webnovel

Chapter 14: Denise

Bago ang aming intrams. May nagawa ako na labag talaga sa loob ko. I didn't mean to hurt her pero kailangan. Alam mo yun?. Kumplikado. Inaway ko si Bamby. Pinaratangan ko sya at sinabihan ng malandi. Alam mo kung bakit?. Dahil tinakot lang naman ako netong pinsan ko na si Denise.

Nasa may kubo ako. Nagpapahinga ng biglang dumating si Lance.

Eto na naman akong nagtataka sa presensya nya sa pananahimik ko. "Bakit ka absent kahapon?.." tanong nya matapos makaakyat ng kubo at maupo sa harapan ko. Mismong kinauupuan ko. "Tinataguan mo na naman ba ako?.."

"Anong ginagawa mo rito?. Wala dito si Bamby.." Hindi ko maiwasan ang maging sarkastiko. Ginugulo kasi nito ang tahimik kong mundo.

Nginisihan nya ako. "Alam ko. Kaya nga ako nandito.." anya na nakapagpalito sakin ng todo.

Nakakunot ang noo kong tumingin sakanya kahit hindi ko sana kaya. Tiniis ko para lang ipakita sa kanyang hindi ko nagugustuhan ang pagsulpot nya bigla sa kung saan. Tumikhim sya't hinagod ang buhok patalikod. "Bakit ka absent?.."

"Wala.." walang gana kong sagot. Nag-iwas ako ng mata sa titig nyang nilalasing na naman ako.

""Bakit, baby?.." iyon ang hindi ko napaghandaan. Ang pag-upo nya sa tabi ko. Amoy na amoy ko ang nakakabaliw nyang pabango. Inaakay akong matulog sa bisig nya. "May problema ba?.." malambing nitong tanong. Dinungaw ang mukha ko dahilan para ibalik ko sa pwesto nya ang aking paningin.

Kinagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil na magsalita. Mataman nyang pinanood ang buo kong mukha na para bang bituin itong nagkikislapan sa ganda. Nakakaloka!.

"Joyce?.." ang boses na yun. So Denise. Nasa baba. Nakatingala sakin o sa taong kaharap ko ngayon. Nakataas ang dalawang kilay sa posisyon namin.

Agad akong tumayo at lumayo kay Lance. "Denise?.." natataranta kong tawag sa pangalan nya. Kampante syang umakyat ng hagdan. Walang bahid ng kahit anong alinlangan.

"Anong ginagawa nyo?.." she asked like we did something. Inaakusahan na agad kami kahit wala pa akong paliwanag. Wala naman kaming ginagawa. Magkaharap lang kami dahil nag-uusap kami. Iyon lang. Gusto kong ipaliwanag pero baka hindi nya paniwalaan.

"Ah.. Denise, si Lance, kuya ni Bamby.." pakilala ko nalang kahit hindi naman sana kailangan. Preskong tumayo itong si Lance saka nya inilahad ang magandang palad. "Hi.." si Lance. Gwapong gwapo kahit maglahad lang ng kamay.

Nakanganga si Denise. Tinitigan ang kamay na nakalahad. Tulala sa taong kaharap. Minuto muna bago nya tinanggap. "Hello.." mahina nyang sagot. Umawang pa ng bahagya ang kanyang labi. May gusto pa yatang idagdag ngunit hindi na tinuloy.

Nilamon kami ng katahimikan.

Nakaupo na ako't lahat. Wala pa ring nagsasalita. Mabuti nalang tumunog ang cellphone ni Lance. Nabasag ang nakakabinging katahimikan. Magkatabi kami ni Denise at kaharap namin sya. Kinuha nya ang maingay na cellphone sa kamyanh bulsa at sinagot.

"Kuya?.." patanong. Kahit ang bukol sa kanyang leeg ay kayganda pa ring tignan. Ganun nga siguro kapag gusto mo ang isang tao. Lahat ng sa kanya ay maganda. Wala kang makikita na kapintasan.

Matagal syang nakinig sa cellphone bago tumango. "I have to go.." paalam nya maya maya. Hindi na nya hinintay pa ang pagsang-ayon ko. Basta tumakbo na sya't nagtungo sa room ng nya.

"What are you guys?.." ani Denise after umalis ni Lance. Duon lamang ako sumandal at nagpakawala ng malalim na hininga. Hindi ko magawa kanian dahil sa hiya.

"Wala.." walang gana kong sagot. Dinungaw nya ako ng tumingala ako. Sa bubong ng kubo naghanap ng isasagot.

"Wala ba talaga?.. e ano yung nakita at narinig ko?. Baby?.."

Oh shit!!

"Denise, it's not what you think?.." paliwanag ko. Nagbaba ng tingin para ipakitang hindi iyon tulad ng nasa isip nya.

"What is it then?.." tumaas ang kanan nyang kilay. Maging ang mapula nyang labi ay humaba. Nang-usisa talaga.

"Hindi mo ba talaga sasabihin?.." after a span of minutes na di ako nagsalita. Nagdadalawang isip ako dahil alam ko ang ugali nya. Hindi maganda.

"Denise.. hindi nga ganun yun.. hindi kami.. walang kami.." maikli kong pahayag. She licked her lower lips.

"Talaga ba?.." tsk!.. Ang hirap naman magpaliwanag sa taong ayaw maniwala sa paliwanag mo. Para kang news anchor na nagbabalita lang kahit walang nakikinig. O hindi naiintindihan ang binalita mo. "You have your little secret huh. Alam ba ito ng bff mo?.." pinakiusapan kong wag munang sabihin. But she just shrugged her shoulders off.

"Denise?.." pakiusap ko talaga.

"Hahaha.. alright.. it's a secret.. pero kung gusto mong hindi nya malaman.. do me a favor.." eto na nga ba yung sinasabi ko. Lahat ng favor mo ay laging may kapalit pagdating sa kanya.

At ang mahirap pa. Ang sirain ko si Bamby. Sa mata ni Jaden at ng lahat.

Damn!!

Próximo capítulo