After that day. Tinaguan ko nga sya. May parte sakin na gusto syang makita pero natatakot ako. Takot akong kapag nakita muli sya, hindi ko na mapigilan pa ang puso kong ibigin sya lalo.
"Huy, gurl!. malayo ang tingin mo ha?. may gwapo ba dyan?." tinapik pa ako nitong si Winly sa likod. Nakaupo ako sa may kubo malapit sa room. Nakapangalumbaba at malayo ang tingin gaya ng sabi nya.
"Meron.. gusto kong makita?.." kinagat ko ang pang-aasar nya. Nginiwian nya ako. "Saan?.." mabilis syang tumayo at lumapit sa pwesto ko.
"Ayun oh!.." turo ko sa gilid nya. Hindi nya iyon nakikita dahil nakatalikod sya sakin.
Namaywang sya't sinamaan ako ng tingin. "Hay naku gurl!. asan nga?.."
"Iyon nga. bakit di mo makita?.." nagtatago na ang nakakaloko kong ngiti sa likod ng mapagbiro kong mukha.
"Aray! ahahahaha.." reklamo ko ng hampasin nya ako gamit ang kanyang pamypay. Padabog syang umupo sabay dekwatrong pangbabae sa tabi ko at maingay na binuklat ang mahiwaga nyang pamaypay.
"Paasa ka talaga.. psh.." siring nya pa sakin.
"Gwapo ka naman talaga kasi.. bat di mo iyon makita?.."
"Gwapo ako?. tapos kung makatawa ka dyan wagas?. hustisya naman sa mukha ko dai.."
"Ahahahaha.. Ewan ko sa'yo.." iling ko sa haba ng kanyang pulang nguso.
Bahagya kaming natahimik. Maingay ang paligid pero Parang pareho kaming nag-iisip o ng taong iniisip.
"Pansin mo bang lalong gumaganda si Bamby?.." nakangisi ko syang nilingon.
"Sabi na nga ba eh. gusto mo sya noh?." bukambibig nya ito simula noong nagbukas muli ang klase. Hinarap ko sya't tinitigan. Alam mo kung anong ginawa nya?. Inikutan lang naman ako ng bilygan nyang mata. "Like duh?.." humagalpak ako.
Like duh talaga?!
"Like duh?.." ginaya ko sya. Pang-aasar lang.
"Pwede ba?. tigilan mo ako dyan dai.. baka gusto mong tawagin ko si papa Lance.." unti unting natunaw ang suot kong matamis na ngiti. Napalitan iyon ng pagtataka.
Paano nya ito nalaman?. Halata ba ako?. Lagot ako neto! Takbo na dai!
Ngayon, sya naman ang humagalpak. "Ay, dai, affected?.. hahaha.. asa ka gurl.." humagalpak pa sya.
Kahit na tumatawa sya. Ramdam kong may alam ito. Hindi ito basta magsasalita kung wala syang alam. Pero paano naman?. Nakita nya ba kami sa gym kahapon?. O gosh!. No way!
"Winly?.." tawag ko sa pangalan nya sa paraang nagtatanong. Nakatalikod na ako sa kanya. Tinatanaw ang maingay na kabilang building. Recess time kasi.
"Yes baby?.. hahahaha.."
Damn it! May alam nga sya! But how?
Taka akong humarap muli sa kanya. Nakasandal na ito sa kawayan bumubuo sa kubo. Hinawakan ang baba nya saka hinampas ng malakas ang kanyang pamaypay. "Baby talaga?. kayo na ba?.." pang-uusisa nya sakin. Tinaasan ako ng isang kilay. Tinatarayan ako. Tipo nya kasi itong si Lance.
Nagkibit balikat ako. Ano namang sasabihin ko?. Na sinabi nya lang iyon dahil may alam ako tungkol sa kanya. No way!. Nabantaan na ako kaya mas mabuting ideny nalang. Tsaka kapag nagpaliwanag ako, malamang hanggang umpisa ang mauungkat. At malalaman nya talagang gusto ko si Lance. Karibal nya ako.
"O speechless?." turo nya sa labi ko. "Meaning kayo na?.." wala akong ibang maisip na gawin kundi ang umiling.
Tumango tango sya na para bang alam ang iniip ko. "Kailan pa to?.." hthoughte really na kami na nga.
Kinagat ko ang labi bago nagsalita. "Win, it's not what you think.."
"E ano nga?.."
"Basta. mahabang kwento.."
"Tsk.. ayaw mo lang sabihin eh. sige, sa kanya ko nalang tatanungin o kay Bamby.."
"No!!.." mabilis kong tanggi. Muli na naman nya akong tinaasan ng kilay. Hindi sya nagtanong. Hinihintay Ang aking paliwanag. "Sige, pero pwedeng tayo muna ang makakaalam.." matagal sya bago tumango.
At ayun. Kinwento ko ang buong detalye sa kanya simula umpisa. Bahala na.
Paano ba naman ako magsisinungaling kung nagtanong na sya?.
He asked, meaning he knows about it. and when he knows about it. Dont lie about it. That's it.