot sakin.
"Hindi ko sadya.." nauutal kong tinig. Sa baba nakatingin. Nahihiyang tumingin sa kanya. Nangilid ang luha saking mata. Pilit ko iyong pinipigilan pero huli na. "Hindi ko sinasadya.." mahina kong hikbi. Tinakpan ko na ang mukha gamit ang dalawang palad para di nya makita ang namumula kong mukha.
"Ssshhhh.." pinapatahan nya ako sabay hagod saking likuran. "Wag ka Ng umiyak.. kung anuman ang dahilan ng awayan nyo.. labas na ako doon.."
Sa sinabi nya. Para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig. Umuusok iyon sa lamig. Nanginig ako't lalong tumulo ang luha.
Paanong labas ka duon baby ko?. Ikae nga ang dahilan kung bakit ako ganito. Kung bakit ko inaway ang kapatid mo. Kung bakit, hindi ako mapakali sa tuwing andyan ka sa tabi ko. Gusto ko iyong sabihin lahat sa kanya subalit wala akong lakas. Naubos ang taglay kong lakas sa mga hagod nyang para akong pinapatulog na. Mabigat iyon ngunit katamtaman lamang para maramdaman ko ang pag-aalala nya.
Bakit sya nag-aalala sakin?. Is he really true to his words, 'baby' thing?.
Tsk! Ano ba Joyce!.Yang problema mo nga muna yang ayusin mo. Hindi yunh kung anu ano.
Hindi na sya umimik matapos kong umiyak. Iniabot nya pa ang mabango nyang panyo sakin. Kinuha ko iyon at pinunasan ang luhang natuyo saking mata at pisngi. Hinagod nya rin ang buhok ko kaya bahagyang nagsitayuan ang malilit kong balahibo sa binti. Kakaiba ang dulot noon sakin. Bago at ngayon ko lang naramdaman. Sa kanya pa talaga.
"Don't worry.. I'll talk to her.." maya maya'y dagdag nya.
"No!.." maagap kong tanggi.
Tinignan nya ako ng mariin. Nakita ko iyon sa gilid ng aking mata. "Wag na.. ako nang bahala.." pinilit kong wag ipakita sa kanyang mahina ako. Baka awayin nya pa si Bamby. Iba pa naman sila kung mag-away. Walang pansinin. Cold treatment kahit magkasalubong pa sila o sa iisnayg bahay nakatira.
"You can trust me baby.." bigla ay sabi nya. Nagulat ako dahil ang akala ko ay hindi na sya magsasalita muli. "Gusto kitang tulungan... gusto kitang suportahan.. pero bago iyon.. kailangan mo muna akong pagkatiwalaan.."
Wala na naman akong naisagot. Hinayaan nya lamang akong magtago sa likod ng panyong iniabot nya.
Tiwala?. Mukhang hirap ko iyong ibigay nalang basta..